Chapter 3
Ksenia's POV
"Hi, Ksenia... How are you, hija? Had you fallen asleep?" si Uncle Thom nang makita ako rito sa hagdanan.
Tumigil ako sa pagbaba dahil gusto kong magkaroon ng time para pagmasdan ang kabuuan ng bahay.
Provencal dwellings integrate traditional elements in a way that's far more relaxed, distressed, and subdued. Like the tour guide said in the bus a while ago, the core essence of houses here is a refined elegance that is humbled by generating in aspects of nature such as weathered and whitewashed wood, and neutral color palettes. Iyon ay ang panlabas at panloob na anyo ng mga bahay rito. Maraming mga woods and natural materials dito sa loob. Ang mga gamit ay halos antique. Pero ang pinakanakaaagaw talaga sa mga mata ay ang fireplace na gawa sa rustic bricks and stone.
Nasa living room siya habang si Mama naman ay nasa kitchen na abala sa paghahanda ng mga pagkain for dinner. Magkatabi lang naman ang kitchen at living room kaya naabutan ko pa silang nag-uusap at nagkukuwentuhan kanina.
Ngumiti ako at kumaway bago nagbukas ng bibig. "I'm good, Uncle... No. I just showered for a while..."
"Oh, you can talk in Tagalog, hija. I know a little," aniya sabay tawa nang magiliw.
Humarap si Mama at tiningala ako rito. "Hi, my precious, come down here... Akala namin natutulog ka na... Hindi ka ba napagod sa biyahe?"
"Sakto lang naman po. Hindi lang po ako sanay na walang kasama sa loob ng kuwarto," pagsisinungaling ko.
Of course, sanay na sanay na akong nag-iisa sa kuwarto. Sa bahay namin sa Pilipinas ay kami lang naman ni Papa ang magkasama. Suwerte lang namin dahil caring at mababait ang mga kapatid at pamilya ni Papa. Madalas sila sa bahay para samahan kami.
Simula nang maghiwalay ang Mama at Papa, nagdesisyon ang mga kapatid ni Papa na bilhin ang mga kalapit naming mga lote para mapagtayuan ng mga bahay nila. Gusto nilang malapit lang sila kay Papa since hindi naman na nag-asawang muli ito. Sa ngayon, ongoing na ang pagpapatayo nila ng mga bahay. Dahil wala ako ngayon doon, naroon ang mga Tito at Tita ko kasama ang mga kaniya-kaniya nilang pamilya para samahan si Papa.
"Para saan ba't masasanay ka rin, anak... Ano, anak, nagustuhan mo ba iyong kuwarto mo? Okay ka na ba sa ayos? O baka may gusto ka pang ipabago o idagdag?" sunud-sunod niyang tanong habang bumababa ako ng hagdanan.
Maayos iyong kuwarto, maganda, maaliwalas at halos kompleto na ang mga gamit. Ang problema ko ay iyong lalaking kapitbahay namin at nagkataon pang magkatapat ang mga kuwarto namin! I just wanted to disappear when I caught him looking at my almost naked upper body. At iyong ngisi niya habang pinagmamasdan ito ay nakakikilabot! Kahit gulat na gulat akong nakatingin sa kaniya ay ramdam kong tumayo lahat ng mga balahibo sa katawan ko.
Ang lalaking guwapong iyon sa bus kanina ay siya. Inisip kong huling pagkikita na namin iyon pero tadhana nga naman.
Hanggang sa tuluyang makababa ay nasa isip ko pa rin ang itsura ng lalaking iyon. Hindi naman ito ang unang beses kong nakapagtagpo ng guwapo at parang may itinatagong kapilyuhang lalaki. Pero iba ang dating ng lalaking iyon sa akin. Hindi ko malubayan ang alaala niya. Mas lalo pa ngayon at magkapitbahay pa pala kami.
"Ksenia," untag sa akin ni Mama.
Naglakad ako patungo sa kaniya at naupo sa isang mataas na stool malapit lang sa kaniya. Itinukod ko ang mga siko ko rito sa high kitchen bar table. Inabot ang nakalapag na kutsara at nilaro-laro.
Nakahawak ng palayok si Mama habang manghang nakatitig sa akin. Si Uncle Thom naman ay nakangiting muling ibinaling ang pansin sa pinapanood. As if giving us some time to talk as mother and daughter.
"Hija, what's wrong?" tanong niya kahit alam niyang wala naman akong problema.
"Wala, Mama... About sa kuwarto ko, maganda naman po. Wala naman akong mai-complain..."
"Maliban sa kapitbahay kong nasa tapat ng kuwarto ko," ang nais ko sanang idagdag pero naisip ko, maliit na problema lang naman 'yon. Nakita niya lang ako kanina dahil walang kurtina ang kuwartong 'yon. Small balcony pagkatapos sliding door at ang kuwarto ko na.
"Hihingi na lang sana ako ng mga kurtina, Mama."
"Oo nga pala,'no... Nakalimutan kong ibalik 'yong mga hinubad kong mga kurtina roon. Pinalabhan ko kasi kay Mareng Ines... Ilang buwan na kasing hindi nalalabha, eh. One week bago ang flight mo ay inihanda ko na iyong magiging room mo rito." Isang kontentong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. "Kakabitan ko mamaya 'yon, anak. May gusto ka pa bang ipadagdag?"
"Wala na po..."
"Okay... Umupo ka lang diyan. Ipapainit ko lang 'yong ibang mga ulam at kakain na tayo..." Tinalikuran na niya ako at nagpatuloy na sa ginagawa.
Wala sa loob na napatingin ako sa pader sa labas. Ang buong bahay ay napapalibutan ng pader na bakod. Sa palibot ay maluwang na lawn, kung may parte namang hindi, iyon ay ang mga pathways. At mula sa pagkakatitig ko sa pader ay muli kong naalala ang lalaking iyon, mula sa pagkamangha at pagkagulat sa mukha nito hanggang sa pagbunghalit ng tawa.
"Sino po ba iyong kapitbahay natin diyan, Mama?" curious kong tanong dito.
"Huh?" Pagkatapos niyang maisalang ang ulam na ipinapainit nito ay muli niya akong hinarap. "Sino?"
"Diyan po." Itinuro ko sa bandang kanan.
"Oh, ang family Viviani ba ang tinutukoy mo? Paano mo naman sila nakilala?" gulat at mangha niyang tanong.
"Hindi ko sila kilala, 'Ma... Nakasabay ko lang sa bus 'yong... isang lalaki riyan."
Namilog ang bibig at ang mga mata niya, tila may pumasok na ideya rito. "You mean Lander? Iyong binata ba riyan? O 'yong isa? The older one is Fabio and Lander is his son. Matagal na namin silang kapitbahay rito. Iyong mag-asawa lang. Si Lander ay nakatira at nag-aral sa Paris pero umuuwi-uwi rin naman dito madalas noong bata pa ito. He continues his studies in the Philippines. I don't remember what year he went there. Kailan lang din siyang umuwi ulit dito, eh. Siguro may tatlong buwan at mahigit na rin siyang nandidito."
Namangha akong malaman na nag-aaral pala siya sa Pilipinas. Kaya pala ang bihasa nitong mag-Tagalog.
"Teka nga muna, anak... Paano mo sila nakilala? Kailan mo sila nakita? Si Lander ba ang tinutukoy mo?"
So, his name is Lander, huh? Lander Viviani...
"Opo. 'Yong Lander po... Binata po, eh. Nakita ko lang po siya sa bus kanina. At nakita ko ulit siya kanina kasi magkatapat lang naman ang mga kuwarto namin."
"Then that's great! At least may kakilala ka na agad dito. Hindi ka na mahihirapang mag-adjust. Ang natatandaan kong nabanggit ng Mama niya ay magtatagal daw siya rito. Dito niya gugugulin ang buong bakasyon niya katulad mo... Mabait at magalang na bata si Lander. Ilang beses ko na rin siyang nakausap noong bata pa siya at nitong nagdaang mga buwan simula nang umuwi siya rito."
Maginoo pero medyo bastos?
Mabait naman siguro pero may pagkabastos. Akala ko gagawan na niya ako nang masama sa vineyards kanina. At tuwing naaalala ko ang pilyo niyang mga ngisi kanina ay napagkakamalan ko talaga siyang babaero o 'di kaya ay manyak.
Pero kung ako ang lalaki iyon, ganoon din naman ang magiging reaksiyon ko.
Napapikit na lang ako para naman kahit papaano ay lumabo-labo nang kahit kaunti iyong hiya sa loob ko.
"Bakit, anak? May nangyari bang hindi maganda sa biyahe mo kanina?"
"Wala naman, Mama... Natanong ko lang kayo."
"Huwag kang mag-alala, anak, isa sa mga araw na ito ay makikilala mo rin sila."
"Huh," sambit ko. Ewan ko ba kung bakit parang may sumiklab na tila pagka-excite sa akin.
"Magpapa-party tayo rito, anak, isa sa mga araw na ito ngayong week at imbitado lahat ng mga kaibigan at kapitbahay natin. Maraming mga kapwa Pinoy tayo rito," nagagalak at na-e-excite niyang sinabi. "Uso iyon dito basta mga Pinoy." Itinaas niya ang sandok at iniikot nang pabilog sa itaas ng ulo niya. "Halos lahat ng mga kapitbahay natin rito, may lahing Filipino. Huwag mo nang idagdag doon sa bungad kasi mga French naman halos lahat ang nandoon," dagdag pa niya, hindi nabawasan ang damdamin nito.
Kaya siguro hindi rin siya masyadong nakauwi-uwi noon dahil napapalibutan siya ng mga kalahi namin. Kahit papaano ay hindi siya nalulungkot or na-ho-homesick dahil maraming nakaiintindi ng nararamdaman nito. Ganoon naman ang mga Pinoy, madamay sa kapwa Pinoy. Laging nandiyan para aliwin ka.
"Alam mo rito, anak, marami na ring mga events na naganap. Kung saan-saang bahay at pamilya. Kapag may bagong dating galing sa Pilipinas, as worker man o tourist, talagang nagkakaroon ng gathering bilang pag-welcome sa tao. At ikaw, since magiging bisita ka rin dito ng ilang mga buwan, siyempre magpapa-party rin tayo." Kumikislap ang mga mata niya sa parehong damdamin. Hindi nawala ang masayang emosyon niya sa mukha.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita kami ulit ng lalaking iyon.
"Noong dumating si Lander, nagkaroon din ng party riyan sa bakuran nila, anak. At katulad ko, tuwang-tuwa rin ang Mama niya sa muli niyang pagbabalik dito. Naku, anak, kung nakita mo lang ang nangyari noong araw na iyon. Napakaguwapong bata kaya sa party, napapalibutan ng mga dalaga," tumatawa niyang kuwento. "Nag-uunahan ang lahat para makipagkilala sa kaniya."
Muli kong binalikan ang kabuuan niya sa alaala ko. Wala naman talagang maipipintas ang kahit na sinong babae sa kaniya. He has a handsome and marvellous face, a robust body and height. Makinis ang mukha kahit lalaki pa siya. Napansin ko lahat kung gaano siya kagandang lalaki.
"Ewan ko sa batang iyon, nakailang balik na rito pero noon lang nag-pa-party. Hindi kumukupas ang karisma nito sa mga kababaihan. Lagi siyang inaabangan ng mga itong makapagbakasyon muli," patuloy ni Mama. "Mga babae na rin mismo ang nanliligaw sa kaniya. Naloloka na lang si Mareng Amelia sa raming pumipilang future daughter in law niya. Ang alam niya may girlfriend na ang anak niya sa Pilipinas."
So, suki pala ng mga chicks ang dambuhalang taong iyon.
"May itsura naman kasi siya, Mama, at saka malakas ang dating."
Tumigil siya sa ginagawa, ipinilig ang ulo at tinitigan ako. "Nakarating din ba hanggang sa iyo ang charm nito?" Nanunukso ang himig na ginamit.
"Mama... Nagsasabi lang ako nang totoo. Sa loob ng bus kanina, pinagtitinginan siya ng mga babaeng nakasabayan namin. Humanga rin naman ako sa kaniya pero hindi naman iyong tipong hahabulin ko siya at liligawan, 'no... Masyado lang kasi siyang napagod kaya siguro hindi niya napansin ang malagkit na tingin sa kaniya ng mga babae kanina."
"Iba talaga ang lahi nila... May dugo siyang Japanese, French at Filipino. Siyang lang at nag-iisa lang siyang anak... Gusto pa sana nilang magkaroon siya ng kapatid pero laging nakukunan si Kumareng Amelia. Tatlong beses na yata... Ang payo raw ng doctor ay huwag nang ipilit dahil baka siya ang magkaroon ng komplikasyon sa kararaspa..."
"Bless pa rin sila dahil nagkaroon sila ng isang anak... Ang mahalaga ay mayroon kaysa wala."
"Oo naman, anak... At sinalo lahat ni Lander ang maganda nilang lahi..."
Ngumiti ako at tahimik na sinang-ayunan ito.
Lumabas ako ng bahay nang maramdamn kong nagva-vibrate ang cell phone ko sa bulsa. Tumakbo ako palabas. Nagtataka naman niya akong sinundan ng tingin.
"Saglit lang, 'Ma... Sagutin ko lang po ito," malakas kong paalam nang makalabas ng pinto.
Hindi na hinintay ang tugon nito at mas lumayo pa. Alam ko na agad kung sino ang tumatawag sa akin. Bilang respeto kay Uncle Thom kaya lumayo ako.
"Hello, Papa..." masayang-masaya kong bungad.
"Anak, pasensiya ka na kung ngayon lang ako napatawag sa iyo... Nakarating ka na ba riyan sa Palawan... Kumusta naman ang naging biyahe mo?"
"Nakarating na po ako rito sa beach nila pinsan Jet, Papa," kunwari ay nae-excite kong sabi. "Sorry po kung hindi ko kayo natawagan agad... Masyado po akong nalibang sa mga tanawin dito." Ang mga nakita ko na lang habang nasa biyahe ang ginawa kong inspirasyon nang maging kapani-paniwala naman...
"Okay lang 'yon, hija... Naiintindihan ko. Ilang taon din kayong hindi nagkita-kita ng mga pinsan mo riyan. Ikumusta mo na lang ako sa kanila... Mag-ingat ka riyan, ha..."
"Opo, Papa. Mag-iingat po ako rito huwag po kayong mag-alala sa akin... I miss you na po, Papa. Sana mag-iingat po kayo lagi riyan. Huwag n'yo pong kalilimutang kumain nang wasto at tamang oras. At saka 'yong mga gamot n'yo, inumin n'yo nang tamang oras, ha... Binilinan ko na po sina Tito at Tita..."
"Naku, ako pa... Kaya ko na ang sarili ko, anak... Mag-picture ka nang mag-picture diyan, ha, titingnan ko pag-uwi mo rito..."
"Opo, dadamihan ko po," tugon ko naman kahit alam kong imposible iyon. Narito ako sa France at hindi sa Palawan.
End of Ksenia's POV