C1: ADAM

1751 Words
ADAM Wala akong magawa sa araw na 'to kaya pinuntahan ko 'yung mga tropa kong walang matinong ginagawa—bored na bored ako sa buong linggong 'to, napakaraming 'tinuturo ni lolo sa business niya, buti na lang talaga umalis siya ngayon kaya magiging maayos ang ilang buwan ko. Akala ko naman matutuwa ako ngayong gabi, kaso ito na nga, nakita ko 'tong si Claude na bugbog sarado na naman, kapatid pa rin 'yan ng kaibigan ko kaya hindi ko mapapabayaan. Wala naman akong pakialam sa ibang tao, kaso no'ng makita ko 'tong cute na hahampasin ng kahoy parang awtomatiko akong napatakbo papunta sa kanya, nahampas na 'ko nang malakas sa likuran nang maalala ko na siya 'yung weird na biglang iniwan sa 'kin lahat ng gamit niya, samantalang pera lang naman ang hinihingi ko. "Nakikinig ka ba? Kanina ko pa tinatanong sa 'yo bakit ka nila gustong saktan?" Nakita kong nataranta siya sa tabi ko, kaya kinalma ko 'yong sarili ko dahil mukha siyang inosenteng-inosente. Iyon nga 'yong dahilan bakit nagtataka ako na nando'n siya! Iyang si Claude na nasa backseat, sapakin talaga ang mukha niyan noon pa, ang angas. Nag-drive na 'ko patungo sa hospital para dalhin si Claude wala naman nangyari rito sa isa, sabi niya. Blue raw ang pangalan niya dapat 'Pink' na lang dahil pinkish naman 'yung kutis niya. Share ko lang. "Huh?" "Isa pang 'huh' mo ibabalik kita sa mga lalaking 'yon!" Nataranta siya, "Nasaktan ko sila noon, iyong araw na kinuha mo 'yung bag and books ko," sagot niya, sabay kagat sa ibabang labi. Peste, ang cute niya ro'n! "Hindi ko kinuha 'yung gamit mo, iniwan mo sa 'kin! Nanghihiram lang ako sa 'yo ng pera dahil hindi ko naman gustong mag-alay lakad no'n, sakto nawalan pa 'ko ng gas, ang malas ko no'n buti nga ikaw ang nakita ko." Paliwanag ko. "S-sorry," Gusto kong ihampas 'yong ulo ko sa manibela. Mas virgin pa 'to sa babaeng virgin umasta. Kinuha ko sa dashboard 'yong cellphone ko at tinawagan ang kuya ni Claude. "Hoy, 'yung kapatid mo nakipag-away na naman, pasalamat ka sa 'kin at nasagip ko na naman siya! Bugbog na bugbog na naman, kawawang-kawawa," pumalatak pa 'ko. "Adam, ikaw yata ang nananakit sa kapatid ko! Ikaw ang laging nakakakita sa kanya kapag nabubugbog!" "I'm innocent." "Sabihin mo saang Hospital mo 'yan dinala, papunta na 'ko." "Doon sa dati, siyempre." Pinatay ko na 'yon at ngising-ngisi pa 'ko. "Ihahatid ko lang 'to, at ihahatid na kita," baling ko kay Blue, si Claude ang uunahin ko at baka matuluyan. "S-salamat," "Saan pala kita ihahatid?" Kanina pa niya kinakagat 'yong ibabang labi niya, ang hilig magpa-cute nito. "Sa Moon Ville." Sagot niya na binalingan ako. "Bakit Moon Ville?" Nangunot ang noo niya, "Doon ako nakatira," "Tanga, hindi 'yon ang tanong ko—" natigilan ako dahil mukhang 'di 'to sanay sa mga gano'ng mga salita pero mukha namang 'di lalaban. Easy, Adam, minsan lang umiral ang konsensiya mo kaya damahin mo na. Pinaghintay ko siya sasakyan bago ko binitbit si Claude sa loob ng hospital. Sakto naman na nakita ko si Doctor Sandra Ching. "Doc, ang regular patient mo," "Mr. Hartwell, linggo-linggo na lang!" Nagsimula na naman 'tong magsermon. Tumawag 'to ng mga nurse kaya iniwan ko na si Claude. Kilala naman siya rito kaya diretso na 'yon sa private room at papunta na rin naman si Xander. Mahaba pa buhay ni Claude, pusa 'yon. Nagmabuting loob na nga 'ko kay Claude, minumura pa rin ako, hindi ko siya makuha sa parteng 'yon. "Saan kita ihahatid, Bluer than Blue?" tanong ko kaagad pagpasok ko sa sasakyan. Ibinaba ko 'yong bintana ng sasakyan ko at nagsindi ng sigarilyo. Bago pa lang ako humihithit-buga inuubo na siya kaya nang lingunin ko siya wala na 'kong nagawa kundi itapon 'yong yosi ko at mapakamot na lang ng kilay. "Sa Moon Ville," sagot niya. "Oo nga pala," "Tinawag siyang Moon Ville kasi kitang-kita raw 'yong buwan na tila sumusunod sa 'yo, kaya iyon ang pangalan niya." bigla siyang ngumiti kaya lumabas ang dimples niya. "Ayos ah," kunwari natuwa 'ko sa malamyang dahilan ng Moon Ville. "Ayos lang ba 'yung likod mo?" "Yeah." yosing-yosi na 'ko. Nakapasok na kami sa subdivision ng Moon Ville, pinapasok kami dahil nakita no'ng guard si Blue. Huminto kami sa isang malaking puting bahay. Lumabas kami ng sasakyan. "Pasok ka muna," ngiti niya sa 'kin, hinawakan niya 'ko sa kamay. Nabawi ko 'yong kamay ko dahil nagulat ako sa kakaibang pakiramdam nang pagkakahawak namin. Ang lambot ng kamay niya, sabagay mukha naman siyang lambutin talaga. "Hindi na. Bye." Hindi ko siya maangasan, dahil sa kanya napasok sa bokabularyo ko ang konsensiya. Nalungkot ang itsura niya kaya napasagot ako nang, "Sige na, sige na," b'wisit na 'yan! Nakita kong lumiwanag 'yung itsura niya, ngiting-ngiti siya. s**t. Ang ganda ng mata at ngiti niya. "Blue, saan ka ba nanggaling?" May nagbukas ng gate nila kaya pareho kaming napabaling do'n. Masama ang tingin sa 'kin no'ng babae na tila may masama 'kong ginawa kay Blue. "Tita, iniligtas niya po 'ko, siya si Adam." Sabi ni Blue. Superhero pala 'ko? Pero kagrupo ko 'yong mga lalaking mananakit sa kanya kanina, isa nga 'ko sa leader nila kaya 'di ko maiwasang mapangiwi. Kukutusan ko isa-isa 'yon pagbalik ko. Nginitian na 'ko no'ng babae, "Pasok kayo," biglang bago ng timpla. Amoy strawberry 'yong bahay nila, ang tamis masyado. Maganda 'yung bahay nila, pangkaraniwang bahay ng mayayaman. Mahilig sila sa paintings dahil marami no'n sa mga dingding nila. Lahat ay Religious images. "Tita, sabihin mo po kapag bababa na kami, ha?" Hinila niya 'ko sa pataas sa hagdanan nila. Pangatlong pintuan sa second floor kami pumasok. "Linisin natin 'yong sugat mo. Mag-shower ka muna," sabi niya nang makapasok kami sa loob ng k'warto niya. "Mabaho ba 'ko?" Lumapit siya sa 'kin, parang nanuyo 'yong lalamunan ko nang amuyin niya 'ko malapit sa leeg ko. "Hindi. Pero lilinisin ko 'yong sugat mo, kasi." Ngiti niya sa 'kin sabay hawak na naman sa kamay ko, nakakailang chansing na 'to sa 'kin. Marahan niya 'kong 'tinulak sa shower room ng k'warto niya at isinara niya na 'yong glass door no'n nang makapasok ako. Iyon na naman 'yung amoy strawberry. "Adam, ito 'yong isusuot mo. May tuwalya rin diyan sa loob, gamitin mo bagong laba naman sila," sabi niya kasabay nang paglitaw ng maputi niyang braso sa maliit na bukas ng pinto. Bakit parang tuwang-tuwa siya? Kinuha ko naman 'yon sa kanya at siya na mismo ang nagsara ng pintuan. Shit. May usapan nga pala kami no'ng isang Fling ko na magkikita kami ngayon. Pero narito ko, daig ko pang makikipaglaro nang bahay-bahayan. Nangiwi ako nang makita kong Pajama at Tee-Shirt ang ibinigay niya sa 'kin. Dito niya na rin ba 'ko patutulugin? "Kakasya ba 'to sa 'kin?" mas maliit ang katawan niya sa 'kin, mas bata pa nga ata siya kay Claude. Eighteen na 'ko at malapit nang mag nineteen pero hindi makausad sa College. Boring kasing mag-aral, kung exam lang naman ang makakapagpasa sa 'yo at project, bakit pa papasok,'di ba? Iyon lang, 'di ko rin ginagawa ang mga projects ko, kaya pabalik-balik ako, na-enjoy ko masyado ang senior high. Nag-shower na lang ako para maginhawaan. "Itataas ko 'yong tee-shirt mo, ha? Para magamot ko 'yong nasa likuran mo," ngiting-ngiti niya 'kong tinitingnan. Tuwang-tuwa siya sa itsura ko. Hapit na hapit 'yong Tee-shirt at kinapos 'yong Pajama. "Iyan ang over-size Tee-Shirt ko," "Wow." Gusto kong dagdagan ng pambabara 'yon pero masyado siyang cute, nevermind. Patalikod akong naupo sa gilid ng kama habang humuhuni siyang parang ibon habang pasunod sa 'kin hawak ang medicine box. Nakapagpalit na rin siya ng Pajama. Pagkaupo ko sa kama parang nagtuloy-tuloy ako, lumulubog siya! "Ay s**t. Kinakain ako ng kama!" s**t. s**t. s**t! Narinig ko siyang tumawa at hinawakan ako sa kamay para hilahin. Hindi ko alam kung ilang mura ang sinabi ko sa kama na 'yon para gawin akong kahiya-hiya. Ang lambot naman ng kamang 'to, nakalulunod. "Ang bigat mo kaya ka kinakain ng kama." Talagang tuwang-tuwa siya. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya, natigil siya at kinagat na naman 'yong lower lip niya. Napapailing na kinuha ko na lang 'yong upuan malapit sa study table at umupo ako patalikod do'n. "Hindi ka ba nasasaktan?" tanong niya nang ginagamot na niya 'yong sugat sa likuran ko. Sa kama siya nakaupo, ganoon ba siya kagaan para 'di lamunin ng kama niya? "Hindi. Wala nga lang sa 'kin 'yan," Magaan din 'yong kamay niya kumpara sa nurse sa bahay na diin na diin kung ilapat 'yong bulak sa katawan ko, pikon na pikon na siguro dahil tatlo hanggang apat na beses akong umuuwi na sugat-sugat sa isang linggo. "Ako kasi naiiyak kaagad," sabi niya. Halata naman, mukha kang lampa. "Hindi ko gusto ang kulay ng k'warto mo." Kulay dilaw 'yon, sa lahat ng kulay ito ang 'di ko gusto. "Ano bang gusto mong kulay, Adam?" Ang ganda dumaan sa bibig niya ng pangalan ko. "Green and you." "May kulay bang You? Ano 'yon, Adam?" "Ano bang pangalan mo?" "Blue—ah,"natawa siya sa sarili niya. Napangiti na lang ako. Hindi ko magawang mainis sa kanya, kung iba 'to, nadagukan ko na 'to. Narinig na namin 'yung pagtawag ng tita niya para sa hapunan. Nasa terrace kami matapos ang dinner namin. Hindi kami gano'ng nakapag-usap dahil mukhang hindi sila gano'n kumain. Mukhang istrikta 'yong tiyahin niya kaya siguro tila inosenteng-inosente 'to. "Kaibigan mo ba si Claude?" Umiling siya at tila nalungkot, "Wala 'kong kaibigan, inaayawan nila 'ko kaagad. Doon ko lang din nakita si Claude." Nakonsensiya na naman ako. Buhay nga naman, parang life! "Ayos lang sa 'kin maging kaibigan mo, pero 'wag mo 'kong hanapin sa f*******:, twitter, i********:, wala 'ko no'n." Binalingan ko siya. Mukha naman siyang tuwang-tuwa. "Tayo, magkaibigan," tinuro niya ako at siya, parang bata. "Yes. Bati tayo," natatawang sakay ko. Mukha naman seryoso siya sa tuwang nararamdaman niya. "Kaso hindi tayo iisa ng eskuwelahan, kaya makipagkaibigan ka rin sa iba." Hindi ko nga alam kung magkikita pa uli kami. Umiling siya, "Ikaw na lang." Iyon ang simula nang pagkatali ko sa friendship na hindi ko naisip kahit minsan. At bukod sa mas bata nga siya sa 'kin, batang-bata rin mag-isip kumpara kay Claude na kaedad niya na nakikipagsabayan na sa 'min. Malayo ang eskuwelahan niya sa 'kin, isang oras ang biyahe. Napadaan lang ako no'n sa lugar niya dahil mas malapit nga do'n 'yong abandonadong lugar kung saan nga muntik na siyang mapag-initan at madalas kong tambayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD