“May bago daw tayong head sa ating department,” usap-usapan sa loob ng opisina Lunes ng umaga.
Pumasok muna ang mga bosing bago ipinakilala ang bagong head. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Henry sa aming harapan habang ipinakilala na siya bilang aming bagong Department Head. Ngumiti siya at kumaway sa aming lahat.
Nagpatawag agad siya ng meeting para sa kanyang mga rules and regulations. Mukhang istrikto at masungit pa. Ngunit may maganda siyang mga mata na nakakatunaw ang mga tingin at matamis na ngiti na madalang niyang ipakita.
“Anak daw yan ng may-ari ng kumpanya natin,” balita ni Bea.
“Rich boy pala. ‘Di man lang tayo nalibre kahapon,” sabat naman ni Carla.
“Wala pa daw syang sweldo,” saad ni Gen.
Unang araw pa lang ay nahalata ko na ang pagkagusto ni Sir Eri sa maganda naming kasamahan na si Sandra. Iba ang tingin niya dito na may lagkit at may pagnanasa. Madalas din ang pagngiti nila sa isa’t-isa habang magkausap. Maganda ito kahit hindi mag-effort at mag-ayos samantalang ako ay boyish na at walang dating kung walang make-up at ‘di mag-aayos. Matangkad din ito at maputi kaya wala akong binatbat sa babaeng yun na foreign beauty.
Kasama pa niya si Sandra sa loob ng kanyang opisina para tanungin ng mga bagay-bagay sa opisina. Ang mga ginagawang projects at kung anu-ano pa na yung babae na rin ang nagprisinta para iassist siya. Pabalik-balik si Sandra kakadala ng mga papeles na sa akin din naman inuutos ipakuha tapos siya lang ang nagdadala sa loob. Nagngingitian sila at halata ang pagkagusto sa isa’t-isa na kina lungkot at kinainggit ko.
“Bruha ka talagang babaeng ka. Pasalamat ka at maganda ka,” saad ko sa aking sarili.
“Miles, yung kay Dr. Remedios daw na contract at papers,” utos nanaman ng Sandra na ito.
“Ha? Matagal na yun. Dalawang taon na yata.” inis na sagot ko sa babae.
“Basta kunin mo. Kailangan nga.”
“Opo ma’am.” inis na sagot ko muli.
“Sagot ka pa dyan. Sumbong kita kay Sir.”
“Sumbong ka,” saad ko na walang takot sa babaeng ka level ko lang naman ng posisyon sa kumpanya na ngayon ay feeling may-ari na..
Pumasok na ulit siya sa opisina ni Sir Eri at ako naman ay humarap ulit sa aking computer. Nakalimutan ko na ang pinapakuha ni Sandra na papers.
“Miles, tawag ka ni Sir.”
Pumasok agad ako sa private office nito.
“Sir.”
“Nasaan ang papers ni Dr. Remedios na pinapakuha ko?”
“Ay, oo nga Sir. Nakalimutan ko po. Kukunin ko na.”
Nasa pinakamataas pa iyon na cabinet dahil luma nang files. Ako kasi ang laging nag-oorganize kaya ako rin ang inuutusang maghanap. Umakyat ako sa upuan at sa isa pang mababang cabinet. Nagbiro naman ang isang kong kasamahan at hinawakan ang aking binti.
“Ay,” malakas na hiyaw ko.
“Ano yon?” masungit na sabi ni Sir Eri nang lumabas sa kanyang opisina at papalapit sa akin.
“Na-out of balance lang sir,” saad ko.
“Anong ginagawa mo d’yan. Bumaba ka na at baka mahulog ka pa,” galit na sabi niya
“Nandito po kasi ang documents na hinahanap ninyo.”
Tiningnan niya lang ako hanggang sa makababa at hindi man lang ako inalalayan ng magaling naming boss. Agad siyang pumasok sa office niya at ‘di pa kinuha sa akin ang files. Napasunod pa tuloy ako sa loob imbes na nakaharap na ako sa computer ko.
“Sa susunod kapag hiningi ko, ibigay na agad.”
“Yes sir. Sorry po.”
“Sige na at hwag ka nang umaakyat ng cabinet. Iutos mo sa mga lalaki.”
“Ok po,” sumang-ayon na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin kahit alam kong wala namang lalaking pwedeng mauutusan ko.
Lumabas na ako sa kanyang office at nagdiretso sa lalaking dahilan ng pagtili ko. Hinampas ko siya ng folder sa ulo at nagtawanan pa ang mga loko-lokong kasamahan ko.
Oras ng lunch break. Magkasama sina Sir Eri at Sandra sa isang table habang kumakain. Todo entertain ng babaeng iyon sa grapo naming boss. Wagas ang mga ngitian sa isa’t-isa na kinaiinis ko naman.
“Ako ang nauna pero bakit napunta sa kanya?”
“Ibig sabihin mas maganda sya.”
“Salamat sa suporta, Calota. Kapag ako nag dress bukas, luluwa ang mata niyang Henry na yan.”
“Kaya mong lamangan si Sandra?”
“Isang paligo lang ang lamang sa akin niyan. Kaya magdadalawang ligo ako bukas.”
Habang naglalakad ang dalawa ay natapilok pa si Sandra sa harapan namin at agad siyang inalalayan ni Sir. Nagtinginan lamang kaming magkakaibigan at napataas pa ang kilay ko sa kaartehan niya.
“Kaya mo ba yun, girl?” pang-aasar pa sa akin ni Bea na sinimangutan ko lang.
After lunch ay may dala-dala nang kape si Sandra na dadalin sa loob ng office ni Sir Henry. Magkausap nanaman sila at wala nang nagawang trabaho ang babaeng ‘yon. Napapailing lang ako sa galing niyang sumipsip at magpalakas kay Boss.
“Miles, paki tapos ito at aalis kami ni Sir mamaya. Sasamahan ko s’yang mag-site visit,” maangas na saad nito at kala mo kung sinong boss kung makautos.
“May deadline ako bukas hindi ko ‘yan magagawa,” pabalang na sagot ko.
“Bukas pa pala ‘yan. Itong unahin mo kundi isusumbong kita,” pagtataray naman niya sa akin.
“Oo na. Akin na nga. Sumbungera.” sabay irap ko pagkaabot ko ng mga details na nasa papel
Umalis na si Sandra at Sir Eri. Panay ang sulyap ko sa opisinang walang laman kaya’t wala akong kagana-ganang magtrabaho. May deadline pa naman ako kinabukasan at dumagdag pa ang trabahong dapat ay kay Sandra.
Mag-aalas tres nang bumalik si Sandra. Ang gulo ng buhok at ang pula ng mukha.
“Troy, tawag ka ni Sir. Mag-site visit daw kayo,” saad ni Sandra na may pagkainis na boses.
Natatawa lang ako sa aking kinauupuan dahil isinama si Sandra sa site visit ng araw na iyon na tirik na tirik ang araw. Naiimagine ko kung paano nag-inarte si girl na ayaw maarawan at maalikabukan. Para siyang tinapa na nakabilad sa araw. Nang uwian ay panay tawanan naming magkakaibigan dahil sa nangyari kay Sandra.
Sumunod na araw ay nag-short ako at sleeveless para magpapansin kay Sir Eri. Light make-up at nagplantsa pa ako ng aking buhok.
Pagdating ko sa opisina ay nasa loob nanaman ng private office si Sandra. Kausap si Sir at mukhang panay pabida sa sarili niya. Nakita kong kumaway si Sir at hinanap ko sa likod ko kung sino ang tinatawag niya.
“Ako?” sabay turo ng sarili ko.
Nakaismid si Sir at tumango. Kinabahan ako at ang aga-aga naman akong pagagalitan kaya napanguso ako.
“Bakit ganyan ang suot mo? Pwede ba yan dito?” masungit na sabi nito sa akin
“Wala naman pong dress code.” nag-aalangang sagot ko at baka lalo pa akong sungitan nito.
”Ikaw sana ang isasama ko sa site mamaya at ikaw daw ang nakakausap at kilala ng mga workers.”
“Ok lang naman sir. Ako kasi ang tagahatid ng mga sweldo noon kaya kakilala ko sila.”
“Magready ka na at aalis tayo in 10 minutes.”
Nakangisi naman si Sandra na parang nang-iinis at ako naman ay nakakunot ang noo.
“Bakit ka tinawag?” usisa ni Carla at nakasilip din sa akin si Bea.
“Ganda ko today di ba? Tapos isasama sa site visit.”
Napatawa ang dalawa ng mahina na nang-iinis pa.
“Ang init pa naman ngayon. Barbeque ka mamaya,” pang-iinis pa nila
“Mukhang daing kamo,” dagdag pa nila.
“Guys pahiram ng jacket,” pakiusap ko sa lahat.
Walang umiimik at pumapansin sa akin.
“Ganyan talaga kayo. Ano walang magpapahiram?”
Naramdaman kong may bumagsak sa aking balikat. Hinagisan ako ni Sir Eri ng maong jacket niya habang naglalakad siya at palabas na ng aming opisina.
“Tara na,” maangas na anyaya ni Sir.
Nagmamadali akong sumunod na patakbo na. Ang bilis niyang maglakad at ang laki pa ng mga hakbang. Sumakay kami sa truck niya at nagtungo sa unang site. Suot ko ang maong jacket na nakapatong sa ulo ko at natatakpan ang aking mga braso. Sobrang init ng panahon at nakakapaso ang araw. Walang masilungan kaya nakabilad kami sa arawan.
“Ma’am may sweldo na ba? “ biro ni Manong Ric.
“Wala ka daw sweldo kasi madami kang absent.”
“Si Ma’am talaga.”
“Di pa rin kayo nagbago ha,” saad ko.
“Di na ‘yan umaabsent Ma’am. Tatanggalin na daw kasi ‘yan kapag umabsent ulit.”
“Ayan kasi, toma ng toma kasi tuwing Linggo,” pabirong sabi ko.
“Hindi na po Ma’am.”
“Teka si Sir Henry po pala ang bago nating Head at magsa-site visit,” pakilala ko sa lahat.
Kumaway lang siya at pinairal ang pagkasuplado.
“Kamayan niyo po Sir. Mas matagal po sila kesa sa inyo,” utos ko sa aming head nang maasiwa sa ugali niyang isnabero
Tumingin siya ng masama sa akin at ngumiti naman ako na may hlong pang-aasar. Lahat ng tauhan na naroon ay nakipagkamay sa kanya saka bumalik na sa kanya-kanyang trabaho.
“Hwag po kayong magpapagpag ng kamay. Masama po iyon,” bulong ko sa kanya at naniwala naman ito.
Wala s’yang nagawa kahit nadumihan na ang kamay niya at matalim na tingin nanaman ang ibinato niya sa akin. Nag-ikot kami sa sinisimulan pa lamang na two story residential house at inilista ko ang mga kailangang materyales na gagamitin kinabukasan. Nagpaalam na din kami agad sa mga workers at bumalik na sa sasakyan.
“Alis na kami Manong Ric at sa inyong lahat,” paalam ko
“Balik kayo Ma’am bukas birtday ni Lito.”
“Pancit nanaman ang handa nyan,” biro ko
Nagtawanan ang mga workers dahil alam nilang biro ko lang yun.
“I didn’t know your that friendly,” sabi niya pagsakay namin sa sasakyan
“Mukha po ba akong mataray?”
“I thought you’re a brat and snobish.”
“Ha? Kelan naman po yun? Ang sweet kaya ng face ko like an angel.”
Napangiti lang siya at may lumabas na dimples sa pisngi niya.
“Ang bait ko kaya ng first meeting natin. Ikaw yung snob.”
“May tissue ka ba to wipe may hand?” pag-iiba niya ng usapan
“Wala po,” nangingising sabi ko dahil sa dumi ng kanyang kamay.
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ng madumi niyang kamay. Siya naman ang ngumisi kung iniisip niyang naisahan niya ako ngunit kinilig naman ako sa ginawa niya na hindi ko pinahalata. Para akong malulusaw sa kinauupuan ko dahil sa init ng palad niya na nakadampi rin sa palad ko.
“Dirt from hard workers hand,” saad n’ya sabay ismid ko na kunyaring naiirita.
“Anyway where’s next?” bumitaw din sya sa kamay ko at nakahinga na ako ng maluwag. Kilig na kilig kasi ako kanina at ngayon naman ay parang gusto kong paghahalikan ang kamay kong hinawakan niya
“Sir sa Taguig po,” inayos ko ang boses ko para hindi nya mahalata ang kilig ko
Pagdating namin sa next site:
“Ma’am, Sir,” bati ng isang worker.
“Kuya, sino pong foreman nyo dito?” tanong ko.
“Mang Tonyo nandito si Ma’am Miles.”
“Ma’am, taga-site visit na kayo?”
“Ngayon lang po. Si Sir Eri po s’ya po ang bagong head natin. Magsa-site visit s’ya paminsan para i-check ang building pero si Troy pa din ang madalas na pupunta.”
“Hello po Sir,” bati nito kay Sir.
Inabot ni Sir Henry ang kanyang kamay ngunit si Mang Tonyo na ang umiwas dahil sa maduming kamay nito.
“Pasensya na Sir, madumi.”
Ngumiti lang ng bahagya si Sir. Nag-ikot ikot, nagtanong, nag-inspect at pagkatapos ay umalis na rin kami. Sumakay na kaming muli sa sasakyan at patungo na sa iba pang sites. Nang biglang kumulo ang aking tiyan dahil sa gutom.
“Gutom ka na?”
“Medyo po,” nahihiyang sagot ko.
“Pagkakain natin ihahatid na kita sa office at si Troy na ang isasama ko.”
“Absent po si Troy. May sakit po yata. Si Sandra na lang po ang isama ninyo.”
“Never mind. Ikaw na lang din.”
“Ayaw n’yo na po s’yang kasama?” usisa ko
“Naawa lang ako sa kanya kahapon. Pawis na pawis at init na init sa site.”
“Oh bakit ganyan ka makatingin?” napansin nyang masama ang tingin ko sa kanya dahil sa akin ay ‘di s’ya naawa nang isama ako sa site visit.
“Wala lang sir.Ang bait mo pala,” sarkastikong saad ko at napangiti naman siya.
“Hala s’ya. Ang cute ng ngiti. Gusto ko na lang din mainitan araw-araw para makasama s’ya at makita ang mga ngiti niya,” sabi ko sa aking sarili
Kumain muna kami ng lunch sa isang fastfood pagkatapos ay sa isang resort kami pupunta na project din ng aming kumpanya.
“Sir, yung sa Quezon province po one week nang ‘di napupuntahan. Kaso baka gabihin po tayo ng uwi. Si Sandra na lang po kaya ang isama ninyo?”
“Why? Ayaw mo akong kasama?”
“Kasi baka mas gusto n’yo syang kasama sa mahabang byahe.”
“What?” natatawang sabi niya
“Kunyari pa ‘to. Patay malisya pa,” bulong ko sa aking sarili.
“I’ll drop you at the office tapos tawagin mo si Sandra.”
“Ok po,” nadismaya ako pero ‘di ko pinahalata. Tahimik lang ako sa sasakyang hanggang sa makarating kami sa opisina.
“Uhhm, wait,” sabi ni Sir nang pababa na sana ako. “Tell her to hurry.”
Akala ko ay magbabago ang isip niya at ako na lang ang isasama pero hindi pala. Si Sandra pa rin ang isaama niya.
“Tawag ka ni Sir. Pupunta daw kayo sa Quezon at bilisan mo daw. Nasa baba sya.” walang ganang saad ko sa babaeng yun.
“Ok,” nakangiting saad ni Sandra na excited pa.
Ginawa ko naman ang design ng isang residential house na deadline na dapat nang araw na iyon kahit ang sama ng pakiramdam ko na hindi ako ang pinili at hindi ako ang gusto.