Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa iniinom ko na kanina lang may yelo pero nang angatin ko at inumin hindi na 'yon gano'n kalamig. Hindi ko na rin pinigil 'yung mga luha ko sa t'wing babagsak sila. Iba kapag nasanay ka na kasama mo siya, at umasa ka na hindi 'yon matatapos dahil it feels good, it feels right, kaya iyong ganitong pagkakataon mas masakit siya lalo kung alam ko na wala namang laban, dahil kung ipipilit ko, masasaktan ko lang siya—and that's the least thing that I wanna do.
Natigil ako sa pagsasalin ng alak ng makarinig ako ng malakas na pagbato sa nakasarang bintana. Tumayo ako para alamin kung sino 'yon at hindi yata marunong gumamit ng doorbell. O sa sobrang pokus ko sa kaiisip kay Blue, hindi ko na narinig na may nag doorbell na? Hindi ko talaga mapagkakatiwalaan si Xander, panigurado sinabi na niya sa mga kaibigan namin 'to.
Binuksan ko 'yung pinto nang halos magkasalubong ang kilay ko pero kaagad 'yon nagbago ng makita ko si Blue na basang-basa ng ulan. Payong iyong ibinato niya sa bintana dahil naro'n pa sa ibaba 'yon.
"Paano mo 'to nalaman?" Nilapitan ko siya dahil malakas 'yong ulan pero kaagad niyang binawi ang braso niya ng mahawakan ko 'yon. "Kagagaling mo lang sa sakit!" pilit ko siyang hinawakan pero pinipilit niya pa rin na alisin ang kamay ko sa braso niya.
"Nag-aalala ka ba? Hindi naman 'di ba? Dahil kung inaalala mo 'ko hindi mo 'ko pahihirapang hanapin ka!"
Natigilan ako kaya nabawi niya ang braso niya. Pareho kaming nababasa ng ulan pero hindi ko maramdaman 'yung lamig dahil mas nakapokus ako sa galit niyang itsura, at alam ko na bumabagsak ang mga luha niya.
"Ginawa mo na 'to nang isang beses, inulit mo na naman..." Bumaba 'yung boses niya dahil gumaralgal 'yon. "Araw-araw naman kitang pupuntahan do'n kung hindi ako nagkasakit, araw-araw akong nahihirapan na isipin kung ano 'yung nangyayari sa 'yo sa loob kahit pa hindi ka naman nakahalo sa iba dahil hindi ka pa rin magiging komportable sa higaan mo do'n. Naiinis ako sa sarili ko na hindi kita mapuntahan, sumasabay pa 'yung sakit na 'yon kung kailan mas kailangan mo 'ko. Kung galit ka sa 'kin maiintindihan ko 'yon pero hindi mo na naman ako kinakausap, iiwanan mo na naman ako Adam nang biglaan."
Hindi ko alam kung bakit nakatitig lang ako sa kanya, nasasaktan ako na nasasaktan siya pero hindi ko alam kung anong sasabihin.
"Hindi ko gustong magalit pero nararamdaman ko 'yon dahil sa paulit-ulit na sinabi ko kay mommy na tulungan ka niyang makalabas dahil ayaw ng lolo mo dahil gusto ka muna niyang matuto, pakiramdam ko wala naman talaga siyang ginagawa para sa 'yo samantalang hindi ka naman dapat nando'n."
"Ako ang dahilan bakit ka napunta ro'n. Hindi mo kailangang isipin na kasalanan mo 'yon, kung hindi ako dumating sa buhay mo hindi ka mapapahamak."
Umiling siya, "How could you say that? Kung 'di ka dumating sa 'kin baka hindi na 'ko pumasok uli, kung 'di dahil sa 'yo hindi ako magiging mas masaya, kung hindi ka dumating no'n at sinalo 'yung malakas na paghampas mabubuhay ako sa takot o baka namatay na 'ko. Kung 'di ka dumating uli para sa 'kin hindi ka muntikan ng mabaril ng lalaking 'yon. Lahat ng ginagawa mo para sa 'kin nakikita ko 'yon, palagi mong sinasabi na mali ang pagkakakilala ko sa 'yo pero ikaw 'yung mali 'yung pagkakakilala sa sarili mo. I want to be brave because you are so brave, but how can I defend someone as strong as you? While you see me as weak that I can't even stand with you!"
"Nobody believes in me, even you." May hinanakit na sinalubong niya ang tingin ko. "Ipinararamdam ninyo sa 'kin na marami akong hindi naiintindihan, lalo na 'yung nararamdaman ko para sa 'yo. Gustong-gusto kita, alam ko na pareho tayong lalaki pero totoo na mahal kita. Hindi ko alam kung paano ko 'yon ipaparamdam sa 'yo, kasi kung sasabihin ko sa 'yo hindi mo naman ako paniniwalaan, they say I'm too young to call it love, nadadala lang ako ng damdamin ko sa 'yo at mali lang ako ng tingin sa 'yo pero wala naman akong ibang naisip na makakasama ko sa iisang bahay kundi ikaw, I imagined myself having you for a lifetime. And my biggest fear is losing you for a woman who could easily give you a child, while I couldn't."
"Blue..." Naramdaman ko na rin 'yung pag-uunahan ng mga luha ko.
"Naiintindihan kita Adam. Alam ko kapag hindi ka masaya, may problema, nagseselos, nagtatampo, siguro nga mukhang hindi kita kayang ilaban pero kakayanin ko 'yon. Kung sasabihin nila na mali 'to, sasama 'ko sa 'yo kahit saan kung hindi ka nila tatanggapin sa 'kin. Hindi ba p'wedeng pareho tayong lumaban? H'wag mo 'kong sukuan, 'wag mong isipin na mahina ako para sa 'yo, dahil kaya kong mas maging matatag sa 'yo."
Lumapit ako sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap. Sa buong buhay ko, ito na yata 'yung iyak na hindi ko inisip na magagawa ko. Napatunayan ko na mahina ako, at mali na pagdudahan ko siya. Siya ang palaging humahanap sa 'kin at nakakatagpo, siya ang nagpapasaya sa 'kin at iyong thrill na hinahanap ko sa buhay, panandalian ko lang nararamdaman dahil wala pa siya sa 'kin, pero nang dumating siya hindi ko na 'yon kailangan dahil nakuntento na 'ko.
"I'm sorry..."
Maybe I was too harsh about myself—tama siya, hindi ko nakikitang mabuti ang sarili ko, dahil mas nasanay ako sa loob ng bahay na sinasabi nilang mahaba ang sungay ko at napakahirap kong disiplinahin. My parents told me I was bad since I was young, that's why I live myself knowing I'm a bad person.