CHAPTER 10

2461 Words
“What? Why?” naiinis na tanong niya “I think he likes me and mukhang ok naman siya,” saad ko “Isang araw lang akong nawala, nakikipagdate ka na sa iba?” lalo pa syang nainis na may masamang tingin pa sa akin “Di mo kasi ako pinili,”pabiro ngunit may halong sumbat na sagot ko “Eh bakit ka kaya nandito ngayon?” “Wala ka lang choice ‘di ba.” “Ikaw pa rin ang pinapunta ko kesa kay Sandra,” paliwanag niya “Mas gusto mo s’ya pero bakit ako ang pinapunta mo?” “Isipin mo kung bakit.” “Ah, kasi sabaw ang utak ni Sandra at wala kang mapapala sa babaing iyon kundi kahihiyan. Tama di ba?” “Grabe makalait,” natatawang sabi niya. Pagkakain ay pinakilala kami ni Ma’am sa iba pa niyang mga bisita na mga negosyante rin at inabutan sila ni Sir ng calling card. May mga nakausap siya at nakakwentuhan pa habang nag-iinom na sila ng alak. Ako naman ay nasa tabi nya lang at nakikinig. Napatayo na sya at kung sino-sino na ang kanyang nakilala. Nagpalipat-lipat na siya ng mesa sa daming bisita na nakikipagkilala sa knya. May mga babae na rin siyang kausap na nagfi-flirt sa kanya. Ako ay naiwan sa upuan na mag-isa nang may lumapit sa akin na isang may edad na lalaki. Nakipagkilala at nakipagkwentuhan ng ilang minuto sa akin. Nakinig naman ako at bahagyang sumasagot din sa lalaking kausap. Maya-maya ay lumapit sa akin si Sir at inakbayan ako. Nginitian ang lalaking kausap ko saka humalik sa aking ulo. Nag-excuse s’ya sa lalaki at hinila ako papalayo mula sa aking kausap. “Ang hirap mong iwanan. Para akong may alaga,” saad niya. “Kaya ko naman ang sarili ko tsaka nag-uusap lang kami nung lalaki.” “Baka kung saan ka pa yayain at maging kalaguyo ka pa ng lalaking yon.” “Ang malisyoso mo talaga Sir. Kalaguyo agad?” “Inaalagaan ko lang ang mga empleyado ko,” paliwanag pa niya sa ginawa niya “Pero panay kausap mo naman sa mga babae,” pabalang na sagot ko “Prospect clients ang mga ‘yon kaya kinakausap ko.” “Eh paano kung prospect client din ang kausap ko kanina?” “Pwes ayoko siyang maging kliente,” masungit pa na tugon nito ”Henry,” tawag ng isang lalaking nakakwentuhan na ni Sir kanina. Hawak niya ang aking kamay at naglakad kami pabalik sa tumawag sa kanya. Nagkwentuhan sila at may bagong pinakilalang tao habang hawak pa rin ang aking kamay at ayaw akong bitawan. “Mag c-cr lang ako,” bulong na paalam ko kay Sir “Sasamahan na kita.” “Paranoid ka ba sir? Kaya kong mag-isa. Kalama ka lang dyan.” Iniwan ko sila pero nagpaalam naman ako sa mga kausap niya. Sa banyo ay narinig ko ang mga kababaihang nagkukwentuhan. “May girl friend na pala yung pogi nakita nyo ba?” “Yeah, the one he’s holding hands with?” “Korek.” “Maganda pa ako doon. Gusto nyo agawin ko si guy?” “Kaya mo? Sige nga.” “Watch and learn.” Naglabasan ang mga babae saka ako lumabas sa cubicle nang wala na sila. “Ano kayang gagawin ng mga haliparot?” saad ko sa aking sarili. Agad akong lumabas ng banyo at pinuntahan si Sir Eri. Hinanap ko ang mga babaeng aaligid kay Sir at napansin ko ang isang di naman kagandahan na papalapit. “Hi,” saad ng babae sabay lapit ng labi niya sa labi ni Sir ngunit mas mabilis ang kamay ko na natakpan ang bibig ng babae. “Don’t you dare kiss my man,” nakangiting sabi ko at pinisil ko ng bahagya ang kanyang mukha. Hinawi naman niya ang braso ko at umalis agad ang babae na nakangisi pa. Nagulat ang mga kausap ni Sir pati na rin sya. Napatitig sa akin si Sir ngunit walang masabi sa pagkagulat niya. Umakbay lamang siya at humaliksa aking ulo. Ako naman ay yumakap sa kanyang bewang na nakangisi. “She’s really a spoiled brat. I’m sorry about my daughter,” saad ng isang kausap ni Sir na tatay ng babaeng lumapit kanina. Umalis ang lalaki at pinuntahan ang babaeng hahalik sana kay Sir Eri. “Come on let’s go home,” galit na sabi nito sa babae. Padabog na umalis ang babae at sumunod sa kanyang ama na paalis na sa party. Kinawayan ko ang babae na paalis na at nakasimangot “I know woman’s instinct but I can’t believe how fast is your hand,” natatawang sabi ng isang lalaki. “I was shocked and realize how possessive she was,” tumingin si Sir Eri sabay yakap sa akin. “I just don’t want somebody to steal my guy,” sagot ko ”Alis na talaga ako dito at naiinggit lang ako. Iwanan ko na kayo dyan at pupuntahan ko na ang asawa ko sa bahay ,” biro pa ng lalaki na umalis na rin. Nakatingin nanaman siya sa akin na tatawa-tawa. “Anong nakakatawa?” tanong ko “Wala lang. I was still shocked.” “Inilalayo lang kita sa mga babaeng haliparot at baka kung saan ka pa yayain. Inaalagaan ko lang ang boss ko,” paliwanag ko. “Thanks sa pag-aalaga pero kaya ko ang sarili ko. Hindi ako basta-bata sumasama sa kung sino-sinong babae.” “Naku, kung wala ako, nasa kandungan mo na ang babaeng yon.” “Hindi pa ako nakipag-one night stand sa buong buhay ko.” “Maniwala ako sa ‘yo,” dudang sabi ko sa kanya “Totoo, kaya maniwala ka. “Ok po sir. Sige na naniniwala na ako. Mabuti pang bumalik na tayo sa hotel at magpahinga na po tayo.” “Yes boss.” Napangiti ako at kinilig sa sinabi niya. Naglalakad kami papunta sa aming kwarto at ramdam na ramdam ko na ang antok dahil sa maaga kong flight papuntang Cebu nang umagang iyon. Unang madadaanan ang kwarto ko sa kwarto ni Sir. Nagsususi na ako ng pinto ng hawakan niya ang mukha ko at napaharap ako sa kanya. Isinandal niya ako sa sarado ko pang pinto at idinikit niya ng marahan ang kanyang labi sa aking labi. Pagkatapos ay humawak ang kanyang mga kamay sa aking likod at inilapit ang aking katawan sa kanya. Napahawak naman ako sa braso niya at dinama ang firm na muscle nya roon. Marahang mga halikan ang ibinigay niya at gumanti rin ako sa kanya. Humihigpit ang yakap niya sa katawan ko at dumidiin ang kanyang mga halik. Ngunit sobra na ang pagkaantok ko at baka ilang segundo na lang ay makatulog na ako. “Can we continue this when we get back in Manila? Sobrang antok ko na talaga.” Hinalikan niya ako sa noo bago siya bumitaw. “Good night sleepy head,” saad niya. “Good night Sir Henry,” sabi ko at saka pumasok na sa aking kwarto. Kinikilig ako sa tuwa pero pagkahiga ko ay ilang segundo lang at nakatulog na agad ako. Nagising ako ng umaga na may kumakatok sa aking pintuan. “Miles, wake up.” Sandali lang po Sir. Sinilip ko ang phone ko at tiningnan ang oras na alas otso pa lang ng umaga. Bumangon ako at binuksan lang ng kaunti ang pinto dahil ayokong makita niya ang magulo kong buhok, walang hilamos na mukha at wala pang mumog. “Ang aga n’yo po sir.” “Let’s have breakfast. Hintayin kita sa resto.” “Ok po,” sabay hikab ko at sara ng pinto. “Di pa ako hinintay dito. So, boss - employee na lang kami ulit ngayon. Uminom ka na lang palagi Henry para magkaroon ka naman ng lambing sa katawan mo,” sabi ko nang papasok na sa banyo. Biglang may kumatok ulit sa aking pinto. “Nandito pa ako. Bilisan mo na.” “Hala ka, narinig yata,” mahinang nasabi ko at nakaramdam ako ng hiya. Sandaling pag-aayos at pagbibihis ay lumabas na rin ako. “Akala ko ba sa resto na lang po tayo magkita sir.” “May narinig kasi ako na bumubulong sa hangin at nagpaparinig pa.” Ngumiti lang ako at hinawakan naman niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa resto. "Pa-fall," sambit ko sa aking sarili. "May gusto ka bang puntahan? May ilang oras pa tayo bago ang flight, tanong niya habang kumakain kami. "Wala naman sir. Mag-swimming na lang tayo pagkakain," anyaya ko. "Hwag kang mag two piece.” “Hindi 'no. Hindi kaya ng powers ko.” Maya-maya ay may tumatawag sa aking phone habang kumakain kami ni Sir Eri. Naka register ang pangalan ni Tristan sa phone ko at napansin ito ni Sir. “Hello,” saad ko. “Saan ka? Pauwi ka na?” “Mga 2pm ang flight namin ni Sir mamaya.” “Ingat ka miss na kita. Kita tayo mamaya?” Napangiti ako pero naguluhan sa aking nararamdaman ng oras na iyon. “Tawagan na lang kita mamaya. Bye,” paalam ko kay Tristan “Si Tristan? Bakit daw?” usisa ni Sir “Nangangamusta lang po.” Sumunod ay kay Sir naman may tumatawag at nabasa ko ang pangalan ni Sandra. “Pauwi na ko. See you later at the office.” Tumingin siya sa akin at bigla akong nag-iwas ng tingin. Tumingin ako sa pagkain ko na nasa aking plato. “Papasok ka pa mamaya, sir?” “May mga kailangan pang gawin sa office.” Pagkakain ay bumalik kami sa aming mga room para magpalit ng damit pang-ligo. Gusto ko sanang mag-rash guard kaso walang dating. Maraming naka-two piece na babae ang naliligo na sa beach at baka hindi na ako mapansin ni Henry. Sinuot ko ang one piece backless swuimsuit na may nakapatong na shorts. "Masyadong sexy ang suot mo. Magpalit ka." "Hindi na, ito na lang. Yung iba nga naka-two piece pa. Hindi mo na ako papansinin kapag nakita mo ang mga babaeng naliligo. Magblind fold ka kaya, Sir.” "Hindi ako titingin sa iba,” sagot ni Sir "Hwag kang maghubad ng sando ha. Dapat ikaw ang mag-long sleeve. Magpalit ka, Sir." "Baka ako ang di mo pansinin kapag nakakita ka ng ibang abs." "Di ako mahilig sa abs. Sa mukha ako tumitingin kaya magpalit ka at maglong sleeve na. Marami nanaman ang magnanasa sa 'yo at mapapaaway nanaman ako." "Hayaan mo silang tumulo ang laway. Di naman nila ako malalapitan dahil sa tigre kong kasama." Hinubad niya pa ang kanyang suot na sando at tumambad ang maganda niyang katawan. "Pinakita mo pa talaga ang abs mo ha. Hubarin ko kaya ‘tong shorts ko." “Ah ganon?” Naglalakad kami sa buhanginan ng buhatin niya ako at patakbo siyang lumusong sa tubig. Ihagis niya ako sa may hanggang bewang at mabuti na lang ay napisil ko ang aking ilong bago ako lumubog. Nilapitan niya ako pagtayo ko at nahampas ko sya sa kanyang braso. Tawang-tawa sya sa ginawa niya at inis na inis naman ako sabay yakap niya sa akin at halik sa aking pisngi. "Napaka walang ****!" "Joke lang." “Hay, ano na kaya ang relasyon namin ng lalaking ito. Boss-employee, fling, at kaharutan lang ba?” naiisip ko habang nakalublob kami sa dagat na naguguluhan sa aking nararamdaman “Kung matagal pa sana tayo, pwede tayong pumunta sa falls at sa iba pang tourist spots dito sa Cebu,"saad ni Sir Henry "Next time, Sir. Meron pang next time siguro." "Kapag mag-uumpisa na ang spa resort, for sure mag-stay tayo dito ng mga two weeks." "2 weeks na kasama ka Sir? That's going to be the hardest time of my life for sure. " "That's going to be the happiest days of your life, Miles." Winisikan ko sya ng tubig sa kanyang mukha dahil sa pang eechos niya sa akin at gumanti naman siya ng mas malakas na pagsaboy ng tubig sa akin. "Ok stop na," malakas na sabi ko Marami nanamang mga kababaihan ang nagpapapansin kay Sir. Padaan-daan sa harap namin habang pakembot-kembot at mga nakabikini pa. Kaya inilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya. “Halikan mo ako sa noo,” bulong ko. “Bakit nanaman?” “Basta gawin mo na lang.” At ginawa nya nga at may papikit pa akong drama. “Sa pisngi kaya,” muling sabi ko At sumunod rin sya, napangisi ako at yumakap sa kanya. “Yakapin mo rin ako at hagurin ang likod ko.” “Sobra ka na sa panyanyansing sa akin,” reklamo niya sa mga pinagagawa ko sa kanya sa beach “Maraming haliparot sa paligid at nilalayo lang kita sa kanila,” paliwanag ko “Thanks ha. Sa lips hindi ka ba magpapahalik?” maharot na sabi niya “Sobra na yun ha.” Isang smack sa labi ang biglang ibinigay niya sa akin at nagulat ako. “Sabi ko hwag di ba,” naiinis na sabi ko “Para ‘di na lumapit ang mga hala, ano nga bang sabi mo? Halaparot?” “Haliparot!” “Yeah, what ever.” “Saan ka ba galing na planeta?” nagtatakang tanong ko “Saan pa, sa planeta ng mga gwapo.” “Pero mahina sa vocabulary,” saad ko “Hoy, wala sa dictionary yang mga words mo,” masungit na tugon niya “Nasa googel naman. I-search mo pa.” “Bahala ka.” Akmang hahalik nanaman siya sa labi ngunit agad akong umiwas at napatili ng mahina. Akmang hahampasin ko rin sya pero nahawakan niya ang kamay ko at ipinatong agad niya sa balikat niya. “Ang damot magpahalik pero sabi kagabi itutuloy daw.” “Ano ba tayo?” seryosong tanong ko “Ano bang gusto mo?” “Hindi ko alam. Ano nga ba?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya “Ikaw ang magdecide,” sagot niya Ayokong isipin niya na feelingera ako kaya di na ako sumagot. "Umahon na tayo at baka ma-late tayo sa flight natin," anyaya ko sa kanya “Maaga pa. Lets spend more time together. Lets go to my room,” bulong niya “Ayoko nga. Wala naman tayong label at ‘di ako easy to get. Ok lang yung harutan but going to your room is different,” mataray na sabi ko na may halong biro. Kinabahan ako sa sinabi niya. Ayoko ring magpadalos-dalos na parang easy to get na ang dating. Conservative ang family ko at pinangangaralan ako ng husto tungkol sa pre marital s** pero kung si Sir Eri na ang kaharap ko baka makalimot ako sa pangaral ng aking mga magulang at bigla na lang mawala sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD