“Sige. Pwede naman. Kita tayo mamaya,” nag-iba ang aura ng mukha niya na nagkaroon ng ngiti.
Kakakaupo ko pa lang sa aking pwesto ng tumunog ang cellphone ko.
"Miss mo na agad ako sir? Ano nanaman kaya ang problema nito?" tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa phone ko
“Hello sir na miss nyo na po ba ako agad?" bati ko
"Book a ticket tomorrow morning going here in Cebu," utos niya
“Bakit po? Anong pong nangyari?”
"The client wants a girl designer. Kahit anong explain ko, ayaw niyang makinig."
“Kasi hindi ka rin nakikinig,” mahinang sabi ko
“Anong sabi mo?”
“Wala po sir. Magboobook na for tomorrow's flight. See you. Don’t miss me too much.”
Sabay pinatayan ako ng phone.
“Napaka mo talaga sir."
Uwian na at magkasama kami ni Tristan na mag-early dinner.
“Pupunta akong Cebu bukas. Pinapapunta ako ni Sir.”
“Nililigawa ka ba ni Sir?” direktang tanong niya
“Ha? Hindi. Sinusungitan nga ako palagi noon at ang antipatiko pa. Bakit mo naman nasabi?
“Palagi ka kasing isinasama sa site visit, sa party tapos ngayon sa Cebu, ikaw pa rin.”
“Ano ka ba? Ayaw nga akong kasama noon kaso lang no choice siya. Ako kasi ang kilala ng mga workers kaya sinama ako sa site visit nung bago pa lang sya, then sa party kasi natapilok si Bea tapos ngayon, Girl designer daw ang gusto ng client.”
“Pwede naman si Sandra, bakit ikaw pa?” nagtatakang tanong niya
“Si Sandra? sabaw kaya ang utak noon at mapapahiya lang sila sa client,” sagot ko.
“Hwag kang pumunta sabihin mo hindi ka pwede.”
“Nag-oo na ko kay Sir tsaka baka matanggal pa ako sa work kapag ‘di ako pumunta. Bakit ba?”
“Baka maagaw ka n’ya kasi sa akin.”
“Sira. Adik ka ba?” pabiro ko.
“Tawagan mo ako palagi ha lalo na pag may ginawang masama sayo si Sir.”
“Anong sinasabi mo d’yan?”
“Ang sweet n’yo daw ni Sir nung party sabi ni Troy.”
“Hindi kaya, sila ni Sandra ang magkasama.”
“Pinaiwan ka pa daw nang pauwi na at magkasayaw pa raw kayo. Sobra na akong nagseselos.”
“Di ka pa nga nanliligaw, nagseselos ka na d’yan.”
“Anong magagawa? Gusto na kita.”
“Kumain lang ng street foods, nagustuhan mo na?”
“Gusto ko kasi yung maganda pero hindi maarte. Ikaw anong gusto mo?”
“Favorite ko kasi yung kwekkwek at chicken balls.”
“Maganda pero malabo palang kausap at may saltik pala sa utak,” biro niya at napatawa ako sa sinabi niya.
“Sobra ka sa may saltik.”
“Hinatid ako ni Tristan sa bahay at pabalat bunga ko syang niyayang magkape sa bahay. Um-oo naman agad sya at bumaba ng sasakyan.
"Hoy teka," sigaw ko
“Bakit?”
“Joke lang yun eh,” mahinang sabi ko.
“Ano? Bakit ayaw mo pang pumasok? Tara na.”
“Parang bahay mo ha,” saad ko
“Ang bagal mo kasi. Kapeng-kape na ako. Di ako nakapag kape kanina sa office dahil sa pag-site visit natin.”
"Asa sa libreng kape."
"Ang yabang," sabay pisil ng pisngi ko.
Hinainan ko sya ng kape at cake. Lagi akong may stock ng cake pangpaalis ng stress ko kapag overwork o kaya ay wala lang sa mood.
“180 plus 120? 300 po lahat sir,” saad ko
“Negosyante. Ride from office to Miles’ residence? 320 na lang. May sukli pa akong bente ha.”
“Mas negosyante ka pala.”
“Kiss na lang yung sukli. Ok lang naman sa akin. Di ako mapili,” biro nanaman niya na gusto pa yata maka isa.
“May sikwenta ako dito. Keep the change pa.”
“Bahala ka. One time offer lang to. Magsisisis ka kapag ‘di mo natikman.”
“Gusto mo pa ng kape? Para nerbiyusin ka naman,” biro ko
“Hindi na. Aalis na nga ako at mag-eempake ka pa. Anong oras ang flight mo bukas?”
“6am dahil 8am daw ang meeting with the client.”
“Ingat ka at alis na rin ako. baka mapuyat ka pa kung magtatagal ako.”
Hinatid ko s’ya hanggang sa gate at doon binigyan niya ako ng halik sa aking pisngi. Hahampasin ko sana sya ngunit nasalo nya ang kamay ko.
“Pang good luck yan bukas sa ‘yo. Ang bayolente mo.”
Binitawan niya ang kamay ko at patakbong umalis. Sumakay siya sa kanyang kotse na nakangisi dahil naisahan niya ako.
“Wala kang pasalubong na danggit,” sigaw ko.
“Kiss na lang ulit,” sagot niya habang nasa loob na ng kotse at binuksan lang ang kanyang bintana.
Parang may kumiliti sa pagkatao ko dahil kay Tristan at kinilig ako ng bahagya.
“Ganda ko ba talaga," sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.
"Mga pa-fall lang ang mga yan at pinasasakay ka lang. Kinilig ka agad," may kung sinong nagsalita at pinaalalahanan ako tungkol sa mga lalaking ito.
Babalik rin ako bukas ng gabi sa Manila pero nag-empake pa ako ng ilang damit na kasya sa aking backpack. Natulog rin ako ng maaga at nag alarm din ako ng 3am para makaalis agad at makarating sa airport bago mag 5am. 6am ang flight at pass 7 nang nag-land kami sa airport ng Cebu.
May service na van papunta sa hotel kung nasaan sina Sir Eri at Troy. Doon na rin ang meeting sa client na aming imee-meet ng 8am. Nagdiretso ako sa isang resto sa likod ng hotel na may view ng beach. Naroon na sina Sir Eri at ang medyo may edad ng babae na aming kliente.
“Finally, a girl designer,” sabi ng client pagkakita sa akin.
“Hello po ma'am. Miles po,” bati ko at nag-kamay kami sa isa't-isa.
Ngumiti lang ako kay Sir Eri at ganoon din sya sa akin.
“Umorder muna tayo ng pagkain,” sabi ni Ma'am client.
Habang kumakain siya ay pinakita ko ang mga past designs ko ng spa and resort. Inilista ko rin ang mga suggestions niya at mga requests about sa design. Nagkamay muli kami ng matapos ang isang oras na meeting at nangako ako na maisesend ang design sa kanya sa loob ng isang linggo thru email.
Umalis na rin ang kliente at naiwan kami ni Sir Eri sa loob ng resto.
"She's a pain in the a**."
"Kulang ka kasi sa lambing at inangasan mo siguro," pabulong na sabi ko kay Sir.
"Ano ‘yon? Anong maangas?"
"I mean, you should be soft spoken when dealing with clients," paliwanag ko
"You mean I'm rude?"
"Sir talaga. Konting sweet kasi sa pagsasalita. Tinakot nyo siguro."
"I was the most calm person when dealing with clients. This one is so hard to talk with," naiinis pa rin na sabi niya
Tumunog ang phone ni Sir habang kumakain kami. Halatang ayaw niyang sagutin pero napilitan na rin siya
"Yes ma'am," ang panay sagot niya sa kausap.
"When will you go back to Manila?" tanong ni Sir sa akin matapos ang pagkikipag-usap niya sa phone.
"6 pm po sir ang flight ko mamaya. Kayo po?"
"Resched your flight. We need to attend a party later."
“Ha? saan po?” usisa ko
"Sa isang resort nag-invite ang client natin kanina. Mukhang ready ka naman at ang dami mo yatang dala," sabay tingin sa bag ko
"In case of emergency kailangan laging ready."
"After this, aalis muna ako. Use Troy's room at pa-out na siya mamaya."
Paalis na si Troy at papasok naman ako sa room niya nang magkita kami sa lobby.
"Uwi ka na? Aga naman ng flight mo."
"Sasamahan ko lang si Sir. Mamayang hapon pa ang flight ko. Ikaw?"
"Bukas pa ako. May a-attend-an daw kami na party mamaya," tugon ko
"Party nanaman ha. Drink moderately," paalala ni Troy
"Bakit parang may ibig sabihin yang sinasabi mo?"
"Wala naman. Nakita ko lang ang tinginan nyo ni sir noong nakaraang party. Baka magkaaminan na ngayon."
"Wala lang yun. Malisyoso ka," tanggi ko sa mga pinagsasabi niya
"Troy come on," tawag ni Sir.
"Sige na alis na ko. See you sa office," paalam ni Troy
Kahit tirik ang araw ay pinilit kong mag-swimming. Nasa beach na ako at Cebu pa kaya di na aarte pa. Naglublob ako habang naka-rash guard, shades at beach hat para makaiwas sa sun burn. Pagkatapos ay dinayo ko kung saan ang bilihan ng danggit para ipasalubong sa aking mga kaibigan. Hapon na ako nakabalik sa hotel at naroon sa lobby si Sir.
"Saan ka galing?" tanong Sir.
"Namili po ng danggit."
Get ready at aalis na tayo."
"Ok po. Magpapalit lang ako ng damit."
Mabuti at naka shirt at shorts lang si Sir dahil puro casual lang ang nadala kong damit.
"Teka parang magkaparehas kami ng kulay ni Sir."
Dalawang white shirt ang nadala ko at dalawang black na shorts.
"Hay, bakit ganito ang dala kong damit?" naiinis na sabi ko.
Paglabas ko ng room at papunta sa lobby ay nag-aalangan ako. Alam kong may violent reaction nanaman ang Eri na ito kapag nakita ang suot ko.
"Pumarehas ka pa talaga ng kulay ha."
"Puro ganito pong kulay ang nadala kong damit. Magpalit po kaya kayo sir. Baka sabihin couple tayo."
"Pwede na yan para walang makipagkilala sa 'yo?"
"Ang higpit naman. Paano kung nandito ang forever ko?" inis na sabi ko
"Sorry ka na lang at di kau magkikita,"
"Ang nega mo talaga."
Sumakay kami sa van at papunta na kami sa party ng aming kliente na ilang minuto lang ang layo sa hotel kung saan kami nag stay. Pagdating ay itinuro ng receptionist kung saan ang venue. Pool party at maraming bisitang naliligo sa pool. Naka-two piece na mga babae at mga naka-shorts lang na mga lalaki. Naggagandagan ang mga katawan na parang mga artista at model.
“Hello Henry and Miles.”
“Hello Ma'am,” bati namin ni Sir sa aming kliyente
“Birthday ng aking asawa at maraming big time na guests ang pupunta. Naisip kong ipakilala kayo sa mga business partners ko at baka hindi lang ang resort ko ang gawin ni Miles dito.”
"Ako po talaga?" nagtatakang tanong ko.
“Depende naman sa kanila kung si Henry ang kukunin nilang designer o ikaw.”
"Our pleasure po Ma'am," saad ni Sir Eri.
“Kain muna kayo at masasarap ang pagkain. Maiwan ko muna kayo at mag enjoy kayo.”
Ilang babae na ang napapansin kong ngumingiti kay Sir. Tumatango lang si Sir at kumakaway minsan. Suplado look pa rin sya kaya naman ang mga babaae ay nachachalenge sa kanya at lalong nagpapapansin. Umupo kami pagkakuha ng pagkain.
“Tikman mo 'to,” hawak niya ang tinidor na may pagkain at gustong isubo sa akin.
Hinawakan ko ang tinidor ngunit ayaw niyang bitawan namg hilahin ko ito sa kamay niya.
"Ako na ang hahawak sir."
"Tikman mo na lang," inilapit niya lalo sa aking bibig at isinubo ko naman para matapos na.
"How it taste?" sabi niya na nakatingin sa akin.
"Ok lang sir. Kumuha rin ako nyan."
"Tikman ko yang pagkain mo?" saad niya
"Ha? Ano bang wala ka? Pareho naman tayo ng kinuhang food," nagtatakang sabi ko
"I like quail eggs. give it to me."
"Kunin n’yo na lang po dito sa plato ko."
"Ah," ngumanga siya para isubo ko sa kanya at wala na akong nagawa kaya isinubo ko nga sa kanya.
"Hay, itinataboy mo ang forever ko. Hwag kang mang-echos dyan," nakasimangot na sabi ko.
"I'm not doing anything."
"Bakit may subuan?" mataray na sabi ko
"Iniiwas lang kita sa tukso. Maraming lalaki ang bolero at baka maloko ka agad."
"Eh ikaw sir?"
"Hindi ako bolero at one woman man ako."
"Ok. Sabi n’yo po. Pero wala po ba kayong magustuhan sa mga babaeng nandito sa party?"
"Wala."
"Bakit?"
"Sa wala eh."
"Nasa office kasi. Bakit di mo sinama?"
"Sino?"
"Hay kunyari pa. Ayaw pang aminin halata naman."
"Si Sandra?"
"Gusto mo ba sya?"
"Yes. She's pretty."
"Ang sakit naman ng totoo. Nagpa-sampal ako sa katotohanan." saad ko sa sarili sabay buntong hininga at umismid sa kanya.
"Magtatanong ka tapos masasaktan ka."
"Hwag mo kasing masyadong ipamukha sa akin na s’ya ang gusto mo."
"Selos ka?"
"Hindi. May Tristan na ako at nagde-date na kami, " mataray na sagot ko
"What? Why?