C2: ADAM

1405 Words
ADAM Bluer than Blue: Gusto na kitang makita, Adam. Nagising 'yung diwa kong antok na antok nang mabasa ko 'yong message ni Blue sa 'kin. It's been two weeks, simula nang huli kaming magkita at maging 'magkaibigan' kalokohan ko lang naman 'yong pagpayag ko dahil nadadala lang ako ng cuteness niya. Pero nang wala na siya sa harapan ko, iyon normal na uli ang takbo ng utak ko. Nilingon ko si Claude at himbing na himbing na siya. Binalikan ko nang tingin 'yung Teacher namin sa... Wait... Loading! Nauubos na 'yong buhok niya at mukhang b'wisit na b'wisit na siya sa buhay. Nag type ako nang ire-reply kay Blue, 'Share mo lang' pero naisip ko na kakagatin niya na naman 'yong lower lip niya at sisimangot kaya iniba ko 'yon, "Later." Send, kaagad at pagsisisihan ko na naman 'yon mayamaya. Nilingon ko 'yung kalapit ko nang maramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa hita ko. Nginingitian niya 'ko kaya kinuha ko 'yong kamay niya at ipinatong ko sa gusto niya talagang hawakan. Nagulat siya at kumagat labi—s**t. Bakit mas cute si Blue sa parteng 'yon? Damang-dama ko na 'yung masamang tingin ng Professor sa unahan kaya nginitian ko siya para ma-chill naman siya. Napapansin ko nga, gustong-gusto na 'ko ng mga Professor kong paalisin sa Senior High, 'pinapasa na 'ko kahit hindi ako kapasa-pasa. Ewan ko na lang kung gusto pa nilang tatlong beses kong ulitin 'tong Grade-11, sila rin, very willing naman ako. Nag reply si Blue ng smiley na may puso-puso ang mata, alam ba niya na 'di niya dapat ginagamit 'yon? Bluer than Blue: Anong oras? Ngayon bang Lunch or uwian?' Tinignan ko si Kim at tinimbang ko kung sino ang uunahin ko sa kanila. 'Basta.' Reply ko sa kanya. 'Naiinis ka ba? Sorry, Adam...' may kasama pang sad smiley. Namasahe ko 'yong sentido ko, 'No.' at sa kanya lang ako gumamit ng smiley, iyong ngiting-ngiti na parang wagi, kaya natawa 'ko sa sarili ko. 'Lunch, sabay na tayo, anong oras ka?' Gusto kong batukan 'yong sarili ko dahil isang oras akong mag biyahe para lang sabayan siya sa lunch at gano'n din pagbalik, so, it means may klase akong masasagasaan. Nararamdaman ko 'yong ekspertong paghagod ni Kim sa 'kin at mukhang gusto na nga niyang sunggaban. Pero hindi siya ang napili ko ngayon kaining lunch break. Nang matapos na 'yong subject niya hindi na 'ko pumasok sa susunod. Pinuntahan ko na si Blue. Bakit ko nga 'to ginagawa? Dahil mabuti kang 'Kaibigan' at 'Kawawa' naman siya. Dahil motorbike ang gamit ko kaya alam ko na aabot ako sa kanya. Konsensiya ko pa kung 'late' siyang kumain. Hindi ko gusto ang 'tulad niyang inosenteng-inosente, napipikon ako. Pero 'pag siya, nauuwi na lang 'yon sa ngiti. Nag share kami ng messages and calls, sa wakas, nagamit ko rin 'yong load ko 'di ba? Para ko na nga siyang girlfriend sa dalas ko siyang kausap, kaya nga after pa niya matulog ako lalabas ng bahay para pumunta sa maingay at magaslaw na paborito kong lugar kasama ang mga kaibigan ko talaga. Ikatlong kita namin 'to kung kasama 'yong kinuha ko 'raw' iyong gamit niyang ibinato niya sa 'kin. Sumandal ako malapit sa tapat ng gate ng eskuwelahan nila Blue, bahagi ng waiting shed—nakapamulsa at nag-iisip kung hanggang kailan ko 'to gagawin. Ilang babae ang kumausap sa 'kin, namili ako nang ngingitian, iyong alam ko na game na game sa larong gusto ko—I want it rough. Nakita ko na si Blue, hindi ko na pinansin 'yong mga babaeng kumakausap sa 'kin. Isipin pa niya 'babaero' ako. Teka, kinakabahan ako? Pinagpapawisan ako. Nang lumingon siya sa 'kin at may pagitan pa kaming maliit na daanan pakiramdam ko nakakita ko ng anghel. "Adam!" Shit. 'Wag mo namang isigaw na may ganyang lovable face, baka isipin nila may relasyon tayo. "I missed you!" aniya bago tumawid. Nakita kong maraming nagtinginan sa gawi ko at babalik sa kanya. "Namumula ka," nag-aalalang tiningala niya 'ko nang makalapit siya. Isigaw mo ba naman 'yang 'I missed you' na hindi mo pa yata alam na hindi bagay sa 'ting mga lalaki 'yon at baka kung anong isipin nila. "Mainit, kanina pa kasi ako naghihintay." Pinunasan ko ng palad ko 'yong noo ko. "Blue, 'yung I missed you, hindi 'yon normal sa lalaki sa lalaki sinasabi..." Nangunot ang noo niya at napakagat sa lower lip niya... Wala na! Wala na! Dinaan ka na naman niya sa lip bite, Adam! "Bakit 'yung mga classmates kong babae sa babae? Paano ko sasabihin sa 'yo ang 'I missed you' may iba bang paraan iyong lalaki sa lalaki?" curious na curious siya. "Oo sige, iyon na lang, pag-iisipin mo pa 'ko!" "Nagagalit ka na ba sa 'kin, dahil hindi ako makaintindi?" nalulungkot na naman siya. Peste! Iyon lang para na 'kong susunugin sa impiyerno. Hinawakan niya 'ko sa braso kaya nagulat ako. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman mula sa malambot niyang kamay. Parang babae rin 'yong hugis ng kamay niya, mas mahaba nga lang ang mga 'yon. "Doon tayo kumain, o may gusto kang iba?" hindi ko alam kung ano 'yong 'tinuturo niya dahil 'di naman ako mahilig kumain sa kung saan-saan, okay na 'ko sa cafeteria at babaeng panghimagas. Nang dumating kami ro'n, Chicken at Pizza ang binili ko dahil iyon ang sabi niya. Inaabot niya sa 'kin 'yung pera niya kaya naiinis ako. "Marami nga 'kong pera, hindi ko kailangan niyan." "Ikaw lang ang tumanggi—" "Ano?!" "W-wala," tumungo siya at iniangat ang kubyertos saka ko tiningnan at nginitian nang husto. Shit. Downfall mo na, Adam! Habang kumakain siya, daldal siya nang daldal. Pero nilulunok muna niya 'yon bago uli magsalita at ngiti siya nang ngiti. Ewan ko ba, ngiti rin ako nang ngiti na parang bangag na adik. Hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko, basta, willing akong i-trade ang 'tulad ni Kim at nang iba pang babae, kahit ang oras na iba-biyahe ko makita ko lang siyang nakangiti sa loob ng isang oras. Wala akong kapatid na malapit sa 'kin, tatlo kaming lalaki at ako ang panganay. Iyong set up ng pamilya namin pang broken family, ang bunso na si Gabriel ay kasama lagi ni mommy sa iba't ibang bansa, kaya palipat-lipat din siya ng eskuwelahan. Si daddy naman si Uriel ang gusto, pangalan ng babae pero lalaki, habang lumaki naman ako kay lolo. Madalas pagkatuwaan ng kamag-anak namin 'yung pangalan namin dahil galing sa bibliya pero iyong ugali namin hindi sakto sa pangalan. Hindi ko talaga problema ang pera, bukod kay dad, sinusuportahan din ako ni lolo. Hindi ko nga makita kung anong kahalagahan ng pag-aaral, dahil kung about sa business din naman na ipapasa nila sa 'kin, mapagtututunan ko naman 'yon at wala naman silang choice dahil panganay ako at ako ang paboritong apo. Hindi ko alam kung epekto ba ng hindi magandang pagsasama ng pamilya kaya 'ko lumaking ganito, o mas natuto lang ako mabuhay sa diskarte. Lahat kinakaya ko, dahil lang gusto ko 'yon kahit pa nanliliit ako sa iba, hangga't hindi ko nakukuha 'yong pinakagusto ko, hindi ako titigil. Pero kapag nakuha ko na, boring na, wala ng thrill. Arrange Marriage lang ang dahilan ba't nagsama ang magulang ko, hindi ko 'yon gusto dahil baka magaya lang ako sa tatay ko na walang kayang ibigay sa pamilya kundi pera niya at iba pang luho. Sa edad kong 'to, napasok na nga 'ko sa selda, hindi lang tumatagal. Minsan na 'kong nahuli sa isang 'Gang Fight' at muntik na 'kong makapatay ng tao lalo kapag galit na galit ako. Kaya hindi na nakakapagtaka na takot sa 'kin 'yong mga ugok na gustong manakit kay Blue lalo at nasaktan pa 'ko at alam niya triple o higit pa ang ibabawi ko sa kanya. "May gagawin ka ba mamaya, wala 'kong kasama sa bahay, kung wala ka lang gagawin." Hindi niya 'ko matingnan at namumula siya. Kung babae ka, ngayon pa lang sinagot na kita nang 'Tara' at simulan na natin ang Adventure sa bahay ninyo. Kaso, ngingitian mo lang naman ako kung ikaw ang kasama ko at marami pa 'kong alak at babae sa bar mamaya. "Sige, susunduin kita." Nag-angat siya nang tingin at nginitian ako nang husto, "May green wallpaper na 'yong walls ko para 'di ka na mapangitan. Sabihin mo lang kung ano pang 'di mo gusto do'n para mapalitan ko, ha?" Para naman tayong mag-asawa niyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD