ADAM
NANG nasa labas na kami 'di pa rin niya 'ko iniimik. Buti nga sumama siya kaagad sa 'king lumabas.
"Bakit may number ka ni Xander?"
"Hinahanap kita." Halos magdikit 'yung kilay niya—galit ba siya?
"Paano kayo nagkakilala?"
Hanggang makasakay kami hindi pa rin niya 'yon nasasagot kaya pinipilit kong kumalma. Nagseselos ako, kailangan i-delete niya kaagad ang number ni Xander.
"I-Delete mo na 'yung number niya."
"Hindi."
"Blue—" tumitigas 'yung ulo niya, ilang araw ko lang siyang 'di nakita...
Iyong tataas na 'yung boses ko pero nalunok ko lang 'yung mga salitang sasabihin ko nang makita ko na pinapahid ng likod ng palad niya 'yung mga nag-uunahang luha niya.
"Marami lang akong iniisip, kailangan ko lang ng space—" simula ko.
"Madali lang sabihin 'yon, hindi mo kailangang mawala bigla. Maiintindihan ko naman 'yon kung sasabihin mo,"
Hindi ko siya matingnan. Nasasaktan din ako kaya pinagmumura ko 'yung sarili ko dahil ako ang may kasalanan.
"Wala kang pakialam sa nararamdaman ko," puno nang hinanakit na sabi niya.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para iharap siya sa 'kin.
"Hindi ako magkakaganito kung wala 'kong pakialam sa nararamdaman mo. Kung sarili ko lang ang iniisip ko hindi ko na iisipin kung anong mararamdaman mo sa 'kin at pipilitin ko na maging sa 'kin ka gusto mo man o hindi!"
"Bakit ba iniisip mo 'yung iba, hindi ka ba naniniwala sa 'kin? Ikaw 'yung mahalaga sa 'kin. Ikaw 'yung gusto kong kasama, pero ikaw ang nagsabi no'n sa 'kin na 'di naman tayo p'wedeng mabuhay ng tayong dalawa lang, Adam, ano bang problema mo? Iintindihin ko, 'wag mong iparamdam lagi sa 'kin na hindi kita naiintindihan."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tama sa 'kin nagmula na kailangan niya ng ibang kaibigan, noon 'yon noong 'di ko pa 'to nararamdaman sa kanya.
"Kung ayaw mo 'kong makita nang matagal sabihin mo, basta alam ko na magkikita pa tayo. Kung marami kang ginagawa, naiintindihan ko 'yon at hindi kita pipilitin na puntahan mo 'ko, hindi kita pupuntahan kung 'di mo rin gusto, madali naman sabihin 'yon 'di ba? Iniwan mo lang ako bigla, wala naman akong alam sa 'yo gaano, kaya mahirap sa 'kin na hanapin ka..." lalo siyang naging emosyonal.
Pakiramdam ko pinipiga 'yung puso ko habang pinakikinggan ko siya. Hindi ko siya gustong saktan, ayoko nang ganito kami, naging makasarili ako para gawin 'yon. Tama siya, hindi ko inisip ang mararamdaman niya kundi sarili ko lang.
"Sabihin mo na, iintindihin kita." Pinahid niya 'yung luha niya at pilit akong nginitian, "Dito na ba natin 'to tatapusin? Hindi kita pahihirapan, ibibigay ko sa 'yo 'yon."
Nabigla ako sa sinabi niya kaya pinagkatitigan ko siya.
Mawawala na siya sa 'kin?!
"Kaya ko na 'yung sarili ko," muli siyang ngumiti.
Ako naman 'yung nadudurog sa punto na 'to.
"Kaya mo na 'yung sarili mo?" Ito 'yung salitang hinding-hindi ko gugustuhing marinig sa kanya. Hindi ko mapigilang maghimig may hinanakit sa kanya, "Dahil kaya mo na 'yung sarili mo, hindi mo na 'ko kailangan?" tumawa pa 'ko ng may sarkasmo.
"Adam—"
Hinawakan ko 'yung baba niya at hinalikan ko siya. Hindi niya 'ko tinulak pero alam ko na nagulat siya. Saglit lang 'yon at nang hiwalayan ko siya hindi ko mapigilang titigan siya.
"Gusto kita, higit sa kaibigan. Hindi ko alam kung paano, kailan, pero wala na 'kong pakialam do'n, hindi lang ikaw ang nahirapan ng iwasan kita mas nahihirapan ako dahil mas matindi 'yung damdamin ko para sa 'yo!"
"Adam—" gulat pa rin 'yung itsura niya.
"Pareho tayong lalaki, Adam..." hinila niya 'yung manggas ng polo ko para ibalik ko 'yung tingin ko sa kanya. Nagtatanong ang mga mata niya nang magkatitigan kami.
"Alam ko, anong tingin mo sa 'kin, 'di ko alam na pareho tayong lalaki?" asar na tanong ko.
"Pero 'di ba—"
"Blue, If loving you means gay, then I am!"
Hindi siya kumibo, lumuwag 'yung pakiramdam ko pero pulang-pula siya at titig na titig sa 'kin.
"Then I am too..." Halos bulong lang 'yon, sapat para marinig ko.
Pakiramdam ko lalabas 'yung puso ko sa sinabi niya, korny na kung korny pero iyon talaga 'yung pakiramdam ko. Iyong maging kaluluwa ko lalabas sa katawan ko.
Hinawakan niya yung kamay ko, "H'wag ka nang mawawala nang gano'n, nanghihina ang pakiramdam ko." Nakagat niya 'yung ibabang labi niya.
Lumunok ako nang kung ilang ulit. Gusto kong alamin kung tama ba 'ko nang intindi sa 'Then I am too' niya o hindi. Pero masyado na 'kong masaya para maisip ko pang sirain ang gabi ko.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinawid ang pagitan ng labi namin. Hindi niya 'ko pinigilan dahil kusa pa niyang ibinuka ng maliit ang bibig niya sapat para mas mapalalim ko 'yung halik na namamagitan sa 'min.
Nagkahiyaan pa kami pagkatapos no'n. "Late na." Naalala ko kung anong oras na. "Nagpaalam ka ba?" Pinaandar ko na 'yung sasakyan.
"Nagpaalam ako, hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi kaya sinabi ko na sa 'yo 'ko makikitulog. Pumayag naman si mama, basta tatawagan mo siya para malaman kung ikaw talaga 'yung kasama ko."
Fire's of hell, kakainin mo na ba 'ko? Ang trustworthy ko sa paningin ng mama niya pero hindi niya alam na hindi kaibigan ang tingin ko sa anak niya.
Dinala ko siya sa 'min pero iyong hawak niya tila mawawala kaagad siya sa malaking mansion ni Lolo.
Umakyat kami patungo sa k'warto ko—kanina pa niya minamasdan 'yung paligid. Nangingiti nga siya sa malalaking painting ng pamilya namin na isa-isa sa buong pasilyo. Mula pa 'yon sa lolo ng lolo ko kaya kung hindi hahanga sa mahabang pasilyo na may naglalakihang painting, matatakot naman ang pupunta rito dahil bukod sa tahimik ang paligid, parang takot pa ang mga Butlers and Maids na gumawa ng mga ingay. Ang boring ng bahay na 'to, lalo kapag special occasion dahil may kanya-kanya kaming gustong puntahan at 'di uso sa 'min ang celebration ng magkakasama. Depende na lang kung may pakitang 'party' na naman na magmumukha na namang business meeting.
"Ang laki ng bahay ninyo, Adam!" naupo siya sa kama ko at halatang nagulat siya na 'di 'yon malambot. Kaya mukha siyang ewan na ilang beses sinubukang mag bounce. Inikot na naman niya 'yung paningin niya sa paligid—wala naman siyang kakaibang makikita dahil mga pangkaraniwan lang 'yon sa k'warto ng isang lalaki. Malaki nga lang 'to sa k'warto niya at may karugtong na walk-in closet—at may pintuan kung nasaan ang mga instrument na ginagamit namin magkakaibigan kapag mas gusto namin dito tumambay at gumawa ng ingay.
Kinuha niya 'yung cellphone niya at 'tinuro niya 'yun sa 'kin. "Mama..."
Sinagot niya 'yon nang tumango ako.
"Magkasama nga kami ni Adam, ma," tinuro niya uli sa 'kin 'yon at iniabot.
Napalunok pa 'ko nang kung ilang ulit, kailan pa 'ko dinapuan ng konsensiyang ganito katindi.
"Tita—"
"Adam!"
Nagitla ako dahil mukhang galit siya.
Nginitian lang ako ni Blue at nag peace sign.
"Sabihan mo 'yan na kumain ng maayos! Sabihin mo kapag may babae siyang kasa-kasama at baka iyon ang problema niyan, ang hirap-hirap kausap!"
"Lalaki—"
"Anong lalaki?" tila takang tanong ni tita.
Lalaki ang problema ng anak mo, at kausap mo siya ngayon.
"Wala, Tita. Ako ng bahala, titigil na 'to sa diet, problema niya talaga 'yung pisngi niya—"
"Hindi ako nag diet," si Blue na kokontra pa.
Sinamaan ko siya nang tingin kaya natigil siya at nakagat ang ibabang labi niya.
Hindi ko naman sinabi magsinungaling siya, pinatahimik ko lang.