CHAPTER 7

1334 Words
REIGHN SELESTINE “Kuya,” narinig ko na tawag ni Kian sa lalaking bumaba sa kotse. “Napadaan lang ako dito,” sagot ng lalaki na kakababa lang sa kotse. Matangkad ito at kamukhang-kamukha siya ni Kian. Ito ba ang nagbigay sa akin ng cake? Hindi ko alam bakit feeling ko disappointed ako sa hindi ko rin malaman na dahilan. “Mama, siya po ba an–” “Hindi siya, anak. Ang panganay kong anak ang nagdala ng cake kanina,” sagot niya sa akin. “Ah, ganun po ba.” “Siya ang pangalawa kong anak. Siya naman si Victor,” pakilala sa akin ni mama. “Ito na ba si Reighn?” nakangiti na tanong nito. “Siya nga, siya ang palagi kong kinukwento sa inyo,” sabi ni mama. “Happy birthday,” nakangiti na bati niya sa akin. “Thank you po, kuya.” sabi ko sa kanya. “Napadaan lang ako dito, mom. Kailangan ko rin umalis agad,” sabi niya kay mama. “Ayaw mo ba munang kumain?” tanong sa kanya ni Mama Veron. “Dumaan lang talaga ako, mom. Alis na po ako, love you mom.” sabi nito at tumalikod rin para umalis. Bumalik na kami sa loob ng apartment at tinapos na ang pagkain namin. Pagkatapos ay nagpaalam na si mama na kailangan na niyang umalis at Kian na lang ang naiwan sa apartment nila. Niyaya ko naman si Kuya Lance na pumasok sa loob ng apartment ko dahil hindi pa raw siya uuwi. Nagkwentuhan muna kaming dalawa hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Kapag siya talaga ang kasama ko ay ang daldal ko na para bang hindi ako nahihiya sa kanya. “Kailangan ko ng umuwi,” sabi niya sa akin. “Dito ka na lang matulog, kuya. Gabi na, may isang bakanteng room naman dito.” sabi ko sa kanya. “Are you sure?” “Oo naman, gabi na kaya. Saka kuya naman kita kaya okay lang,” sabi ko sa kanya. “Okay,” nakangiti na sabi niya sa akin. Pumasok naman ako sa room ko habang kinikilig ako. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil mabait na tao si Kuya Lance. At alam ko rin na wala siyang gagawin sa akin na masama. Ganito ba ang feeling na nasa malapit lang ang crush mo? Tanong ko sa sarili ko. Ilang oras na akong nakatitig lang sa kisame at hindi man lang ako dalawin ng antok kaya naman lumabas ako sa room ko. Napatingin ako sa room kung saan naroon si kuya Lance. “Tulog na kaya siya?” tanong ko sa sarili ko. Naglakad ako papunta sa labas dahil gusto kong magpahangin. Safe naman dito kaya wala akong dapat ikatakot. Pagbukas ko ng pinto ay may nakita akong tao na nakatayo malapit sa may pinto ko. “Who are you?” lakas loob na tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Nakasuot siya ng hoodie, naka-sumbrero at naka-mask rin siya. Bigla akong nakaramdam ng takot kaya naman bigla akong napa-atras. Hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya at nakatingin pa siya sa akin. Hindi ko alam kung may binabalak ba siyang masama sa akin pero hindi naman kasi siya umaalis sa kinatatayuan niya. Hindi ko rin makita ang mukha niya pero matangkad siya. “Who are you?” Tanong ko ulit sa kanya pero hindi man lang siya sumagot at bigla na lang siyang tumalikod at umalis. Ilang segundo rin akong nakatayo dito sa may pinto. Ngayon lang ito nangyari sa akin. Pero kung masamang tao siya ay sana sinaktan na niya ako. Kaysa mag-isip ng kung anu-ano ay pumasok na ako sa loob at ni-lock ko ng maayos ang pinto ko. Bumalik ako sa room ko at humiga na ulit para matulog. ***** Paglabas ko sa room ko ay agad kong naamoy ang masarap na almusal. Kaagad akong napangiti dahil alam ko kung sino ang nagluto. Mukha marami ang makakain ko nito. Breakfast made by crush ba naman ang agahan ko. “Good morning,” nakangiti na bati sa akin ni Kuya Lance. “Good morning, Kuya.” “Breakfast na tayo,” sabi niya sa akin. “Ikaw ba nagluto nito? Mukhang masarap,” sabi ko sa kanya. “Hindi lang mukha kundi masarap talaga.” Nakangiti na sagot niya sa akin kaya naman lihim na naman akong kinikilig. Habang kumakain kami ay nakayuko lang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Bakit ba kasi ang gwapo niya? Kahit bagong gising ay gwapo siya. Kaya kinikilig ako ng sobra. Matatapos na lang yata kam kumain ay hindi pa rin huhupa ang kilig ko. “May class ka ba ngayon?” tanong niya sa akin. “Meron po,” sagot ko sa kanya. “Okay lang ba kung ihatid kita?” tanong niya bigla sa akin. “Naku, ‘wag na kuya. Malapit lang naman dito ang school ko diba. Walking distance lang naman. Baka kasi may gagawin ka pa. Kailan ka pala babalik sa Pilipinas?” tanong ko sa kanya. “In next three days,” nakangiti na sagot niya sa akin. Ngumiti na lang ako at tinapos ko na ang pagkain ko. Hinayaan ko na lang siya na maghugas ng mga hugasin dahil ang sabi niya ay maghanda na ako para pumasok sa school. Mabilisang linggo lang ang ginawa ko dahil ayaw kong magtagal sa banyo. Nang makabihis na ako ay sabay kaming lumabas ni Kuya Lance. “Dinner tayo mamaya. Kung okay lang sa ‘yo?” tanong niya sa akin kaya lihim na naman akong kinilig. “Okay po,” sagot ko sa kanya. “Punta na lang ako dito mamaya. Dadalhin ko na rin ang mga pasalubong ko sa ‘yo.” “Bye po, kuya. Ingat ka,” sabi ko sa kanya. “Ikaw rin,” nakangiti na sabi niya. Sumakay na siya sa kotse niya. Ako naman ay naglakad na rin papunta sa school ko. Habang naglalakad ako ay napahawak ako sa kwintas ko. Wala naman akong balak na isuot ang kwintas na ito pero ewan ko ba. Parang may nagsasabi sa akin na isuot ko siya ngayon. Maganda naman siya at komportable ako. Malakas talaga ang kutob ko na si Kuya Vin ang nagbigay sa akin nito. Siya lang ang tumatawag sa akin ng Ren-ren at wala ng iba. Hindi lang siya nagpapakita sa akin pero ano naman kaya ang reason niya. Tapos nag-aalala na ako ngayon sa taong nakita ko kagabi. Iniisip ko tuloy na lumipat na ng apartment. Nang makarating na ako sa campus ay kaagad akong pumunta sa class ko. Hindi ko alam pero bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Kaya naman maaga akong umuwi sa bahay. Habang naglalakad ako pauwi ay nakita ko na naman ang kotse ng kuya ni Kian. Mabilis akong lumapit sa kotse niya. Sinilip-silip ko kung may tao ba sa loob pero hindi ko naman makita dahil tinted ang bintana ng kotse. Bigla akong nalungkot dahil gusto ko sanang magpasalamat sa kanya. Hindi ako maaaring magkamali dahil natatandaan ko talaga na sa kanya ang sasakyan na ito. Kaya naman kumuha ako ng sticky notes at nagsulat ako ng note ko para sa kanya. Nahihiya naman kasi akong kumatok sa apartment nila mama. “Kuya, Thank you po sa cake and mango graham. Have a nice day! –Reighn.” Dinikit ko na lang ito sa kotse niya para pagbukas niya ng pinto ay makikita na niya agad. Muli akong sumilip sa loob pero hindi ko talaga makita kung may tao ba o wala. Naglakad na ako papasok sa loob ng apartment ko at pagpasok ko ay pabagsak akong humiga sa may sofa bed dito sa sala. Ang saya ko kaninang umaga dahil nandito si Kuya Lance pero bigla na lang nagbago ang mood ko. Pipikit na sana ako pero may nag-doorbell mula sa labas. Ayaw ko sanang bumangon pero hindi ito tumitigil. Bumangon na lang ako para buksan ang pinto pero nang buksan ko na ito ay….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD