Chapter 1

1688 Words
Krysta Assassin Name: Scarlet Disposition: Veteran Sa isang maluwang na bulwagan ng isang hotel ginanap ang reception ng bagong kasal kong kaibigan na si Jane Peralta-Roche. I am busy listening to the emcee while playing my spoon and fork. Masaya akong nakatingin sa bagong kasal at hindi ko itatanggi na naiingit ako. Minsan kong pinangarap na maikasal din sa taong mahal ko at makakasama ko habang buhay. Kaso dalawampu' t walong taong gulang na ako ay wala pa akong nagiging matinong nobyo. Lahat nalang sila katawan lang ang gusto, kapag hindi naibigay ang gusto naghahanap na agad ng iba. "Hoy!" Someone snap her finger in front of me, and I know immediately who it is. "What is it Vernice?" tinatamad kong tanong. Vernice is her code name. I want to call my friends using their assassin name just to be safe. "Girl tulala ka nanaman eh. Kasal ng kaibigan natin ngayon pero iyang kaluluwa mo kung saan-saan naglalakbay." Inikotan ko siya ng aking mga mata "Ano ka ba naman?! May iniisip lang naman ako." Sumimangot ako. "Care to share your beautiful thoughts with me?" Sabay tinaasan ako ng kilay ni Vernice. "Wala!” sabi ko. “Wag mo na nga akong kulitin kundi kukurutin kita sa singit mo." Dumila siya sa akin na ikinatawa ko. "Sungit. Kaya wala kang bf girl kasi ganyan ugali mo." Inis akong napatingin sa kanya at pinalo siya ng hawak kong kutsara. "Eeww!” sabi niya sabay kuha ng tissue at pinunasan ang kanyang kamay kung saan dumampi ang aking kutsara. “Huwag mo ngang ipalo sa akin iyan! Mamaya may germs iyang bibig mo." Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata pero tinawanan niya lang ako. "Aba't tignan mo ang babaeng ito at tinawanan mo pa talaga ako. Alam mo kung wala lang tayo dito kinalbo ko na iyang buhok mo sa taas at baba." "Tsk, tsk! Violence is a crime.” Umiling siya. “Isa pa paano mo naman kakalbuhin iyong sa baba eh wala namang buhok." Binato ko siya ng napkin table na kanyang ikinatawa. "Haha, nakatatawa. Lalabas na nga muna ako. Papasok na lang ako kapag may pagkain na." Tumayo ako saka dumiretso sa lobby ng hotel. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako galing sa reception dahil para akong nasasakal sa nakikita ko. Nagmumuni-muni ako nang makatanggap ako ng text galing kay Ms. Thorn. 'Scarlet you have a new job. It's a guarding s***h agent assignment. Come to the office later and get the folder from me.' Napabuntong-hininga ako na nag-reply kay Ms. Thorn. Nang matapos akong mag-reply sa kanya ay may narinig akong sumisigaw sa kabilang side ng lobby ng hotel. I know it's a guy because of the deep voice that he has, and it looks like he's angry. Kaya naman sinundan ko ang boses at palingon-lingon ako sa aking kanan at kaliwa habang hinahanap ang boses na iyon. Paglingon ko sa aking kaliwa ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki na may magandang pangangatawan na nakasuot ng peach na tuxedo. Kahit nakatalikod ito ay alam ko na isa itong matipunong lalaki dahil sa tindig niya pa lang at ayos. "What do you mean the cargo won't make it? I need those parts to fix my new mall! My employees are already in a bad condition because of the fire that happened last time,” sigaw nito sa kausap sa kanyang telepono. Wow, ngayon lang ako nakakita ng boss na may malasakit sa mga empleyado niya. Now that's new? Sino kaya ang taong ito? I was admiring him from afar, when he suddenly turned around, and that's when my jaw drops. This man is a god and beyond perfection. I have got to date this beautiful man. Siya na iyong dream man na hinahanap ko. "f**k this! Make that cargo arrive tomorrow, or else I'll make your company a living hell," galit niyang sabi sa kausap niya. Pinatay niya ang kanyang telepono at papunta siya sa akin kung saan ako nakatayo. What should I do? What should I do? Think Krysta. Tumungo na lang ako at kunyari may inaayos sa aking damit habang naglalakad at sinadya ko talaga na banggain siya. "Ouch!" Kunyari nasaktan ako. Syempre todo arte ang lola niya dahil kailangan kong makilala ang mr. right ko 'di ba? "Sorry miss, are you okay?" pag-aalalang tanong niya. Sh*t, ang tigas ng muscles niya parang bato. Yum, yum. Hihimatayin ako dahil sobrang bango niya rin. Grabe! Maghunos dili ka Krysta at baka magwala lahat ng matres at ovary mo. "Oh, I'm fine. Sorry hindi ko kasi tinitignan iyong dinadaanan ko." Matamis akong ngumiti sa kanya. He just smiled at me weakly, and I stared at his handsome face. "Handsome," sambit ko. "I know miss. Excuse me," sabi nito at lumakad palayo. Hindi pa lang ito nakalalayo ay hindi ko alam kung anong demonyo ang sumanib sa akin at tinanong ko sa kanya ang hindi dapat itanong. "Will you please be my boyfriend?" sigaw ko at napatakip ako sa aking bibig. Napatingin ang lalaki sa akin na parang nawiwirduhan sa akin. Napakagat labi ako nang ma-realize ko kung ano’ng sinabi ko. Napailing ang binata at umalis na lang dahil baka akala niya ay baliw na ako. Tinampal ko ang aking sariling noo sabay napailing sa aking inakto. "Ano ba Krysta? You are such a crazy woman. Ano bang sinasabi mo?" pagkausap ko sa aking sarili at bumalik na lang sa loob. Bumalik akong umupo sa aming table na masama ang loob sa aking sarili. "Oh, girl. Bakit iyang mukha mo sobrang lukot na para kang nakisiksik sa tren? Ano’ng nangyari sayo?" Tanong ng kaibigang si Vernice habang umiinom ito ng iced tea. "I feel stupid, and I want to slap myself," malungkot kong sabi. "Talaga? Sige ba tulungan na ba kita girl?" Inikotan ko ng mga mata ang kaibigan sa inis at humalukipkip. Tinawanan naman ako ni Vernice na kumakain na ng dessert. "Ano ba kasing nangyari sa iyo at sinasabi mong stupid ka? May ginawa ka nanamang kagagahan ano?" Sumimangot ako at natawa naman siya. "Ish!” I stomped my feet lightly on the ground. “Girl paano kasi nakita ko na ang dream man ko tapos dahil sa sobrang gwapo niya, I ask the most stupid question." Tumawa siya. Nahulaan niya ang ginawa at sinabi ko sa lalaki. Tumango ako at lalo siyang natawa sa akin. Mas lalong nalukot ang aking mukha dahil sa pang-aasar niya. Hindi ko naman kasalanan kung nakakita ako ng gwapo. Natural lang naman sa akin na sabihin ang nasa isip ko. Minsan iyon ang sakit ko kaya naiinis din ako sa sarili at ang sarap talagang batukan. "No wonder the guy ran away from you. You don't just ask a guy you just met to be your boyfriend. Maybe the guy was weirded out that's why he ran," paliwanag ni Vernice. Nanatili akong tahimik at hanggang sa matapos ang party ay hindi ako nagsasalita. Isa-isa na ring nagsiuwian ang mga bisita at kasama kong lumabas si Vernice. Ang alam ko ay nandito rin si Rosa pero mukhang nauna na iyong lumabas. Palibhasa rin kasi sa babaeng iyon para siyang man-hater na hindi. For the last time, I tried looking for that guy, but I can’t find him anymore. Sumakay na kami ni Vernice sa kanyang sasakyan at nagpahatid na rin ako sa office. Habang lulan kami ng sasakyan ni Vernice ay nakatingin lang ako sa labas. Inaalala ko pa rin iyong lalaki dahil hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Sana makita ko siya ulit kasi ang gwapo niya talaga. Na-fi-feel ko ang malakas na hatak ng gravity sa aming dalawa at sinasabi na para talaga kami sa isa’t isa. Natauhan ako nang tawagin ni Vernice ang pangalan ko at nakita ko na nandito na kami sa harap ng opisina. "Hindi ka na ba papasok?" tanong ko kay Vernice. "Hindi na. Kapag nakita nanaman ako ni Madam baka bigyan niya nanaman ako ng trabaho. Ito na nga lang ang day off ko. Kaya tsupi na girl!” Pagpapalayas niya sa akin. “Gusto kong magpahinga." Napailing ako. Bumaba na ako ng kanyang sasakyan at agad na dumiretso sa loob ng opisina. Pagpasok ko ay nakita ko roon sina Mystique at Venus. Sumalampak ako sa tabi nila at huminga ng malalim. "How's the wedding?” tanong ni Venus. “Ang lalim ng paghinga mo ah? May nangyari ba?" "Ugh! I'm just so stressed!" Nasapo ko ang aking noo at mahinang natawa si Venus sa akin. Si Mystique ay nanatiling tahimik lang at busy siyang tumitipa sa kanyang cellphone. Habang hinihintay namin ang aming Ingenium ay naging busy din kaming tumitipa sa aming sari-sariling cellphone. Maya-maya ay nakita na naming dumating ang aming Ingenium na si Ms. Thorn. "Good evening ladies!" masayang bati niya sa amin. "Good evening," malungkot naming sagot. "Hey! No need to be sad. Madali lang naman itong ibibigay kong trabaho. Isa pa kahit nga isa lang ang gumawa nito sa inyo ayos na eh." Binuksan niya ang projector sabay pinatay ang ilaw sa kwarto. Pinaliwanag niya sa amin ang aming assignment. Nakikinig ako sa kanya kaso hindi ko naman ito ma-process. Nakatunganga lang ako kay Ms. Thorn nang sikuhin ako ni Mystique. "Krysta ayos ka lang ba?" Tumango ako. Tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabi niya na hindi siya naniniwala sa akin kaya naman umiling ako. "Fine! Ire-request ko na lang kay Ms. LB na huwag ka nang sasama sa assignment na ito,” sabi ni Mystique sa akin sabay napatigil naman si Ms. Thorn sa kanyang sinasabi at napatingin silang lahat sa akin. “Ayos lang naman iyon sa inyo 'di ba?" "No prob. Basta ilibre mo kami ng eat all you can." Ngumiti si Venus sa akin at yinakap ko naman siya. "You can go." Masaya akong tumango at nagpaalam sa kanila. Tinatamad kasi ako ngayon at wala akong ganang magtrabaho sa araw na ito. Gusto kong makita ulit iyong gwapong lalaki. Kaso ang tanong makikita ko pa kaya siya? Sana makita ko siya ulit dahil mukhang in love na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD