Introduction
History of Order of Assassins
Assassins have been feared ever since the 11th century that led to a lot of deaths. Not until the most prominent assassin in the world changed that notion towards the assassin society.
Alphonse Aldo Sovrans is a noble, multi-billionaire in Milan, Italy, who first established an organization in 1853 named Order of Assassins. The said organization was said to help the government to lessen the growing number of crimes that happens every year. Ever since the organization was built, it was said that it became one of the most successful and feared organization in apprehending the growing number of crimes in the whole world.
Order of Assassins is known to be the most triumphant organization to ever exist. Not only does it help the government in decreasing the number of transgressions, but it also maintained peace among the country. It also made a lot of partnerships with ILS, SAG and Red Scorpions. In 19th century, the Dominus or the so-called boss of the said organization became a confidential matter to the public to protect the Dominus’ identity. Up to present, no one knows the identity of the Dominus.
ORDER OF ASSASSINS HIERARCHY
1. DOMINUS – Ang Dominus ay ang nagmamay-ari ng nasabing organisasyon. Siya ang nagdidikta ng mga regulasyon at panuntunan. Isa sa mga pinaka-importanteng tao. Ang kanyang pagkakakilanlan ay isang sikreto at wala pang nakakikita at nakakikilala sa kanya.
2. MANUS DEXTRA – Dalawa ang kanang-kamay ng Dominus. Sila ang nagsisilbing protektor at mata nito. Sila ay personal na pinili mismo ng Dominus.
3. MAGISTER – Sila ang mga guro na nagtuturo ng mga dapat malaman sa pagiging isang mabisa na assassin. Bago sila maging isang ganap na Magister ay kailangang may dalawampu’t taong serbisyo sa organisasyon, malinis na record at aprobado ng Dominus.
4. INGENIUM – Sila ang mga Captain o Head ng bawat grupo. Ang mga nagsisilbing gabay ng mga baguhan, dalubhasa at beteranong sumasabak sa pagiging assassin. Paminsan-minsan ay sumasabak sila sa field kung kinakailangan.
5. VETERANS – Sila ang mga tumatanggap ng mga serbisyo na hindi na kaya pang solusyonan pa ng gobyerno. Sila ay ang mga bihasa na sa pagiging assassin at palagi silang nasa field. Tumatanggap din sila ng mga trabaho na labas sa pagiging assassin kung aprobado at utos ito mismo ng Dominus.
6. PERITUM – Katulad ng Veterans ay palagi din silang nasa field. Ang mga hawak din nila ay mga serbisyo na hindi na masyadong kaya ng gobyerno. Ngunit sila ay nakikipagtulungan sa mga pulis, army at navy. Ang tanging pagkakaiba lang nila ay hindi sila pwedeng tumanggap ng trabaho na labas sa kanilang serbisyo.
7. LEGIONES – Sila ay ang mga nasabing baguhan at bata pa sa mundo ng assassination. Hindi sila sinasabak sa field hangga’t hindi nila naipapasa ang mga kailangan para maging isang lisensyadong assassin.
MGA PANUNTUNAN NG ORDER OF ASSASSINS
1. Maaaring palitan ang Dominus kung ito ay umalis sa kanyang pwesto o kung ipapasa ito sa kanyang anak na nasa labing-walong taong gulang pataas. Ngunit oras na mamatay ang Dominus at wala itong iniwang tagapagmana, wala sa tamang edad ang tagapagmana o walang huling habilin, maaari itong palitan sa pamamagitan ng pagboto.
2. Ang Magister at Ingenium ay kailangang sumunod sa kanilang mga Manus Dextra. Maliban na lamang kung ang utos ay galing sa Dominus.
3. Maaaring palitan at bigyan ng karampatang parusa ng Dominus ang mga Manus Dextra kung sa tingin niya ay hindi nila ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho, may mga paglabag sa mga panuntunan at pagtataksil sa nasabing organisasyon.
4. Ang mga Ingenium, Manus Dextra at Magister ay hindi pwedeng gamitin ang kanilang posisyon para sa kanilang sariling kagustuhan o gamitin para parusahan ang kanilang nasasakupan. Oras na linabag ito ay bibigyan ang kung sino man ng karampatang parusa at ikukulong ng panghabambuhay.
5. Lahat ng mga Peritum at Veterans ay kailangang sumunod sa kanilang Ingenium. Maliban na lamang kung ang utos ay galing sa mismong Dominus.
6. Hindi pwedeng mamili ng trabaho ang mga Peritum at Veterans maliban na lamang kung ang nasabing trabaho ay natatapakan ang kanilang dignidad at sekswalidad. Kung sakaling wala sa mga ito at ayawan pa rin nila ang nasabing trabaho, kailangan ay aprobado ito ng Dominus.
7. Ang mga Legiones ay maaaring umatras sa pagiging assassin bago sila maging ganap na lisensyado. Ngunit kapag lisensyado na at balak nilang umalis ay kailangan nilang magtrabaho ng isang taon sa community service at isauli ang kanilang lisensya.
8. Hindi ka pwedeng pumatay o magparusa ng kapwa mo assassin. Oras na ginawa ito sa isang myembro ay may karampatang parusa, kukunin ang lisensya at aalisin sa pagiging assassin. Mapapabilang ka pa sa blacklist ng organisasyon.
9. Lahat ng mga myembro ay maaaring pumili ng kani-kanilang armas at sandata na magagamit nila sa nasabing trabaho. Ngunit oras na ginamit ito sa labas ng trabaho ay may karampatang parusa at pagsuspinde sa inyong lisensya.
10. Lahat ng mga sikretong malalaman mo sa organisasyon ay hindi maaaring ipamahagi kaninuman. Oras na linabag ito ay mapapabilang ka sa listahan ng mga kriminal at aalisan ng kalayaan.
11. Kung magpa-pamilya ang isang myembro at ayaw umalis sa organisasyon ay kailangang sumulat ng kasunduan ang buong pamilya. Sila ay mapapabilang sa sinasabing non-assassin member at kailangang sumunod sa mga palatuntunan. Oras na lumabag sila ay may karampatang parusa.
12. Kung isa kang lisensyadong myembro ng organisasyon at gusto mo nang umalis, kailangan mong ibalik ang iyong lisensya at pumirma ng isang kasunduan.
13. Hindi mo maaaring sabihin kaninuman ang iyong trabaho at pagkakakilanlan bilang isang assassin. Maliban na lang kung ito ay aprobado ng Dominus.
14. Bawat assassin ay bibigyan ng sariling Assassin/Code name na siyang gagamitin sa bawat misyon nila upang hindi maisiwalat ang kanilang pagkakakilanlan.