Umupo na rin sina Sir at Sandra matapos ang isang tugtog. Uminom pa kami ng kaunti at panay pa ang kwentuhan ng mga lalaki. Red wine lang ang iniinom namin ni Sandra at hard naman ang sa mga lalaki.
Alas onse na ng gabi at parang wala pang gustong umuwi.
“Uwi na tayo,” sabi ko kay Troy.
“Oo nga gabing-gabi na. Paalam na tayo kay Sir. Sir, pwede na po ba kaming umuwi?” sabi ni Troy
“Sige, ipapahatid ko na kayo sa service natin.”
“Thank you po sir.”
Tinawagan ni Sir Eri ang driver ng aming service na van.
“Sandra, Troy, nasa labas ang van. Magpahatid na kayo.”
Patayo na rin ako at paalis na.
“Miles, mag-stay ka muna.
“Hmm? Sir?”
Tumitig siya sa akin
“Ok po, Sir. Sasamahan muna kita dito.”
Umalis na ang dalawa na parang ayaw pang umuwi ni Sandra. Naupo lang ako sa tabi ni Sir at nagbrowse sa aking phone habang nag-uusap pa sila ng iba nyang mga kakilala.
“After 30 minutes, alis na tayo.”
”Saan tayo pupunta, Sir?” pilyang tanong ko na binulong ko lang kay Sir.
“Lasing ka ba?”
“Hindi kaya,” alam kong hindi ako lasing pero parang gusto kong pagtripan si Sir at asarin.
Mga nagpapaalam na ang mga kausap ni Sir at unti-unti nang nag-aalisan. Tumayo na rin siya at sumenyas na ang kamay niya na aalis na kami. Hinawakan ko ito saka tumayo na rin ako. Hindi ko binitawan ang kamay niya at ngumiti sa kanya. Nakatitig lang siya at akala ko ay aalma sa hawak ko pero dumiin pa ng kaunti ang kamay niya sa kamay ko habang naglalakad kaming magkaholding hands.
“Lasing ka ba?”
“Hindi nga po Sir. Mukha ba akong lasing?”
“Ihahatid na kita.”
“Walang after party?”
“Akala ko masakit na ang paa mo? Magpahinga ka na.”
“Sabi ko nga ihatid mo na ako.”
Suv na itim ang dala niyang sasakyan sa party. Sumakay na kami at nagdrive na siya paalis. Tinititigan ko sya habang nagda-drive. Ang lakas ng trip ko pero alam kong ‘di naman ako lasing.
“Anong problema mo?” naiiritang sabi niya.
“Wala naman. Ang gwapo niyo po kasi Sir,” sabay sulyap niya sa akin na may malamlam na mata na nang-aakit at ngiti sa kanyang labi
Napangisi ako at kinilig pa.
“Hwag mo akong titigan,” sabay hawi niya ng ulo ko para sa harap ng kalye tumingin. “Hwag ka nang iinom. Masama ang tama sa ‘yo.”
“Hindi tama ng alak ‘to kundi tama ng antok. Nakaka bored ang ganung party. Puro business pa rin ang kwentuhan.”
“Na bored ka pa, panay nga ang sayaw mo at ang dami mo pang uwing giveaways.”
“Ok na rin pala, bawi sa give aways. Dadalin ko sa office itong mga mugs na nakuha ko.”
Napasandal ako sa car seat at di ko na rin namalayan na nakatulog na ako sa sasakyan.
Pagdating sa bahay ko
“Nandito na tayo, Miss. Gumising ka na.”
Pupungas-pungas pa ako dahil sa sobrang antok.
“Kape sir. Baka gusto mo munang bumaba,” sabay hikad ko.
“Sige.”
Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa at habang pinapalamig ng kaunti ay naisip kong magpatugtog mg music. Hinila ko ang kamay ni Sir at pinatayo siya. Inilagay ko ang mga kamay niya sa bewang ko at inilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang dibdib saka humilig dito. Sumikip naman ang kapit niya sa aking katawan habang sumasayaw kami.
“Dito ka na matulog,” saad ko.
“Ha?”
“Baka antukin ka. Sa sofa ka na muna matulog.”
“Hindi ba sa bed mo?”
“Hindi ako lasing para patulugin ka sa kama ko.”
“Kapag lasing ka nagpapatulog ka sa kama mo?”
“Oo naman.”
“Liberated ka pala.”
“Si Bea at Carla lang naman ang lagi kong kainuman. Masamang babae talaga ang tingin mo sa akin.”
“Hindi mo kasi nililinaw.”
“Bakit hindi si Sandra ang hinatid mo?”
“Marami syang kasama sa dorm nya.”
“Ah, ganon. Poket wala akong kasama dito kaya akala mo makakaisa ka sa akin.”
“Ikaw ang masama mag-isip. Nag-aalala lang ako at baka may mangyaring masama sa ‘yo.”
“Kunyari ka pa,” hinawi ko na ang mga kamay niya at naupo muli saka humigop ng kape na mainit-init pa.
“Aray,” saad ko ng pitikin niya ang noo ko.
Nangisi lang siya habang himas ko ang aking noo.
“I’ll never take advantage of any girl or woman.”
“Oo na. Mr. Gentleman na antipatiko.”
Muli syang ngumisi at pinisil ang aking pisngi.
“Nacu-cute-an ka nanaman sa akin? Ayaw mo pang aminin na maganda naman talaga ako.”
“Bahala ka kung ‘yan ang akala mo.”
“Halikan kita dyan eh,” mahinang sabi ko.
“Ano?”
Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita. Pagkaubos ko ng kape ay umakyat muna ako sa taas. Naghilamos at nagpalit ng damit. Pagbaba ko ay may dala na akong kumot at unan para sa kanya.
“Patutulugin mo talaga ako dito?”
“Kayo po. Baka kasi antukin kayo sa daan. Natulog din naman ako sa condo mo. Sa salas din.”
“Iidlip lang ako saglit at magpapawala ng antok tapos aalis din ako agad.”
“Kayo pong bahala. Akyat na rin ako, sir. Sweet dreams.”
Alas otso na ako nagising kinabukasan. May text si Sir na half day na lang ako pumasok kaya natulog pa ako ng isang oras. Alas onse ng makarating ako sa opisina at nakita kong nakabenda ang paa ni Bea mula sa pagkatapilok sa party. Si Troy at Sandra naman ay wala pa sa opisina.
“Hi Miles,” agad na salubong ni Tristan na nakangiti.
“Hello. Anong oras ka nakauwi? Na-traffic ka?” tanong ko
“Hindi naman. Mga 9pm nasa bahay na rin ako. So, kelan ba?”
“Maniningil ka na agad?”
”Anong meron?” usisa ni Sir na kadadating lang din.
“Nagbibiruan lang po sir,” sagot ko.
“Come to my office.”
“Kape sir?”
“Ok.”
Pagkatimpla ng kape ay agad akong pumasok sa opisina ni Sir.
“May utang ka ba kay Tristan?”
“Wala po. Nagbibiruan lang.”
“Ok sige na. Magtrabaho ka na.”
“Ang weird talaga ng boss ko na ‘to,” saad ko sa aking sarili.
Lumapit sa akin si Tristan para kulitin muli ako.
“Streetfoods mamaya?”
“Hwag muna. Sa weekend na lang.”
”Kwentuhan sa oras ng trabaho,” masungit na saad ni Sir na kalalabas lang ng opisina niya.
“May tinatanong lang po sir,” palusot ni Tristan saka bumalik sa kanyang mesa.
Dumating na rin sina Sandra at Troy na pinaghalf day din ni Sir ng araw na iyon.
Bago mag-uwian ay nagpatawag ng meeting si Sir Eri.
“We have a project in Cebu and I need to talk to the client tomorrow. Troy come with me.”
“Sir my deadline po kasi ako bukas with Chabez hotel.”
“Gen, ikaw na lang.”
“Paano po yung sa Bulacan sir?”
“Tristan ikaw?”
“May deadline din po ako bukas sir.”
“Bea is injured, where is Carla?”
“Naka-sick leave po," sabi ni Bea.
“Sir ako na lang po,” ani Sandra.
Wala nang ibang mapili si Sir dahil panay designers na lang ang natira at ang mga architects ay full load naman sa trabaho.
“Miles, di ka rin ba pwede?”
“Pwedeng-pwede Sir,” sagot ko
“Ako rin Sir pwede,” ulit ni Sandra.
“Pareho kayong masakit sa ulo,” agad na pumasok si Sir sa kanyang opisina at nag isip.
Hanggang sa nag-uwian na ay wala nang sagot si Sir sa kung sino ang isasama niya sa Cebu kinabukasan. Pagpasok ko kinabukasa ay agad kong hinahap si Sir at wala ito sa kanyang opisina.
"Sinong kasama sa Cebu?"
"Si Sir lang yata mag-isa," saad ni Bea
"Di pa ako sinama. Kainis."
"Ayaw kang kasama," pang iinis pa ni Bea.
"Wala si Sandra, baka yun ang kasama?" saad ni Gen
"Bakit sya? Nakakainis talaga," pagmamaaktol ko pa.
Maya-maya ay nakita kong dumarating si Sir Eri at papasok sa opisina niya.
“Troy,” tawag nito at sinenyasan na lumapit at nag-usap sila sa loob ng private office. Seryoso at parang magdidiskusyon.
Lumabas si Troy at nagmamadaling kinuha ang gamit at paalis na.
“Pare, danggit ha,” sabi ng isa.
"Ok. See you tomorrow."
Confirm na sya na ang isasama ni Sir sa Cebu. Lumabas si Sir at nag-assign ng mga gagawin sa dalawang araw na wala sila ni Troy. si Tristan muna sa site at si Gen muna ang bahala sa office.
Umalis din agad si Sir pagkatapos magsalita. Nilapitan naman ako ni Tristan at ako na lang daw ang sumama sa kanya mag-site visit at pumayag naman ang Project Manager namin.
Isa-isa naming pinuntahan ang mga site para sa araw na iyon.
“Gutom ka na? Kain na tayo,” saad ni Tristan
“Sige. Saan?”
“Fastfood na lang.”
Habang kumakain ay anu-ano na ang napag-usapan namin.
“Parang maganda sa Cebu,” saad ko
“Maganda din.”
“Nakapunta ka na?”
“Nagbakasyon kami ng family ko mga ilang years ago na. Gusto mong pumunta?”
“Pwede. I love to travel around the Phillipines.”
“Saan-saan ka na ba nakapunta?”
“Bohol, Bicol, Palawan, Mindoro, Ilocos at marami pa.”
“Wow. Mahilig ka sa adventure?
“Yes. Kapag may time at budget. Gusto ko kasi ang nature. Nakaka relax at masaya sa pakiramdam kapag nakakakita ako ng mga puno, beach, at mga bundok.”
“Punta tayo isang beses. Samahan kita.”
“Pwede naman. Sumama tayo kay Sir para makalibre ng airfare.”
“Parang ayoko syang kasama.”
“Bakit?”
“Parang di nya ako gusto at parang masama ang tingin sa akin palagi.”
“Wala namang gusto yun kahit sino. Ang angas tumingin o kaya baka insecure lang sa ‘yo ang gwapo mo daw kasi,” nakangiting sabi ko
“Sira ka,” napangiti rin siya sa sinabi ko at nahiya ng kaunti.
“Bakit pala kayo nagbreak ng girlfriend mo?” usisa ko.
“Wala na daw akong time sa kanya. Gusto nya kasi mga 4 times kaming magkita sa isang linggo kaso may mga take home projects pa ako. Nagalit sya at nakipagbreak sa akin.”
“Wala kang ginawa? Hindi mo na hinabol?”
“Sobrang busy kasi sa work natin kaya wala rin akong time na habulin sya.”
“Grabe ang sama mo. Nagpapalambing lang yun.”
“Kaso ayoko na rin eh. Nakakasawang maghabol ng babaeng laging may toyo. Kahit kailan di nya ako maintindihan lalo na itong trabaho natin.”
“Give up ka na agad. ‘Di mo na mahal?”
“Mahal syempre kaso nakakasakal at nakakasawa na ang laging pag-aaway namin.”
“So, mas importante ang career?”
“I want someone who will understand what I do and hindi masyadong kailangan ng oras ko. Like, pwede naman kaming magkita every weekend o kaya kung may site visit at kapag uwian pwede kaming kumain ng street foods.”
“Ha? Magkikita kayo kapag may site visit ka? Maghanap ka lang ng construction worker at I-apply mo sa isa sa project natin.”
“Pwede namang building designer na marunong kumain ng street foods.”
“Ah ganon.”
"Ganoon na nga. Pwede ba?"
"Tanong mo kay Troy, sya ba o si Gen?"
"Sira ka talaga," natatawang sabi niya at napapailing na lang habang pasulyap saulyap sa akin.
Napangisi lang ako at umirap sa kanya. Dalawang site pa ang pinuntahan namin ng hapon at saka bumalik sa opisina.
“Kain tayo mamaya? Streetfoods ulit? anyaya ni Tristan
“Ahh, parang ayoko muna.”
“Next time na lang ulit siguro,” malungkot na sabi niya
“Coffee at cake, ayaw mo?” saad ko