bc

I LOVE YOU, I HATE YOU

book_age18+
2.1K
FOLLOW
10.8K
READ
sex
fated
second chance
pregnant
inspirational
boss
betrayal
lies
affair
photographer
like
intro-logo
Blurb

#summerupdateprogram

Si Eri ang boss na masungit at suplado. Istrikto at perfectionist. Si Miles naman ay simpleng empleyado na nagkacrush sa kanyang boss dahil sa kagwapuhan nito.

Dahil sa madalas silang magkasama kahit nag-aaway ay nahulog din ang loob ni Eri kay Miles.

Ngunit sinubok ng ilang beaes ang kanilang relasyon dahil sa laging nawawalang parang bula ang lalaking si Eri. hanggang sa magkita silang muli na parehong may sikretong galit sa isa't-isa. magkakaayos pa ba at magkakalinawan? mapapaliwanang ba nila ng ayos ang kanilang mga panig? Basa na.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Naka-received ako ng text mula sa kaibigan kong si Gen. Secret Garden Cafe. 6pm. Name: Henry Gabriel Don’t be late. Mabilis daw mainip si Guy. Good luck sa ‘yo and enjoy. Araw-araw kong kunukulit si Gen para sa lalaking ipapa-date niya sa akin at lagi n’ya na lang sinasabi na ‘di n’ya pa nakakausap ang kaibigan n’yang si Mike. Nawawalan na ako ng pag-asa kaya kung wala pa akong makaka-date sa araw ng Biyernes ay hahanap na lang ako sa dating app. May mga nagkakagusto rin naman sa akin sa opisina at niyayaya pa nga akong makipagdate ngunit ’di ko naman sila type. I want someone na matutulala ako sa unang pagkikita namin dahil sa kagwapuhan niya, yung tutulo ang laway ko dahil ang hot at matipuno ang katawan niya, yung matutunaw ako dahil sa mga titig ng kanyang mga mata, yung mamumula ang pisngi ko dahil sa kilig at matatakam sa halik ng kanyang mapupulang labi. "Hoy! Daydreaming? Magtrabaho ka." "Asar ka talaga Bea, nag-iimagine ako ng prince charming ko." Araw na ng Biyernes, naiinis na ako kay Gen dahil walang update man lang. ‘Di ko na rin siya tinanong dahil wala rin sigurong gustong makipagdate sa akin. Nag-dress pa naman ako ng araw na iyon at babaeng-babae ang itsura na ‘di karaniwan sa suot kong boyish palagi. “Wow, girl na girl ha. May date?” tanong ni Carla. “Wala nga. Wish ko lang meron. Ihanap mo nga ako.” “Ako nga wala, ihanap pa kita. Teka, bukas manlibre ka ha.” “Oo na.” “Teka, may babae pala tayong ka-office mate. Hi po, bago lang po kayo dito?” tawanan naman ang mga lalaking mahilig mang asar. “Mga sira!” Pinagtatawanan ng mga lalaking ka-opisina namin kapag naka-dress kaming mga babae. Ewan nga ba dito sa mga ito. “Ang ganda oh. Ready na sa date nya,” panunukso pa ni Gen sa akin ng makita ako. “Asan ba? Meron na ba?” excited na tanong ko “Oo. Meron daw sabi ni Mike.” “Talaga! Gwapo ba?Anong itsura? Mapapanganga ba ako at matutulala? Hwag naman sanang mukhang lamok.” “Di ko rin alam. Pagtyagaan mo na at ang importante, meron.” “Tatalon ako sa tulay kapag mukhang tukmol yan.” “Good luck on your date. Maging masaya ka na lang at hwag nang choosy.” Kinabahan ako sa mga sinabi ni Gen. Gusto ko sanang maging masaya kahit saglit lang na oras sa araw na ito. Kung madidismaya lang ako, ide-date ko na lang ang sarili ko. Tumunog ang cellphone ko at nakareceived ng text mula kay Gen. Information ng makaka date ko at kung saang lugar kami magkikita. Dumadagundong ang puso ko sa kaba. Gusto ko ‘to di ba? Bakit nag-aalangan na ako ngayon? Hay, nakakakaba naman. Miles: Sounds foreign ang name sana hindi inglisan. Gen: Go lang. Kaya mo yan. Daming reklamo. Miles: Hindi naman nagrereklamo. Kinakabahan lang ako. I hate first meeting pero I feel like I want to express this feeling of longingness to love someone. Alam kong may naghihintay sa akin na nasa tabi-tabi lang pero hindi pa nagpapakita. Sa isang lalaking matipuno at gwapo na tititig ng malagkit sa aking mala diyosang kagandahan sa gabing ito. Nag-ayos ako at nag-make up. Plantsa ng buhok kaninang umaga, manicure at pedicure pa na ginawa ko naman kagabi pa. Nagbody scrub para maging malasutla ang aking balat na kaninag umaga ko rin ginawa bago pumasok sa opisina. I am so ready for this at walang makakapigil sa date kong ito. I’ll make sure na maaakit siya at magugustuhan niya ako. Mahuhulog siya sa mga kamay ko at di na sya makakawala pa. Lalo pa yata akong kinabahan habang naglalakad papunta sa Secret Garden Cafe na meeting place namin ng aking ka date. Para akong hihimatayin sa kaba. Pumasok ako sa cafe at may ilang couples na nakaupo kaya batid kong wala pa ang Mr. Henry Gabriel na iyon. Nag-browse lang muna ako sa aking cellphone ng mga kung anu-anong site habang naghihintay. Lumipas ang labinglimang minuto ngunit wala pa rin ang hinihintay ko. Kung dadating sya ay ok sa akin at kung hindi naman ay ok lang din. Sanay naman akong mag-isang kumain sa labas at gawin ang mga nais ko. Pero hindi maiiwasan na makaramdam ako ng disappointment kung di ito sisipot. Naisip kong hanapin ang pangalang ibinigay sa akin ni Gen sa social media. Nakita ko ang isang medyo may edad na lalaki na kasama ang kanyang pamilya at nakatira sa Tennessee. Nakakita rin ako ng isang lalaking musician na wala namang masyadong post. Maya-maya lang ay may lumapit na sa akin. “Are you Emily Cruz?” saad ng isang lalaki. Napataas ang mukha ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan. Natulala ako sa gwapong mukha niya. Naka-rugged look at nakatali ang mahabang buhok na bumagay sa kanya na mukha namang presentable. May bahagyang balbas at nakakatunaw ang mga tingin ng maganda niyang mga mata. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi at ang aking pakiramdam. “Sya na ba yung prince charming ko?” “Miss.” “Yes it’s me Emily,” saad ko na napangiti sa kanya sabay tayo ko. Ngumiti lang siya ng bahagya at mukhang pilit saka umupo na sa harapan ko. Tumawag agad siya ng waiter para umorder kaya umupo na rin ako “I want salad and orange juice,” sabi niya sa waiter na may bahagyang pagka-angas. “Kayo po ma’am,” tanong ng waiter “Carbonara na lang and ice tea,” mahinhin at pa-girl naman ang impression ko. Inilabas niya ang kanyang phone at nag-browse lang dito. Nahalata kong wala siyang interest sa akin. Nag-isip naman ako kung anong pwede naming pag-usapan para mapansin niya ako. “Hi! Thanks sa pagpunta pala,” saad ko. “I’m Henry nga pala,” sabay abot ng kamay niya. Ang nipis ng mga daliri niya at halatang mayaman. Mukhang hindi sanay sa mga gawain kaya ang ganda ng mga kamay nito. “Wala ‘yon, dinner lang naman sabi ni Mike. Aalis na rin pala ako agad mamaya kasi may lakad din kami ng mga friends ko,” may sandaling tingin sya sa akin habang nagsasalita pero madalas na sa ibang dako sya nakatingin. Walang sincerity, walang spark, walang kahit ano. “Ha? Aalis ka na agad? Sayang naman.” Mabilis dumating ang mga order namin at agad kaming kumain. Pinagmamasdan ko siya at inaaral ang mga kilos niya. May pagka-brusko ang kilos niya na parang sinasadya para ma turn-off ako. Wala kahit ni katiting na pagkagentleman sa katawan maliban s pagshakehands namin kanina. “Anong work mo?” tanong ko. “Sa construction firm,” maiksing sagot niya habang nagsusubo ng kanyang pagkain Halatang nagmamadali siyang kumain. Agad niyang ininom ang juice pagkatapos niyang maubos ang salad. Halos patapos na rin ako sa aking pasta. Nakakailang na parang binabantayan niya ang huling subo ko para makaalis na siya at nang masiguro niya na tapos na ako sa aking pagkain ay tinawag niyang muli ang waiter para sa bill. “Ako na ‘to,” saad niya. “Ako na. Ako ang nagyaya,” sabi ko. Iniabot niya agad ang pera sa waiter. “Alis na ako. Thanks,” sabi niya sabay alis. “Teka, sure kang aalis na?” sagot ko ngunit di na ako pinansin nito at dire-diretso na sa pintuan. Napabuntong hininga lang ako pagkaalis niya. Sinundan ko sya ng tingin at sumakay na siya sa kanyang motorcycle. Ang cool at ang hot niya at the same time pero ang cold naman ng pakikitungo niya sa akin. Bigla ko tuloy naimagine na sana ay kaangkas niya ako pauwi ng aking bahay. Ang saya ko sana kaso lang, wala na sya. Maya-maya ay naisip kong lumabas na rin ng cafe nang wala na siya sa paligid. May katiting na tuwa at mas lamang ang pagkadismaya. Naglakad-lakad muna ako at ayoko pang umuwi sa aking bahay kung saan mag-isa lang ako doon. Wala ang mga magulang ko na nasa ibang bansa. Minsan ko lang silang makasama pati na ang kuya ko na nasa barko at ang ate kong flight attendant. Nakakita ako ng isang cake and coffee shop. Umorder ako ng isang round chocalate cake at isang large frappe. Naupo ako dahil nagring ang aking phone at tumatawag ang aking pamilya sa aming gc. Kumpleto kami pero magkakalayo sa isa’t- isa. Umiiyak ako habang kumakanta sila ng Birthday song para sa akin. Kaming lahat ay may mga kanya-kanyang hawak na cake at sabay-sabay namin itong hinipan. Nag-iiyakan na rin ang mga kausap ko sa phone kaya nagpaalam muna ako. Naiiyak na rin kasi ang mga nasa coffee shop at ang iba ay yumakap pa sa akin . Binati rin nila ako ng Happy Birthday at nagpalakpakan pa sila. Kakaibang experience na masaya at malungkot. Dala ang cake at coffee na order ko ay sumakay na ako ng bus pauwi sa bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook