"ADAM!"
Nabigla ako sa boses ni lolo, nasa selda ko pero hindi nakahalo sa mga tunay na preso, tatlo nga lang kami rito at malapit lang kami sa mga police. Nakaupo naman si Blue sa labas, at ayaw niyang bitiwan ang kamay ko kaya nakaupo kami nang magkatalikuran. Ayaw niyang ibigay ang number ng mommy niya kaya ako na mismo ang nagbigay sa mga police.
Ilang beses niyang muntikan nang sabihin na siya ang bumaril kay Charles. Kanina pa nga siya tahimik na umiiyak at pilit na 'di binibitiwan ang kamay ko na akala mo naman pinaglalayo kami at mabibitay na kaagad ako ngayong araw.
"Ano na namang ginawa mo?" Galit na si lolo, "Hindi kita ilalabas, bahala ka sa buhay mo! Dapat sa 'yo magtagal diyan, kung gusto mo tumira ka na rin diyan!"
"Ilabas ninyo po si Adam," si Blue 'yon, "Kung ayaw ninyo sa kanya, sa 'min na lang po siya titira."
Natawa ko sa reaksiyon ng lolo ko, "Ayan, pinaiyak mo uli siya, lolo."
"Alam mo dapat lang talaga 'yan kay Adam, saka bakit ka nandito?" halatang nagtataka siya. "Adam, pati ba 'tong walang kamuwang-muwang na 'to ay dinamay mo sa kalokohan mo?!" baling niya sa 'kin.
"Hindi—"
Magsisimula na naman si Blue na aminin kaya nagsalita na 'ko, "Si Blue 'yan, lolo. Soon to be ko," ngisi ko sa kanya.
Pinagkatitigan niya si Blue. "Babae ka ba?"
Umiling si Blue, naramdaman ko na humigpit ang kapit niya lalo sa 'kin.
"Blue!"
Nang marinig ko ang boses ng tita niya kusa ko na siyang binitiwan. Hindi ako lumingon kahit nang tinatawag ako ni Blue. Lalo ko lang pinatunayan sa pamilya niya wala akong kuwentang tao, ano naman kung siya 'yung bumaril? Kung 'di niya ginawa 'yon, patay na 'ko at hinding-hindi ko gugustuhin na iyon ang makarating sa magulang niya na nagawa niya para sa 'kin. Iyong mapahamak siya dahil sa 'kin sobra-sobra na, para na nga 'kong walang pagkukunan ng lakas ng loob na harapin sila.
Nang mawala siya, doon ko naramdaman 'yung pinipigil kong luha. s**t, hindi ko alam kung masaya ba 'ko o hindi—masaya 'ko na nakaligtas siya, akala ko may mangyayari sa kanyang masama, hindi ko mapapatawad 'yung sarili ko. Hindi ako masaya dahil alam ko na ito na 'yung katapusan namin, pinatunayan lang nito na abot kamay ko lang siya pero hindi ako 'yung taong dapat kasama niya. Iyong takot ko kanina, ibang-iba sa nakaraan. Hindi ko na gustong malagay pa uli siya sa panganib nang dahil lang sa 'kin.
Hindi ko pinansin 'yung mga sinasabi ni lolo, atleast buhay pa si Charles sa sinabi niya, kahit gusto ko siyang mamatay mas okay na 'yung buhay siya para hindi 'yon gaanong dalhin ni Blue.
Itong sakit ng katawan ko, lilipas 'to pero hindi ko alam kung paano 'ko magsisimula nang wala si Blue. Malinaw naman na dahil sa 'kin kaya muntikan na siyang mapahamak, kaya sigurado ako na ilalayo na nila siya sa 'kin. Wala naman akong ibang sisisihin kundi sarili ko—wala akong kuwentang magmahal.
Gusto kong ipilit 'yung sarili ko sa buhay niya, pero hindi ko na kayang mapahamak siya ng dahil sa 'kin. Hindi ko akalain na masakit palang alalahanin 'yung masasayang nangyari sa 'yo kapag alam mo na hindi na sila mauulit, hanggang doon na lang at magiging alaala na lang.
Ilang araw talaga 'kong pinatagal ni lolo sa selda na 'yon, kung ano man ang nangyari sa kaso na kinasangkutan ko wala na 'kong pakialam. Walang Blue na nagpakita sa 'kin sa loob ng ilang araw hanggang makalabas ako. Nang dalawin ako ni Xander, sinabi ko na ipahanap niya 'yung cellphone ko dahil 'di ko na siya nakapa sa katawan ko, at maraming alaala si Blue ro'n kaya kahit bilhin ko nang mas malaking halaga sa cellphone na 'yon kung may iba ng nakakuha.
"Nasaan na si Blue?" inihahatid niya 'ko patungo sa rest house niya na malapit lang naman. Gusto ko munang mag-isa, nasisiguro ko na pag-umuwi ako maririnig ko na naman ang kabilaang sermon sa bahay at hindi ako iyong tatawa pa at parang wala lang lahat ng 'yon katulad ng madalas, dahil mas mabigat 'yung nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko ngayon.
"Lalayuan ko na siya."
"Ano? Sumusuko ka na kaagad? Akala ko ba—"
"Lalayuan ko siya pero mamahalin ko pa rin siya."
"Parang ayoko ng makaramdam ng pag-ibig, kung magiging ganyan din ako," natatawang sabi ni Xander. "Mag-usap muna kayo," suhestiyon niya.
"Mas mahihirapan pa 'ko kung makikita ko siya."
"So, are you joining our friends in team Spain?"
Inisip ko na rin na mag-aral na sa ibang bansa, tatapusin ko na lang ang last examination ko. Hindi naman ako mapapaalis sa eskuwelahan na 'yon dahil pag-aari 'yon ng anak ng kapatid ni lolo. Kaya nga sa dami ng kaso ko, nakakaahon pa rin ako dahil karamihan naman sa labas 'yon nangyayari.
"Susunod na nga siguro ako sa kanila."
"Iyong pagkakasusunod mo naman parang mamamatay ka na."
Natawa kami pareho, ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Gustong-gusto ko siyang makita pero mas makakabuti na 'to sa 'min, lalo na sa kanya.
Nag-inuman pa kaming dalawa, hindi nga 'ko makaimik. Ganito pala ang pakiramdam nito, pigil na pigil ko 'yung emosyon ko dahil kinakaya ko pa naman.
Nag-ring 'yung cellphone niya sa glass table, tiningnan niya 'ko kaya iniisip ko na sila Mitch lang 'yon.
"Si Blue."
Nang sabihin niya 'yon parang gusto kong magmadaling kunin 'yon at sagutin siya pero nagsindi na lang ako ng sigarilyo.
"Si Adam?" tiningnan ako ni Xander. Lalo lang tumaas 'yung antisipasyon ko na makausap siya, "Wala raw siya, paano ba 'yan?" Gusto kong dagukan si Xander sa sinabi niya. Pero iniaabot niya sa 'kin 'yung cellphone niya, "Kausapin mo na, hindi ka niya matawagan dahil nawawala 'yung cellphone mo. H'wag mo nang ulitin 'yung ginawa mo noon na bigla kang nawala."
Kinuha ko 'yun at umakyat ako sa taas, hindi ko iparirinig sa kanya ang pag-uusapan namin.
Sa k'warto ako pumunta, binuga ko muna 'yung usok bago ako nagsalita, "Blue."
"Hindi kita napuntahan—"
"Ayos lang 'yon, buhay pa naman ako. May sasabihin ka ba?"
Hindi siya kumibo, naramdaman ba niya 'yung sinadya kong panlalamig?
"I'm sorry, Adam..." Alam ko na nagsisimula na siyang umiyak.
Tumingala ako para pigilin ang sarili ko, "Ayos lang 'yon, hindi talaga tayo p'wedeng magsama," tinawanan ko pa 'yon. "Muntik ng may mangyari sa 'yo dahil sa 'kin, I'm glad you're okay, don't worry that will be the last time. I'm leaving..."
"Nasaan ka? Pupuntahan kita..."
Nasasaktan ako na dama ko sa boses niya na umiiyak siya, pakiramdam ko dinadakot ang puso ko at pilit 'yong dinudurog. Nag-iinit na ang mga mata ko, but this is for the better, right?
"I don't wanna see you, again. I'm sorry." Halos bulong lang 'yon sapat para marinig niya. Pinutol ko na 'yung tawag dahil sumisikip na 'yung pakiramdam ko. Hindi ko siya gustong saktan, pero tama siguro ang tita niya, lalo ko lang siyang ginugulo. Ano pa kapag 'pinasok ko siya sa relasyon na hindi niya naiintindihan? Wala na rin naman akong magandang ihaharap sa pamilya niya, paano ko pa ilalaban 'yung magiging relasyon namin kung puro negatibo lang ang dala ko? Pinahihirapan ko lang siya—I let him go, but it doesn't mean that I will stop loving him. Mamahalin ko pa rin siya, hindi na 'ko makakahanap pa ng iba.
Hindi ko na pinigil 'yung mga luha ko na nagbagsakan. Natawa pa 'ko sa sarili ko—s**t. Ang sakit naman nito, pakiramdam ko wala na 'kong gana sa lahat ng bagay, hindi na 'ko makakatawa nang husto, hindi na 'ko magiging masaya kahit anong gawin ko. I don't know if I could still laugh as happy as I laughed before I met him, but one thing is for sure, I'll never love like this, ever again.
Ilang beses pa siyang tumawag at higit 'yung bilang na pinigil kong sagutin ang mga 'yon. Pinatayan ko na lang siya, hindi ko siya gustong saktan o ignorahin pero kailangan.
Bagsak nang bagsak 'yung luha ko, hindi ko na maalala kailan ako huling umiyak o kung umiyak ba talaga 'ko simula ng magkaisip ako, hindi ko na maalala. Maalala ko nga lang itsura niya alam ko nang 'di magiging madali ang mga araw na 'di ko siya makakasama dahil nasanay akong halos magkapalit na kami ng mukha sa sobrang pagsasama. With him I felt so complete, so happy, so positive—he inspired me to do better without him asking me to change even a bit. Iyong maging ligtas lang ako 'yung gusto niya, pero hindi niya 'ko pinilit baguhin 'yung sarili ko, he accept me the way I am just how his family accepts me. Hindi ko kailangan ng pagtanggap ng iba, pero naging masaya 'ko sa ibinigay niya sa 'kin na pagtanggap nila. I never felt so good about myself, pero kung ibida niya 'ko akala mo isinilang talaga 'kong mabuti kahit 'di ko nga 'yon naramdaman sa sarili ko.
"Adam, buhay ka pa ba?"
Shit. Nasa labas si Xander, hindi niya 'ko dapat makita ng ganito.
"Umuwi ka na."
"Baka nasa 'yo 'yung cellphone ko."
Lumapit ako sa pintuan at binukas ko 'yon ng maliit at iniabot ang cellphone niya.
"Ibukas mo nga 'to! Baka mamaya magpakamatay ka, ako pa naman huli mong kasama—"
"As if,"
"As if? siguraduhin mo 'yan. Madali lang kaming hanapin, gusto ko na papuntahin silang lahat para sa 'yo pero baka kailangan mo munang mag-isa."
"Thanks." Hindi ko na kayang habaan 'yon, as much as possible I want this pain privately for myself.
"Im leaving, sa 'yo na muna 'yang CP ko para malaman ko kung buhay ka pa. Iyong isa ko na lang muna ang gagamitin ko. Adam, I don't want to fail as your friend, the same as the others—don't let that feelings consume you and do something not you."
Iniisip ba niya na magpapakamatay ako?
"Iniisip ko talaga na pupuntahan mo siya, susubukang wasakin 'yung gate nila at ipagsisigawan mo na gusto mo siya dahil wala ka namang pakialam sa sasabihin ng iba at yayayain mo siyang magsama na kayo, ganoon 'yang takbo ng utak mo—that's why I'm afraid to see you like this, 'cause it's not how Adam suppose to do."
Hanggang makaalis siya nanatili lang akong nakatayo sa likuran ng pintuan. Kung ibang pagkakataon 'to, walang nangyaring masama kay Blue, tama si Xander gagawin ko 'yon dahil iyon ako, ipaglalaban ko 'yung gusto ko lalo kung sigurado ako sa nararamdaman ko kagaya ng pakiramdam ko na 'to para kay Blue. Pero hindi ko nga kayang tingnan sila ngayon, dahil alam ko na mas napatunayan ko lang na hindi ako dapat sa kanya, kahit pa nga kaibigan lang, sino bang gugustuhin maging kaibigan ng matino nilang anak ang 'tulad ko?
Alam ko na kung sasabihin ko sa mga kaibigan ko na kailangan ko sila, darating sila. Pero sa punto na 'to kailangan ko munang mag-isa, kahit alam ko na nag-aalala sila. Alam nila 'to, imposibleng hindi. Halos magkakarugtong ang bituka namin.