Kinabukasan ay bumabati ang lahat para sa aking kaarawan. May pa-pancit ang Boss namin at cake para sa akin. May ilang regalo rin akong natanggap mula sa aking mga kaibigan at ka officemate.
“Kita-kita tayo mamaya,” paalala ni Gen.
“Ikaw pa talaga ang nagyaya. Birthday mo? Ikaw ang manlibre ha,” biro ko.
“Kamusta pala ang date,” bulong nito sa akin.
“Thank you ha. Para akong nasa snow habang nakikipagdate.”
“Ha? Bakit? Romantic ba?”
“Sing lamig ng nyebe ang taong ka-date ko. Pagkakain umalis na pero nilibre niya naman ako.”
“Nyee. Baka paminta.”
“Baka nga. Lalaki din pala ang type,” tawanan pa kaming dalawa ni Gen.
Uwian na at excited ang lahat sa aking panlilibre sa isang pork grill house. Unlmited pork at beef na may kasama pang drinks na nakalalasing.
“Hoy, dahan-dahan ang inom ha. Hwag nyong ubusin ang sweldo ko ng isang kinsenas.”
“Grabe ka tig-iisa pa lang naman kami.”
“Paalala ko lang. Mga sunog baga kayo eh,” biro ko pa s aking mga kasamahan sa trabaho.
Ang ingay namin sa isang mahabang mesa at puro pag-aasaran ang hilig naming gawin.
“Gen,” may tumawag sa aking kaibigan na nakaupo sa tabi ko.
Napalingon kami at nakita si Mike na kaibigan niya na nasa kapareho naming building nagtatrabaho.
“Hoy pare, kamusta? Sinong kasama mo?”
“Friend ko pala si Eri. Pinakilala ko na sa ‘yo nung isang araw. Tapos ano?” napahinto siya sa kanyang sinasabi
“Ah oo. Kayong dalawa lang? Join na lang kayo sa amin. Birthday kasi ni Miles,” turo ni Gen sa akin at parang umiksi ang dila ko na di makapagsalita para tumanggi.
“Hi! Happy Birthday.Pwede ba kaming maki-join? Sagot naman namin itong sa amin,” paalam ni Mike
“Sige ok lang. Ako nang bahala. Nakalibre naman ako ng dinner kahapon,” may maliit at pilit na ngiti lang sa aking labi. Pumuwesto si Mike sa harap ni Gen at si Eri o si Henry na naka-date ko kahapon ay sa aking harapan pumuwesto.
“Happy Birthday,” bati sa akin ni Henry.
Tumango lang ako at sumulyap sa kanya sandali.
“Miles, ‘di ba ikaw yung?” naputol ang sinasabi ni Mike na nagsalitan ang tingin niya sa amin ni Henry.
“Oo ako nga yun,” masungit na saway ko na pinandilatan ko pa siya ng mata.
“Ate, dalawang plato pa,” saad ni Gen.
“Henry, tama ba?” tanong ng isa ko pang kasamahan.
“Eri na lang.”
“Single pa yang si Miles. Maganda at matalino pa.”
“Sira. Manahimik ka dyan. Lasing ka na ba agad?”
“Sorry naman. Masungit pala yan at pikon,” pang-aasar pa ulit ng isang ka officemate namin.
“So, anong nangyari? Inindiyan mo ba pare?” nagiintrigang tanong ni Mike
“Sumipot ako. ‘Di naman ako ganun ka gago. Kaso lang I left her immediately.”
Nakatingin ako kay Henry habang nagsasalita at napatingin din s’ya sa akin na may malamlam na mata. Akala mo ay maamong tupa ngayong nasa harapan ko at ako naman ay parang tigre na matalas ang mga titig sa kanya. Tumaas naman ang isang kilay ko at umismid saka tumikim ng pagkain.
“Wala naman yun. ‘Di rin ako sanay sa blind date. Ang awkward kaya ng feeling,” saad ko na may pagkamaangas na ibang-iba sa pinakita ko kahapon na mahinhin na babae.
“Ang pihikan kasi nitong si Eri sa babae kaso lang pinakawalan mo ang crush ng office na si Miles. Daming nagkakagusto dyan.”
“Baliw. Fake news yan. Baka maniwala ‘yang kasama mo,” sagot ko kay Mike sabay tungga ko ng flavored beer. Ayoko nang magpanggap na isang prim and proper na babae dahil baka magmukha lang akong nagpapacute sa harapan ng lalaking ito.
Nagtawanan nanaman sila at ako pa ang topic sa asaran nila. Napansin kong panay din ang ngisi ng Eri na ‘to na kahapon lang ay sing lamig ng yelo ang pakikitungo sa akin.
“Sige lang asarin nyo pa ako, mamaya kayo ang magbayad ng mga kinain at ininom ninyo,” mataray pero pabirong sabi ko.
“Kayo talaga. Hwag nyo nang asarin si Miles.”
“Pag ako nagka-boyfriend, who you kayong lahat.”
“Pag may nagkamali.”
“Mga walang hiya talaga kayo.”
Napapaisip siguro ang lalaking ito kung ako ba ang nakadate niya kagabi. From mahinhin na babaeng- babae ay maingay at makulit ako ng gabing iyon. Pagkatapos ng kainan at inuman ay nag-uwian na ang iba. Kami naman ng mga kaibigan ko at nagyayang mamasyal muna sa park. Si Gen, si Carla, at si Bea
“Sama kayo sa park,” anyaya ni Gen sa dalawang kakilala niya.
“Hwag na,” bulong ko kay Gen at pinisil pa ang braso nito.
“Sige, maaga pa naman. Ano Eri?” mabilis na pagpayag ni Mike bago tinnanong ang kaibigan niya.
“Ok lang sa akin,” sagot naman ni Eri na di na nagdalawang isip pa.
Napaismid na lang ako at napataas ang kilay habang nakaharap kay Gen dahil sa pag-anyaya nya pa sa dalawa.
“Ayaw yata ni Miles,” saad ni Mike
“Hindi naman. Wala naman akong sinabi na ayaw ko kayong kasama. Sama na kayo para masaya,” sarcastic na saad ko.
Naglakad lang kami papunta sa malapit na park. Pagdating doon ay para kaming mga batang naglalaro sa floor fountain. Nagtutulakan sa lumalabas na tubig at umiiwas na mabasa nito.
Nang mapagod kami ay naupo kami sa katabing bench. Tawang-tawa si Carla dahil nabasa ang suot kong sneakers. Sa inis ko ay tinali ko ang backpack niya sa upuan.
“Bakit kasi ang luwag ng sapatos mo? Naiwan tuloy at nabasa,” natatawang sabi niya.
Ipinukpok ko naman sa ulo niya ang basa kong sapatos at nang hahampasin niya ako ay agad akong tumayo at lumayo sa kanya. Hindi nya naman ako naabutan dahil sa itinali kong bag niya.
Tawang-tawa kami sa isa’t-isa. Naghabulan pa kami paikot sa fountain at nang maabutan niya ako ay hinila niya ang buhok ko.
Aray ko, ikaw talagang babae ka.”
Ayoko na, tama na, tumigil na tayo,” pakiusap ni Carla.
Hingal na hingal kaming dalawa dahil sa paghaharutan. Nakita kong inabot ni Eri kay Gen ang isang bote ng tubig na inabot naman sa akin. Nakita ko ring nagtatawanan sila habang pinapanood kami ni Carla kanina.
Ang tatlong lalaki naman ay tumayo para tingnan ang floor fountain. Lumapit din si Carla at Bea at nakipagharutan sa mga lalaki. Naiwan ako sa upuan na mag-isa dahil hinihingal pa rin ako.
Nang maging ok na ako ay lumapit ako sa fountain pero malayo kay Eri. Biglang nagtakbuhan ang tatlong lalaki at nabunggo ako ni Eri. Natumba ako sa loob ng floor fountain na sakto naman sa malakas na pagbuga nito ng tubig. Hinila ako ni Mike ngunit basang-basa na ang aking damit.
Napahawak naman sa kanyang ulo si Eri at ako naman ay pinipiga ang aking basang damit habang suot pa ito.
“May extra shirt ka sa pick up?” tanong ni Mike kay Eri
“Meron yata.”
“Doon ka na magbihis, Miles tapos ihatid mo na rin sya pare. Kawawa naman at basang-basa. Kasalanan mo rin naman ang nagyari sa kanya,” saad ni Mike.
“Hindi na. Hihiram na lang ako ng shirt at si Gen na ang maghahatid sa akin,” tanggi ko sa offer ni Mike.
“Ha? Bakit ako? Magkaiba tayo ng way. Sumabay ka na sa kanya.” pagtataboy sa akin ng magaling kong kaibigan
Pinandilatan ko naman si Gen na ayaw pa akong ihatid pero hindi ito nadaan sa tingin.
“It’s my fault kaya ihahatid na kita. Gabi na at basang-basa ka pa.”
Nakasunod ako kay Eri papaunta sa kanyang pick up truck. Pinindot agad niya ang unlock ng kanyang sasakyan at kinuha niya ang puting shirt niya saka inabot sa akin.
“Sorry ha,” saad niya
Tumango lang ako at di na sumagot pa. Sumakay ako sa loob para doon magbihis at isinuot ang binigay sa aking shirt. Hindi na ako bumababa ng truck ni Eri dahil ihahatid nya na rin daw ako.
“Ok ka na?” tanong ni Eri
“Ok na.”
Sumakay na sya sa driver side at in-start na niya ang kanyang sasakyan.
“Saan ka pala?”
“Sa may Acacia lang. Kung saan na lang ako pwedeng bumaba para di ka mapalayo ng daan.”
“Doon din ang way ko, ihahatid na kita sa bahay mo. So, birthday mo pala.”
“Oo kahapon.”
“Talaga. Kaya pala nasa cake shop ka.”
“Nakita mo pa ako?”
“Namali kasi ako ng daan noong una. Sorry din kahapon kasi umalis ako agad.”
“Ok lang yun. No big deal.”
“Gusto mo, kumain tayo ulit sa labas.”
“Hindi na. Hwag kang ma-guilty. Kung di ka nga sumipot kahapon, ok lang din sa akin.”
Ilang minuto lang ay nasa subdivision na kami at tinuro ko ang mismong bahay namin. Mukha naman siyang matino at mapagkakatiwalaan. Basa din ang pants at shoes ko kaya pumayag na akong sa tapat ng bahay namin niya ako ibaba.
Henry
Kami nina Mike at Gen ay nakaupo lang at nagkukwentuhan habang umiinom ng aming drinks.
“Hindi mo ba sya type pare?” tanong ni Mike sa akin habang nakaupo kami.
“Si Miles? Sabi ko naman sa’yo. Ang dami kong iniisip ngayon. Wala akong planong makipagrelasyon.”
“Kailangan mo ng magpapasaya sa’yo kagaya ng babaeng yun. Maganda sya at mukhang masayang kasama.”
“Not my type pare. Parang ang childish at ayokong mag-alaga ng bata.”
“Grabe ka naman. Masayahin lang yan at mahilig mang-asar ng konti pero hindi naman sobrang childish,” pagtatanggol ni Gen sa kanyang kaibigan.
Sa totoo lang ay wala sya sa kalingkingan ng mga nakadate at mga naging nobya ko. Ang liit niya na pinay beauty samantalang mga model ang mga nakarelasyon ko na may foreign blood. Ang kulit nya pa at ang immature. And I can’t handle those kind of girls.
“Pero bakit natatawa ka sa mga pinagawa nila kung childish sila,” saad ni Mike.
“Nakakatawa lang. Hindi ba pwedeng tumawa?” sagot ko.
Hinila ako ni Mike para makipagkaro sa mga babaeng isip bata at sa di inaasahan ay nabunggo ko si Miles at naligo ng di oras. Kasalanan ko kaya pumayag na akong ihatid siya.
Nagsorry din ako dahil sa nangyari sa amin kahapon na biglaang pag-alis ko at di ko alam kung bakit naisip kong yayain siyang magdinner ulit. Mabuti na lang at tumanggi siya dahil nabigla din ako sa aking nasabi. Pagkahatid ko sa kanya ay umalis na rin agad ako.