OSWL (BOOK 1) Chapter 4

2366 Words
Chapter 4 Lander’s POV Kabababa ko ng hagdan nang matigilan ako. Si Mama ay nasa tapat ng table malapit sa TV kung saan nakapatong ang cradle. Ang telepono ay nasa tapat ng tainga at tila naaaburido sa kausap. Nag-iisang linya ang mga kilay akong naglakad papunta ng ref, binuksan ito, kumuha ng fresh cow milk at dinala sa may counter table. “Pasensiya ka na, hija, Kath... Gusto ko rin namang magkausap kayo ng anak ko pero,” hirap na hirap niyang sinabi. Tumigil nang mapansin niya ako. “But I can’t just force him, hija... Isa pa, lagi siyang busy at laging wala rito sa bahay, kung alam mo lang.” Nang mapabuntong-hinga siya ay saka lang ako muling gumalaw. I reached for a cup and poured it with milk slowly. “I did, hija,” patuloy ni Mama. “Several times, hija, I did...” Ito ang unang beses kong naabutan si Mama na kausap niya si Kath sa telepono dahil tama siya, lagi akong wala rito. Madalas ako kila Fred o ‘di kaya sa Azur University para maglaro nang maglaro ng basketball para makalimot. “Wala, hija. Sinisiguro ko iyan sa ‘yo... Wala pa siyang dinadalang babae rito... And I don’t think magkaka-girlfriend siya agad, kabe-break ninyo lang, eh. Hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko kay Lander. Isipin mo, first girlfriend ka niya, first real love sabihin na natin,” punung-puno nang pang-unawa at pakikisimpatyang paliwanag ni Mama rito. Sumimsim ako ng kaunting gatas at tahimik lang na naupo sa counter chair. “Naniniwala akong minahal ka ng anak ko nang totoo, hija... Ganiyan naman talaga sa buhay, hija. It gets to the point that a person’s priority varies. From what I see in my son, it seems like he just wants to be alone and enjoy life. Maybe he missed when he was single. Alam mo naman ang mga lalaki, mabilis mabagot at kung minsan ay ayaw na nilang mandamay... Bakit hindi mo siya gayahin, hija? Magliwaliw ka rin nang nakalimot ka. Puntahan mo lahat ng gusto mo, total, eh, long vacation n’yo naman ngayon. Give yourselves time to meditate. You are still young, much more will happen in your life. Malay ninyo sa huli, kayo rin pala ang magkakatuluyan...” Inisang inuman ko na ang natitira pang gatas sa mug bago lumakad papuntang living room. Hindi ko na inimik si Mama at baka marinig pa ako ni Kath. Lumabas ako at inilang hakbang ang kinaroroon ng treehouse namin. Every time I want to be worthy to think, I come here. Wala sa loob akong napatingin sa bakuran ng kapitbahay namin. Nasa tabi ng bakod namin ang puno na kinatatayuan ng tree house namin kaya kitang-kita mula rito ang maluwang na bukaran at simpleng bahay ng mga Arsenaults. Mas lalong umangat ang leeg ko nang biglang lumabas si Madam neon brassiere mula sa main door nila. Napangiti ako nang nakaloloko habang pinapanood ko siyang nag-jo-jogging-jogging. She was wearing thin pajamas and a sports bra. Hanep ang isang ito. Ginawang combo outfit nito ang dalawa! Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang jogging get up sa buong buhay ko! Tahimik akong natawa at napailing. Bukod doon ay sabog na sabog ang buhok niya. Ang hula ko, bumangon siya agad pagkagising at hindi na nag-abalang magmumog at magsuklay muna. Kaya pala namumuti-muti pa ang gilid ng mga labi niya. O baka muta ko lang ‘tong nakikita ko? Pabalik-balik siya sa pagtakbo hanggang sa mapagod at matigil dito sa kung saan ako malapit. Nagpamaywang siya, iniangat ang ulo sa langit at humabol nang humabol sa paghinga dahil sa pagod. Tumayo ako, naglakad patungong bannister at itinanaw ang kalahati ng katawan ko mula rito. “Hi, good morning, beautiful neighbor!” nakangising bati ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at mabilis na pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib nitong wala naman yatang laman bukod sa korona sa ilalim ng sports bra nito. “You can lower your arms or drop those instead. I don’t see anything to hide,” pang-aasar ko sabay tawa. “Feeling ko... dalawang dots lang ang laman niyan.” Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Namula ang mukha at leeg nito. “Aba’t! Salbahe kang lalaki, ha! Bakit, may x-ray ba ‘yang mga mata mo? Nakikita mo ba lahat?” naniningkit ang mga mata nito sa sunud-sunod na mga tanong. Tumawa ako at muli siyang sinuyod ng tingin. Napaatras naman siya at mas lalong niyakap ang sarili. Tumalim ang mga mata, nakatikom ang bibig sa nagtitimping paraan. “I don’t need x-rays... I have my bear eyes to see realities. Nakikita ko naman kung gaano ito kaumbok,” I added confidently. Ngumiwi ito sa matinding pagkadisgusto. Nadoble sa singkit ang mga mata nito. Konti na lang ay magiging patalim na. “How disrespectful you are, Mr! You... Oh, I hate you!” tuloy nito sa naudlot na sinasabi. “Nice jogging outfit,” nagpipigil sa pagbunghalit ng tawa kong tukso rito. Pinasadahan siya ng tingin mula ibaba hanggang itaas. Nanlaking muli ang mga mata niya “I can wear whatever I want! Nasa bahay lang naman ako, eh,” tila lalapang tigre nitong depensa sa suot. “Kaya nga... Ano ba ang sinabi ko? Pinuri pa nga kita, eh. Very creative nga ang ginawa mo sa damit mo, eh...” Lalong sumama ang tingin nito. “You sound like an insulting monkey who just dropped down on a tree house to insult a princess.” Napatanga ako sa sinabi nito at kung hindi lang ako magaling magpigil ng tawa ay baka mas lalo na naman itong napikon. “Ah, monkey pala ang tingin mo sa akin, ha...” Natatawa ko siyang hinalukipkipan. “At ano kamo sa sarili mo? Princess... Ah, oo... Princess na baduy kasi kagigising lang.” Tuluyan na akong natawa nang malakas. “Gusto mo bang turuan kita kung ano ang totoong fashion, Princess?” “Alam mo, God bless you na lang, Mr!” mataray nitong sinabi sabay walkout. Iniipit niya ang mga kamay sa mga kilikili nito at tumakbo papasok ng bahay nila. Naiwan akong natatawa pa rin. “Come back, Princess with neon brassiere and fabulous jogging outfit,” malakas kong sinabi, nagbabakasakaling narinig pa niya. “Unggoy!” malakas naman nitong sagot mula sa loob. Mas lalo akong namatay sa katatawa. Ang lakas naman pala ng panrinig no’n, eh. “Lander!” tawag ni Mama sa akin, tila sinasaway ako. Nag-aatubili ko siyang nilingon. “Ano ang ginagawa mo? Umagang-umaga nagsisigaw ka riyan. Nakahihiya kila kumareng Nelia ang ginagawa mo. Bakit? Sino ba ang kausap mo riyan?” nagtataka niyang tanong. Padagdag nang padagdag ang gatla sa noo. “Wala po, Mama...” “Bumaba ka nga riyan. Baka mamaya magising pa ang mga kapitbahay natin,” asik nito. Inabot ang nakatayong walis tingting at dustpan sa gilid ng bahay at itinuro patungo ito sa akin, nagbabanta ang mga mata. “Bumaba ka na riyan. Sinasabi ko sa ‘yo, aabot ‘tong dust na ‘to sa ‘yo.” “Oo na... Oo na, Mama. Bababa na nga, ‘di ba?” Agad-agad kong tinungo ang hagdan at tinatlong hakbang lang ito pababa. Sharp shooter pa naman si Mama. Kayang-kaya niya akong patumbahin gamit lang ang dustpan na iyon. Softball Captain yata si Mama noong kabataan niya. Madalas kasali sa mga Palarong pambansa. Buhay na buhay pa ang mga medals niyang napanalunan sa mga laro nito. “Lander, gumagawa ka nang hindi pagkakaintindihan sa street natin,” nanenermon nitong sabi. Sinimulan na nito ang pagwawalis. Ibinaba ko ang mug sa table rito sa lawn at ngumiti sa kaniya. “Wala naman akong ibang ginagawa, Mama, eh... Naaaliw lang ako sa kapitbahay natin... Ang cute pala kapag nagagalit.” Nalukot ang noo nito. Itinigil ang ginagawa. “So, totoo ngang may kausap ka talaga kanina. Sino naman iyon, ha? Ikaw talagang bata ka. Akala ko nagbago ka na sa pagiging bully mo, ha.” “Mama, hindi ko siya binully, ‘no... Nagkataon lang na nagpapatawa siya kaya tumawa naman ako. Alangan namang tawanan ko, ‘di ba?” “Sino ba kasi ‘yon?” Nakapamaywang at naiinip na nitong tanong. “Iyong sinasabi ko sa ‘yo kagabi na bisita nila riyan sa kabilang bahay.” “Iyong nakitaan mo ng uto-” Ibinitin nito ang sinasabi at nanlaki ang mga mata. “Lander!” babala nitong muli sabay angat ng hawak nitong walis. Kumaripas ako ng takbo papasok ng bahay. Kinabahan ako para sa buhay ko. Nakalaan na ‘yong dulo ng walis tingting sa mukha ko. Iyon ‘yong malinis na parte ng walis dahil hawakan pero madumi pa rin iyon. Kumapit na lahat ng nagdudumihang bacteria doon. “Yuck!” nandidiri kong usal sabay labas ng dila na tila nasusuka. Tumakbo ako paakyat ng kuwarto at baka maabutan pa ako ni Mama rito sa ibaba. Magla-lunch na nang lumabas ako ng kuwarto at bumaba para kumain. Nadatna ko si Mama na naghihiwa ng kamatis. Sinadya kong magpalipas ng ilang oras sa kuwarto ko para makalimutan ni Mama ang ginawa kong kalokohan kanina. Maagang umalis si Papa kaya kami lang na dalawa ang magkasama. Four o’clock pa lang nang umaga ay gumagayak na ito papuntang trabaho. Isang civil engineer si Papa na naka-base sa Paris. Eight hours at mahigit ang biyahe pero dahil tauhan siya ng President ng France, hatid at sundo siya ng private helicopter nito. Nakakontrata si Papa sa pamahalaan ng France. Isa siya sa mga engineers na ipinapadala sa iba’t ibang panig ng France kapag may project sa pagpapatayo ng mga roads and buildings. Madalas mag-isa si Mama rito kapag normal na araw at tuwing mag-uumpisa na ang school year. Dahil engineer si Papa, iyon din ang kinuha kong course. Nasa first-year college na ako, civil engineering student. Mas matayog pa sa pagiging registered civil engineer ang pangarap ko. Pangarap ko pang maging sikat na basketbolista pero hanggang pangarap na lang iyon. Sa medical pa lang bagsak na ako kung papasok ako sa NBA. “Pinapasabi ni Fred na puntahan mo raw siya sa bahay nila ngayon,” anito hindi pa man din ako nakalalapit. “Huh? Ano na naman ba ang problema ng isang iyon?” “Hindi ko rin alam, Lander, kaya puntahan mo na lang sa kanila. Before you go, you must eat your lunch first.” Sumunod naman ako. Umupo ako at sinaluhan siya sa pagkain. Pagkatapos kumain ay naghugas muna ako bago lumabas ng bahay. Nag-doorbell ako nang matapat dito sa bahay nila Fred. Habang naghihintay ay abala ako sa pagtingin-tingin sa paligid. Nakapamaywang akong napatingala sa simpleng bahay ng mga Arsenault. Lumalabas-labas din kaya iyong bagong bisita nila roon? “What’s up, Lander!” si Fred. Humarap ako at kumapit sa bakal na gate nila habang hinihintay mabuksan ito. Ako na ang nag-awang pabukas nang mabuksan ang lock nito. “May kailangan ka raw sa akin sabi ni Mama.” “Yeah, I’m with Renee. You know her. She’s the girl from-” Natigilan siya nang makita niya akong umiling. Ito na naman kami sa lumang tugtugin. May dinala na naman siyang irereto sa akin. Sabay kaming napasulyap nang makarinig kami ng papalapit na naghahalakhakang mga babae. “Wala ang Mommy mo, ‘no?” patuya kong tanong. Madalas namang ganito ang nangyayari kapag wala ang Mommy niya. Ginagawa niyang pagkakataon para makapuslit siya ng mga babae rito sa loob ng bahay nila. “Paminsan-minsan lang naman ito, pal...” Nakikiliti siyang natatawa nang may biglang sumulpot na babae. Kumapit ito sa leeg niya at inamoy-amoy siya roon. “Babe, wait lang, ha... This is my best friend, Lander... He’s like a brother to me,” pakilala niya sa akin dito. “Oh, hi, please to meet to you, Lander.” Inilahad niya ang palad. Malandi itong napangiti nang matitigan niya akong maigi. “Oh, you have a hotty friend, Fred. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? So-” Tumigil ito sa pagsasalita at napipilitang ikiniling ang ulo. “So unfair,” dagdag nito. Iniikot ni Fred ang mga mata nito. “Another bad luck,” nausal niya sa nasusuyang tinig. Magdadala na lang kasi ng chick iyon pang magkakagusto sa akin. Nakaaawa talaga ang kaibigan kong ito. Dismayado na siya sa babaeng ito sa lagay na ‘yan. Sabay-sabay kaming tumingin sa babaeng lumabas mula sa front door. Ito na siguro ang tinutukoy niyang nagngangalang Renee. Ang hot nito sa suot na mini short at white tube. Her dying eyes and messy shaggy haircut made her more sexy and hot. But that look was just a weak trap. Hindi na uubra sa akin ang ganiyang ayos ng babae. Marami na akong na-meet na katulad niya na halos ipinakilala rin naman ni Fred. “She is Renee Montaque, Lander. And Renee, this is Lander Viviani,” pakilala niya sa amin sa isa’t isa. Another chick na naman itong ipinapakilala niya. Pang-ilan na ba ito sa mga ipinakilala niya? Hindi ko na mabilang pa sa dami. Ngumisi muna ito bago iniabot ang kamay. “Nice meeting you, baby boy,” malamyos nitong ani. Iniabot nito ang palad. Naisilang na naman ulit ako. Baby boy ulit ang tawag sa akin ng isang ‘to. In the name of being a gentleman, I grabbed her hand politely. “Do you speak in french?” tanong niya habang shine-shake ang kamay ko. “I do but just a little...” “Oh...” Para siyang may lahing Indian or Arabic. She’s tall and a bit tanned too. “Tu as l’air si délicieux mais snob,” aniya sa malambing na tono. Sabay na natawa ang dalawa. Wala akong naintindihan bukod sa snob at yummy sa sinabi nito. Alam kong magsalita ng french at nakaiintindi rin noon pero pumupurol ang memorya ko habang tumatagal. Sinesenyasan ako ni Fred na patulan ko na pero umiling lang ako at inirapan siya. Ang ikli na lang ng buhay ko para gugulin ko pa sa pagpapainit ng katawan gamit ang babae. Ayaw kong dumihan ang katawan ko sa babaeng wala naman akong balak seryosohin. End of Lander POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD