REIGHN SELESTINE Nagising ako na halos hindi ko kayang imulat ang mga mata ko. Kanina pa panay tunog ang alarm ko pero hindi ako makabangon. Hanggang sa may narinig akong tumawag kaya naman kinapa ko na lang kung nasaan ang phone ko. “Reighn,” sambit niya. “Lucas,” paos na sambit ko. “Hey, are you okay?” tanong niya sa akin. “Okay lang ba kung bukas na lang tayo umalis? Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Ang sama ng pakiramdam ko ngayon,” sabi ko sa kanya. “It’s okay, gusto mo ba d’yan na ako pumunta?” tanong niya sa akin. “No na, okay lang ako. Masakit lang ang lalamunan ko,” sabi ko. “Okay, kung hindi talaga okay ang pakiramdam mo ay tawagan mo ako. Puwede mong ibigay ang address ng apartment mo para mapuntahan kita.” sabi niya pa sa akin. “Tatawag ako kapag masama ang pakira