Chapter 5
Lander’s POV
“Puwede ba lumayo ka sa akin? Miss, hindi kita papatulan kahit maghubad ka pa riyan. Nandito lang ako para kausapin ka,” masungit kong sinabi kay Renee.
Titig na titig ako sa mukha niya habang inaalis ang gumapang niyang kamay sa may kaliwang hita ko. Napunta na sana sa gitna ng mga hita ko iyon kung hindi ko lang nahuli ang mga ito agad.
Iniangat ko ito at hinigpitan ang pagkakahawak. “Don’t try me. Hindi mo magugustuhan ang hinahanap mo.”
“Huh? Looking hot and playing hard to get, huh... I like you still.” Ngumiti ito at malanding tumawa nang marahan. “First time mo ba? You don’t look like an innocent one,” dagdag pa niya sabay pa-cute.
Virgin ako pero hindi na ako kasing inosente katulad ng iniisip niya. I do watch porn to satisfy myself and acquire a knowledge of course. Sa dami ko nang napanood, ewan ko na lang kung hindi pa ako natuto. Normal lang iyon sa lalaki, ang maging curious sa usaping s****l.
Pinagkrus niya ang mga binti kaya umangat at na-exposed lalo ang isang binti nito. Makinis siya kahit morena.
Pinagapang niya ang tingin sa mga makikisig kong mga braso. Na-achieved ko ang mga ito dahil sa kalalaro ko ng basketball at paminsan-minsan kong pagpunta sa gym para mag-work out noon. Ang mga buhay na buhay kong mga ugat ay very visible sa mga kamay ko. Akala niya siguro, nakuha ko sa maberdeng paraan.
“Tch!” mahinang sambit ko. “Masaya ka bang dumadayo ka para lang mapasukan ka?”
Dahan-dahang naglaho ang ngiti nito, napalitan ng paniningkit ng mga mata sa inis.
“Kung papatulan kita ngayon, saan mo naman balak humiga, sa carpet diyan sa sahig o sa bubong nitong bahay? O baka gusto mo pang makigamit ng kuwarto rito para mas komportable ka?” nang-uuyam kong tanong.
“What?”
“Hindi ba’t ‘yon ang gusto mo?”
Tumawa ito nang pagak at hindi makapaniwalang inilibot ang paningin sa kabuuan ng living room nila Fred. Rinig na rinig mula rito ang hagikgikan ni Fred at ng bebe nito sa loob ng kuwarto malapit lang sa amin.
Bumuntong-hininga ako at tiniis na lang ang nakaiiritang ungol at harutan nila. Kung puwede lang ipasara ko na lang iyong kuwarto pero hindi naman puwede. Nandito nga ako para bantayan siya, eh.
“And I thought that’s what you want too. Para saan ba at pinapunta ako ng magaling mong best friend dito? I am here to give you entertainment, a relaxation...”
“Maganda ka sana kung hindi mababa ang tingin mo sa sarili mo.”
Mas lalong naningkit ang mga mata niya. Umapaw na ang salop ng tinitimpi niyang pasensiya.
“Lumaki ako rito sa France. Ten years akong tumira sa US after elementary bago umuwi rito at nag-for good. So, ano sa tingin mo ang mangyayari sa akin? Ano sa tingin mo ang maa-adapt kong pag-uugali?” depensa naman niya sa sarili.
“Ten years naman akong tumira sa Pilipinas.”
Nangunot-noo ito sa pagkalito.
“Philippines, one of the Asian countries,” pagbibigay linaw ko. “At hindi ako masyadong sanay sa mga katulad mo. Kaya pasensiya kung iba ako mag-react sa mga galawan ng mga galamay mo, Miss. Maghanap ka na lang iba. Huwag ka na lang nagpapaniwala sa mga sinasabi ng kaibigan ko. Pagpasensiyahan mo na rin kaming pareho.”
“Alright... We came from opposite countries with different cultures, beliefs and lifestyles. I apologize too...”
Nagkaayos kami ngunit hindi na kailanman nag-usap. Hinintay na lang naming matapos mag-usap at maglampungan iyong dalawa sa loob.
“Sinabi ko na nga lang sa ‘yo nang ilang beses na hindi mo ako kailangan i-reserved-an ng chick kapag nagbabalak kang lumandi,” sermon ko may Fred nang makaalis na ang mga bisita nito.
“Ang killjoy mo talaga, ‘tol! Ayaw ko namang ako lang iyong nag-e-enjoy, ‘no... Ano ‘yon, magyayaya ako para may manood sa akin habang nilalapa at kinakagat-kagat ako ng bebe ko?”
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko alam kung mandidiri ako o maaawa sa nangyari sa leeg nitong tinadtad ng mga chikininis. Parang pinapak ng higanteng lamok. Mabuti sana kung hindi maputi ang higanteng labanos na ‘to. Kitang-kita sa balat nito, eh. Ano na lang ang sasabihin ng nanay at tatay niya kapag nakita nila ang mga ‘yon?
“Bampira ba ‘yong bebe mo o tao? Kung bampira, bakit hindi ka pa tinuluyang hinayupak ka? Tingnan mo nga ‘yang leeg mo. Binugbog ka ba no’n o sinipsipan ka lang ng dugo?” pasinghal kong sunud-sunod na tanong.
Natatawang napayuko ito at pilit sinisilip ang leeg.
“Magsalamin ka, gago, nang makita mo ‘yang kinahinatnan mo.” Umabot ako ng throw pillow at malakas na inihagis ito sa pagmumukha niya.
Tumatawa naman niyang tinanggap ito. Tumama ito sa pagmumukha niya at nahulog sa sahig pagkatapos.
Kinamot-kamot niya ang ulo habang natatawa pa rin. “Ang init pa naman mamaya... Mukhang mapapa-sweater or jacket na naman ako sa loob ng isang linggo, ah...”
“Eh di, gawin mo. I-on mo ‘yong aircon ninyo o hindi kaya magkunwari kang may sakit. Ikaw kasi, eh, hindi ka marunong mamili ng babaeng dadalhin dito sa bahay ninyo.”
Humahalaklak siyang umayos ng upo. “Hoy, sobra ka riyan, ha. Nasubukan ko na lahat ng babae, ‘no... Kung hindi sobrang landi, sobrang hinhin naman. Muntik na ngang maging rebulto iyong huli kong dinala rito, eh, sa sobrang conservative. Gusto yata no’n magtitigan na lang kami at huwag nang mag-usap pa maghapon.”
Sa tuwing may inaaya siyang babae o mga babae rito, lagi niya akong inaaya. Ginagawa niya akong equalizer sa level ng kalandian niya. Siyempre kung wala ako, mauuwi talaga sa higit pa sa halikan at hawakan ang simpleng pag-uusap lang nila ng bebe niya. Iyon ang kinakatakutan niya sa lahat, ang mapalunok niya ng bola ang kung sino mang bebe niya nang wala sa oras. Baka maitakwil siya ng mga magulang niya.
“Eh di, hinayaan mo lang sana. Kapag tumigas, eh di, luhuran mo. Rebulto kamo, eh... Ang hirap mong kausap. Ang sabi mo noon, type mo ‘yong medyo mahinhin.”
“Medyo mahinhin,” pagdiriinan naman niya. “Iyon, eh, sobrang hinhin! Ni ayaw ngang magpahawak, eh... Muslim yata ‘yon, eh. Gusto pa nga niyang magsuot ng... iyong parang sa mga muslim. Ano na ulit tawag doon? hijab yata ang tawag. Basta para maitago ‘yong ilang parte ng katawan nila. Napakiusapan ko lang na huwag na.”
“Mas maigi pa sanang iyon na lang ang niligawan mo.”
“Hindi ako handa, ‘no. Kailangan ko pang magpa-convert as Muslim kapag.” Ngumuso siya at umiling. “Kristiyanong pareho ang mga parents ko.”
“Iyon naman pala, eh. Eh di, maghintay ka ng timing.”
“Utol, hindi ako kagaya mo na matiisin. Hindi ko kaya iyang ginagawa mo.”
Natahimik naman ako sa sinabi niya. Nakalimutan kong ako lang pala ang may sakit dito. Wala akong karapatang panghimasukan ang mga desisyon niya sa buhay. Puwede naman siguro huwag lang madalas. Mahaba pa ang buhay niya, karapatan niyang i-enjoy ang kabataan niya. Marami pa siyang oras para mag-explore, para mag-try and error sa mga bagay-bagay.
Iba ang pamantasan ko sa buhay at pag-ibig. Iba rin sa kaniya. Pero inaamin kong malaking ang naging epekto ng sakit ko sa pananaw ko sa buhay. Mas naging maingat ako, mas naging mabait.
“Oo na... Panalo ka na. Sa susunod, pili-piliin mo nang hindi ka napapahamak diyan.”
“Kahit ano yatang ingat ko kung hindi talaga para sa akin, wala pa rin...”
Umiling ako at napangisi. “Wala namang masama kung madaliin mo ang destiny mo pero sana konting ingat lang at hingin mo pa rin ang gabay ng nasa itaas.”
“Yeah... Yes naman, ‘tol. Siya nga pala, pal, na-move raw ang party riyan sa kapitbahay natin. Bukas na raw, eh... Kulang yata ang oras ng preparation.”
“Ah...”
May practice kami bukas. Hindi ko lang alam kung hanggang oras kami roon. Walang nabanggit si coach.
“Makapupunta ka ba?”
“Titingnan ko.”
Kinaumagahan ay maaga kong inihanda ang sarili pati na ang mga kakailanganin ko sa practice. Isinuot ko na agad ang jersey ko para diretso warm up na ‘ko pagkarating doon.
Tumagal ng tatlong oras ang practice namin. Umuwi ako ng bahay para kumain ng lunch. Akala ko tapos na ang practice namin pero hindi pa pala. Nag-text si coach at ipinapaalam na magkakaroon ng second batch of practice. Bilang isa sa mga star players, kailangan kong um-attend.
“Tol, tara na sa party!” malakas na wika ni Fred.
“Ang aga yata ng pa-party ni Madam? Akala ko ba dinner party? Alas singko pa lang yata ng hapon, ah...”
“Oo... Pero mamayang hapon ‘yong official program. Puwede na raw magpunta-punta roon sabi ni Mama. Open na ‘yong gate nila. Ayaw mo bang sumilip muna? Gusto kong makita ‘yong set up nila, eh...”
Nagulat pa ako sa biglang pagdating niya. Nasa labas siya ng bahay, nakita siguro ni Mama kaya pinapasok. Ako naman ay nandito sa living room at nagsisintas ng sapatos. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ang party o ang practice namin ng basketball sa University Azur.
Nang matapos ko ang ginagawa ko sa sapatos ko ay pinagbuksan ko na siya ng pinto. “Pumasok ka muna, pal. Ano ang gusto mo, juice o kape?”
“Babae, ‘tol,” birong balik naman nito sabay ngisi.
Naupo siya sa solong sofa sa prenteng posisyon.
Umiling ako at natawa na lang. Babaeng matino ang ibig niyang sabihin kapag ganiyan. “I don’t even have one, Fred,” iiling-iling kong turan.
“Because you dispatched her, my friend.”
Muli kong ikiniling ang ulo ko. Alam naman niya lahat ng nangyari sa amin ni Kath. Naikuwento ko sa kaniya. Nagtataka siya at naguguluhan din sa ginawa ko pero alam naman niya kapag ang lalaki na-fall out of love. Iyan ang idinahilan ko sa kaniya.
“Anyway, excited ako um-attend ng party. Ang tagal din bago nagkaroon ng party dito sa street natin na ang dahilan ng party ay welcome party! Talagang dumadami na ang mga Pinoy rito sa atin, ah,” namamanghang aniya na tila may dugong Pilipino naman talaga siya.
Sa sobrang pagka-close at pagmamahal niya sa mga Pilipinong mga magulang niya ay nakalilimutan na niyang isa siyang French na puro. Nakatutuwa lang sa pakiramdam bilang may dugong Pilipino at French.
“Oo nga. Mas maigi na rin ‘yon. Mas maraming OFW rito na gustong mag-stay nang mas matagal kapag may nakauusap silang kapwa mga Filipinos. Gaya na lang ni Aling Santia riyan sa kabilang bloke. Matagal na sana siyang umuwi sa Pilipinas kung hindi lang dahil kay Mama na lagi siyang binibisita at kinukumusta...”
“Iba talaga maging concern ang mga Filipinos.”
“Yeah, pagsang-ayon ko.”
Muli kong ipinagpatuloy ang pagsisintas ng sapatos ko.
“Five thirty na, Lander, may plano ka pa ring mag-practice ng ganitong oras? Six mag-uumpisa ang party riyan sa kabila.”
“Iyon na nga, eh, late naman kasi nagsabi si coach.”
“Ay, naku naman iyan, ‘tol. Ngayon ka lang naman hindi magpa-practice, eh. Mag-enjoy ka naman kahit paminsan-minsan lang. Ikaw kaya ang unang nagsabi tungkol sa mangyayaring party riyan. Feeling ko talaga maraming magaganda pupunta mamaya.”
Napapaisip na rin ako. Mas matimbang ang kagustuhan kong um-attend ng party pero hinahanap ng katawan ko ang pagpa-practice, ang magpawis at magpagod. Nakasuot na rin ako ng jersey kong short.
“Pal, wala akong makauusap mamaya sa party. Walang magsa-suggest sa akin kung sino dapat ang ligawan agad at ang hindi. You know I needed you the most when it comes to my love life. Women are the harshest to read. Kaya pumunta ka na lang, ‘tol, dahil sigurado akong maging ikaw ay may planong mag-fishing mamaya,” pamimilit niya sa akin, kumukislap ang mga mata nito sa kapilyuhan. “There are many fish in the sea! And the girl in the neon brassiere you are talking about the other day is there. Siya mismo ang i-we-welcome! Sinabi mo pang ako na lang ang magsabi kung maganda o hindi kapag nagkita kami.”
Natawa ako nang marahan sa parehong sinabi nito at sa alaala ng babaeng iyon sa utak ko. Mukhang mapapapunta niya akong dahil sa pagpapaalala niyang iyan. Although I am aware that she’s the main agenda of the party, but still, I wanted to go to University Azur. Kahit makapag-ensayo lang ako ng isang oras. Hahabol na lang sana ako sa party.
“Okay! Alright!” Iniangat ko ang mga kamay ko bilang pag-surrender “Pupunta na ako. Basta iyong usapan natin, ha, huwag mo na siyang isali sa pagpipilian mo mamaya, ha?”
Siya naman ang bumunghalit ng tawa. “Binabakuran mo na agad, ha, hindi ko pa man din nakikita. Ang unfair mo naman, ‘tol.”
“Oo naman, ‘tol. Kapag nakita mo na siya, kampante akong magugustuhan mo siya agad. Hindi siya ‘yong tipo ng babaeng kailangan mo pang isali sa mga pagpipilian mo. Believe me, she will be dominated among them all. Hindi lang dahil siya ang subject ng party kundi dahil may something sa kaniya...”
Naglakbay muli ang alaala ko sa naging pagkikita at pag-uusap namin sa bus. I can still feel and remember how I described her, a girl who can touch soul. Even though she’s just looking at you. And I am excited to meet her eyes again, hindi sa naiinis na tingin nito kundi sa nanghihimok at kumakausap nitong tingin.
“Iba na yata iyan, pal. Wala ka bang napapansin sa sarili mo?”
“Mayroon.”
“Baka siya na ang the one mo!”
Idinaan ko na lang sa tawa ang naging epekto ng sinabi nito sa akin.
“Loko ka. Nagandahan lang ako sa kaniya,” idinahilan ko na lang para tumigil na siya.
“Once in a blue moon ka lang humanga sa babae, ‘no!” hirit naman nito sabay turo sa mukha ko na tila nahuli niya ako sa unang pagkakataon.
End of Lander’s POV