ADAM
Hindi ko nagawang mang-inis sa klase dahil nakapangalumbaba lang ako, hindi ko pa rin makalimutan 'yung halik na binigay ko kay Blue, nag-asukal ba siya sa labi? Parang ang tamis no'n...
Kinukulang na ba 'ko ng oras sa babae kaya sa kanya ko naibabaling?
Wala naman ako sa mood ngayon para sa babae, saka paano kung gusto niya 'kong makita ngayon?
Kaso nga, nag-iiba 'yung ihip ng hangin sa 'kin, kailangan ko na talaga ng tulong ng mga ungas kong kaibigan. Tama-tama, bago man lang sila umalis, magpapabatok muna 'ko nang matindi para makalog ng kaunti 'tong utak ko na puro si 'Blue' ang laman.
"Adam, ano na..." may humahaplos na naman sa hita ko.
Inalis ko 'yon, "H'wag kang magulo, nag-iisip ako, hindi mo ba nakikita?" asik ko kay Kim.
"Sabihin mo kung ayaw mo kesa pinapaasa mo 'ko," simangot niya.
"Ayoko, okay na?" bumaling ako sa pagtingin sa unahan, kunwari nakikinig ako habang iniisip ko si Blue. Atleast at peace si ma'am ngayon dahil iyong guwapo kong itsura na mukhang anghel ang nakikita niya.
"Nakakatakot si Adam kapag tahimik at ngingiti-ngiti bigla," sabi no'ng teacher namin sa unahan.
Nagtinginan naman sa 'kin ang mga kaklase ko.
"Baka nag-aadik na," narinig ko ang bulong ni Claude.
"Kung sabihin ko kaya sa kapatid mo na nawiwili ka sa pagbabanda?" binalingan ko siya sa tapat ko.
Nakita kong naasar siya at tumungo na lang.
Walang kuwentang estudyante, patungo-tungo lang atleast ako pangiti-ngiti pa 'di ba?
"Adam, malapit ka ng maka-perfect attendance sa buwan na 'to."
"Ako pa ba, ma'am?" ngisi ko.
Napapailing naman siya na nangingiti. "Kahit ngumiti-ngiti ka diyan na 'di ko alam ang dahilan, mas okay 'yan kesa bigla kang aalis ng classroom at ginagawa mo 'kong pastol para hanapin ka."
Si Mrs. Flordeliza ang isa sa teacher ko na may pakialam sa 'kin, iyong iba wala talaga, siya lang ang talagang namimilit gumawa ako.
"Adam—"
May sumipa sa upuan ko kaya naman asar na binalingan ko si Claude.
"Nakita ko na kasama mo si Asul—"
Napaisip pa 'ko sino si 'Asul' si 'Blue' pala, ganito ba kahina ang utak ko? Ang alam ko kasi tamad lang talaga 'ko.
"O' ano sa 'yo?"
"Are you gay, Adam?"
"Ano?!"
"Bak—"
Lalakasan niya kaya tinakpan ko ang bibig niya. "H'wag kang magkakamali, ibabaon kita ng buhay." Sinamaan ko siya nang tingin.
Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya.
"Anong bak?" si Mrs. Flordeliza.
Ipinakita ko kay Claude 'yung kumao ko, matutuluyan ng maaga 'to.
"Tinatanong ko lang ma'am kung ba—"natatawa si Claude na nilingon ako, "—bakit mukha siyang bakulaw," nagtawanan sila.
Kaya sinipa ko 'yung upuan na walang nakaupo sa harapan ko dahil p'westo 'yon ng bag ko. Nagtahimikan naman sila at nagkunwaring busy na busy sa pagsusulat.
Tatamaan 'tong si Claude sa 'kin mamaya.
Nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon sa desk ko.
Nangiti ako nang mabasa ko na si Blue 'yon.
Bluer than Blue: Adam, pupuntahan kita. Maaga kaming natatapos kapag exam, aabot ako sa lunch hours mo. Ahm, nakasakay na 'ko ng taxi kaya 'di mo na 'ko mapipigilan?" with smiley na naman 'yon.
Paano ko pa siya mapipigilan?
"Ngiting-ngiti, parang tanga lang."
Dinedemonyo talaga 'ko nitong si Claude. Tumayo ako binigyan ko siya ng kutos bago ko lumabas ng classroom kasunod ng Teacher namin na katatapos lang. Doon ako sa labas para kahit tumawa ko nang tumawa walang makikialam o kaya sapakan na lang kapag biglang may umepal.
"Adam, mamaya ba?" si Charles 'yon na makakasalubong ko.
"Busy ako," nilagpasan ko ang grupo ni Charles.
"Brothers."
Diniinan niya 'yon kaya naman 'tinaas ko 'yung kamay ko ng thumbs up. Kapag gusto niyang sabihin na dapat stick sa samahan namin halos durugin niya 'yong salitang 'Brothers' kapag binabanggit niya.
Tinawagan ko si Blue.
"H'wag ka nang pumunta rito, magkita na lang tayo sa ibang lugar—"
Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba, as much as possible ayoko siyang idamay sa gulo ng buhay ko. Pati ba 'takot' Blue, ipapakilala mo rin sa 'kin?
"Diyan din kami magkikita ni mama, 'di ba sinabi ko sa 'yo na diyan ako mag second semester, nag inquire siya?"
Hindi ko naihakbang ang paa ko pababa ng hagdan.
Sinabi nga pala niya 'yon bago ako umuwi ng madaling araw kahapon. Hindi gaanong pumasok sa isip ko dahil mas nangingibabaw 'yung halik na ginawa ko sa kanya.
"Adam? Okay lang kung 'di mo 'ko gustong lapitan ka—"
"Joke lang, iiyak ka na kaagad..." tinawanan ko siya kahit 'di ako natatawa.
Mukha naman natuwa siya kaya nagpaalam na siya sa 'kin.
Gusto ko na malapit na nga lang siya, pero hindi 'to ang lugar para sa kanya. Lalo at mas makikilala niya ko rito at kapag malapit kami sa isa't isa baka madamay lang siya sa 'kin.
Baka naman damdamin niya 'pag sinabi ko na 'wag na siya dito mag-aral.
Tinawagan ko si Charles habang bumababa ako sa hagdanan.
"Himala ba 'to?" mukhang bubuwisitin pa 'ko.
"Pupunta 'ko mamaya."
"Akala ko babae na inuuna mo, atleast alam ko ngayon na wala pa rin akong magagamit para gipitin ka, 'di ba?"
"Hindi naman 'yan pagbabanta 'no? Kung magkakaro'n man ako ng partner, sisiguruhin ko 'yung worth to kill a person—"
Tumawa na siya. Nasa college sila at hindi ko alam kung bakit sila naglalakad-lakad dito sa building ng Senior High. Mas matatanda sila sa 'kin, nang unang tumungtong ako rito, nilapitan na kaagad nila 'ko dahil akala ko maganda ang samahan nila sumali ako, kaso boring dahil hindi ko nga gustong nananakit ng walang kasalanan sa 'kin, gusto ko 'yung hinahamon ako para naman masabi ko na 'I told you so' kapag namilipit na sila.
Narito na siya sa eskuwelahan, pero 'di ako makalabas dahil kasama pa niya 'yung mama niya, hindi ko alam bakit hindi ko matitigan 'yung mommy niya sa mata. Dahil sigur mabait,responsable at kung ano-ano pang positibo na nakakapagpahilo sa 'kin ang tingin nila sa 'kin gawa ni Blue na wala yatang masamang tinapay ang tingin sa tao at malapit na 'ko maging anghel sa deskripsyon niya sa 'kin.
Mabilis pang nakumbinsi ni Blue na dito siya mag-aaral kahit malaki 'to, dahil nga nandito ako at pareho kaming Grade-Eleven. At siyempre, balak ko na mag Grade-Twelve dahil baka maiwanan niya 'ko at mahihiwalay siya ng floor sa 'kin, kailangan pintuan sa pintuan lang ang pagitan namin para makikita ko agad siya lalo kapag may lumalapit na linta at lamok.
Tinapos ko pa 'yung klase ko at natuwa naman iyong Teacher ko na gumawa ako. Kulang na lang hampasin na 'ko ng notebook ko sa sobrang papuri. Wala e, sinipag ako...
Nang mabasa ko 'yung message niya na 'Wala si mama' doon na 'ko bumaba. Nauna na 'ko mag lunch break, palabas na rin naman 'yung last subject teacher ko.
Nag elevator ako para naman ma mabilis ko siyang makita—No! Hindi ako nagmamadali, baka lang umiyak siya kapag natagalan ako.
Tinawagan ko na siya pagkalabas ko ng Elevator habang palabas ako ng building namin. Hindi ko muna pinansin ang mga tumatawag sa pangalan ko, hindi niya dapat makita na marami akong babae baka isipin niya babaero ako—hindi, sila 'yong lalakero, biktima lang ako.
Nakita ko na kaagad siya pero may kausap siyang lalaki na dito nag-aaral, kaya pala 'di niya sinasagot 'yung tawag ko.
Bumaba ako sa hagdanan at lumakad patungo sa kanila.
Sinadya kong itulak sa braso ang lalaking kausap niya nang makalapit ako, sa hina ng buto bumagsak kaagad.
"Ah, 'di ko sinasadya," napakamot ako ng kilay.
"Adam!" hahawakan siya ni Blue na nagulat para itayo.
Ako na 'yung kusang kumuha ng kamay ng lalaking 'yon saka ko siya hinila patayo. Narinig ko pang lumagutok ang buto niya.
"Adam—" halatang natakot kaagad siya sa 'kin dahil namutla.
"Nasaktan ka ba? Hindi 'yon sinasadya ni Adam," si Blue na papagpagan pa 'yung lalaki kaya humarang na 'ko sa pagitan nila.
"Ayos ka lang?" matalim kong tinignan 'yung lalaki.
"O-oo, sige, s-salamat." Tumungo siya sa 'kin, kailan pa 'ko naging Japanese?
"Blue, pagbalik mo na lang—"
Sinamaan ko siya nang tingin, dahil pilit pa niyang hinahanap si Blue sa likuran ko. Nagsimula na 'kong magpalagutok ng mga daliri ko sa kamay. Namumutlang tiningnan niya 'ko at nagmamadaling tumalikod na at umalis, akala ko uubusin niya talaga pasensiya ko.
Nilingon ko si Blue na mukhang pasalita pero inunahan ko na, "Tinatawagan kita!" napalakas 'yon kaya may mga napatingin sa 'min pero nag-iwas din naman.
"May sinasabi kasi siya sa 'kin dahil tinawag siya no'ng isang Teacher para—"
Huminga 'ko nang malalim dahil mukhang natakot siya kaya naman nginitian ko siya, "Gutom lang ako."
Nangiti naman siya, "May dala 'kong lunch, si mama nagluto no'n kanina at sabi niya ipagdala kita," iyong ngiti lang niya, pakiramdam ko lahat ng galit ko lumabas na. Hindi ko talaga siya matagalan.
"Pero paano siya—"
"Ako nang bahala ro'n."