C5: ADAM

1102 Words
"Gusto mo ba rito? Kung ako na lang kaya lumipat sa school mo?" Takang nilingon niya 'ko sa sinabi ko. Nakaupo na kami sa park bench sa likod ng eskuwelahan kung saan tanaw ang malawak na soccer field. Maraming punong acacia sa paligid namin kaya malilim, bihira lang may mag lunch dito dahil 'di uso ang mga nagbabaon. "Maiistorbo ka pa, ako na lang ang lilipat." Binukas niya na 'yung bag niya. "Saka, sinusubukan ko ng makipag-usap sa iba, 'di naman naiiwasan dahil puro group activities. Para hindi kita gaanong maistorbo rito kapag nakalipat na 'ko," binalingan niya uli ako na may ngiti na nagpapakita sa dimples niya. "Ayoko na palagi akong umaasa sa 'yo—" "Biglang hindi mo na 'ko gusto?" "Hindi," tila kapag magpapaliwanag siya lalo siyang nagiging cute dahil mukhang 'di pa man siya nagsisimula nahihirapan na siya, "Ayoko na maging problema mo 'ko, iyong isipin palagi..." "Gusto kitang isipin 'lagi." "Huh?" "Sabi ko, anong kakainin natin parang ang tagal mo ilabas 'yan, gusto mo ba 'yang ipakain sa 'kin o hindi?" nagkatawanan kami, naglabas na siya ng apat na tupperwares. "Dahil prepared ako, nagdala na rin ako ng water, and chocolate milk ko?" nang balingan niya 'ko nangiti siya, hindi ko naman maaagaw sa kanya 'yon at hindi ko naman 'yon gusto. "Next time beer dalhin mo sa 'kin," ngisi ko. "P'wede ba 'yon? Hindi ko alam kung paano ko 'yon dadalhin—" namroblema na naman siya. Natawa na 'ko nang tuluyan, "Ang hirap mong i-joke," sa lahat naman ng pagong, siya ang paborito ko. "Hala! Walang kutsara't tinidor—" "Bilib na sana 'ko sa 'yo kahit mabagal ka kumilos," mahahanat na 'yung pisngi ko, hindi nawawala ang ngiti ko sa kanya. "Bibili ako, sabihin mo saan 'yung canteen—" "Maghugas na lang tayo, magkamay tayo. Depende kung 'di ka marunong magkamay," ngisi ko. "Marunong ako!" mabilis niyang sagot. May hugasan malapit sa lugar namin kaya iniwan na namin 'yung pagkain namin. Wala namang kukuha no'n at saglit lang kami. Nakasabay pa namin si Claude at 'yung palagi niyang kasama na nakaibang uniform na mukhang kaedad niya. "Kaya pala masipag si Adam nandito ka—" nilingon niya si Blue. Hindi 'to kaagad napansin ni Blue kaya gulat pa 'tong lumingon kay Claude. "H'wag mong pansinin 'yan, hindi naiintindihan ng mga tamad na 'tulad niya ang hardwork ng kasipagan ko." Inakbayan ko na si Blue at inayang umalis. "Bye—" pilit pa siyang lumingon kay Claude. Kumain na kami pagbalik kahit mukha siyang ewan na nagkakamay na dalawang daliri lang ang pinangkukuha ng kanin. Nang mapatingin siya sa 'kin natawa 'ko nang malakas. "Adam, nagsinungaling talaga 'ko, hindi ako nagkakamay—" naiiyak na siya pero mas lumakas 'yong tawa 'ko hanggang masamid ako. "Bahala ka, wala kang tubig," siya naman ang natatawa. "Iyan na nga," iniabot niya na 'yung tubig kaya uminom na 'ko dahil baka ikamatay ko pa 'to. "Pasalamat ka mahalaga ka sa 'kin kaya hindi ko kayang tiisin ka," ang kaswal niya lang na sinabi 'yon pero nabuga ko 'yung iniinom ko. Shit. Alam ko naman na hindi iba ang kahulugan niyon sa kanya pero ngayon lang ako nakaramdam nang pagkabog nang dibdib dahil lang sa salita. Nagpahinga muna kami matapos kumain. Iniinom niya na 'yung chocolate milk niya habang nagkukuwento siya tungkol sa masungit niyang teacher. "Pinagalitan niya 'yung group namin, sa 'kin siya napatingin kaya natakot ako, tapos bigla siyang natawa nang tiningnan niya 'ko." Simangot na simangot siya no'n nang bumaling sa 'kin. "Paanong 'di matatawa mukha ka kayang pusang nililigaw kapag nasisigawan," natatawa rin ako, madalas ko 'yon maramdaman sa kanya, nawawala ang galit ko dahil mukhang 'sorry na sorry' ang mukha niya. "Adam..." Kaya naman pala nagdilim ang paligid may grupong humarang sa 'min. "Hi, I'm Charles, kaibigan ni Adam—"inilahad niya ang kamay kay Blue at ngiting-ngiti. Tiningnan naman ako ni Blue na tila nagtatanong kung dapat niyang tanggapin 'yon. "Blue," nginitian niya si Charles pero hindi tinanggap ang kamay nito. Tumayo na 'ko, "Hintayin mo 'ko ihahatid kita," nang tumango si Blue na tila nagtataka sa mga lalaking kasama ko, pinasunod ko ang grupo ni Charles. Sa sobrang abala ko, hindi ko napansin na sa kabilang bench naro'n pala si Claude at 'yung lalaking kasama niya na napatingin din sa 'min. At sa sobrang pagkawili ko kay Blue, nalimot ko na may demonyong Charles na pakalat-kalat. NANG ihatid ko siya 'di naman siya nagtanong sa 'kin pero halata naman na may gusto siyang sabihin. "Hind kita masusundo mamaya," nang nasa gate na nila kami kung saan nakahimpil ang sasakyan ko. "Sige lang," ngiti niya sa 'kin. "Message me," pinilit kong ngumiti. Inalis niya 'yung seatbelt niya, "Mag-ingat ka," iyong tingin niya sa 'kin parang may masama namang mangyayari sa 'kin. Bago niya buksan ang pintuan ng sasakyan hinawakan ko siya sa braso kaya lumingon siya na tila nagtatanong. Hindi ko alam kung bakit umangat ako at tinawid ko ang pagitan ng labi namin. Saglit lang 'yon nagdikit lang ang labi namin, napigil ko pa 'yung sarili ko. Ikaw 'yung matanda at mas nakakaintindi, Adam! Nang tignan ko 'yung itsura niya halatang nagulat siya pero nang nginitian ko siya nagsimula na siyang maging kamatis. "I-text..ki...kita,"mabilis siyang bumaba. Iniuntog ko naman nang ilang beses 'yung ulo ko sa manibela. Si Charles, gusto lang naman niya 'ko maging aktibo sa grupo namin. Kahit hindi ko gusto kung lalayo siya kay Blue, mas okay na sa 'kin maging boring sa mga usapan nila at trip nila. Pero hindi 'to magtatagal, sa ngayon, iisipin ko muna kung ano 'tong gumugulo sa 'kin. Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Blue? The more na sinasabi kong lilipas 'to, lalo lang lumalala. Ayokong bigyan 'to nang interpretasyon lalo at 'di naman ako bihasa sa pag-ibig na 'yan dahil wala naman ako naging seryosong relasyon dahil ayoko nga na may binibigyan ako ng oras ko dahil gusto kong maging malaya sa lahat ng bagay. Aaminin ko na nagselos ako na may kausap siya kanina at sinadya kong takutin sa tingin 'yung lalaki dahil ayokong malaman niya na masama talaga ang ugali ko, at kapag 'Akin' dapat 'Akin' lang. Oras na malaman ko ano 'tong damdamin na 'to, at nasiguro ko sisiguruhin ko na magiging 'Akin lang siya'. Ipinaramdam niya sa 'kin 'to kaya dapat maging responsibilidad niya 'to. Bago 'ko makaalis nagmessage siya sa 'kin ng 'Take care, Adam. Sabihin mo sa 'kin kapag nakauwi ka na, ha?" parang wala lang 'yung paghalik ko sa kanya. Nangiti na lang ako at umalis na. Atleast 'di 'yon big deal sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD