OSWL (BOOK 1) Chapter 6

2170 Words
Chapter 6 Ksenia's POV Sa rami kong dresses na nadala ay wala man lang akong matipuhang isuot. Ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang party. I really don't want to party but I can't do anything. It was the decision of Mama and Tito Thom. What I heard in their conversation was that all our neighbors were invited. Do not add other relatives and friends outside the province. So, for sure na medyo maraming tao mamaya. Sinabi ko na nga lang kasing okay lang kahit huwag nang i-celebrate ang pagdating ko. Ang kumain sa labas o kahit dito na sa loob ng bahay ay sapat na sa akin. Meeting more people I don't know will only add to my work. Hindi ako sanay sa ganoong set up, magpapagod para makipagkilala o makipagkuwentuhan. Hindi naman sa snob ako, nahihiya lang talaga akong magsalita o makisalamuha, lalo pa at ako ang celebrant sa gabing ito. Itong ginagawa kong paghahanap ng susuotin ay never naman naging issue sa akin, eh! Malay ko na rin sa sarili ko. Simula nang makilala ko ang lalaking iyon ay hindi na ako mapakali! At iniisip ko pa lang ang kapilyuhan niyang ginawa sa akin kaninang umaga ay napapapikit na ako sa pagkapahiya at sa emosyong hindi ko na rin mawari. Pakiramdam ko, sasabog na ako nang maisip ko pang posibleng mayroon siya mamaya! Kapitbahay namin siya kaya why not! "Ksenia," ang tawag sa akin ni Mama at sinundan pa niya ng katok sa pinto. Dali-dali kong dinampot ang plaid square neck stripe dress. Kulay-yellow ito, may pagka-stripes sa ibang mga parte at hanggang tuhod. Ayaw kong maabutan niya ako ritong nakikipag-debate sa utak ko kung ano ang susuotin. "Bukas 'yan, Mama... Pasok ka lang," malakas kong sabi sabay suot ng dress. Bumukas ang pinto at nailuwa si Mama na ayos na ayos na sa suot nitong plain maroon na maxi dress with slight raffles sa laylayan. She looks so young and beautiful sa ayos nitong light make up. Nakahikaw ng dangling, naka-bracelet ng pearls at necklace. "Wow, Mama, ang ganda mo naman diyan sa suot mo. Mas lalo kang bumata," puri ko sa kaniya. Nagkukunwa naman akong abala pag-aayos sa dress ko. Lumakad ako patungo sa closet at humugot ng kulay-yellow na blazer. "Salamat," nakangiting wika naman nito. Lumakad palapit sa akin. "Bilisan mo riyan, anak, may mga ibang tao na sa ibaba. Pero kung gusto mo talagang maayos na maayos ka ngayong gabi, take time. Si Tita Loi mo lang naman iyon at ang anak niyang lalaki na si Ramces." Ang best friend niya ang tinutukoy nito. Si Ramces na anak nito ang laging nangungulit sa akin sa messenger, nakikipagkaibigan at nakikipagkilala na rin. Bilang respeto kay Tita Loi ay ni-re-replay-an ko paminsan-minsan. Mabait naman siya, chinito at talaga namang may itsura pero ang distansiya namin ay milya-milya. Nasa Pilipinas ako at nandito siya. Nararamdaman kong sa paulit-ulit niyang pangungulit sa akin ay may higit pa siyang gusto sa akin maliban sa friendship na mayroon kami. "Sige po, Mama. Nahihirapan kasi akong humanap ng ipapares ko rito sa suot ko," wika ko habang abala ang mga mata ko sa mga sapatos na nakasalansan sa shoe rack. "Puwede ang doll shoes, snickers or rubber shoes, anak... Lahat naman puwede. Magaling ka naman magdala, eh. Nakikita ko iyong mga dresses mo tuwing nagpupunta ka ng kapilya. Ang gaganda kaya..." Nahihiyang ngiti ang lumabas sa mga labi ko. "Naku, Mama, iba naman doon. Puro formal dress kaya ako roon." Tumawa siya nang marahan. "Kahit ano pa ang suotin mo, anak, bagay sa 'yo lahat," aniya habang kontento ang mukhang pinagmamasdan ako. "Ikaw pa rin ang maganda kong bunso... Ang malambing at mabait kong bunso." Bahagyan akong yumuko nang maulinig ko ang kalungkutan sa boses niya. Tinig na tila may pagsisisi ngunit wala siyang magawa. Alam naman niya kung gaano kami naapektuhan sa paghihiwalay nila ni Papa. Lahat ng guilt ay nasa kaniya dahil siya ang umalis. Ang Papa ay nanatiling single hanggang ngayon. Kahit pilitin namin siyang mag-asawa muli ay hindi niya ginawa. Nadudurog ang puso ko para sa kaniya. Mahal na mahal niya ang Mama... Wala siyang ginawa kundi ang mahalin ito. Malayo man ang distansiya, hindi siya naghanap o bumitiw ni minsan sa pag-ibig niya kay Mama. Kami, bilang saksi sa pag-ibig na iyon ay sobrang nasaktan sa kinahinatnat nila, lalo sa parte ng Papa. Kayang-kaya naman siyang buhayin ni Papa sa Pilipinas. Civil Engineer ang Papa at nagtatrabaho sa gobyerno buong buhay nito. Sobra ang kinikita nito para sa pamilya pero ewan kung bakit lumipad pa rin si Mama paalis. Nanatili akong malapit kay Mama dahil ayaw kong isipin niyang wala na siyang anak. Ang Kuya at Ate ay hindi na siya pinapansin. Ayaw ko namang dumagdag pa. "Thank you, Mama... Siyempre naman!" ani ko sa pinasiglang tinig. "Nariyan na yata ang mga bisita ko," pag-iiba ko ng usapan. Ayaw kong mag-iyakan kami rito. "Ha?" "Opo, Mama. May naririnig akong ibang tinig sa ibaba. Bumaba na po kayo at asikasuhin sila. Bibilisan ko na lang dito." Isinuot ko ang head band ko pagkatapos kong magsuklay. "Maigi pa nga, anak. Sige at bababa na ako. Huwag mong kalilimutan ang camera mo, ha? Dapat makapag-picture tayo ng madami para may remembrances tayo." Ngumiti ako at nag-thumbs up. "Opo, 'Ma, nasa bag ko po." Nagmamadali na siyang lumabas. Sa huli ay white snicker ang napili kong saplot ng mga paa ko. Nag-apply lang ako ng liptint at lumakad na palabas ng kuwarto. "Nasa itaas pero pababa na rin iyon," ang narinig kong sinabi ni Mama nang pababa na ako ng hagdanan. "Nagdadamit lang saglit." Iba-ibang tinig na rin ang naririnig ko. Talagang marami na ring mga tao sa ibaba. "Hayan na pala siya, eh," nakatawang saad ni Mama nang tuluyan na akong makababa ng hagdan. "Halika rito, anak, at ipapakilala kita sa mga kumare ko rito." Tatlong babae na sa tingin ko ay kaedad lang ni Mama ang nakatayo malapit sa bukana ng pintuan. Isa na sa kanila si Tita Loi. Lahat sila ay nakangiti at magiliw na nakatingin sa akin. "Naku, 'mare, ang laki-laki na pala ng bunso mo at napakaganda pang bata... Dapat noon mo pa siya kinuha rito," ani Tita Loi. "Naku, Kumare, nagbakasyon lang siya rito. Babalik din sa Pilipinas..." si Mama na inilahad ang kamay nang makalapit na ako sa kanila. Mas lalo akong kinilatis ng mga ito nang nandito na ako sa harapan nila. "Magandang gabi po, mga Tita. Nagpapasalamat po ako sa inyong pagdalo." Kinuha ko isa-isa ang kamay nila at nagmano. "Kaawaan ka nawa ng Diyos, hija," si Tita Loi na huli kong pinagmanuhan. Alas sais na ng gabi. Ang main table ay punung-puno ng iba't ibang pagkain, ganoon rin sa mga mini tables dito. Nagkalat ang mga upuan. Sa garden sa labas ay ganito rin ang set up. Nagdagdag sila roon para mas maluwang ang iikutan ng mga tao. May mga barbeque stands doon at sinindihang bonfire nang maging exciting ang atmosphere. Pagkatapos akong ipakilala ni Mama sa mga naunang bisita ay siya namang pagdagsa ng iba pang mga tao. Hanggang sa nagdesisyon na si Tito Thom na umpisahan na ang simpleng program. Isang panalangin mula kay Tita Loi ang nagbukas sa gabing ito. "Ngayon ay pakinggan naman natin ang sasabihin ng kaniyang Mama, siyempre! Ang kaniyang Mama na ang tagal hinintay ang pagkakataong ito! Naku, laging ang bunso ang laman ng bibig," tukso pa nito sa kaniya. Nakangiting tumayo si Mama at lumakad papunta sa harapan. "Naku, kumare, huwag kang iiyak, ha?" biro pa ulit ni Tita Loi sa kaniya bago ito pumagilid. Tumawa ang lahat. Si Mama naman ay tumawa lang. "Totoo naman ang sinabi mo, best friend Loi, napakatagal kong pinapangarap ang araw na ito..." si Mama sa nagpipigil na emosyon. Ang lahat ay tahimik na nakikinig sa kaniya. Tiningnan niya ako pagkatapos ay ngumiti. "Five years old lang siya noong huli niyang punta rito. Hindi ko sure kung may natatandaan pa siya." Siyempre naman mayroon. Pinilit kong tandaan ang panahong iyon dahil sobrang nananabik ako sa kalinga ng isang ina. Bata akong maituturing noon pero alam ko iyong pakiramdam kapag lumukso na ang dugo sa taong nagluwal sa iyo sa mundo. Iba iyong pakiramdam, magaan at masarap. "Iiklihan ko na lang ang sasabihin ko dahil ayaw kong maiyak sa harapan ninyong lahat..." Tumikhim siya, tinatanggal ang bara sa lalamunan. "Minsan napapatanong ako, kailan kaya iyong ako naman 'yon magpapa-party rito sa bahay kasi may bisita akong dumating? Lagi na lang na kami ni Thom ang nakikidayo at nakikikain sa mga tahanan ninyo..." Tumawa nang malakas si Tito Thom at saka napailing. Ganoon din ang reaksiyon ng marami. "Nagpapasalamat ako sa pagpunta ninyong lahat dito sa welcome party ng anak kong si Ksenia. Sana mag-enjoy kayo sa simpleng celebration na inihanda namin..." Binalingan niya ako. "At para sa anak kong napakaganda, salamat, anak, dahil binisita mo ang Mama rito... Sobrang masaya ako ngayon. Sa ilang taon nating hindi nagkita, marami akong naging pagkukulang sa iyo, ganoon din sa Kuya John at Ate Scarlet mo. Ikaw ang bunso ko kaya mas doble ang pananabik ko sa iyo..." Tumayo si Tito Thom at inabutan siya ng panyo. Tinapik siya nito sa likod bago muling bumalik sa upuan nito. Namamasa-masa ang mga mata ni Mama. Nakangiti man pero kumikislap ang mga mata nito dahil sa mga luhang pumuno roon. "Iyon lang naman, anak... Sana masaya ka ngayon sa araw na ito. Lahat ito ay talagang para sa iyo. Mahal na mahal ka namin ng Tito Thom mo. Sana tumagal ka rito sa France para may inaalagaan kami anak... Iba pa rin kapag may kasamang anak... Sa Panginoong Diyos, salamat sa lahat ng mga biyaya... Salamat at binigyan mo kami ng pagkakataon ng anak ko... Magandang araw sa ating lahat. Enjoy the rest of the night!" Nagpalakpakan ang mga tao. Nakangiting nilapitan ako ni Mama, hinalikan ako sa pisngi at niyakap nang mahigpit na mahigpit. "I love you, anak ko, Ksenia... Salamat sa lahat... Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya simula noong makauwi ka rito. Lagi kang welcome rito. Kahit anong araw or oras pa, you are open here... Kahit dito ka na nga rin, eh." bulong niya sa amin. Ako naman ay napangiti pa lalo, pinigilan ang emosyon. "Thank you rin po, Mama. I love you too..." Pagkatapos naming magyakapan ay bumalik na si Mama sa upuan nito. Tumayo ang Tita Loi at nakangiting binalingan ako ng tingin. "Narinig mo naman siguro iyon, hija? Kahit dito ka na lang daw tumira sa France. Hindi ka pa lang dineretso ng Mama mo, 'no?" Ngumiwi siya. Muling nagtawanan ang lahat. "And siyempre, ano naman ang masasabi ng celebrant natin? May I call on Ksenia to hear her speech..." Nahihiyang tumayo ako at naglakad sa harapan ng lahat. Walang microphone dahil kulong naman ang bahay. Malinaw naman na naririnig ng lahat. Akmang titikhim sana ako para lumuwag ng lalamunan ko nang biglang may pumasok na lalaki mula sa pintuan. Ngumiti ito sa akin at pilyo akong nginitian bago umupo sa pinakadulo. Kinindatan pa niya ako! Mas lalo tuloy akong nahiya sa sarili ko. Itinago ko ang panlalaki ng mga mata ko. Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagdating. Alam kong posibleng mayroon siya pero nawala iyong pag-aasam kong iyon nang hindi siya mahagilap ng mga mata ko kanina. Oo, hinanap ko siya. Nalungkot pa ako nang wala siya sa mga taong nagsisidatingan kanina. Nanlambot ang mga tuhod ko sa klase ng tingin niya sa akin. Nanlalamig ang mga kamay at paa ko sa bawat pagngiti at pagngisi nito. Ang guwapo nito sa suot na black maong at navy blue t-shirt. Nakasapatos ng rubber shoes at nakaporma pagilid ang buhok. Hindi ko pa man din siya nalalapitan pero parang naaamoy ko na ang lalaking-lalaking amoy nito. Amoy mabangong-mabango ang ayos at anyo nito. Binasa niya ang pang-itaas at pang-ibabang labi nito sabay lunok at upo nang maayos. Iba ang dating ng ginawa niyang iyon, nakakakaba sa lakas ng karisma nito. Lumunok muna ako at tumikhim sa loob ng lalamunan ko. Itinaas ko ang mukha at umayos ng tayo. "Salamat po sa pagdating... Natutuwa po akong makilala kayong lahat. Salamat naman sa Diyos at marami kayong natatakbuhan ni Mama rito... Dati, iniisip ko talaga ang kalagayan ng Mama rito dahil malayo kami sa kaniya. Ngayon, hindi na ako naaawa at nanghihinayang pa dahil nandiyan kayo para sa kaniya... Buong-buo ang pasasalamat ko sa inyong lahat... Sana'y lagi po ninyong pagmalasakitan ang Mama... Sana po ay magustuhan ninyo ang mga inihanda naming mga pagkain at drinks. May bonfire po sa labas at may videoke... Ako po ay magiging kapitbahay ninyo sa loob ng ilang buwan. Excited na po ako... Iyon lang po. Uulitin ko po, marami pong salamat sa pagdating." Nagpalakpakan ang lahat habang ang ilan ay binabati ako. Ngunit ang kalahati ng aking ulirat ay naka-focus sa lalaking iyon sa likod na kanina pa ako tinitingnan at nginingitian kahit wala naman sa kaniya ang mga mata ko. End of Ksenia's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD