Chapter 2
Lander's POV
"Oh, saan ka na naman galing?" tanong sa akin ni Mama pagkabukas ko ng gate.
Abala yata siya sa pagdidilig ng mga halaman niya rito sa munting garden sa harapan mismo ng bahay namin. She's obsessed with roses. Halos mga roses na nga ang nakatanim dito sa harapan ng bahay namin. I'm not into plants but these roses with different varieties honestly making my day extra fresh. Their fragrances that circulate in every sac of my lungs make my body active.
Nandito kami ngayon sa rest house namin dito sa Provence, France. My Mother is originally from here but she moved in Paris when she turned ten. Yes, gustung-gusto niyang binabalikan ang buhay niya rito kaya kahit binebenta na ng Lolo ko 'tong lupang ito ay hindi siya pumayag. My grandfather is half french and half Japanese. While my grandmother is pure Filipino from Nueva Vizcaya. She's an Ilocana who knows to speak Ilocano fluently.
Nag-aaral at nakatira ako sa Pilipinas pero umuwi ako rito dahil long vacation namin ngayon. Sampung taon na akong nakatira sa Pilipinas. Nangyari 'yon dahil umuwi ang Lola ko roon para doon tumanda. Sumama ako sa kaniya para may kasama siya. Gusto raw niyang mamatay sa lupa kung saan siya naisilang. Ang weird sa panrinig ko noong isinalita niya 'yon sa harapan naming lahat. Pero naintindihan ko siya matapos kong malaman ang tungkol sa sakit ko. I had diagnosed with blood cancer, stage three.
As soon as I heard that from my doctor, I packed my things up when I arrived home. I felt like the world had a stop for a while. At hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nagiging normal ang pag-ikot nito. Hindi ako makapaniwala na mamamatay na ako kahit pa sinabi ng doctor na may kaunting pag-asa pa para maisalba ang buhay ko. I have no time to know... The moment I come back to my senses was when I already in front of the airport. Gusto kong bumalik sa mga magulang ko. Gusto kong balikan ang lugar kung saan ako isinilang.
Hanggang ngayon ay hindi pa alam ng buong pamilya ko ang tungkol sa kalagayan ko. Nagpapa-checkup na lang ako lagi at umiinom ng mga gamot. Sinusunod ko rin ang mga payo ng doctor ko sa 'kin maliban sa isa, ang paglalaro ng basketball.
"Sa Azur University," sagot ko.
Ang pinakamalapit na University ang tinutukoy ko.
"Naglaro lang ako roon."
Isinara ko 'tong gate pagkatapos ay nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
"Hold on, Lander," utos niya kaya napilitan akong tumigil. "Ano ba ang nangyari sa inyo ni Kath?"
Bumuntong-hininga ako nang malalim. 'Yong nang-uusisa niyang mga mata ay napalitan ng pag-aalala.
"Kanina pa siya tawag nang tawag sa akin. Hindi ko lang nasagot kasi ang dami kong ginagawa." Ibinaba niya 'yong pandilig niya sa damuhan saka muling tumayo. "Would you want to sit down for a while?"
Dito sa garden namin ay may outdoor balcony table and chairs. Nakapuwesto ito sa gitna ng maberdeng grass carpet na may kuwadradong hugis. Naglakad ako palapit dito at saka naupo. Sumunod naman si Mama. Ngayon ay magkaharap na kami.
"Wala na kami, Mama," mahinang pag-amin ko.
"What? But why?" gulat na gulat niyang tanong.
Normal lang naman na magulat siya kasi first girlfriend ko si Kath. Siya ang pinakauna kong ipinakilala na babae sa buhay ko... Saksi si Mama kung gaano ko kamahal si Kath. I broke up with her over the phone before I fly here to France. That was so painful but I felt numb when I remember my disease. Hindi rin niya kakayanin kapag nalaman niya ang tungkol sa kondisyon ko. Malulungkot lang siya at masasaktan kaya pinili kong tapusin na lang ang lahat sa amin.
Gusto kong maka-move on na siya sa akin. Gusto kong makahanap siya ng lalaking mamahalin siya at mamahalin din niya. Iyong tipong magsasama at magmamahalan sila nang matagal na panahon hanggang pumuti na ang buhok nila... That was my dream for us before but my dream for her and her future man now...
"Mama, hindi lang talaga kami para sa isa't isa. Gusto ko na lang munang mag-focus sa mga pangarap ko," katwiran ko.
"At hindi mo ba magagawa ang mga iyan habang kayo?"
Halata sa mukha niyang hindi siya kumbinsido sa naging rason ko.
"Be honest, Lander. Ano ba talaga 'yong totoo?" Tiningnan niya ako nang seryoso diretso sa aking mga mata.
"Fine!" pagsuko kong sabi. "May nagugustuhan na akong iba," pagsisinungaling ko.
Gusto ko man na palabasing nagsisinungaling lang ako pero bigla kong pinagdudahan 'tong sarili ko nang bigla kong naalala 'yong babae kanina sa bus. Wala sa sariling napangiti ako nang maalala ko 'yong mukha niya at 'yong reaksiyon niya sa vineyards kanina.
"You must be kidding! You've been together for almost two years!" naibulalas niya with hands movements pa.
"Pero iyon ang totoo, Mama," pagdidiinan ko. "Nagugustuhan pa lang naman, eh..." I smiled awkwardly. She just glared back at me. "Hindi ko naman girlfriend or nililigawan. Ang mahalaga ay hindi ko niloko si Kath. I fell out of love, Mama... I don't know but that's it."
Matagal siyang walang imik. Nakatingin lang siya sa akin nang matagal. She released a soft sigh before talking again.
"Ano'ng sasabihin ko kay Kath?"
"Just tell her that I am doing fine here... Sabihin mong maka-mo-moved on din siya sa akin... Sabihin mong makakaya rin niyang wala na ako sa buhay nila... Tell her to be strong," malungkot kong sabi.
If only I could tell those to her myself.
Napapalunok na lang ako habang unti-unti akong nilulukob ng sakit. Magkahalo-halong emosyon na 'yong nararamdaman ko pero wala naman akong choice, eh.
I have to let go of her early or else we'll die both, me in cancer and her in sadness.
"Okay... Iyon lang ba?" mahinahon niyang tanong.
Tumango ako bilang tugon.
"Sige, magpahinga ka na sa loob. Magpalit ka muna ng damit at mag-rest bago ka maligo," bilin niya bago siya tumayo.
Muli niyang kinuha 'yong pandilig niya at nagpatuloy sa ginagawa niya kanina.
Tumingala ako sa kalangitan saka napangiti nang malungkot. Sa tuwing nakikita ko 'yong mala-dagat nitong kulay ay parang may bumubulong sa akin na lumaban pa. Gusto ko pa'ng mabuhay para masaksihan ang pagliwanag at pagdilim ng buong kalangitan. Natatakot akong dumating ang araw na dilim na walang hanggang na lang 'yong makikita ko. Ayaw ko pang mamatay... Huminga ako at mabilis na nagbaba ng tingin para pigilin ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko.
Mabilis akong tumayo dala-dala 'tong bola ko at humakbang papasok ng bahay. Pagkatapos kong magpahinga ay pumasok na ako rito sa banyo para maligo. Medyo matagal akong nakababad dito sa shower. Ang sarap lang sa pakiramdam ang pagtulo ng tubig pababa sa buong katawan ko. Kung puwede lang sanang pati sakit ko ay tangayin din nito...
Pagkatapos kong maligo at magbilis ay nagtungo ako rito sa veranda para magsampay ng towel. Natigilan ako nang may mapansin akong babae sa kabilang bahay. Nakabukas ang bintana at wala pang kurtina kaya kama agad ang unang makikita. Kitang-kita kasi mula rito ang buong bahay dahil matataas naman ang mga puno rito sa pagitan ng mga bahay namin. Ito ang unang pagkakataong nagkaroon ng ilaw sa bandang kuwarto na 'yon.
Wala naman akong pagkain sa loob ng bunganga ko pero para akong nasamid mismo sa laway ko nang bigla magbubad ng damit sa pang-itaas 'yong babae. Parang ilaw sa tinggad 'yong neon brassiere niya. Nakasisilaw! Mabilis naman siyang nakapagpalit ng t-shirt.
Muntik nang lumuwa 'yong mga mata niya nang mapasulyap at makita niya akong nakatingin sa kaniya. Daig pa niya ang nakakita ng multo, eh. Hindi yata siya makapaniwalang nagpamanyak siya sa mga mata ko ng ilang segundo. Pero dahil Pinay siya ay naiintindihan ko siya. Bigla akong natauhan sa huling naisip ko!
"Wait.. " Kumunot-noo ako. "Siya ba 'yong babae kani..." Tumigil ako.
Siya 'yong babae kanina sa bus! Tinitigan ko ulit siya nang matagal upang makasiguro. Napamaang na lang ako pagkatapos ay biglang natawa nang malakas.
"Siya nga!" manghang sabi ko. Napapatingin na lang ako sa itaas habang tumatawa. "Akala mo naman kalakihan ang mga hinaharap kung makatingin nang masama! Ako nga 'yong lugi sa tingkad ng kulay ng brassiere niya, eh! Ang sakit kaya sa mga mata! Pati muta ko ay hindi na lang tumuloy na lumabas, bukas na lang daw."
Mas lumakas pa lalo ang tawa ko. Ang liit naman ng mundo. Kapitbahay ko pala 'yong babae na 'yon. Muli akong tumingin sa kaniya pagkatapos kong tumawa nang tumawa. Nawala 'yong nakalolokong kong ngiti nang makita kong wala na siya roon. Nakapatay na rin pati ilaw sa kuwarto niya.
"Natulog na siguro dahil sa matinding kahihiyan," bulong ko na lang sa sarili.
Ngumisi ako at pumasok na lang dito sa kuwarto ko. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Naabutan ko naman si Mama na nanonood ng balita. Hindi ko naman siya masabayan sa panonood dahil hindi ko maintindihan masyado ang salitang french.
"Saan ka na naman pupunta, Lander?" biglang tanong niya nang nakatayo na 'ko rito sa tabi ng pinto.
"Magpapahangin lang sa labas, Mama."
"Ah," tumatango-tango niyang sambit. "Okay. Nga pala, may lakad ka ba bukas?" pahabol niyang tanong.
Inabot niya 'yong remote control para pahinaan 'yong volume ng TV.
"Hmmm... Wala naman siguro, Mama. Bakit?"
May practice schedule kami bukas pero hindi pa 'yon sure. Mag-cha-chat na lang daw si coach sa group chat namin kung matutuloy kami. Saglit lang naman ang practice namin tuwing weekends kaya makahahabol pa ako kung sakaling may lakad kami.
"May party kasi bukas sa kapitbahay natin. Hindi ko lang sure kung saan banda. Nag-aaya sila. Baka gusto mo lang pumunta."
Nagtataka ang mukha akong napahawak sa doorknob.
"Ano raw po'ng mayroon?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam. Alam mo naman ang mga Pinoy... Kaunting bagay isini-celebrate. Sabado rin pala bukas kaya marami rin talagang ganap."
French families love to spend weekend outside their homes. Parang 'yong mga nakagawian din ng mga Pilipino sa Pilipinas. Pero ang mga Pilipino ay mananatiling Pilipino. Laging may mga gatherings para magkita-kita kaya halos mga Filipinos din ang mga kaibigan ko rito.
"I see... Sige, Mama, pupunta tayo!" nakangiting pagpayag ko. Binuksan ko na 'tong pintuan saka ako lumabas. Sumilip ako nang may maalala akong itanong. "Saan pala banda?" ngiting-asong tanong ko.
"I don't know yet. I said to you already," sagot naman niya.
"Ah, okay!" wika ko sabay sara ng pintuan.
Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Fred na nakaabang sa labas ng gate. Isa siya sa mga kaibigan ko rito. Pure french siya pero may pusong Pinoy. Filipino 'yong mga nag-ampon sa kaniya. Siya ang pinaka-solid kong kaibigan dahil kahit matagal na taon akong nawala rito ay kilala pa rin niya ako. Lagi pa rin kaming nagkukumustahan sa f*******: noong nasa Pilipinas ako.
Diyan lang naman sa tapat 'yong bahay nila kaya anytime ay puwede kaming magkita. Aayusin namin 'yong skateboard niya ngayon. Mahilig siyang mag-skateboarding mga bata pa lang kami. Dahil sa kaniya, nahilig na rin ako sa pangongolekta ng mga skateboards. Marunong din akong gumamit. Gayunman, mas matimbang pa rin ang basketball sa akin.
"Hey, kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya pagkabukas ko ng gate.
"Nope. You're just on time!" nakangising sagot naman niya.
"Nasaan si Bee?"
'Yong skateboard niya ang ibig kong sabihin.
"Nasa bahay. Sa bahay na lang natin ayusin. Mas kumpleto mga gamit ko, eh."
"Sige. No problem."
Sumigaw siya, "Follow me!"
Habang nagbabaklas kami ng mga parte ng skateboard niya ay napapatingin din ako sa bahay kung saan ko nakita 'yong babae kanina. Ngayon ko lang siya nakita rito. Ang pagkakaalam ko ay may mag-asawang nakatira sa bahay na 'yon. French 'yong lalaki at Filipina naman 'yong babae. Wala pa yata silang anak. Sila lang na dalawa ang napapansin kong lumalabas at pasok doon.
Kaano-ano kaya nila 'yong babae kanina? Kung alam ko lang na tagarito siya ay sinamahan ko siya pauwi hanggang sa bahay nila.
Ewan ko ba kung bakit parang may something sa kaniya na hindi ko maipaliwanag? Masyado lang siguro akong natuwa sa kaniya.
"Magpa-practice ka ba bukas?" tanong niya sa akin habang nagkukumpuni.
"Yes. No." Natawa ako sa naging sagot ko. "Hindi ko sure. Sabi ni Mama may pupuntahan daw kaming party, eh."
"Ah, same. Diyan daw, oh!" Ngumuso siya sa harapan niya.
"Wait, Saan?" tanong ko ulit para makasigurado.
"May gathering diyan sa Arsenault family bukas. Hindi ko alam kung ano'ng mayroon, eh. Something thanksgiving yata," tugon niya sa hindi siguradong tono.
"You mean, diyan mismo sa bahay na 'yan?" Itinuro ko 'yong katabing bahay namin kung saan ko nakita 'yong babaeng nakasuot ng mahiwagang neon brassiere.
"Yes, pal! 'Yang mismong kapitbahay n'yo," pagkumpirma naman niya.
Napamaang na lang ako habang manghang nakatingin sa bahay na 'yon. Talaga yatang makapupunta ako. Magahol man ako sa oras ay pipilitin kong makapunta bukas.
"Baka may gathering kasi may bago silang family member," hula kong sabi.
"Mayroon ba? 'Di ba da-dalawa lang silang mag-asawa riyan sa bahay nila?" nakakunot-noo niyang tanong.
"Oo... Iyan din ang alam ko pero may nakita akong bagong bisita sa bahay nila kanina lang."
Hindi ko mapigilang mapabungisngis habang bumabalik 'yong eksenang namin kanina.
"Babae?"
"Yes, girl."
Ano nga kaya'ng magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ako bukas sa gathering nila?
May pagkaloko-loko talaga akong tao. Sa pagiging ganito ko nga napasagot si Kath, eh. Gusto ko lang 'yong may napag-tri-trip-an lagi noong normal pa ang lahat sa akin. Nagtataka nga rin ako sa sarili ko. Ito 'yong unang pagkakataong parang natuwa ako sa ibang tao simula noong nalaman ko ang tungkol sa sakit ko. Okay na rin 'to para naman nalilibang ako at nakalilimutan ko pansamantala ang kalagayan ko.
"Oh, bakit parang ang saya-saya mo?" napapangiti niyang tanong. Tumigil pa siya sa ginagawa niya. "Maganda ba?" parang nanunuksong sumunod niyang tanong.
"Sira! Tingnan mo na lang bukas tapos ikaw na mismo ang humusga."
Inabot ko 'yong gulong ng skateboard niya saka nilaro-laro ko ito sa mga kamay ko.
Simple lang naman ang ganda niya, eh. Siya 'yong tipikal na modernang Pilipina sa Pilipinas ngayon. Hindi katangkaran pero cute na ang tawag sa gano'ng height. She has fair skin and has tantalizing eyes. Her lips are cherry-like lip shape na parang sa mga Koreans and her nose is slightly turned-up, sakto lang naman sa tangos. Para sa akin ay sobra-sobra na ang buhok niyang hanggang baywang niya. But what makes her different from other girls I met, even Kath, is her captivating aura. Parang siya 'yong tipo ng babaeng kaya kang hawakan kahit sa tingin pa lang. Parang napaka-relihiyosa niyang babae base na rin sa suot niyang t-shirt na naka-tock in sa below the knee niyang palda. And the way she sits, she's like a well-mannered child who grew up with disciplinarian parents.
"Ngayon lang kita nakitang ngumiti nang totoo, eh..." Umiling siya saka muling nagpatuloy sa pagbabaklas. "Ang dami ko nang inilakad sa iyong mga french friends ko pero ayaw mo naman. Choosy ka pa! Ano ba kasi'ng tipo mo?"
"Well, 'yong hindi naghuhubad sa harapan ko nang hindi ako ang naghubad mismo."
Sabay kaming natawa nang malakas dahil sa naging sagot ko.
"Ewan ko ba? Mga hubadera ang mga babae rito. Like, hindi ba sila napu-pulmonya?" natatawa kong tanong sa kaniya at pati na rin sa sarili ko.
Nakita ko ang pagsilay nang nakalolokong ngiti sa mga labi niya.
"Lots of girls love to take their clothes off even under the moonlight here. Sila na ang magbibigay sa 'yo kahit hindi mo hilingin," pagpapatuloy kong wika.
"This is the world of no underwear nga, pal, eh!"
Umiling-iling ako dahil naroon ang kaunting pagkadismaya. Hindi kasi gano'n na kaugalian ang kinalakihan ko sa Pilipinas.
"You know what, in the Philippines, sobrang conservative ang mga tao roon. Lalong-lalo na 'yong mga matatanda. At kahit parang nababago na ang paniniwala at nakagawian namin ay masasabi kong marami pa ring mga Filipinos ang kumikilala sa mga pamana ng mga ninuno namin."
"I know. Lagi ngang sinasabi nina Dad 'yan. At kung ako tatanungin, mas gusto ko'ng mag-asawa ng Pinay. Like my Mom, kahit hindi niya ako totoong anak ay mahal na mahal niya ako. Sino nama'ng magmamahal sa akin nang ganoon katindi? Kaya masasabi kong, iba magmahal ang Pinoy!" nakangiting pahayag niya.
Hindi maitatanggi sa mukha niya ang pagiging proud niya sa kinamulatang mga magulang.
"Lander, Your Mom is calling on you!" paalam ni tita Girly, ang Mommy ni Fred.
"Puntahan mo na muna. Ako na ang bahala rito," ani Fred.
"Sige. Saglit lang."
Tumakbo na ako pauwi ng bahay. Naabutan ko si Mama rito sa kusina na abala sa paghahanda ng dinner.
"Mama, tinatawag mo raw ako."
"Oo, kanina pa. Akala ko ba magpapahangin ka lang sa labas?" nakapamaywang niyang tanong.
"Oo naman pero tinawag kasi ako ni Fred. Inaayos lang namin 'yong skateboard niya," paliwanag ko naman.
"Kakain na tayo pero bago ka maupo at kumain, ibigay mo muna 'to riyan sa kapitbahay natin."
Inabot niya sa akin ang isang bowl na buko salad. Nagtataka na lang akong nagbaba ng tingin dito sa hawak-hawak kong bowl.
"Wow! Ang sarap naman nito!"
Favorite ko ang buko salad na dessert. Ngumiti lang si Mama habang pinapanood ang reaksiyon ko.
"So, kila Fred 'to, Mama?"
"Hindi. Diyan nga sa kapitbahay natin sa kaliwa. Iyong may kulay gold na gate."
Tinuro niya ang direksiyon gamit ang nguso niya kasi abala siya sa paghahalo sa niluluto niyang pork adobo.
"Ah, diyan kila Miss with neon brassiere?"
Napamaang ako. Hindi lang ako makapaniwala na roon niya ipinapahatid 'tong buko salad na 'to.
"Ang tagal naman, Lander. Sinabi ko na nga lang, eh!" nakukulitan niyang reklamo sa 'kin. "Sinabi ko na, 'di ba? Bakit may neon-neon brassiere ka pang sinasabi riyan. Huwag mong sabihing sinilipan mo 'yong kapitbahay natin, ha!"
"Ang OA, Mama! Grabe naman." Napakagat-labi na lang ako. "Nakita ko lang 'yong bisita nila na naghubad bigla. Saktong lumabas ako para magsampay sana ng tuwalya. Kasalanan ko bang walang kurtina 'yong bintana nila?" Natawa ako sa sarili ko dahil sa sinabi ko.
"Ah... Gano'n ba? 'Di bale, sasabihan ko si Mareng Nelia na lagyan ng kurtina."
"Saka ang liit, Mama!" tumatawa kong sabi.
"Ang alin?"
Parang hindi niya na-gets 'yong point ko.
"Iyong sitaw niya," sagot ko naman agad.
"Anong sitaw? Paano nagkaroon ng sitaw?" naguguluhan niyang tanong. Tumigil siya sa paghahalo ng niluluto niya para harapin ako.
"Ano ba sa ilocano ang sitaw? Ilocana ka, 'di ba?" nagpipigil ng tawa kong tanong.
Para namang nasampal si Mama nang mapagdugtong-dugtong niya ang mga invisible dots sa itaas ng ulo niya.
"Loko-loko kang bata ka! Nakita mo 'yong u***g, este, n*****s niya?" nanlalaki ang mga mata nito.
Parang napalong kampana 'yong bunganga ni Mama sa lakas.
Doon na ako humagalapak sa tawa. Solid iyong reaksiyon ni Mama. Parang siya naman 'yong nasilipan. Niloloko ko lang naman siya, eh!
End of Lander's POV