C9: ADAM

1412 Words
ADAM Nang matapos akong mag-shower natutulog na siya kahit kaliligo niya lang. Sabi ko kakain kami, pero mukha naman kanina pa siya inaantok kaya hinayaan ko na lang siya. Suot niya 'yung Tee-Shirt ko at balot na balot ng kumot—iyong leeg at mukha niya lang ang kita. Naupo ako sa gilid ng kama, "I want you no matter what people will say against us. I'm sorry, Blue. Hindi magiging madali na kasama ko. I think, I'm bad at love..." hinaplos ko ang buhok niya. "Our family might be against us, pero sisimulan ko nang ayusin ang buhay ko, ibibigay ko sa 'yo lahat nang 'di ko kakailangan ang tulong ng pamilya ko para mabuhay kung sakaling tututulan ka nila para sa 'kin, hinding-hindi kita isusuko. Please, don't get tired of me. Hindi ko rin alam bakit parang siguradong-sigurado ang pakiramdam ko na ikaw lang ang gugustuhin ko. Hindi rin ako eksperto rito," hinalikan ko siya sa noo. "I love you." Alam ko na 'di siya sigurado sa 'kin sa ngayon, hindi ko naman inaalis 'yung tiyansa na 'yon 'Ngayon' pero sisiguruhin ko na darating kami sa punto na pareho na kami ng nararamdaman—it doesn't matter kung mas magmahal ako sa 'ming dalawa, what matter most is, mamahalin niya 'ko. Sigurado 'ko sa nararamdaman ko. Nakikita ko na siya na makakasama ko ng matagal, kasama na siya sa pangarap ko na malabo lang noon pero malinaw na ngayon. Wala talaga kong pakialam kung pareho kaming lalaki, hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sinong babae. Sa kanya lang ako nakaramdam ng pakiramdam na masaya kahit wala naman nangyayari sa 'min sa kama. Kahit ngiti nga lang niya araw-araw, iba na 'yung tama sa 'kin... Kagaya nga nang sinabi ko sa kanya, 'If loving him means gay, then I am'. Hindi pa 'ko kaagad nakatulog dahil natuwa pa 'kong titigan siya nang matagal. Tumawag din si Xander at hinahanap kami, sinabi ko na umuwi na kami pero hindi ko sinabi na magkasama kami dahil baka maisipan pa nilang pumunta rito, mahilig silang manira ng moment—kaming lahat sa isa't isa kaya hindi ko sila bibigyan ng tiyansa ngayon. NAGISING ako nang may humihila ng pilikmata ko at nakangiting si Blue kaagad ang sumalubong sa 'kin. Nakaupo na siya sa tabi ko. "Mas makapal ang pilikmata mo sa 'kin," hindi niya pa rin inaalis 'yung pagkakahila sa pilikmata ko kaya hinawakan ko 'yung kamay niya at inilagay na lang sa pisngi ko. Five minutes pa, hindi pa 'ko gaanong nakakatulog... "Adam, alam ko na hindi ka pumapasok sa ibang subject mo para puntahan ako." Nawala 'yung natitirang antok ko nang marinig ko 'yon pero 'di ako bumangon dahil hinihintay ko ang ibang sasabihin niya. "Narinig ko 'yon nang pumunta 'ko sa eskuwelahan mo no'n, kay Claude dahil pinag-uusapan ka nila no'ng kasama niya. Hindi ko alam paano ko sasabihin sa 'yo, kaya naisip ko na napapabigat ko talaga 'yung buhay mo—" "Hindi ka nakakabigat sa buhay ko." Marahan na 'kong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "Kakayanin ko na talaga, Adam. Natuto na 'ko sa ilang buwan ko—" Naiirita talaga 'ko kapag sinasabi niya 'yon. Pakiramdam ko kaya niya na wala ako, samantalang 'di ko naman kaya 'yon. "Isang buwan na lang naman, makakalipat na 'ko mas malapit sa 'yo. Tapusin na natin 'to nang maayos, ha?" Nilingon ko siya at nginitian. Ano pa bang magagawa ko? Sabi ko nga mag-aayos na rin ako 'di ba? "Nag-aaalala rin ako kapag nakikita ko na may mga sugat ka, kaya kapag sinasabi mo na aalis ka nang gabi, hindi ako makatulog dahil baka may manakit na naman sa 'yo." Hindi niya 'ko matingnan, at iyon na naman siya sa mannerism niya na kinakagat 'yung ibabang labi niya. "May na realize rin ako nang nawala ka bigla," sabi niya, lalo siyang namula. "Na?" kinakabahan ako... Baka sabihin niya na wala akong kakuwenta-kuwenta. Nilingon niya 'ko at nginitian, "Secret." "Secret?!" "Ah, tinatanong din ni tita kung anong tingin ko sa 'yo, sa pagsasama nating dalawa, sinagot ko naman siya." Tila nag-isip siya, "Nang sinabi ko kung ano ka sa 'kin sabi niya pareho tayong lalaki. Alam ko naman 'yon," natawa siyang tumingin sa 'kin, "Sabi niya makipagkaibigan ako sa iba, pero hindi naman daw ibig sabihin no'n hindi ka niya gusto na kaibigan ko. Ang gulo," simangot niya, "Kaya inisip ko baka gano'n din 'yung sinabi niya sa 'yo kaya bigla kang nawala. Hihingi ako ng sorry sa kanya kasi nagalit ako, kahit sa sarili ko lang naman 'yon at 'di ko sinabi sa kanya." Nararamdaman na rin ba nila? O tita niya lang nakakaramdam no'n? Sabagay, sa kanya lumaki si Blue, mas madali niyang masabi ang pagbabago. Wala naman sinasabi sa 'kin ang tita niya pero sa t'wing may pasa ako sa mukha nakatitig siya sa 'kin pero hindi naman siya nagtatanong. Mas masungit siya sa mama ni Blue na parang si Blue lang iyong paraan niya nang pakikipag-usap—para nga lang siyang dalaga. Kinuha niya ang kamay ko at 'nilagay sa tiyan niya. "Nagugutom na 'ko, hindi pa tayo kakain?" Gaano karaming ngiti ba ang makikita ko sa kanya? "Busog na 'ko sa ngiti mo, ngingitian na lang din kita para mabusog ka," nginitian ko nga siya. Sumimangot siya, "Lalo 'kong nagugutom 'pag tinitingnan kita. Ano naman makakabusog sa 'kin sa 'yo." "Saging..." ngisi ko. "Saging?" halos magdikit 'yung kilay niya. "Mabubusog ba ko sa saging mo?" Iyon lang ang sinabi niya pero may nag re-react na naman sa 'kin. Umagang-umaga! "Oo naman!" "Pulang-pula ka, Adam..." "Mainit..." Pagdadahilan ko, mukhang 'di naman siya makapaniwala dahil malamig na malamig 'yong k'warto. Hindi na 'ko lumiliban sa mga klase ko. Nagising 'yung natutulog kong kasipagan. Nang umpisa, hindi ako sanay na hindi kami sabay mag lunch—hindi pa rin naman ako sanay pero mas okay na sa 'kin na sabay kaming pumapasok ngayon at siya ang gumagawa ng lunch ko, sinusundo ko siya 'lagi. Wala naman kaming relasyon, pero mas okay kami ngayon, hindi na lang namin napag-uusapan uli 'yung sinabi ko, ayoko namang biglain siya, as long as maayos kami, sapat na 'yon sa ngayon. Isa na lang 'yung problema ko, 'yung grupo ni Charles. Iniisip ko kung anong gagawin ko sa kanila para tigilan nila 'ko dahil napipikon na 'ko sa kanila, tingin nila may kapit sila sa 'kin, at ayoko mang isipin pero si Blue lang naman talaga ang nakikita ko na magagamit nila sa 'kin. Wala na talaga kong nararamdamang pagnanasa sa iba. Kahit kasi 'tong ano ko, si Blue na ang gusto at sa kanya na 'to sumasaludo. Pero hindi naman nagbabago ang tingin ko sa ibang lalaki, kaya tingin ko talaga si Blue lang ang nagpabaliw sa 'kin nang ganito, at very willing naman ako. Seloso pa rin naman ako. Wala nang magbabago ro'n, hindi dahil wala 'kong tiwala, gusto ko lang talaga na sa 'kin siya ngumingiti at mas masaya. Kaya nga napapaisip ako kung talagang sinadya niyang lakihan ang font ng text niya para makita ko sa t'wing pasimple kong tinitingnan kung sino ang nag text sa kanya at ngingiti siya paglingon sa 'kin. Minsan din nagpapalit kami ng cellphone dahil gusto niyang pakinggan 'yung mga kanta sa cellphone ko. Pero tingin ko nga dahil napapansin niya na naiirita ko kapag hawak niya 'yung kanya. Hindi naman ako tsismoso, medyo tinitingnan ko lang nga 'yung mga conversation niya sa iba—medyo lang. Pero binubura niya kaagad 'yon kapag nakita ko na, maliban sa message ko sa kanya na simula pa no'ng una. Pareho lang naman kami. Natuto rin akong maghintay sa t'wing tumatagal siya sa eskuwelahan at pinapapak ako ng lamok sa labas ng building ng eskuwelahan nila dahil hanggang canteen lang nga 'ko p'wede kaya gusto kong baliin 'yung leeg no'ng guard na hindi ako pinapapasok sa building nila. Iniisip ko na lang, ilang araw na lang naman at Semestral Break na at iisa-isahin na namin 'yung mga lugar sa Pilipinas na napili namin puntahan. Kung may realization man ako—iyon nga na hindi ako magaling sa pag-ibig. Damang-dama ko 'yung pagiging possessive ko—nakakasakal ako. Pero sa mga effort naman ni Blue para 'di ako magselos, bumababa na rin 'yung pagiging tamang-hinala ko at mukhang 'di naman siya naiinis sa 'kin pero sinusubukan ko naman na 'wag punahin ang lahat na. Iba lang talaga kapag nakikita ko talaga na may biglang hahawak sa kanya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD