BLUE
Adam is a hero to me, he saves me from my loneliness and fears. He's always been with me when I needed him the most. Nasasaktan ako na hindi niya 'ko pinaniniwalaan, iniisip nilang lahat na marami akong 'di naiintindihan. Gusto kong maramdaman niya na pareho kami ng nararamdaman pero sarado siya sa ideya na nasa iisa kaming damdamin.
Hindi ko katulad si Adam, madalas tahimik lang ako at madalas tinitignan akong mabuti, maayos, at hindi makabasag pinggan—but I'm not as pure as they think I am. Mahaba ang pasensiya ko pero hindi nangangahulugan na hindi ako naiinis o nagagalit, mas gusto ko lang tumahimik dahil ayokong makapagsalita ng masama sa iba na makakasakit.
Adam is not the typical good guy, bully siya pero alam ko na magbabago naman siya dahil kaya naman niya at gusto ko siya kung ano man ang gusto niyang maging sa buhay niya. As long as it doesn't hurt him—gustong-gusto ko siyang kausapin pa noon kapag nakikita kong may pasa siya pero madalas hindi ako makapagsalita dahil 'di ko alam kung ano 'yung salitang tatanggapin niya. Hinihintay ko rin na maabot ko siya ng tuluyan, gusto ko rin na ibukas niya sa 'kin 'yung sarili niya dahil gusto kong matulungan siya sa paraan na kaya ko.
Sa umpisa, inisip ko rin na 'yung nararamdaman ko sa kanya ay hindi romantic—I just found a bestfriend in him. Pero habang nakakasama ko siya nagiging iba na 'yung t***k ng puso ko sa t'wing titingin siya at ngingiti. Sinabi niya noon na hindi kami p'wedeng mabuhay ng kami lang dalawa, I need other to call my friends, sinunod ko siya hindi lang dahil sa sinabi niya kundi para mas maliwanagan ako sa damdamin ko para sa kanya.
I made friends, sumaya ako, tama siya na kailangan ko ng bagong kaibigan para mawala na 'yung trust issue ko sa iba. At tama rin ako ng desisyon na makipagkaibigan dahil nararamdaman ko na 'yung kaibahan ng damdamin ko kay Adam. Two weeks ago, I received a letter from a girl schoolmate—wala akong maramdaman kundi 'sorry' dahil hindi ko siya gustong i-reject, but I don't have any special reason to date her. Kung si Adam ang magbibigay sa 'kin ng letter kahit sa scratch paper mas magiging masaya ako.
Kahit anong effort nang iba, kahit tumula pa sila o kumanta, matutuwa ako sa appreciation nila pero hindi pa rin no'n mapapantayan 'yung saya kung mula 'yon kay Adam. Kahit text nga lang ni Adam, higit pa sa triple ang sayang ibinibigay no'n sa 'kin.
I love him but I'm afraid he'll hate me for loving him. I'm afraid that I'll lose him, that's why I don't say a word. Pero nang mawala siya, nagsisi ako na hindi ko 'yon nasabi sa kanya. Sinubukan ko siyang hanapin, ilang beses ko siyang pinuntahan sa eskuwelahan nila pero hindi ko siya makita, kahit maubos na 'yung mga estudyante sa eskuwelahan nila walang Adam na nagpakita sa 'kin.
Nawalan ako ng ganang kumain, sinabi ko na hindi ko ipapaalam na may problema ako pero hindi ako nadaliang itago 'yung mga bagong pakiramdam na ibinigay sa 'kin ni Adam. Masakit na 'yung mata ko sa walang tigil na mga luha ko, kahit anong tingin ko sa libro parang nagiging blangko lang sila sa paningin ko—binabasa pero hindi ko naiintindihan dahil pakiramdam ko pagod na pagod 'yung isipan ko kaiisip kung bakit bigla siyang nawala at hindi na nagparamdam sa 'kin.
Kinausap ko si Claude, nahihiya man ako pero siya lang naman 'yung kilala ko ro'n na kilala rin si Adam. Sabi niya pabayaan ko na si Adam, wala naman akong mapapala sa kanya at marami siyang babae, his words is like a salt in my wounded heart. Kinuha niya 'yung number ko at tinawagan niya 'ko ng gabi at sinabing kuya niya ang hanapan ko kay Adam at sinabi na niya. Nilakasan ko 'yung loob ko na kausapin 'yung kapatid ni Claude na hindi ko naman kilala. Naghintay ako ng reply niya pero hindi siya sumasagot, hanggang magbigay siya ng address kung nasaan sila makalipas ang ilang oras. Kahit hindi ako pinapayagan na lumabas kusa akong umalis, baka hindi na 'ko magkaro'n ng pagkakataon na makausap siya. Nag-text naman ako kay mommy na kay Adam ako makikitulog kahit hindi ako sigurado na magkakaayos kami.
Nang makita ko siya na nasa maingay na lugar na 'yon, naisip ko na siguro dahil hindi ako mahilig sa gano'ng lugar kaya boring ako pagdating sa kanya, kailangan ko sigurong mag adjust at hindi na lang palaging siya, sa una lang naman siguro ako mahihirapan.
Saan ba 'ko mas mahihirapan sa pag a-adjust o iyong mawala siya? At alam ko naman sa sarili ko kung anong sagot. Sa pag-uusap namin, gusto ko na sabihin sa kanya 'yung nararamdaman ko pero kinakabahan ako, hindi ko magawang magsalita, pero kung mas gusto niya na layuan ako siguro tatanggapin ko 'yon hindi dahil mababaw 'yung nararamdaman ko kundi ayoko siyang mahirapan para lang isipin ako. Pero nang sabihin niya na 'If loving you means gay, then I am,' hindi ko 'yon inaasahan kay Adam but my heart beats faster than ever, happiness consumed me, I do really do love him too. Pero hindi ko makita na sineseryoso niya nang husto ang sinasabi ko, kaya ipapakita ko 'yon sa kanya hanggang malaman niya na totoo 'yung mga salita ko, at nauunawaan ko siya, nauunawaan ko ang punto ni mommy at ni tita tungkol sa relasyon namin ni Adam na pareho kaming lalaki—they think it's not normal, but love is normal—so why can't we? If it's not real then why does it feels good when he's kissing me? Imagining myself with another person sharing a kiss that I don't even love doesn't felt good.
Nang matapos 'yung nangyari sa 'min ni Adam sa pagitan ng mga kasamahan ni Charles, alam ko na kailangan ko na ring kumonsulta sa Psychiatrist—kung in-denial ang pamilya ko sa problema ko, malinaw naman ang isip ko na dumadaan ako sa sikolohikal na problema at gusto ko ng mas maayos na buhay lalo na 'yung gumaling para kay Adam, at hindi na maulit 'yung nagawa ko.
Pinigilan na rin nila 'kong puntahan si Adam, kaya nabigla ako sa galit na tumaas sa 'kin, inatake ako sa puso kaya kinakailangan kong manatili sa hospital. Hindi ko sila pinapansin dahil hindi rin naman nila pinapansin 'yung sinasabi ko. Nang maging maayos na 'ko, nakauwi na si Adam pero nang makausap ko siya naramdaman ko kaagad na iniiwasan niya 'ko. Naramdaman ko na naman 'yung sakit, but it's too much to bear. Akala ko aatakihin ako, pero sinubukan kong kalmahin ang sarili ko dahil kailangan ko siyang makausap.
Tinawagan ako ni Claude, sinabi niya sa 'kin na nasa rest house nila si Adam. Pinuntahan ko siya at hindi na naman ako nagpaalam dahil masama pa rin ang loob ko sa kanilang lahat, hindi ko 'to gustong maramdaman pero hindi ko mapigilan dahil siguro sa halo-halong negatibong emosyon ko.
"Kagagaling mo lang sa sakit, bakit ba tumitigas 'yang ulo mo?" pinagagalitan na niya 'ko nang makapasok kami sa loob ng bahay. Hawak niya ang mukha ko ng dalawang mainit niyang palad.
"You hate me for being not the kind you used to know 'bout me?" nag-aalalang tanong ko.
"Ayoko lang na nagkakasakit ka, ang nipis-nipis mo na nga," hinalikan niya 'ko sa noo. "Sabay na tayong mag shower?" ngisi niya.
Naramdaman ko 'yung pag-init ng pisngi ko, "We're not yet adult, Adam..."
Natawa siya kaya nagtatakang tiningnan ko siya, I missed him...
"So, when we're adult—"
Mabilis kong tinakpan 'yung bibig niya dahil nahihiya ako, ayos lang naman 'yon, pero hindi ko alam kung paano ko 'yon sasagutin. Kahit 'di ko alam kung paano namin 'yon gagawin.
Inalis niya 'yung kamay ko at marahan akong napasandal sa likuran ng nakasarang pintuan. Lumapit 'yung mukha niya sa 'kin, inangkin niya ang labi kong bahagyang nakaawang. Napahawak ako sa damit niya ng mas malalim 'yung ibinigay niyang halik sa 'kin—natutunan kong sabayan siya. Nang pakawalan niya 'yung labi ko, naghabol pa 'ko nang hininga pero mas nag-iinit ang mukha ko sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin.
"I love you, and I'm not confused." Kinain ko na 'yung kahihiyan ko.
Nginitian niya 'ko at muling hinalikan ng matunog, "I love you, n and I'm gay limited for you." Muli niya 'kong hinalikan at bago ko pa 'yon matugon iniaalis niya na kaya napapahiya ako. Natatawa naman siya bago siniil ng halik ang labi ko, naramdaman ko 'yung mainit niyang palad na humaplos sa likuran ko nang ipasok niya ro'n ang kamay niya.
"Adam, when we're adult," ulit ko, kaya nangiti siya.
Natawa na naman siya, bigla niya 'kong binuhat kaya nagulat ako.
"Adam!"
"Magkakasakit ka na, maligo na tayo."
"Sabi ko—"
"Oo na, adult na kung adult, bibigay ka rin sa 'kin sa susunod."
"But I love you even if I can't today." Nag-aalala ko siyang tiningnan.
"Even you can't for a life time, I will still love you far longer than others forever." Kinindatan niya 'ko.
Nangiti ako, "Sige magsabay na lang tayong maligo," muntik na siyang madulas kaya nagulat ako dahil akala ko ibabagsak niya 'ko.
"You're torturing me..."
Nakagat ko 'yung ibabang labi ko, "Sabi mo sabay tayong maligo, ang gulo mo kausap madalas. Pero gusto pa rin kita," nakita kong namula siya.
Hindi naman kami nagsabay dahil pinauna niya 'ko. Nagtabi kaming matulog, ayoko na nga sabihin sa magulang ko pero siya mismo ang tumawag ng nag shower ako na magkasama kami, hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila sinabi niya lang na naipagpaalam niya na 'ko na magkasama kami at pupunta kami sa 'min bukas dahil mas mahihirapan kami kung itatago niya 'ko kahit gustong-gusto niya.
"Promise me, you won't leave me—"
"I'm truly madly deeply in love with you, so how can I? Ngayon pa ba na alam ko na ang nararamdaman mo sa 'kin?" nginitian niya 'ko kaya nangiti rin ako.
"Bukas, baka kung ano lang sabihin nila sa 'yo—"
"Kung hindi nila maiintindihan ngayon, marami pa tayong panahon para maintindihan nila. After some years, malalaman din nila na hindi 'to teen age love confusion."
"It is not."
"Let's prove them," kinintalan niya 'ko ng halik sa noo.
After those tiring and mixed emotions for the past days, finally I made my best worryless night with Adam.
Katulad nang sinabi niya hinatid niya 'ko pauwi. Wala naman sinabi si mama at si tita, hindi ko alam kung nag-usap sila o ano. Pero mas naiilang ako do'n lalo na at sobrang tahimik ng hapagkainan namin para sa tanghalian na 'yon.
"Ma, tita, gusto ko si Adam..."
Natigilan silang tatlo sa pagkain.
Hinawakan ko ang kamay ni Adam mula sa ilalim.
"I'm not confused."
"Blue—" si mama 'yon na nag-angat nang tingin, nginitian niya 'ko, "Inisip ko na magandang magkapatid kayo ni Adam, ganoon ang palagi kong sinasabi sa daddy mo na may bago kaming panganay na anak. Pero kung ganito ang gusto ninyong dalawa, ibig sabihin lang ayos lang sa inyo na magkahiwalay, dahil sino bang makakapagsabi kung magiging permanente ang relasyon na gusto ninyo?"
"Marami pa kaming pagdadaanan, nagsisimula pa lang kami. Kung hindi ninyo siya tatanggapin, ipagpapatuloy pa rin namin 'to nang lihim, ayoko siyang ilihim at ayong maglihim sa inyo." Nag-iinit na kaagad 'yung mga mata ko pero pinigil kong bumagsak ang mga luha ko.
"Hindi ko gustong naglilihim ka sa 'min, gusto ko na sinasamahan kita sa panahon na kailangan mo ng kausap. Kung si Adam ang magiging problema mo, wala ka nang ibang lalapitan kundi kami kaya..." huminga siya nang malalim at tiningnan kaming dalawa. "Papayagan ko kayong dalawa pero ipangako ninyo sa 'kin na wala kayong gagawin na hindi ninyo pa dapat gawin." Kay Adam tumingin si mama.
"O-Opo," si Adam na ang kusang sumagot.
"Pinapayagan ko kayo pero nasa posibilidad pa rin kami na magbabago ang desisyon ninyo. Blue, isa sa dahilan bakit kita pinapayagan dahil sa sakit mo, hindi ko gustong mag-isip ka nang husto. Isa rin do'n 'yung hindi kita gustong pakialaman sa kung sino ang gusto mong mahalin kahit pa pareho kayo ni Adam na lalaki. Pero hindi kasing dali ng pagtanggap ko ang magiging reaksiyon ng daddy mo kapag nalaman niya 'to, kaya as much as possible 'wag kayong gagawa ng hindi pa kayo sigurado, saka na kapag mag-asawa na kayo."
Nakita kong tumango si tita at hindi naman din siya ngiting-ngiti.
Nagkatinginan kami ni Adam, nginitian ko siya at mukhang nahihiya pa siyang ngitian ako pabalik.
"Ma, hindi naman ako mabubuntis kung may mangyayari sa 'min ni Adam—"
Narinig kong sabay-sabay silang tumikhim.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Blue..." Si mama na bumaling kay Adam, "Alam ko naman kung anong ibig kong sabihin, hindi ba, Adam?"
Siguro iniisip nila na hindi 'to ganoon kaseryoso, pero tama si Adam, marami pa kaming taon para patunayan 'yon. Akala ko ang semestral break na vacation namin ni Adam ay mauuwi sa salita at pangarap na lang pero nakahanda na ngayon ang mga gamit namin sa paglilibot sa Pilipinas. Pero hindi lang kami, dahil sumama ang mga kaibigan niya at naro'n si Claude dahil kapatid siya ni Xander at iyong lalaking lagi niyang kasama na si Taki na lilipat din sa eskuwelahan nila Adam katulad ko. Hindi gusto ni Adam na may kasama kami pero masaya naman ang marami kami, at masisiyahan din naman siya. Hindi lang talaga nila kami gustong bigyan ng private moment dahil lahat daw sila ay single, kaya dapat makisama kami. Nakakulong na rin si Charles, dalawa kami ni Adam na dumalo sa hearing nila. Lumabas din 'yung lalaking nagpatakas sa 'kin, siya ang nagsauli ng cellphone ni Adam. Siya ang mas nagpatibay para tuluyan nang makulong si Charles at ang ibang mga kasama niya.
"I love you,"
Nangiti ako nang balingan ko nang tingin si Adam habang nasa biyahe na kami, bus ang gusto nilang sakyan pero kami lang naman ang laman. Kanina pa nga niya hinahalikan 'yung palad ko.
"I love you..." ngiti ko sa kanya.
Dumantay ako sa balikat niya at pumikit. Naramdaman ko rin ang pagdantay niya sa ulo ko.
END OF SEASON 1 BOOK