Krysta
Nakadapa ako ngayon sa aking kama sabay binuksan ko ang aking laptop habang tinitipa ang aking report sa aking previous na assignment. Isa kong sideline ay ang pagiging writer sa isang publishing company, pero dahil sa tapos ko na ang aking mga deadline ay wala na akong ginagawa ngayon. Kaya naman ang paghahanap ng impormasyon sa lalaking gusto ko ang inaatupag ko.
Naalala ko tuloy iyong nangyari kaninang umaga sa mall. Sinong mag-aakala na makikita ko ang love of my life sa mall? Kaso ang malas ko kasi ganoon pa ang pagkikita namin tapos mukha siyang masungit. Hindi man lang sinabi sa akin iyong pangalan niya. Busy akong nagmumuni-muni nang katukin ako ni Vernice.
"Girl!” sabi niya pagpasok sa aking kwarto at nakapamaywang pa. “Iyong lalaki na naman na iyan ang inaatupag mo e hindi mo nga alam kung ano’ng pangalan niya. Advice lang ha? Huwag kang maging obsess diyan baka mamaya masaktan ka lang." Pangaral sa akin ni Vernice.
"Girl alam ko ang ginagawa ko. Ikaw naman imbes na suportahan mo ako iyan ang sinasabi mo. Dapat nga tinutulungan mo ako eh." Sumimangot ako.
"Hindi naman sa ganoon Krysta, payong kaibigan lang naman.” Umupo siya sa aking tabi. “Isa pa kahit naman na kaibigan siya ni Jane ay hindi ibig sabihing kayo na ang para sa isa't isa." Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon pero sa isip ko siya na talaga iyong lalaking gusto ko.
Nagtitipa ako sa aking laptop nang makatanggap ako ng isa ulit na text message mula kay Ms. Thorn. Ano nanaman kayang ipagagawa niya sa akin?
"Scarlet may solo mission akong ibibigay sa iyo. Come to my office later."
Napabuntong-hininga ako sa nabasa kong text. Akala ko pa naman wala na akong assignment ngayon meron pa pala. Maya-maya ay binuksan ni Vernice ang aking closet at mukhang naghahanap siya ng aking damit.
Napahalukipkip ako."Ehem! Ano'ng hinahanap mo?"
"May photo shoot ako mamaya. Baka naman pwedeng humiram ako ng isa sa mga dress mo." Patuloy niyang paghahalungkat sa closet ko.
"Sige walang problema." Nagkibit-balikat na lang ako.
Itinuloy ko ang ginagawa ko at mukhang hindi ko pa rin makita iyong lalaking iyon hanggat hindi ko nakukuha ang kanyang pangalan. Kaya naman pinatay ko na ang laptop ko at nagpalit na rin ako ng aking damit. Napatingin sa akin si Vernice.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Ms. Thorn texted me. I have another solo mission." Ngumiti siya.
"Sana naman gwapong lalaki na ngayon ang bantayan mo." Tumango na lang ako sa kanyang sinabi.
"Sana nga. Palagi na lang kasing mga may edad, may asawa, babae at matatanda ang nababantayan ko. Ang boring tuloy ng mga mission ko." Napasimangot ako.
Pagkatapos kong magpalit ng aking damit ay lumabas na ako sa aming condo at sumakay sa aking mahal na motor na isang Ducati na kulay itim. Minaneho ko ito at dumiretso sa opisina ni Ms. Thorn. Pagdating ko roon ay dumiretso ako sa opisina ni Ms. Thorn at naabutan ko si Venus na nandoon. Nagkasalubong pa kami nang palabas na siya.
"Good luck. Mukhang mainit ngayon ang ulo ni Ms. Thorn," bulong niya sa akin saka siya lumabas.
Napangiwi naman ako dahil ayaw na ayaw ko pa namang kausapin si Ms. Thorn kapag bad mood siya dahil hindi mo siya pwedeng pakiusapan. Ms. Thorn is one of the leaders or Ingenium of a group, and I work under her. Umupo ako sa upuan na nasa harapan ng mesa niya.
"Good evening Ms. Thorn. I'm ready for my mission." Ngiti ko sa kanya pero hindi man lang ngumiti pabalik si Ms. Thorn sa akin.
Mukhang tama nga iyong sinabi ni Venus sa akin na bad mood nga si Ms. Thorn ngayon.
"Here." Linapag niya ang folder sa aking harapan at may nakalagay na urgent.
Agad ko naman itong kinuha at binuksan ito. Binasa ko ang nilalaman ng folder at halos manlaki ang aking mga mata. What the hell? Is this true?
'Xander Mostrales is the owner of the most famous and successful ATHAN CORPORATION...'
Iyon lang ang nabasa ko at gusto kong tumalon sa tuwa at excitement. Yes! Napaangat ako ng tingin ng magsimulang magsalita si Ms. Thorn na aking ikinatahimik pero gustong-gusto ko na siyang yakapin sa mga oras na iyon.
"Basahin mo ng mabuti iyan Scarlet. It looks like balak nilang i-assassinate rin si Sir Mostrales. I received news that Sir Mostrales has been receiving threats." Napakunot ang aking noo.
"Rin? Anong ibig niyong sabihin Ms. Thorn?" Huminga siya ng malalim.
"I received reports that his friend Sir Montero received a warning letter the other day about the assassination of a certain group to his friend. Wala naman daw sinabing dahilan ang nagbigay ng warning letter kung bakit nila gustong i-assassinate si Sir Mostrales, pero nabahala si Sir Montero at siya ang nag-request agad ng assisstance sa atin." Tumaas ang aking kilay at bumalik ang aking mga mata sa folder.
Assassination pala ha? Pwes hindi ako papayag na patayin niyo ang love of my life ko. Bago niyo gawin iyon ay sisiguraduhin kong kayo ang mauuna.
"This is your ID as a secretary of Sir Mostrales." Tumango ako. "Magsimula ka na agad bukas dahil hindi ko alam kung kailan aatake ang gustong pumatay sa kanya. According to the Intel that we have received, a person with a skull on his nape wants to kill Sir Mostrales. That’s the only clue we have about the killer."
"Yes, Ms. Thorn." Tumayo na ako at lalabas na sana sa opisina ni Ms. Thorn nang pigilan niya ako.
“Please be careful,” nag-aalala niyang sabi sa akin.
“Yes, Ms. Thorn or should I say mom.” Napangiti siya at lumabas na ako ng kanyang opisina.
Sumakay ako sa aking motorcycle at bumalik sa aming condo. Pagpasok ko ay agad kong nakita sina Rosa at Vernice. Lumingon silang dalawa sa akin at agad silang napatingin sa hawak kong folder.
"Wow! So may solo mission ka?” tanong ni Vernice. “Kainggit. Nami-miss ko nang magkaroon ng mission na ganyan. Who's the lucky person?"
Tumili ako na ikinagulat nilang dalawa.
"Naaalala mo ba iyong lalaking hinahanap ko?" Napamulagat siya nang mapagtanto niya kung sino ang aking tinutukoy.
"Oh my, ikaw na ang swerte." Napailing siya.
"What? What are you guys talking about?" tanong ni Rosa.
Pinaliwanag ko naman ang mga pangyayari noong mga nagdaang mga araw sa kanya.
"Ingat ka. Remember na hindi ka pwedeng mabuking sa cover up mo kundi lagot ka kay Ms. Thorn at sa Dominus natin." Tumango ako at agad na nagtatatalon sa tuwa.
Excited na akong pumasok bukas. Natawa naman silang dalawa sa akin dahil sa inaakto ko.
Nang gabi rin lang na iyon ay agad ko siyang hinanap sa internet at nakita ko ang marami niyang litrato. Grabe ang yummy niya talaga at ang gwapo niya pa kahit sa litrato lang pero syempre mas pogi pa rin siya sa personal. Hindi naman pala siya masungit dahil may mga litrato siyang nakangiti. Napapasimangot lang ako sa mga ibang litrato na may kasama siyang mga babae. Hmp! Ako ang bagay diyan at hindi kayo. Binasa ko ang info about sa kanya.
"Wow! I'm so lucky, so he is still single. May pag-asa pa pala ako. Yes!" pagka-usap ko sa aking sarili at gumulong-gulong sa aking kama.
Madami pa akong binasa na mga information tungkol kay Xander. Nanuod din ako sa youtube ng mga interviews nito na ginanap sa ibang panig pa ng bansa. Kakapanuod ko ay hindi ko namalayan na mag-aalas dies na pala ng gabi. Nahumaling na ako ng husto sa lalaki. Kailangan ko ng pahinga para maganda akong magpapakita sa opisina niya bukas.
Kaya naman pinatay ko na ang aking laptop kahit gusto ko pang titigan ang mukha ng aking love of my life. Makikita ko pa naman siya bukas at mas buhay pa iyon. Excited na talaga ako para bukas. Pero bago ako natulog ay naghanap na muna ako ng isusuot ko bukas. Syempre ayoko namang maging pangit sa paningin niya. Nang makahanap ako ng isusuot kong damit ay masaya akong humiga sa aking kama. Pinatay ko ang ilaw na may ngiti sa aking mga labi.
Tomorrow is another day! I’m so excited! Wait for me, Xander Mostrales.