PROLOGUE AND COPYRIGHT
COPYRIGHT @ 2020 RedLine Media Publishing. Inc. All rights reserved including the right of reproduction in whole or in part in any form. This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental
Published by RedLine Media Publishing, Inc. 2020
Pinoy BL is an imprint of Pride Lit
First printing 2020
Printed in the Philippines
ISBN 978-621-408-132-5
Exclusively Distributed by Precious Pages
Note: I just wanna share you my published book, kung kayo ay nasa Pilipinas you can purchase this just ask me how! Lovelots!
PROLOGUE
BLUE
"Sa tingin ko mas makakabuti naman 'to sa kanya, saka na lang natin siya ibalik sa tutorials kung hindi 'to mag-work baka makatulong din 'to sa kanya," narinig ko si tita na kausap si mama sa Skype.
Nang balingan ako ni tita, nginitian ko siya.
Sixteen years old na 'ko ngayon. Grade four nang huminto akong pumasok sa eskuwelahan at manatili na lang sa bahay kasama ang tita ko na dalaga pa rin sa edad na fourty-five. Nasa Spain si mommy at daddy, umuuwi naman sila rito pero hindi gaanong nagtatagal.
Iyong suhestiyon ni tita, ako ang nagsabi no'n sa kanya para sabihin niya kay mommy, nahihiya pa rin kasi ako sa kanya kahit na siya ang biological mother ko. Ganoon siguro minsan kapag hindi ka lumaki sa kanila.
Parehong doktor ang mga magulang ko, kaya ganoon din sana ang gusto ko. Hindi ako malapit sa kanila dahil bata pa lang iniwan na 'ko ni mommy kay tita, teenager lang siya ng dalhin ako at hindi pa sila naging maayos ni daddy. Pero nagkabalikan din sila, ten years old na 'ko ng makilala ko ang biological father ko at mapalitan ang apelyido ko mula sa Blue Lucero patungo sa Blue Yamashita—Japanese si dad, pero lumaki sa Pilipinas.
Huminto naman ako sa pag-aaral dahil sa sakit sa puso—masyado nila 'kong inaaalala, lalo at hindi naman nila 'ko p'wede i-monitor maya't maya sa eskuwelahan. Ilang beses akong inatake no'ng grade four ako kaya nauwi na sila sa desisyon na ihinto ako at i-home study na lang.
Wala namang kakaibang nangyayari sa 'kin sa loob ng bahay. Tingin ko naman normal na ako, at masyado lang silang nag-aalala sa 'kin na hindi ko naman minamasama dahil magulang ko sila at alam ko na makakabuti lang sa 'kin ang gusto nila. Pero sa ngayon gusto ko na rin talaga ng kaibigan, tunay na eskuwelahang papasukan, at maiba naman ang iniikutan ng mundo ko maging ang mga ginagawa ko.
Malalaki ang bahay sa subdivision namin, hindi ako nagkakaro'n ng pagkakataon na lumabas para magkaro'n ng ibang mga kalaro. Siguro sila rin ikinukulong sa mga bahay nila, pero ang maganda lang sila nakakapag-aral hindi katulad ko.
Akala ko gano'n kadali ang buhay sa labas, akala ko rin mangyari lang 'yon sa buhay ko, magiging napakasaya ko na at isa na 'yong pinakamagandang regalo na maibibigay nila sa 'kin. Pero iba pala ang labas sa inaasahan ko.
Lapitin ako higit ng mga lalaki. Dahil unang beses kong magkaro'n ng kaibigan sa mahabang panahon hindi ako namili, dahil masayang-masaya na 'ko na may mga kaibigan ako. Sa tagal ko silang nakasama naamoy ko ang iba't ibang usok ng nilalanghap nila sa bagong mundo na pinagdalhan nila sa 'kin.
Madalas na ro'n kami sa apartment na pag-aari nila Myco.
"Bakit ang cute mo?" si Ed 'yon, isa sa kaklase ko.
Nakainom na sila. Nasa ibaba sila habang nasa ibaba ako ng double deck na kama. Hindi ako umiinom, pinapanood ko lang sila at nakikipagtawanan sa kanila kahit iyong pinag-uusapan nila, karamihan naman talaga hindi ko maintindihan.
Natutuwa naman ako sa kanila kahit puro kalokohan 'yon, ganoon kababaw ang kasiyahan ko.
Nagtitinginan silang apat at magngingitian kaya ngingiti na lang ako dahil hindi ko naman maisip kung may kahulugan ba 'yon o wala.
"Ang puti mo, ang lambot mo rin," hinawakan ni Harvey ang palad ko at pinisil 'yon.
Nailang ako sa ginawa niya pero hindi ko 'yon binawi dahil baka kung anong isipin niya.
Naupo si Ed sa tabi ko, "Pinkish din 'yong pisngi niya, Harvey," pinisil niya ang pisngi ko. "Mas cute ka pa sa mga kaklase nating babae," dumapo ang kamay niya sa likuran ko at hinaplos niya 'yon nang may kasamang pagpisil.
"Marami pa 'kong gagawing assignment, bukas na lang." Nginitian ko sila, naiilang ako sa ginagawa nila sa 'kin. Ayoko naman mag isip ng masama dahil pare-pareho kaming lalaki.
Kinuha ko 'yung mga libro ko sa kabilang gilid ko, plano ko na ngang tumayo kung 'di lang ako hinila ni Harvey paupo uli.
Nakita ko si Myco na ini-locked ang pinto at ngising-ngisi sa 'kin.
Nakaramdam na 'ko nang pagkaalarma, nakadagdag din sa kaba ko 'yong mga namumula nilang mata dahil do'n sa kung anong pinagpapasa-pasahan nilang may usok.
Tumayo na 'ko at patungo na sa pintuan pero mukhang hindi nga 'ko palalabasin ni Myco na nanatiling nakatayo sa nakasarang pintuan.
"Dito ka muna, minsan ka lang naman magtagal saka kaibigan mo naman kami," sabi ni Myco.
"Hahanapin na kasi ako,"
Sa isang iglap napapaligiran na nila 'ko kaya nanatili akong yakap-yakap ang mga libro ko. "Please, 'wag ninyo ko lokohin ng ganyan." Nanlalamig 'yong mga kamay ko, hindi ko alam kung kanino ako titingin sa kanila dahil nagsisimula na 'kong mag-panic.
May humila sa kanila sa 'kin mula sa likuran at iniharap ako sa kanya, bigla niya 'kong sinikmuraan. Nagsimula akong mamilipit sa ginawa ni Harvey. Pinagtulungan nila 'kong ihiga, pakiramdam ko naging demonyo sila sa paningin ko. Hindi ko maintindihan kung anong gagawin nila sa 'kin, pare-pareho kaming lalaki!
Basta na lang nilang tinabig 'yong mga iniinom nila at walang pakialam kung tumapon ang isa sa mga bote ng alak na may laman pa.
Naramdaman ko ang malamig na sementong kinahihigaan ko. At 'yong sakit ng walang ingat nilang paghawak sa 'kin para pigilin ang pagpupumiglas ko.
"Nakainom lang kayo, please..." nangingilid na 'yong luha ko.
Nagsimulang magblangko 'yong isip ko nang marinig ko ang malalaswang sinasabi nila. Maging nang makita kong hubarin ni June 'yong polo niya—ang itsura nila, sa paningin ko tila sila mga demonyong tuwang-tuwa, maging ang boses nila pakiramdam ko hindi na boses ng tao, hindi na sila 'yong mga kaibigan ko. Takot na takot ang pakiramdam ko...
Masakit 'yung pakiramdam na may isang demonyong nakahawak sa mukha ko, at pilit namang pinaghihiwalay ng mga kamay ng dalawa pang demonyo ang hita ko, habang ang isa'y nakatayo sa harapan ko.
Pinilit kong abutin ang nakatumbang bote ng alak at nang maabot ko 'yon inihampas ko 'yon nang malakas sa isa sa nakahawak sa binti ko, nang mabitiwan niya ang binti ko, ginamit ko 'yong panipa sa demonyong nakatayo sa paanan ko. Nag-iba 'yong lakas ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung paano ko nagawang kunin ang ibang mga bote at ipukpok ko 'yon sa kanila. Mga demonyo sila, tumatawa sila kaya sinasaktan ko sila! Sasaktan nila 'ko, may masama silang gagawin sa 'kin kaya ko nagawa 'yon!
Nagmadali akong lumabas bitbit ang mga libro ko na basta ko na lang dinampot kasama ng bag ko na muntik ko ng maiwanan. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko anumang oras lalabas ang puso ko—naninikip siya.
Nagmamadali akong tumakbo, pakiramdam ko hahabulin nila 'ko kaya hindi ako tumigil. Pero nang maalala ko 'yong ginawa ko, bumagal ako sa paglalakad kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko.
Naalala ko 'yong sinabi ng kasambahay namin dati, baliw raw ako kaya ako ikinukulong, dahil sa galit ni tita pinaalis siya, sabi niya hindi raw 'yon totoo, dahil kaya ako nasa bahay dahil gusto nila na mas mabantayan ako dahil mahina ang health condition ko. Lahat nang sinasabi nila pinaniniwalaan ko. Pero naalala ko nga na sinasabi ko sa kanya na naging demonyo sa paningin ko 'yung kaklase ko ng itaktak niya 'yung bag ko at magbagsakan ang mga gamit ko, sa sobrang galit ko nasaksak ko siya sa balikat ng ballpen. Iyon ang huling beses na pumasok ako sa eskuwelahan—pero hindi iyon ang 'binigay nilang dahilan sa 'kin kaya ako hihinto kundi 'yung sakit ko sa puso noon pang Grade-One ako.
Tinignan ko 'yong mga kamay ko at may bahid 'yon ng dugo, may nakuha rin akong sugat sa bubog na mula sa boteng naipukpok ko.
Paano kung napatay ko sila?
Naupo ako sa isang park bench sa sobrang panghihina. Takot na takot ang pakiramdam ko sa ginawa ko. Anong sasabihin ko pag-uwi ko? Sasabihin ko ba iyong gusto nilang gawin sa 'kin? Maniniwala ba sila? Baka isipin ni tita na baliw talaga 'ko kapag sinabi ko na nagmukha silang demonyo.
"Hoy!"
Gulat na napatingala ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko.
"Bigyan mo 'ko ng pera, dalian mo! Nawawala 'yong wallet ko, s**t naman, pero babayaran kita hindi 'to hold-up! Tignan mo 'tong uniform ko, mayaman ako kaya utang muna dalian mo." Pakita niya sa logo na nasa suot niyang P.E uniform.
Matangkad siya at malaki ang pangangatawan mukha siyang artista pero iyong kontrabidang may magandang itsura.
Kinuha niya basta 'yong bag ko at hinanap siguro ang wallet ko. At nang makuha niya 'yon binuksan niya kaagad at tuwang-tuwa nang makita ang laman no'n, "Naks, marami kang pera, 'buti ikaw ang nakita ko!" hinawakan niya 'ko sa braso sa gulat ko sa pagkakaalala sa nangyari sa 'kin kanina kaagad ko 'yong tinabig.
Sa takot ko napatayo ako sabay tulak sa kanya. Hindi ko na pinansin 'yung mga gamit kong naiwan sa kanya dahil baka saktan niya 'ko, o kaya baka gawin niya rin sa 'kin 'yung ginawa ng mga kaklase ko. Tumakbo na lang ako palayo sa kanya.
"Hoy, loko 'to! Pera lang kailangan ko!"
Umuwi si mommy nang linggong 'yon sa Pilipinas, at dahil nakaakyat kaagad sa Director ng eskuwelahan ang nangyari kaya kaagad na nalaman 'yon ni mommy dahil kaibigan niya 'to. Sa dami nang itinanong niya sa 'kin lalo kung bakit ko 'yon ginawa, ang naging sagot ko lang ay pag-iling. Sa t'wing ipipilit nila, kusa nang babagsak 'yung mga luha ko dahil pakiramdam ko napakasama kong tao.
Ayokong manatili sa bahay.
Gusto ko pa ring mag-aral sa eskuwelahan.
Gusto ko ng kaibigan.
Alam ko iniiisip nila na 'baliw' ako dahil wala akong maidahilan lalo at sinasabi nila na nag-iinuman sila no'n nang bigla ko silang saktan na para 'kong nasisiraan ng ulo. Pero hindi naman 'yon mangyayari kundi nila 'ko sinubukang gawa'n ng masama. Pero wala namang maniniwala sa 'kin.
Pumapasok pa rin ako pero iniiwasan na nila 'kong apat, iniba na rin ako ng section. At after this semester, ililipat na 'ko ni mommy ng eskuwelahan. Hindi ko alam kung kumalat ang nangyari sa 'min ng mga dating kaibigan ko, kung kaibigan ko man sila.
Dumating na rin sa punto na bumibili ako nang kaibigan, iyong ayos lang sa 'kin na bigyan sila nang bigyan basta kakausapin nila 'ko. Kahit may ilang nagsasabi na inuuto lang ako ng iba, hindi ako naniwala kasi sabi nila kaibigan ko sila at sapat na 'yon para magtiwala ako.
Naghihintay ako ng sundo ko nang may mga lalaking hindi ko kilala ang sapilitang nagsakay sa 'kin sa isang puting van. Siniksik niya 'ko sa bakseat kaya napagitnaan nila 'ko ng isa pang lalaki.
"Akala mo ba nakalimutan na namin 'yung ginawa mo sa 'min?" ngisi ni Harvey sa 'kin na siyang kalapit ko sa kabila.
"Kalokohan ninyo, totoo bang nasaktan kayo ng batang 'to?" iyong isang katabi ko na humila sa 'kin kanina.
"Ano bang kailangan ninyo sa 'kin?!" Tumatakbo na 'yong sasakyan. At bumabalik na naman ang takot ko. Baka mag-iba na naman sila sa paningin ko.
Hindi ko kilala kung sino 'yong driver na mukhang mas matanda sa 'min. Pero si June 'yong katabi niya na nakatingin sa 'kin at nagawa pa 'kong kindatan.
"Buti na lang mayaman ka talaga 'no? Laki nang binayad ng magulang mo sa 'min walang-wala 'yong mga ibinigay mo sa' ming sugat," sinundan 'yon ni June ng tawa.
"Ang arte kasi parang titikman lang naman," tumatawang sabi ni Harvey.
Hindi ko magawang magsalita, kinakain ako nang negatibong damdamin ko. Ang malas-malas naman ng magulang ko na ako ang naging anak nila. Alam ko na, narinig ko na sa usapan ni mommy at tita na tinatanggap ako sa eskuwelahan dahil kaibigan ni mommy ang Director. Ibinigay ko naman 'yung 'best' ko sa pag-aaral pero parang 'di talaga ko dapat na makisalamuha sa iba dahil nakakapanakit ako at disappointment lang ang maibibigay ko sa lahat.
Hndi ko ininda kahit naramdaman ko na may kumakagat sa 'kin.
Bumabagsak lang 'yong luha ko at hinayaan ko silang dalhin ako kahit saan, wala naman akong magagawa pa. Baka 'pag namatay ako maging maayos na sila mommy at daddy, p'wede pa naman silang magkaanak uli, atleast hindi na 'tulad kong sakit lang sa ulo nila.
Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa biyahe bago 'yon tumigil at hilahin uli ako nang lalaking tumulak sa 'kin sa loob ng sasakyan kanina. Walang ingat 'yung pagkakahawak niya kaya masakit 'yon sa pakiramdam ko. "Sumama ka do'n sa lokong paparusahan namin," anito.
Basta niya 'ko itinulak nang makapasok kami sa loob ng abandonadong bahay.
Itinali ni Harvey ang kamay ko sa likuran. Marami sila rito, nasa labing-lima sila.
"Kapag nakawala ako rito papatayin ko talaga kayong lahat!"
Nilingon ko 'yong kalapit ko, may pasa na siya sa parte ng labi at mukhang bugbog na bugbog na siya.
"Mamatay na 'tong si Claude, mayabang pa rin!" isang lalaki na may hawak na kahoy na may mga pako ang nakatayo sa harapan namin.
"Alisin mo 'tong tali ko at magsapakan tayo!"
Hindi nagkakalayo ang katawan namin kaya hindi ko alam bakit ang tapang-tapang niya.
Sinabunutan siya nang lalaking 'yon pero nanlaki ang mata 'ko nang duraan niya 'to sa mukha, kaya isang sapak ang ibinigay rito nang lalaking na panay ang mura.
"Tarantado ka talaga!" Ihahampas nito 'yong kahoy sa lalaking si Claude.
"H'wag!" pigil ko.
"Sino naman 'tong cute na 'to?" ngising-ngisi na tinignan niya 'ko. Narinig ko silang nagtawanan.
"Iyan boss 'yung sinasabi namin sa 'yo na binigyan kami ng magulang ng maraming pera. 'Palipas lang kami nang isang buwan bago bawian 'yan," si Harvey na tawang-tawa habang nakikipag-inuman sa mga naroon.
Natakot ako nang lumapit ang mukha no'ng lalaki sa 'kin, "Mukhang 'di naman 'to lalaban bakit itinali ninyo pa?" tumatawang pangmamaliit nito sa 'kin.
"Pati 'tong walang laban sa inyo sasaktan ninyo? Mga ugok talaga kayo!" sigaw ni Claude.
Tiningnan ko siya dahil alam ko na masasaktan na naman siya at hindi nga 'ko nagkamali dahil malakas siyang sinipa sa sikmura no'ng lalaki kaya namilipit siya. Narinig ko pa nga siyang nagmura no'n at patuloy pa ring nagbabanta sa mga naroon.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya nang umalis 'yong lalaki dahil inalok 'to ng tagay ng isa sa kasama nito.
"Papatayin ka na nila nagawa mo pa 'kong tanungin?!" galit na sigaw niya sa 'kin. "Ang ganda ng mga mata mo," tila nagbago ang galit niyang tono sa kalmado. Bigla siyang inihit ng ubo at may kasama na 'yong dugo kaya nawala na ang atensiyon niya sa 'kin.
Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano ko 'yon gagawin.
"Matagal na 'kong b'wisit dito kay Claude, patayin na natin 'to." Binalikan kami ng mga lalaki kaya nagsimula na naman bumalik sa 'kin 'yong gabi na plano 'kong pagsamantalahan nang mga itinuring kong kaibigan.
"Isahan mo na si Blue, Boss, pakinggan natin 'yong paghiyaw niyan baka para 'yang babae," natatawang suhestiyon ni Ed.
"Oh, narinig mo 'yon, cutie?" wika nang lalaki na may hawak na kahoy na nakaamba na. "Isa pa lang 'to, 'wag kang mamamatay kaagad, ayos ba? Mahaba pa ang gabi!" Lumayo pa siya at tuwang-tuwa na ilang beses akong inambaan nang paghampas. Humahanap siya ng patatamaan sa 'kin.
"Ako na lang 'yong saktan ninyo!" si Claude 'yon.
"A-ayos lang ako," tinignan ko siya at nginitian.
"Baliw 'to!" sigaw niya sa 'kin.
Baliw nga siguro ako.
Ipinikit ko nang mariin 'yong mata ko dahil bumilang na siya nang Isa... dalawa... hanggang tatlo na pinakamalakas niyang 'sinigaw.
Narinig ko ang malakas na paghampas pero wala 'kong naramdamang masakit. Inisip ko na baka si Claude ang sinaktan niya kaya kaagad akong nagmulat pero isang lalaki ang nakatitig nang matiim sa 'kin habang nakangiwi. Katulad ng uniform ni Claude ang suot niya.
Nag-atrasan 'yung mga lalaki.
"Bakit, Adam?" tila naman takot na takot 'yong lalaking may hawak na kahoy.
"Bayad na 'ko sa utang ko," sabi no'ng Adam sa 'kin at nginitian pa 'ko.
Mukhang kaedad niya 'yung ibang mga lalaki.
Nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.
Tinalikuran niya 'ko at nakita ko na nagdudugo ang likuran niya at may sira pa 'yon dahil sa mga pakong kumayod sa uniform niya.
"Ibigay mo 'yan sa 'kin," kinukuha nito sa lalaking namumutla na 'yong kahoy.
Hinawakan nang dalawang lalaki iyong kanina lang 'Boss' kung tawagin ng mga kasama nila. "Paharap o patalikod?" malakas ang boses nito, nakakapanindig ng balahibo.
Ipinikit ko 'yong mga mata ko nang sapilitang idapa ng dalawang lalaki 'yong 'Boss' na tinatawag nila. Narinig ko na ilang beses siyang nagmamakaawa. "Tama na, Adam! Maawa ka na! Hindi kita nakita 'agad! Adaaaaam!"
Nang magmulat ako ay nakatungo na si Adam sa 'kin kaya nagulat ako.
"Kinuha ko 'yong pera mo, remember? Babayaran kita," humithit siya ng sigarilyo at binalingan si Claude, "Aba, buhay ka pa, Claude! May sa demonyo ka talaga 'no?" tuwang-tuwang sabi ni Adam kay Claude.
"Ha-ha-ha, funny..." si Claude na puno nang sarkasmo.
Binalingan ako nang tingin ni Adam at kinindatan.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon pero pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko.