C6:ADAM

1291 Words
ADAM I'm changing my routine, mas priority ko na nga yata siya. Hindi naman ako napipilitan dahil gusto ko nga siyang makita. Tumatawa nga siya kahit hindi naman nakakatawa 'yong joke ko, iyong malaking tilapia kinain 'yong mayabang na ahas, 'di ba? Pero nadadala 'ko nang tawa niya kaya natatawa rin ako sa kanya. Iyong ngiti niya, naipagpalit ko 'yon sa hubad na katawan ni Erika, Marie, Suzanne, Karla, Maricar—s**t, 'di ba? Iyong pagkagat niya sa lower lip niya, siya lang ang gusto kong gumagawa no'n, naaasiwa na 'ko sa iba. Almost three to four times a week ko siyang sinasamahan mag lunch kahit dalawang araw do'n may klase ako na 'di pinapasukan. Pero hindi niya alam dahil hindi nga siya nagtatanong at wala naman akong balak sabihin. Malaki lang 'yong malisya ko kaya iyong simpleng hawak niya at salita niya iba ang nararamdaman ko, samantalang siya, wala lang 'yon. Texts. Calls—paulit-ulit na 'di ko kinakasawaan kahit dati tamad na tamad akong gamitin ang cellphone ko na iyong charge aabot pa 'yon ng three days dahil 'di ko nga nagagamit. Pero ngayon, nakilala ko na ang kahalagahan ng charger. Sinubukan ko rin naman na hindi siya replyan minsan, or 'di siya pansinin pero hindi ko rin natatagalan dahil babalikan ko siya at kakausapin. Noon, gusto ko siyang magkaro'n ng ibang kaibigan kaya pinipilit ko siyang 'Magtiwala' uli kahit hirap din ako isabuhay ang salitang 'yon. Pero nang malaman ko na may nakakausap na siya, nagsisimula naman akong mainis, gusto ko na sa 'kin lang ang oras niya. "May kaibigan ka na pala, may makakasabay ka na sa lunch." Nasa Cafeteria nila kami at sinasamaan ko nang tingin 'yong gustong tumabi sa mesa namin. Bahala silang magsiksikan sa ibang lugar. Open gate sila kapag lunch break kaya nakakapasok ako, as long as may iiwanan akong Valid ID. Hindi siya kumibo, iyong sigla niya sa pagkukuwento kanina biglang nawala. Tahimik lang siyang kumain. "Busy na rin naman ako," kinuha ko 'yong cellphone ko at magkukunwari akong may humahanap sa 'kin. "Sabihin mo lang kung hindi mo na 'ko gustong kasama, Adam." Natigilan ako sa pagtipa ng password. Nag-iba 'yong sweet niyang boses. Did I hurt him? "Pinilit kong magkaro'n ng kaibigan kasi sabi mo, gusto mo. Nabibigatan ka bang kasama 'ko? Naaawa ka ba sa 'kin kaya sinasamahan mo 'ko? At ngayon, may kaibigan na 'ko, umaalis ka na dahil hindi ka na maaawa sa 'kin?" Natigilan ako nang titigan niya 'ko. Masyadong ekspresibo 'yong mata niya na nalulungkot siya. Ano ba kasing nangyayari sa 'kin? Ibinaba ko 'yong cellphone ko sa mesa at sa loob nang higit dalawang buwan ngayon lang ako napikon, pero hindi dahil sa kanya kundi dahil sa selos na nararamdaman ko. "Sinabi ko nga sa 'yo na gusto ko na may kaibigan ka, mas okay naman 'yon na mas malapit sa 'yo ang nakakasama mo." "Iba ka naman sa kanila, hindi naman sila kagaya mo, mas gusto kitang kasama. Kung napapagod kang pumunta rito, p'wede naman ako 'yong pumunta sa 'yo, okay lang naman sa 'kin magbiyahe ng malayo." Shit. Relationship Goal. Nanunuyo 'yong lalamunan ko kaya kinuha ko 'yong juice niya at 'yon ang nilagok ko bago ko siya tinitigan nang husto. Nagulat lang ako nang mukhang maiiyak na siya kaya mabilis ko 'yong pinunasan ng panyo ko. Peste, magtinginan na kayong lahat, wala na 'kong pakialam! "Okay lang kung hindi mo na gusto, kahit minsan na lang basta 'wag mo 'kong iiwanan." Kung sana naiintindihan mo 'yang mga delivery ng words mo, Blue. "Tapos ka na bang kumain? Mag-usap na lang tayo sa labas." "Blue!" Ako 'yong unang napatingin sa pintuan ng cafeteria. Isang lalaki 'yon na papalapit sa 'min at tuwang-tuwa habang may hawak na mga Newspaper. "Blue—" Sinamaan ko siya nang tingin nang magbabalak siyang umupo kaya natigilan siya at mukhang nakakita ng demonyo. "Hmmm?" si Blue. Naiirita ko, bakit ang sweet ng boses niya? Kailangan sa 'kin niya lang ginagamit 'yon. "Busy ka ata, mamaya na lang tayo mag-usap sa classroom," anito. "Sabihin mo 'yong sasabihin mo, bakit mamaya pa?" asar 'yung tono kong tumaas. Tinignan naman ako ni Blue, "Mag-usap muna tayo," sabi niya sa 'kin. "Fine. Baka 'di ko p'wedeng marinig 'yang pag-uusap ninyo." Pikon na pikon akong tumayo, sa inis ko nga muntik na 'kong makipagsuntukan sa lalaking nabunggo ko, kung 'di lang siya humingi nang pasensiya at mukhang lalampa-lampa, sasapakin ko na siya para maalis 'tong asar na nararamdaman ko. Sumunod naman sa 'kin si Blue pero hindi siya umiimik. Hindi ko alam bakit lalo 'kong naaasar. "Blue, nakita mo na 'yong dinala ni Larry sa 'yo?" Inis na nilingon ko 'yung babaeng nadaanan namin. "Lucy—" "Kausapin mo muna silang lahat, aalis na 'ko." Asar na iniwan ko siya. Hindi ko mataasan 'yung boses ko kayo lalo 'kong naiirita. "Adam—" Hindi ko siya pinansin kahit sumunod siya. Mainit ang dugo ko ngayon baka kahit hindi ko gustong magalit sa kanya nang husto, magawa ko. Hanggang kailan ba kasi ako magkakaganito sa kanya? Tumatagal na mas lalo lang akong nahihirapang iwanan siya. "Pumasok na na malapit na maubos 'yung time mo. Marami ka pang kakausapin." Hinawakan niya 'ko sa braso. Hindi ko siya lilingunin dahil ayokong pagsisihan 'to. "Bakit ka nagagalit sa 'kin?" "Hindi ako galit sa 'yo." "Ano lang?" "Blue—"inalis ko ang kamay niya at hinarap ko siya. "Fine, mag-usap tayo after class." Hindi ko na naman napanindigan ang gusto kong gawin dahil sa 'twing titingnan ko siya na may ganyang malungkot na ekspresyon kusang nasisira 'yong tatag ko sa salitang binibitiwan ko. "Magpapakita ka sa 'kin? Hindi ka biglang mawawala?" humawak na naman siya sa ilalim naman ngayon ng polo ko. Para namang kaya ko, kung kaya ko 'yon una pa lang iniwan na kita at hindi ko hinahayaan ang sarili ko na masiraan nang ulo dahil sa 'yo. "Uwian." Bumitaw na siya sa 'kin kaya nagtuloy na 'ko palabas ng eskuwelahan nila. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi naman dapat ako magalit o mainis nang ganito. Paulit-ulit ko pang sinabi na kailangan niya ng 'Kaibigan' bukod sa 'kin. Ngayon na natututo na siyang makipagkaibigan uli, ako naman 'yung asar na asar. I never had a serious relationship. Kaya hindi ko akalain na may mga ganito 'kong sides, at maging ako sa sarili ko naiirita 'ko. Ano bang pakialam ko kung may iba silang lalaki? Ano naman sa 'kin kung pareho lang kami ng gusto sa isa't isa ng babae? Bakit ako magtatagal kung p'wede naman na tumikim lang 'di ba? Boring sa 'kin ang ginagawa ng mga nasa relationship, hindi ko nga nakikita ang sarili ko na nakikipag-date o ano pang ginagawang pangkaraniwan ng mga nasa relasyon. Mahaba pa ang oras ko para humanap ng magiging asawa, magkaro'n ng seryosong relasyon at magpakasira sa iisang tao. Kung p'wede nga lang dumating siya sa 'kin sa panahon na boring na sa 'kin ang pakikipaglaro sa babae, marami na 'kong achievements at boring na ang ibang bagay sa 'kin, may pamilya na 'yung mga kaibigan ko para naman ako na 'yung maiinggit sa kanila at hahanap naman nang bagong buhay sa pagkakaro'n ng pamilya at 'di na 'ko hahanap ng iba dahil nga sawa na 'ko sa iba't ibang laro ng apoy. Tapos ngayon, enjoy pa naman ako, pero nawala lahat 'yon dahil lang kay Blue. Nasa top priority ko siya, alam ko naman na gano'n din siya sa 'kin, pero dahil may mga pesteng pumapasok, pakiramdam ko kinukuha nila siya sa 'kin at 'di ko maiwasang magalit kahit ang simple-simple lang talaga ng dahilan ko. Kahit ako alam kong wala 'yung kakuwenta-kuwenta, pero hindi madaling kumbinsihin 'yung sarili ko na kumalma dahil nagseselos ako, seryoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD