C13:ADAM

1384 Words
Kinakarma na 'ko sa lahat ng ginawa ko, ngayon pa lang parang mababaliw na 'ko sa isipin ma may ginagawa na sa kanya sila Charles. Nang sagutin niya 'yon tawa kaagad ang bungad niya. Hindi ko mapigilang murahin siya nang lahat na murang alam ko sa sobrang galit ko, damang-dama ko na nanginginig 'yung laman ko. "Easy, Adam... Wala pa naman akong ginagawa sa kanya, chill ka lang!" halatang tuwang-tuwa siya. "Papatayin kita kapag nasaktan siya!" "Like this..." Nanghina ako nang makarinig ako ng putok ng baril. "Alam mo kung saan mo 'ko hahanapin, dalian mo baka pagdating mo ubos na ang dugo sa katawan niya." Pinutol niya na 'yung tawag niya at nang subukan ko siyang tawagan uli hindi ko na siya makontak. Pinasibad ko ang sasakyan ko, pinipilit kong kumalma kahit kaunti dahil kung maaaksidente ako mas lalong 'di ko maaabutan si Blue. Pero paano ako kakalma kung alam ko na demonyo si Charles?! Wala akong panahon sa kalokohan niya, kaya hindi ako pumayag sa gusto niya na mas palawakin ang samahan namin dahil sa illegal na gawain gusto niyang simulan, kasama pa 'yung gusto niyang pagpapasailalim sa isang grupo sa U.S na isang malaking sindikato. Akala niya naman matutuwa ako na yayaman ako nang husto ro'n at sa umpisa lang kami maglalabas ng malaking pera. Bakit pa 'ko pupunta sa illegal kung kaya ko naman magkaro'n ng magandang buhay sa mas maayos na paraan? Lalo na nandiyan na si Blue, hindi ko na kailangan ng thrill sa buhay, tinuldukan na 'yon ni Blue nang dumating siya sa 'kin. Marami akong nasaktan noon pero wala akong pakialam sa kanila, kahit anong sabihin nila o ibawi nila sa 'kin pero kung si Blue, pakiramdam ko nanghihina ako. Seryoso 'tong takot na nararamdaman ko, kahit ako hindi ko alam na kaya kong matakot nang ganito. Kahit anong lamig ng sasakyan pinagpapawisan ako. Nang makarating ako sa lugar ni Charles, sinuntok ko kaagad nang malakas sa mukha ang unang nakita ko sa labas ng bukas na gate. Nagulat pa 'yung kasama niya na sinunod kong sapakin sa mukha—nanginginig ako sa sobrang galit. "Charles!" malakas na sigaw ko habang nagmamadali akong pumasok sa bukas na bahay niyang mukhang abandonado lang sa labas pero maayos sa loob at dito nila ginagawa lahat ng illegal na gawain nila. "Wow, ang bilis mo naman, Adam!" nakatutok kaagad sa 'kin ang baril ni Charles nang makapasok ako. May nagsara ng pinto, nasa labinglima sila at hindi ko pa nakikita ang ibang narito, pero mukhang may mas matatanda pa sa kanya. "Nasaan siya?!" wala akong pakialam kung armado siya, kailangan kong makita si Blue! "Nakita mo na? Wala kang laban sa 'kin, mabuti nga at gusto kitang makasama sa grupo ko. Ang ganda na nga ng offer ko sa 'yo, ayaw mo pa? Magpapayaman tayo, makakabili ka pa ng maraming babae mukha kasing nauubusan ka na..." Ngising-ngisi siya sa 'kin. Naikuyom ko ang kamao ko, nagtatagis ang bagang ko sa galit sa kanya. "Duwag ka talaga," nginisian ko siya. Nakangising nagkibit-balikat siya. "Wais lang," turo niya sa sintunado niya—ang sarap pasabugin ng bungo ng demonyong 'to. Nabaling ang atensiyon ko sa hagdanan kung saan may dalawang lalaking kilala ko ang isa na nakahawak nang walang ingat kay Blue. Paano kung magkapasa siya? Nilagyan pa nila ng packing tape ang bibig niya, kung masugatan siya? Pero iyong takot sa mata niya ang 'di ko na kayang tiisin pa. Sabi ko hindi na 'ko babalik dito. Tatapusin ko lang ang exam at ididispatsa ko lahat ng grupo ko bago ang next semester. Sa likuran ni Charles nakita ko pa ang isang lalaking wala ng buhay may tama siya sa bandang ulo. Siya ang binaril ni Charles kanina? Kasalanan ko 'to. "Adam, ano na? Estatwa na? Nasaan na ang tapang mo?"si Charles, dahilan para magtawanan sila. "Adam, papatayin ka nila, narinig ko sila!" Nagulat ako sa sinabi ni Blue, nakita kong nagdurugo 'yung labi niya dahil siguro sa marahas na pagkakatanggal ng isang lalaki ng tape sa bibig niya. "H'wag kang mag-alala Adam, kapag namatay ka, panoorin mo na lang kami sa kabilang buhay kung paano ko gagamitin si Blue." Naupo si Charles sa itim na sofa, "Sige na, hindi ko 'to itatama sa 'yo makipaglaro ka muna sa kanila, Adam." Ngisi niya sa 'kin. May humawak kaagad sa balikat ko kaya hinawakan ko 'yon nang mas mahigpit bago ko siya nilingon at malakas na sinapak sa mukh. Nagdidilim na ang paningin ko sa sobrang galit kaya hindi ko na halos maramdaman 'yung mga suntok nilang pinakawalan patungo sa 'kin—tinamaan ako sa iba't ibang parte ng katawan pero sinisiguro ko na sa bawat suntok na umabot sa kanila mula sa kamao ko mas higit 'yung ibibigay ko sa kanila. Dahil masyado silang marami kaya nahirapan ako dahil lahat sila magaling sumuntok. Ano bang aasahan ko? Hindi naman sila pangkaraniwang mga gangster lang. Nang mapaluhod ako may malamig ng bagay ang nakatutok sa ulo ko. Apat na lang silang nakatayo habang iba na 'yung hingal ko. Damang-dama ko na 'yung sakit sa katawan ko. Maging yung dugong umaagos sa labi ko. "Hindi mo na kaya? Anim pa kami, oh... Marami pang darating," nang-iinsulto ang boses ni Charles. "Ang tapang mo kasi masyado, kumuha ka pa ng kahinaan mo, ano ka na ngayon? Sayang ka..." mas dumiin sa sintido ko 'yung baril niya. "Adam!" Nang maalala ko si Blue pilit kong inagaw ang baril ni Charles—nadiinan niya ang gatilyo pero imbis na ako 'yung tamaan 'yung isang kasama niya ang tinamaan sa balikat. Malakas niya kong sinikmuraan nang mabitiwan niya ang baril niya. Namilipit ako dahil ilang beses na 'yung tinamaan sa 'kin. Nakita kong bumagsak ang isang lalaki sa hagdanan kaya sa takot ko na si Blue 'yon doon ako napokus kaya naibalibag pa 'ko ni Charles sa likuran ng pintuan mula sa pagkakahablot sa kuwelyo ng uniform ko. Pero hindi si Blue 'yon kundi isa sa nakahawak sa kanya kanina, at ang isa sa mga 'yon ay nakita kong kinalagan si Blue at may sinabi kay Blue—tingin ko sinasabi niyang umalis na dahil may itinuturo siyang likurang pintuan. Muli akong sinuntok ni Charles sa sikmura, tinawag niya 'yung apat na lalaki. Hinawakan ako ng dalawa at pilit itinayo sa harapan ni Charles na ngising-ngisi na nagsindi pa ng sigarilyo sa harapan ko at binugahan ako ng usok sa mukha. "Kaya ko na 'tong si Adam, baka may dumating sa labas tingnan ninyong dalawa." Utos nito sa dalawang nasa likuran niya na sumunod naman. Dinampot niya ang nahulog niyang baril—nanghihina na 'yung katawan ko. Pero pinipilit ko na sa 'kin sila mapokus, hindi nila dapat malaman na nakababa na si Blue, makakatakas siya, kung sino man ang lalaking 'yon nakita ko na pilit niya nang pinatatakbo kanina si Blue. "Bye, bye, Adam!" Narinig ko na ang putok ng baril pero wala pa 'kong nararamdamang tama. Nagulat ako nang biglang bumagsak si Charles. Pero mas nagulat ako nang makita kong si Blue ang bumaril sa kanya. "Bitiwan ninyo si Adam..." Nanginginig ang kamay na tinutok niya 'yon sa dalawa na kusang bumitiw sa 'kin. Narinig ko na rin ang sasakyan ng mga pulis, si Xander ang tinawagan ko tungkol dito. Nagkanya-kanya na silang takbo, maging iyong ibang nakabawi mula sa pagkakalugmok kanina. "Adam, nakapatay ba 'ko?" lumuluhang tanong ni Blue, nakita ko 'yung takot niya nang sobra. Hinawakan ko 'yung magkabilang mukha niya, "Wala kang ginawa, okay?" "Adam, ako 'yung bumaril sa kanya! Nag-iba siya sa paningin ko, dahil baka patayin ka niya..."walang patid ang mga luha niya. Nakikita ko ang takot sa mga 'yon. Hinalikan ko siya sa noo habang kinukuha ko sa kanya 'yung baril na hawak niya. "Ako 'yung gumawa no'n..." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Adam..." "Hindi ako magtatagal do'n, malalaman nilang hindi ko 'to kasalanan. Just listen to me, okay?" Kinuha niya 'yung baril nang lalaking bumagsak kanina, sila lang naman ang may baril na kinakitaan ko at si Charles. Umalis na rin 'yung lalaking nagpatakas kay Blue, sino ba siya? "Baka ikulong ka nila, Adam... Sabihin mo na lang na ako 'yon—" Niyakap ko siya, "Please, let me handle this, Blue." Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha niya kasama ng mga pag-iling. "Hindi, Adam..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD