C12: ADAM

918 Words
Examination week na at susunod na 'yung hinihintay kong Semestral Break. Bumagsak na 'yung dalawang subject ko na palagi kong iniiwanan no'n para sumabay ng lunch sa kanya. Iyong iba naman, nakadepende pa sa examination—akalain mo 'yon, iyong wala akong pakialam dati bigla akong nagkaro'n ng pakialam at hindi ko talaga alam paano ko sasabihin sa kanya 'yon. "Ayos ka lang ba?" Binalingan ko siya at nginitian, nasa dulo na nang dila ko 'yung mga salitang sasabihin ko. Pero dahil nasa tapat na kami ng eskuwelahan nila at baka isipin pa niya habang nag exam siya kaya ipagpapaliban ko na lang hanggang matapos 'to. "Susunduin kita mamaya." Tumango siya, "Bababa na 'ko," Tumango na lang ako naialis niya na 'yung seatbelt niya kaya hindi ko na 'yon nagawa para sa kanya. "May nakalimutan ka, Adam..." Nagtaka naman ako, wala naman akong dala para makalimutan. "May naiwan ka ba?" Umiling siya, at lumapit sa 'kin nagulat ako nang hinalikan niya 'ko at nagmamadaling lumabas. Tulala pa rin ako nang sumara na 'yung pintuan, hindi na siya lumingon at nagdire-diretso na sa gate ng eskuwelahan nila. Nahawakan ko 'yung labi ko, saglit lang 'yon pero iyong dinulot na kalabog sa dibdib ko. Palagi ko siyang hinahalikan kapag bababa siya nang sasakyan—iniisip ko na ako lang naman ang may gusto no'n pero iyong siya ang maunang humalik, at iyon pala 'yung nakalimutan ko. s**t. Dahil do'n ngiting-ngiti ako hanggang examination. Wala akong pakialam sa mga nasa paligid ko dahil nasa alapaap ako, simula nang dumampi 'yung halik niya sa 'kin na 'yon, rewind ako nang rewind na walang kasawaan. Hanggang matapos ang examination hinahawakan ko 'yung labi ko at nangingiti ako. Ilang beses tumikhim 'yung adviser namin pero sa t'wing mapapabaling ako sa kanya 'di ko pa rin maiwasang mangiti dahil kahit sa whiteboard nakikita ko 'yung tagpo kung saan hinalikan ako ni Blue. Hindi ko nasabi kaagad kay Blue na mahuhuli akong sunduin siya dahil ipinatawag ako sa faculty ng isa sa mga teacher ko na nagbagsak sa 'kin. Pero matagal naman mag-exam si Blue kaya hindi siya maghihintay sa 'kin, panigurado pagdating ko ro'n isa pa siya sa mga nahuhuling magpasa ng examination papers. Hindi naman nasayang ang oras ko dahil mukhang ayaw na nila 'kong makita at naro'n silang dalawang magbabagsak sa 'kin at kinausap ako na ipapasa nila 'ko kapag nakapagpasa 'ko ng project at pumasa ko sa exam nila, bukas naka-schedule ang mga subject nila. Tinawagan ko kaagad siya nang makalabas ako ng faculty, hindi siya sumasagot kaya alam ko na nag-exam pa rin siya. Nagmessage na lang ako na 'Papunta na 'ko'. Pero may two missed call siya? Nagreply siya ng isang smiley na nakangiti na may sungay. Nagkamali ba siya? Hindi naman niya 'to ginagamit? Madalas 'yung mga namumulang pisngi ang ginagamit niyang smiley at yung may mga puso-puso sa mata. Hindi ko na siya nareplyan dahil tumawag naman si lolo. As usual, pinauuwi niya 'ko dahil kadarating niya lang pero dahil masipag na 'ko, pinagmalaki ko na mag review pa 'ko. "Anong epidemya ang nakuha mo at nag review ka?" tuwang-tuwang tanong niya. "Natagpuan ko na 'yung 'The one' ko, lo." Natatawa ring sagot ko. Nagpaalam na 'ko sa kanya dahil 'di naman siya naniwala at tinatawanan lang ako. Malapit ako sa kanya dahil sa kanya ako lumaki at lahat nang gusto ko sinusuportahan niya kaya hindi mahirap sa 'kin na sundin ang gusto niya. He's always been so proud of me, kahit maliliit na bagay lang ang magawa ko, at kahit na may mga pagkakataon na pinababayaan niya talaga 'ko kapag may kasalanan akong nagawa, hindi ko 'yon dinadamdam dahil alam ko na kasalanan ko. Ilang beses ko nang tinatawagan si Blue pero 'di pa rin niya sinasagot 'yung tawag ko kaya tinanong ko na 'yung guard ng eskuwelahan nila. "Lumabas na ba si Blue? Iyong lagi kong kasama," Napaisip siya, "Parang kanina pa siya lumabas." Nawala ang atensiyon niya sa 'kin nang may lalabas na grupo ng estudyante. Tumalikod ako at sinubukan ko uli siyang tawagan kundi papasok na 'ko sa loob at doon naman sa isang guard na nasa building mismo magtatanong. "Boss, Adam!" Iyong pagmumukha ni Ed ang nakita ko sa kabilang kalsada. Kasama 'yung mga ungas niyang kaibigan. Kapag naalala ko na sila 'yung nagbalak gahasain si Blue noon, umiinit talaga 'yung ulo ko. Pero ilang beses ko na silang binugbog. "Sinong hinihintay mo?" Iyong ngiti niya akala mo malapit kami sa isa't isa. Hindi ko siya pinansin, baka gumana na naman 'yung kamao ko at nauubos ang pasensiya ko dahil 'di ako sinasagot ni Blue. Nakadagdag ng pagkaubos ng pasensiya ko 'yung sinabi ng guard na kanina pa siya lumabas pero baka nagkamali lang siya. "Si Blue?" sigaw na naman niya. Hindi siya lumalapit dahil alam niyang may sariling buhay ang kamao ko na dadapo sa mukha nila. "Umalis na siya, sinundo siya ni Boss Charles! Nagkasalisi kayo! Sabi niya pinapasundo mo si Blue..." Muntik ko nang mabitiwan 'yung cellphone ko sa sinabi ni Ed. Pakiramdam ko 'yung t***k ng puso ko nasa lalamunan ko. "Kanina pa 'yon lumabas—" Gusto ko na magtanong pa pero mas naunang kumilos 'yung paa ko patungo sa sasakyan ko at nagmamadali akong sumakay. Ilang beses akong nagmura bago ko tinawagan si Charles—iyong galit ko mabilis umakyat sa ulo ko. Hindi talaga niya 'ko titigilan! Ilang beses niyang ni-reject ang tawag ko kaya mas lalong napatid ang pasensiya ko. Dahil sa 'kin mapapahamak siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD