OSWL (BOOK 1) Chapter 7

2174 Words
Chapter 7 Lander's POV Napangiti ako nang malapad nang matapos na ang speech niya sa harapan. May mga pasulyap-sulyap siyang ginagawa na nagiging sanhi ng pagngiti-ngiti ko rito sa kinauupuan ko. I don't know if she's disturbed with me or with the man next to me. May lalaki rin kasi ritong iba kung makatingin sa kaniya. Nakangiti ko siyang hinagod ng tingin, sa hinay na hinay na paraan para hindi naman ako magmukhang manyak. Nakaupo na siya ngayon sa upuan niya sa harapan. Nadedesenyuhan iyon ng mga bulaklak na artificial, malapit lang sa taong nagsasalita. Iyon ay sign na siya ang bida ngayong araw. Ganoon naman talaga kapag may okasyon dito. Namahinga saglit ang mga mata ko sa bandang mga tuhod niya. Medyo maikli ang suot nitong dress ngayon pero bumagay naman sa kaniya. Nang ituloy kong pagapangin ang mga mata ko paitaas at makarating sa dulo kung saan ang mukha nito ay nagulat akong mataman din pala siyang nakatingin sa akin. Imbis na ngumisi ako dahil iyon naman ang gustong gawin ng mga labi ko ay isinegway ko na lang sa pagngiti. Mahirap namang pagkamalan pa akong manyak dito. She just widened her eyes at me. The looks she throws at me are questioning and scolding. Muli akong napangiti. "So, let us all stand up for a short prayer from Lola Cristy," ani ng emcee na si Tita Loi. Kasabay ng paglakad papuntang harapan ng isang matandang babae ang pagtayo naming lahat. Pagkatapos ng panalangin ay pag- anunsiyo ng pag-uumpisa ng kainan. Nagsitayuan ang ilan para kumuha ng mga pagkain. Ang karamihan ay nakipagharapan na sa mga katabi para makipag-usap, makipagkumustahan at makipagtawanan. Magkukumare at magkukumpadre 'tong mga ito. Kagagaling ko sa University Azur, nag-practice lang sa loob ng kalahating oras pagkatapos ay dumiretso na ako rito. Nagbaon na ako ng mga pagpapalitan at doon na rin naligo. Nagpaalam ako kay coach na may pupuntahan akong mahalagang okasyon na agad naman niyang in-approved. Nagtaka ang lahat sa ginawa kong pagpapaalam sa gitna ng practice. Hindi ko naman sila masisisi, madalang ko lang gawin iyon simula nang sumali ako sa team. Bumagsak ang tingin ko sa binili kong bracelet sa tapat ng University kanina. Balak ko sanang ipang-welcome gift ito sa kaniya. Pinag-iisipan ko pa kung ibibigay ko. Nang magtaas ako ng mukha ay nasa harapan na ang katabi kong lalaki kanina, ipinapakilala siya nito ng kasamang babae. Nasisiyahang nakipagkamay naman si Ksenia. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para hagilapin ang Mama. Nakita ko naman siya sa sulok, nakikipag-usap sa lalaking may-ari ng bahay na ito, si Uncle Thom. "Lander!" Mabilis kong pinalipad ang paningin at atensiyon ko sa tumawag sa akin. Natawa na lang ako nang alanganin nang makilala ko siya. Bakit nga ba hindi ko nakilala sa boses pa lang nito? Matinis iyon, nakaririndi sa tainga. Si Alyssa iyon, ang pinakamalandi naming kapitbahay. Harsh, pero iyon siya. Kauuwi ko pa lang dito noon, nagpakita na agad ng motibo sa akin. Kapag nakita na ako ay lagi nang nakabuntot. She's nice but too rough to speak and act. Laging naka-high pitch ang boses. Wala sa lugar ang pagiging vulgar at prangka kaya maraming naiinis sa kaniyang mga kapitbahay namin dito. Ngumiti na lang ako sabay sabing, "Hi." "Kanina ka pa ba rito? Halla, siya! Hindi mo man lang sinabi na pupunta ka rito. Kanina pa kaya kita hinihintay. Ang sabi ni Fred kanina hindi ka na raw dadating! Salbahe talaga 'yon. Napakasinungaling! Ang sarap sabunutan." Sumimangot siya at humalukipkip. "Best friend ka niya kaya imposible namang hindi niya alam, 'di ba? Feeling ko talaga ayaw sa akin ni Fred para sa 'yo," walang preno niyang turan. "Hindi mo 'yon feeling, talagang ayaw ko sa 'yo." Ang nakakulong sa lalamunan kong gustong sabihin. "Hindi naman talaga ako pupunta. Napaaga lang ako ng uwi kaya dumaan na ako rito," pagsisinungaling ko nang mawala sa topic si Fred. Lagi na lang kasing ito ang pinagdidiskitahan niya na para bang karibal niya ito. "Oh," tumatango-tango niyang sambit. "Alyssa! Lander!" Isa pang mabilis na pikit ang ginawa ko nang marinig ko ang tinig na iyon. Ang kaniyang bessy na si Clarrise. "Hello, Lander! Ngayon ko lang ulit kayo nakitang magkasama, ah," aniya nang tuluyang makalapit. "Kumusta naman kayo?" makahulugan niyang tanong sa akin, pinagpalit-palit ang tingin sa amin ni Alyssa. Ang suwerte naman ng gabing ito, dalawang pinagbiyak na bunganga ang bumati sa akin. Imbis na iyong celebrant ang pupuntahan ko hindi na dahil na-stuck na ako rito. "Maayos naman," alanganin kong sagot na halos mapangiwi na ang bibig ko. "Kasama ko si James!" tuwang-tuwang niyang sinabi. Ang sabi ni Fred, nakuha raw niya sa agaw ang boyfriend nito. In fairness, hindi halata sa mukha niyang mang-aagaw siya at malandi rin katulad ng best friend nito. Mapana na kung mapana sa pagiging honest ko pero hindi talaga siya kagandahan. Kamukha niya si Fiona sa Disney movie na "The Shrek" Fiona the ogre version. Ang boyfriend nito ay isa ring heartthrob dito sa village. May maganda, mabait, matalino at sexy na girlfriend dati pero ewan kung ano ang nangyari't nagpaagaw sa Fiona na ito. Hindi naman ako galit or what. Wala nga akong pake, eh, pero si Fred ang nagkuwento sa akin lahat. Nakadidismayang may mga lalaking nagagawang makipaglandian sa iba habang may seryoso at almost perfect namang silang girlfriend sa tabi nila. Bakit hindi na lang muna makipaghiwalay bago makipaglandian sa ibang natitipuhan? Mas maigi 'yon para minsanan na iyong sakit, 'di ba? At least masasabi mong tapos na, wala na 'yong title ng tao para makialam at masaktan sa mga gagawin mong kabalbalan. Hindi 'yong alam mong girlfriend mo, pagkatapos kapag nahuli kang nagkikipagmabutihan sa iba ay magagalit ka. Natural magagalit talaga, siya iyong girlfriend, eh. Nasa kaniya ang title para magalit, masaktan, manumbat at mag-doubt. Bakit kailangan pang lamugin sa sakit iyong tao bago hiwalayan kung puwede namang minsanan iyong sakit? Hiwalayan mo na lang, ganoon kasimple. Matutulungan mo pa 'yong taong makapag-umpisa ulit at makahanap ng mas deserve niya. Ang slow talaga ng mga ibang lalaki kung minsan. Lalaki ako pero hindi ako ganoon ka-selfish at katanga. Ang tukso ay nariyan lang. Madaming babae riyan na susubok sa katatagan mo bilang isang lalaki pero kung lalaking totoo ka, may takot sa Diyos, may respeto at disiplina, hindi ka patatangay sa mga iyon. Girlfriend mo man iyan o asawa, dapat ganoon. Likewise with women to men. "Mabuti naman, at least may kasama ka," ewan ko na ring sagot. Hindi ko naman ka-close ang James na iyon. "Bakit hindi kaya kayo mag-hangout together, Lander? Nasa labas siya ngayon. Naghahanap nga siya ng makauusap, eh..." "Oo nga naman, Lander," si Alyssa na isinabay ang pagsang-ayon sa pagsabit sa braso ko. "Tayo-tayo dapat ang magkakasama rito kasi tayo iyong magkakakilala. Tawagin mo si Fred kung gusto mo. Nakita ko siya sa labas kanina, kumukuha ng pagkain." May sinasabi pa siya pero parang hindi ko na naririnig nang dumaan si Ksenia sa harapan namin. Kausap niya ang anak ni Tita Loi, kapitbahay rin namin. "Wait lang, guys, lalabas lang muna ako. Hindi ko pa nababati iyong ipinunta natin dito." Inalis ko ang kamay ni Alyssa sa akin. "Hay, naku, Lander, hindi ka pa ba nasasanay? Ganito naman lagi ang set up, eh... Siyempre nandito tayo dahil sa mga magulang natin..." "Oo nga. But I still need to go." Lumakad na ako palabas ng bahay. Hindi na pinansin ang pagsama ng timpla ng anyo niya. Naabutan kong may ipinapakilala si Ramces sa kaniya. Pamilyar sa akin ang babaeng iyon. Siya si Marielle, iyong ex-girlfriend ni James. Masayang nagkamayan ang dalawa. Nagpasya akong umupo muna rito sa gilid habang naghihintay ng tiyempo. Nang lumakad ang dalawa papunta sa buffet table at maiwang mag-isa si Ksenia ay binilisan kong makalapit sa kaniya. "Hi," ngiting-aso kong bati sa kaniya. Nagulat pa siya ngunit mabilis nakabawi. "Hello," alanganin niyang bati pabalik, nagdidikit ang mayayabong nitong kilay. "Nasa loob ang Mama ko... Thank you pala sa pag-invite sa amin." "Sina Mama at Tito Thom dapat ang pasalamatan mo. Sila ang naghanda lahat ng mga ito. Sila rin ang nag-imbita ng mga bisita... To be honest, wala akong kakilala rito ni isa," paglilinaw naman niya. May pagkamangha at pagkaasiwa sa tinig at mga kilos nito. Siguro dahil sa mga nakaraang pagtatagpo namin. "Pasensiya ka na sa mga nakaraang araw... Hindi ko alam na magkapitbahay pala tayo... Ang liit talaga ng mundo. Sino ang mag-aakalang magtatagpo ulit tayo rito? Ni hindi ko naisip 'yon sa unang pagkikita natin." Parang bumaliktad ang mundo sa amin, siya na ang tahimik at ako na ang maingay. Siya na ang naaasiwa at ako na ang confident na confident dito. Ganito kasi talaga ako kapag natuwa ako sa isang tao. "Huwag mo nang isipin masyado 'yong mga kalokohan ko. Gao'n talaga ako kapag natutuwa sa tao. Pasensiya ka na... My name is Lander..." Inilahad ko ang palad ko. "At ikaw naman si..." Narinig ko na ang pangalan niya kanina pero iba pa rin kapag nanggaling mismo sa kaniya. "Ksenia," aniya sabay tanggap ng palad ko. In fairness naman sa kamay niya, ang lambot at parang mukhang mabango. Binawi niya ang kamay niya. Kung hindi pa niya ginawa ay hindi ko talaga bibitiwan iyon. "You bullied me three times in a raw kaya pasensiya ka na rin kung medyo mailap ako." Natawa ako nang pigil nang maalala ko ang itsura niyang naka-brassiere lang at ang itsura niya habang nag-jo-jogging noong isang araw. "And you called me what?" patuloy niya sa nangungunot na mga noo. "Kapag binully kita sa palagay mo, ibig sabihin niyon, natutuwa ako sa 'yo." Matagal siyang hindi umimik. Pinagmasdan lang niya ako. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na rito pala ang address mo?" pag-iiba ko ng topic. "Hindi ko rin alam. Medyo naligaw ako noong araw na iyon..." Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nang mahagip ng mga ito ang bakanteng mga swings sa malapit sa puno sa hindi kalayuan ay muli ko siyang binalingan. "Gusto mong maupo muna? Tara sa banda roon!" Itinuro ko roon. Wala sa loob na hinawakan ko siya sa kamay at hinila papunta roon. Hindi ko sigurado kung nagpatangay siya o sadyang malakas lang talaga ako kaya ko siya nahatak. Binitiwan ko rin siya nang nandito na kami sa tapat ng swing. Magkasunod kaming umupo. "Siya nga pala..." Mabilis siyang lumingon sa akin. Inilabas ko mula sa bulsa ng maong ko ang bracelet na binili ko para sa kaniya. "Welcome to France, Ksenia," nakangiting bati ko sa kaniya. Inilahad ko ang palad ko kung saan nakahiga ang bracelet. Snowflake, white, rose gold-tone plated ito. Nagustuhan ko ito dahil para siyang snow noong unang kita ko sa kaniya. Soft and flows calmly... nakai-sting nga lang sa pagtagal ng lamig, gaya nang kung papaano siya magsungit at i-defend ang sarili. Mula kaninang makita ko siya ay parang ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti nang totoo sa akin. Hindi pa niya nahahawakan ang ibinibigay ko pero kitang-kita ko namang nagustuhan niya ito. "Bakit mo ako nireregaluhan ng ganiyan? Mukha pa naman 'yang mamahalin," sinabi niya habang nakangiting nakamasid dito. "Hindi naman 'yan mahal. Sakto lang ang presyo. Nagbibigay talaga ako kapag may mga celebrations dito sa street namin. Nabanggit ni Mama na welcome party raw ang gaganapin dito. Ikaw lang naman ang alam kong bago rito sa atin kaya iyan ang binili ko sa 'yo." Hindi ko mawari kung bakit nabawasan ang sigla sa mga mata niya. Hindi na siya nananabik hindi kagaya kanina. "Kunin mo na..." Inilapit ko pa lalo ang palad ko. "Para talaga sa 'yo 'yan... Remembrance mo na lang sa akin." Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga. Binawi ko ang kamay ko nang kunin na niya ito. Nakasabit na ito sa pagitan ng mga daliri niya. Tinitingnan niya ito. "Gusto mo bang isuot ko sa iyo?" Inilapit ka ang kalahating katawan ko. Napaatras siya ng mukha nang mag-angat siya ng ulo at magkasalubong ang mga mukha namin. Sinamantala ko ang pagkakagulat niya para kunin ang bracelet at ang kamay niya. Yumuko ako para ikabit ito sa wrist niya. Konsolasyon ko na lang na hindi siya nagalit. "Lahat ba ng mga binibigyan mo ng ganiyan ay sinusuotan mo rin?" Ikinabit ko muna ang lobster claw sa maliit na butas ng bracelet bago ako tumingala. Sakto namang nakaabang ang mukha niya. "Hindi naman. Ikaw pa lang ang una," sagot ko, direkta sa mga mata niya. Umusog ulit siya palikod at ibinaling ang atensiyon sa bracelet. As I stared into her eyes for a moment, I was left in my memory of the shape of them. She has beautiful eyes. Her pitch black irises are very much alive. It is even more dominant because of her thick eyelashes and eyebrows. That mattered in her gentle face. "Salamat," mahina niyang sambit na ang atensiyon ay nasa bagay na nasa wrist nito. "Ang ganda..." Umupo ako nang maayos at bumuwelo na para mag-swing. "Mabuti naman nagustuhan mo..." Lumingon siya at ngumiti sa akin. "Oo naman." Napangiti na rin tuloy ako. End of Lander's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD