CHAPTER 4

1754 Words
Dalawang oras ang nakalipas ng tumawag sa akin si Sandra. “Di namin makita yung site. Give me the address,” maangas na sabi nito, “Naandyan po sa files at di ko alam ang exact address n’yan. Hanapin mo sa documents tapos hanapin mo sa map ng phone mo. Common sense naman minsan, Girl,” naiinis na sabi ko. “Hello Miles. The address is Ilayang Ilam. Is that right?” tanong ni Sir Eri at sya na ang ky ausap sa akin. “No Sir. It’s Ilayang Iyam. Letter Y po not L.” sagot ko kay boss. “Ok. Thanks. Got it.” saka binaba agad nito ang phone. Alas singko na at uwian na. Naalala ko si Sir Henry na kasama si Sandra. Gagabihin na siguro sila kaya magchecheck-in na lang sa isang motel at madudurog ang puso ko kung mangyayari nga iyon. ‘Di ko yata kaya at ‘di ko matatanggap. walang kahit anong pumapasok sa isip ko kundi si Sir na kasama ang babaeng iyon. “Tawagan ko kaya sila at kamustahin. Ano na kayang ginagawa ng dalawang ‘yon? Bakit kasi nagsuggest pa ako na si Sandra ang isama. Ako na kang dapat kasi,” saad ko sa aking sarili. Nakauwi na ako sa bahay ng tumawag sa akin si Sir. “Hala bakit nanaman kaya?” tanong ko sa aking sarili. “Miles, nasa office ka pa? I need the documents ng Quezon.” “Nasa bahay na po ako Sir. Urgent po ba?” may tuwa sa aking puso na marinig ang boses ni sir pero gusto ko na ring magpahinga at ayaw na ng dagdag pang trabaho. “Yes. May problema sa design. I’ll pick you up at your house.” “Nasa cabinet C lang po iyon Sir. Castro project ang name.” instruction ko kasi gisto ko sanang magpahinga na at ataw ko nang bunalik sa opisina. “Papahanap ko na lang kay Sandra. Thanks.” “Uy, overtime si Girl. Kainggit.” sabi ko sa sarili na puno ng bitterness. “Pero mabuti at di sila nag-stay doon sa site. kaso magkasama pa rin sila sa office. Hay ano ba yan? Dapat bang nagpasundo na lang ako para samahan sya sa office? Miles, ang bagal ng galawan mo," inis na saad ko sa sarili. Di tuloy ako nakatulog at nagsisisi sa mga desisyon ko sa aking buhay. Hinayaan kong si Sandra ang makasama ni Sir. Ang tanga ko talaga. pagkakataon ko na, ibinigay ko pa sa iba. Sumunod na araw sa opisina. Kausap ni Sir si Troy sa opisina nito. S’ya na siguro ang kasamang magsite visit sa araw na ito. Naawa na rin siguro sa akin ang boss o baka naman di nya ako gisting kasama. “Miles, tawag ka ni Sir,” sabi ni Troy kaya agad akong pumasok sa opisina ni Sir. “Kayo ni Troy ang nag-design ng Castro Project?” “May konting contributions lang po ako sa designs.” sagot ko. “Ang daming kolorete at details pero walang nagsusupervise. Bakit?” tanong ni Sir na kunot ang noo at mukha nanamang masungit. “Suggestion po ng owner yung design and details then yung supervisions po ay thru online every three days and weekly po yung site visit doon,” paliwanag ko “We need to fix the details na di nagtutugma at nagrereklamo ang owner. Totally different daw sa design. Ano bang trabaho to?” “Sir kasi yung asawa pong babae ang nandoon at nagtuturo kung anong gagawin. Yung lalaki po kasi ay madalang magpunta kaya siguro ang daming nabago ni Ma’am na di alam ni Sir,” paliwanag ko pa ulit. “I’ll try to call them about the problem. Standby kayong dalawa kung matutuloy ang alis natin today.” Nagulat ako sa sinabi ni sir na pag alis daw namin today. Ang layo noon at mahabang biyahe. The couple decided to fix the conflicts ng designs na pinagawa ni Mrs. Castro from her own knowledge. We need to visit the site and stay there for two days. Apat kami na papunta sa Quezon province. Si Sir Eri, si Troy, ako at kasama pa si Sandra. Agad nagdecide si sir na pumunta na kami umaga pa lang. Pinauwi muna kami at pinakuha ng ilang personal na gamit namin. Pagdating namin sa site bandang tanghali at inasikaso na namin ni Troy ang mga problema with the help din ni Sir Eri kung paano mapapadali ang trabaho at di na magbabaklas ng maraming natapos na details. Bantay sarado namin ang mga workers para hindi magpaulit ulit ang gawa at para maraming matapos sa araw na iyon. Bandang hapon at tapos na ang trabaho. May pa early dinner ang mag-asawang Castro at pinatuloy pa kami sa kanilang bahay para doon na matulog. Naikwento ng mag-asawa kay Sir na may malapit na falls sa kanila. Nagpumilit pa tuloy si Sandra na pumunta kahit hapon na. “Sige na sir, saglit lang tayo. Maliwanag pa naman. Bago dumilim ay makakauwi na tayo panigurado.” pilit ng babae. Nagpapacute kay sir para pumayag sa gusto nito. “Hoy, Sandra, padilim na. Baka di nyo na makita ang daan pabalik,” saway ko sa makulit na babae. Malayo ang lakariin doon at baka magpabuhat pa sya kay sir. “Saglit lang naman Sir. Please sir, tingnan lang natin,” ang kulit nya talaga. nakakainis. “Ok fine lets go.” agad na sumagot ang lalaki na di ko ikinatuwa. “Sir, delikado na,” pigil ko sa kanila. "Malayong lakarin po yun sir at padilim na. Pwede namang bukas na lang." “Do I look like I’m a weak person?” maangas pa na sabi nito na nagpapaimpress kay Sandra. nakangiti naman ang bruhang babae na kinikikig kilig pa. "Kung gusto mo sumama ka," akala yata ay naiinggit lang ako pero nag aalala na ako sa kanila. Tumuloy sila kahit 5:30 na ng hapon. Wala na akong nagawa at ayaw nilang papigil pa. Pumasok na kami ni Troy sa kanya-kanya naming kwarto para magpahinga pero di mawala sa isip ko ang pag aalala. Panay check ko ng aking pgone kung may tawag o text sila. Walang masasakyan doon pabalik kapag ginabi sila. Nagbilin naman ako pero ayaw nila akong pakinggan. Bahala na nga sila. Alas siyete na ay di pa sila nakakabalik. Nag-aalala na akong lalo at di ko na rin matiis kaya nagtext na ako sa kanila. Me: Hoy balik na kayo. Gabi na. Sandra: Miles, help. Nasugatan si Sir at di makalakad. Natatakot na ako dito. Me: ayan na nga bang sinasabi kong pasaway kang babae ka. Ikaw kasi. Ilang beses na kaming nakapunta doon ni Gen tuwing may site visit kami dito sa Quezon. Malayo at madilim kasi doon. Walang ilaw kapag gabi. Ginigising ko si Troy ngunit di na ito magising dahil sa sobrang pagod. Agad akong lumabas ng aking silid. Naghanap ng masasakyan papunta sa lugar kung nasaan ang dalawa. Nakiusap ako sa isang tricycle driver na ihatid ako sa falls para masundo si Sir at Sandra nang gabing iyon. Mabuti at may nais na tumulong sa amin at agad umoo na puntahan ang mga kasamahan kong pasaway. 15 minutes sa tricycle ride at 20 minutes na hiking. Kasama ko si kuya tric driver sa madilim na lugar na ‘yon. Mabuti at sinamahan ako. Madilim nga kasi ang lugar. Nakita naming duguan ang binti ni Sir Eri na natusok sa isang kawayang nakausli.Nakaupo sya sa damuhan at su Sandra panay punas sa dugo ni Sir na umiiyak. “Di ko napansin na may kawayan pala.” Agad kong binuhusan ng betadine ang sugat ni Sir at pagkatapos ay tinalian ito ng dala kong panyo. Si Sandra naman ay iyak ng iyak at takot na takot. Di na ako nagsalita pa at wala na ring magagawa ang paninisi ko sa dalawang matigas ang ulo. Inalalayan ni Kuya si Sir sa paglalakadat ako naman kay Sandra na nangingig na. ilang beses kong narinig ang pag inda ni Sir ng sakit ng binti niya. Parang nararamdaman ko kung gaano kasakit ang sugat niya. Sa wakas ay nakarating din kami sa labasab. Sumakay kami sa tricycle at pagkarating sa bahay ng mga Castro ay ibinaba na namin si Sandra. Nagdiretso kami sa ospital para matahi agad ang sugat ni Sir. “Nurse, paki turukan na rin siya ng anti-tetano,” saad ko. “Ma’am may sugat ka din. Gamutin natin,” saad ng isang nurse. may nasabitan akong puno kanina at di ko nakita dahil sa dilim ng nilakaran namin. Nakatingin lang sa akin si Sir habang tinatahi ang sugat niya. “Wala ‘to ok lang ako. Sa bahay na lang.” sabi ko sa nurse “Upo ka na Ma’am,” sabi ng nurse at paminilit sa akin. “Magpa anti-tetano ka na din,” sabi ni Sir Eri. “Hindi na sir, wala lang ‘to.” “Oo nga Ma’am para sigurado. baka magka impeksyin pa yabg sugat mo.” “Hwag na nga. Takot ako sa injection e. Huhugasan ko na lang.” Natawa naman ang nurse. Pagkatapos tahiin ang binti ni Sir ay pinilit niya akong magpa anti-tetano. Ipinikit ko ang aking mata at nagulat pa ng turukan ako ng injection. Takot talafa ako sa karayom ar parang mas masakit pa nga iyon kesa sa sugat na natamo ko. Pwede na rin daw kaming umuwi at sa bahay na magpagaling si sir. Binigyan sya ng gamot na iinumin para sa sakit at sa impeksyon. “Wala daw wheelchair sabi ng nurse.” sabi ko sa lalaki. maliit na hospital lang yun at kulang sa gamit. Mabuti pa rin at nagamot kami ni sir. Tumayo na si Sir at naglakad ng paika-ika. Hinawakan ko ang braso niya at inilagay sa balikat ko para alalayan siya palabas ng ospital. Alam kong masakit ang binti niya. ang haba at lalim ng sugat niyang iyon. Malamlam ang mata niyang nakatingin sa akin. Nagsisisi ba sya na di nakinig sa sinabi ko kanina? Di sya makapagsalita kaya inunahan ko na sya. “Wala yon. Ok lang yan sir. Ganyan talaga ang nangyayari sa matitigas ang ulo. Sinabi na kasing,” natigilan ako ng sumama na ang titig niya sa akin. Nakakatakot ang tingin niya pero sobra ang inis ko sa kanila ni Sandra. Sa tricycle pauwi kina Mrs. Castro ay tahimik lang siya. Walang thank you o kaya man lang ay sorry. Hinatid ko sya sa kwarto nila ni Troy at inalalayan sa kanyang paghiga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD