Chapter 2

1344 Words
Xander I was shaving my small hairs on my cheeks down my jaw, chin and below the nose. Hindi ko ba alam bakit ako tinutubuan ng ganoon ngayong 29 years old pa lang ako. Ayaw na ayaw ko ang ganito dahil makati sa mukha at nakaiirita. Nang matapos akong mag-shave ay naghilamos na ako ng aking mukha. I am only wearing some boxer shorts. Good thing it's Saturday, I can wear and do whatever I want. Binuksan ko ang aking ref at nakita na may one box of nuggets pa pala akong hindi nailuluto. Cheese flavor kaya naman kinuha ko iyon at isinalang agad ang kalan para magprito. Habang nagluluto ay pinindot ko ang automatic landline ko dahil mukhang may mga messages pa akong hindi napakikinggan. Unang message ay mga tawag ng mga babae na gusto akong maka-date. Kinansela ko lahat iyon dahil naiirita ako sa ganoong klase ng mga babae. I believe it shouldn't be the girl showing interest to a guy, it’s supposed to be the other way around. Sumunod ay isang tawag mula sa aking kaibigan na si Keith. "Hey, yow dude! I know what you are thinking, why is this good looking handsome guy calling you?" Inikot ko ang aking mga mata dahil sa aking narinig. "Tsss...mahangin," nasabi ko sa aking sarili. "Dude, boys’ night out tayo. It's been a while, and I miss you guys. Sulitin na natin ito dahil pakiramdam ko mukhang susunod na ang isa sa atin na ikasal." Na-i-imagine na niya na lumalabi ang lalaking ito. Kahit kailan talaga hindi ko malaman kung talagang nag-aalala siyang ikakasal na ang iba o gusto niya lang uminom ng alak. Napailing ako dahil sa aking naisip tungkol sa aking kaibigan na baliw. I'd rather choose the second one. "Dude punta ka ha? My place. Sinabihan ko na rin iyong iba. Iyong mga may asawa not sure raw. Anyway, alam ko naman na pupunta ka kaya kita kits bro. Ba-bye!" Tamang-tama namang natapos ako sa pagluluto. Natapos na ang message at napangiti ako. My friend is right. Pupunta pa rin ako sa boys’ night out namin kahit na hindi ako kulitin nito. Keith and me are like the twins of the group dahil kung nasaan ito ay nandoon din ako. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit naging ganoon kami ka-close ni Keith. Maybe because we have the same personalities, likes and dislikes. Ang pagkaka-iba lang siguro namin ay babaero siya at ako hindi. Nagsimula na akong kumain ng aking almusal at naubos ko iyong isang supot na nuggets na linuto ko. Oo matakaw ako pero palagi pa rin naman akong nag-e-ehersisyo kaya siguro hindi rin ako tumataba. Mamayang gabi pa naman iyong boys’ night out namin kaya napaisip ako kung ano ang gagawin ko? Napagdesisyunan ko na bumili na lang ng bagong damit na gagamitin ko sa boys’ night out namin mamaya. Kaya naman nang matapos akong kumain ay agad akong nagpalit ng damit at lumabas sabay dumiretso ako sa aking garahe at sumakay sa aking Jaguar. Pagdating ko sa mall ay agad akong dumiretso sa department store at tumingin ng aking bibilhing damit. Habang namimili ako ng damit ay naririnig ko sa aking likuran ang dalawang babae na nagtsi-tsismisan. Nagbubulungan pa sila pero pansin naman na ako ang pinaguusapan nila. Napabuntong-hininga ako dahil naiirita ako sa inaasal nila. I hate girls who like gossiping. Ayoko rin ang mga babaeng papansin at sila ang parang nangliligaw sa lalaki. Ayokong pinipilit nila iyong sarili nila sa taong hindi naman sila gusto. I just don't see the point of that. Pagkaalis ko ay doon naman ako sa shoe section pumunta. I need new shoes as well na babagay sa aking damit kaya naman namili ako ng total wardrobe from head to toe para sa party mamaya. Binayaran ko na ito at naiirita ako sa babaeng halatang nagpapa-cute sa akin. What is with these girls? Kinuha ko na ang paper bag at lumabas na ng department store. Umikot-ikot muna ako sa mall at baka sakaling may matipuhan akong bilhin. Napadpad ako sa food court ng mall at hindi ko alam kung bakit bigla akong nagutom kahit kumain naman ako ng almusal. Habang tumitingin sa menu ay nakakita ako ng ice cream. Natakam ako sa rocky road na nakita ko kaya iyon na lang ang binili ko. Pagkabili ko ay masaya ko itong kinain. I was licking the ice cream when someone suddenly bumped onto me. Nahulog ang ice cream sa aking damit at halos mapamura ako ng malakas dahil nasayang lahat iyong ice cream sa aking damit. "Oh my! Oh my! I'm so sorry. Hindi ko sinasadya," tarantang sabi ng babae at naglabas ito ng panyo at agad na pinunas ito sa aking damit. Una kong napansin ang pabango niya. It's a Victoria's secret perfume. Kung hindi ako nagkakamali ay Scarlet ang pangalan nito. Pangalawa kong napansin ay ang mga mahahaba niyang pilik-mata. Hindi ko alam kung peke ang mga ito o totoo lang. Pangatlo ay para siyang pamilyar parang nakita ko na siya. "Miss," tawag pansin ko sa kanya. Napaangat ang kanyang tingin at halos napasinghap siya nang magtama ang aming mga mata. Napasinghap talaga siya ng literal at napalunok sa kanyang nakita. "I'm fine. Sa susunod tumingin ka na lang sa linalakaran mo. Paano kung nagawa mo ito sa iba baka inaway ka pa." Nanatili siyang nakatulala sa akin. Hindi ko maiwasang umikot ang aking mga mata. There is another woman who likes to stare at me. Sigurado ako oras na umalis ako ay susundan niya ako. "Uhm, p-pasensya ka na talaga. Nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin. Babayaran ko na lang iyong damit at ice cream mo." Agad siyang umalis na ipinagtaka ko at nakita kong bumili siya ng ice cream. Pipigilan ko sana siya kaso nakabili na siya at agad na inabot ito sa akin na ipinagtaka ko. Naglabas din siya ng isang libo bilang bayad niya sa aking damit daw. Napatingin ako sa kanya. "What is that?" tanong ko sa kanya. "Uhm, bayad sa shirt mo. Mukhang mamahalin pa naman." Alok niya sa akin. "No need miss. Isa pa hindi lang one thousand ang bili ko sa damit na ito," sagot ko. "Magkano?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya. Napaisip ako. Kung sabihin ko kaya na isang million ito mag-back out kaya siya? Napangiti ako sa sarili kong kalokohan. "1 million?" Napakurap-kurap siya at binalik sa bag niya ang isang libo. Kaso nagulat ako nang maglabas siya ng isang tseke at nagsulat siya ng kung ano roon sa tseke pagkatapos ay ibinigay sa akin. "Are you insulting me?" inis kong tanong. Mabilis siyang umiling. "H-hindi. Gusto ko lang talagang bayaran iyong damit mo kasi kasalanan ko kung bakit ito narumihan." Hindi ko alam kung bakit nairita ako sa sagot niya. "No need. Keep your money." Linagpasan ko na siya at kinain ko ang kapalit ng aking ice cream. Maya-maya ay narinig ko na lang na nakasunod siya sa akin. Sinasabi ko na nga ba e. "What?" seryoso kong tanong. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo? I'm Krysta, Krysta Mejia." She smiled sweetly at me. Magpapakilala sana ako sa kanya nang tawagin siya ng kanyang kaibigan. Sabay kaming napalingon at kinuha ko itong pagkakataon para umalis. Ngunit sumunod pa rin siya sa akin. "Wait!" Huminga ako ng malalim. Agad ko siyang hinarap at tumigil naman siya. "Miss, look. I don't want to tell you my name. Thank you for the ice cream." Lumakad na ako palayo. Leaving her gaping at me. Katulad ng sinabi ko ayoko ng mga makukulit na babae. Ayokong sila ang naghahabol sa lalaki. Pagdating ko sa aking sasakyan ay inubos ko ang aking ice cream at sumakay. Umuwi na ako pero hindi ko nakalimutan ang pangalan ng babae. Krysta Mejia, huh? What a beautiful name? Maganda pa naman siya kaso ayoko sa katulad niya. Itsura pa lang sigurado ako na maarte at makulit ito. Pag-uwi ko ng aking bahay ay nag-movie marathon na lang ako pampalipas ng oras para mamayang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD