Maaga kaming nag-umpisa ni Troy kinabukasan. Nakikiusisa na rin si Sir at si Sandra na walang ambag kundi magpacute lang.
Di ko pinapansin si Sir at si Troy lang ang kinakausap ko.
“Galit ka ba? Hindi ko naman sinabing puntahan mo ako ha.”
“Sana nga hinayaan ko na lang kayong dalawa kagabi tutal naman matitigas ang ulo ninyo at ikaw pa talaga ang nagmamalaki sa akin ngayon,” nabigla ako sa aking nasabi at napakagat sa aking labi. Lumayo na ako sa kanila at pinakalma ang aking sarili.
“Miles,” narinig kong tawag sa akin ni Troy.
“Pwede bang tapusin na natin itong problema dito para makauwi na. Walang magagawa yang pag-iinarte mo.”
Sinundan pa ako ni Sir para sabihin iyon.
“Wala kang kwenta,” galit na sabi ko.
“Kalma lang,” saad ni Troy.
“Sobra ka Miles,” sabi pa ni Sandra
Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa aming ginagawang repair. Alas dos ng hapon ng matapos na ito ng mga workers at makakauwi na rin kami sa Manila.
“Troy marunong kang magdrive?” tanong ko.
“Hindi eh.”
“Kaya ko,” sambit ni Sir Eri.
“Ako na. Mapupwersa ang binti mo,” saad ko.
“Kaya mo?” tanong ni Troy.
“Hmm, tanging sagot ko.”
“Hwag ka na mag drive, kaya ko naman.”
“Ako na po sir, kaya ko ‘tong truck mo. Pray lang kayo.”
Napangisi sya at halatang pinipigilan ang pagngiti niya. Tatlong oras ang biyahe at sana lang ay walang gaanong traffic. Maliliit lang na kotse ang dinadrive ko at itong pick-up truck ni Sir ay madrive ko sana ng ayos.
Makalipas ang isang oras na pagda-drive ay tinapik ako si Sir na nasa tabi ko lang.
“Hoy, inaantok ka ba? Papikit na ang mata mo ha.”
“Hindi kaya,” sabay hikab ko.
“Ako na dyan. Itigil mo at baka mabangga pa tayo.”
“Sa Batanggas ikaw na.”
Lumagpas na kami sa Batanggas at tulog na tulog ang Eri na to na nagsasabing sya na ang magda-drive. Hanggang sa makarating na kami ng Manila ng alas singko ng hapon. Bumaba na si Troy at hinatid ko na rin si Sandra sa kanyang dorm.
“Kaya ko na. Hwag mo na akong ihatid.”
“Saan bang condo mo? Ihahatid na kita. Lubus-lubusin mo na ang pagda-drive ko.”
“Sa Pearl Garden.”
“Uy, sosyal ha.”
Hanggang basement parking ko sya hinatid.
“Kaya mo na siguro umakyat Sir. Una na ako at antok na antok na ako.”
Naglalakad na ako palabas ng tawagin niya ako.
“Miles.”
“Uhm.”
“Pwede mo ba akong ihatid sa unit ko.”
“Tawagin ko na lang yung guard.”
Ngunit tumanggi ang gwardia at di daw pwedeng iwan ang pwesto niya. Nakasimangot akong lumapit sa kanya at inalalayan siya paakyat hanggang sa kanyang unit.
Dismayado ang mukha niya na parang ayaw pa niyang magpatulong sa akin at talagang napipilitan lang siya. Nakasimangot din ako at panay ang buntong hininga.
Pumasok kami sa loob at inihiga ko sya. Ako naman ay parang gustong humiga na rin dahil sa antok.
“Uminom ka pala ng gamot mo ha pero kumain ka muna.”
“Pwede bang iorder mo muna ako ng pagkain at hintayin mo na ring dumating.”
“Galing ha, nilulubos mo talaga ang pagtulong ko. Sige na umorder ka na para makaidlip din ako saglit.”
Agad akong nahiga sa sofa at nakatulog din agad. After 30 minutes ay dumating na ang food delivery. Kumain sya at binigyan nya rin ako.
“Konting idlip pa. Tapos uuwi na ako,” sabi ko kay Sir.
Alas otso ng gabi ng magising ako. Bumangon na ako saka umuwi sa amin.
Maaga ako sa opisina dahil sa haba ng tulog ko.
“Wala si Sir?” tanong ko
“Wala. Di daw papasok,” sagot ni Gen.
“Yes,” napasigaw ako sa tuwa.
Ngiting-ngiti akong pumunta sa pantry para magtimpla ng aking kape. Pabalik na ako sa aking upuan ng may kumuha ng aking tasa na hawak-hawak. Nalungkot ako ng makita si Sir sa aking harapan at iniinom ang tinimpla kong kape.
“Hindi kita hahayaang maging masaya,” sabi nito sa akin.
Tumalikod na lang ako na nakasimangot at muling nagtimpla ng kape.
Nakaupo na ako ng ayos sa aking pwesto.
“Miles, yung documents daw sa Tagaytay na Alicia’s Resto.”
“Ang luma na nun ha. Gen, akyati mo yung documents sa taas.”
“May tinatapos akong deadline ngayon.”
“Bakit absent nanaman si Troy? Ako na nga. Walang maingay ha.”
Umakyat ako ng mabilis ngunit di ko agad makita ang documents na yun. Ilang beses kong inisa-isa ang files ngulit wala doon.
“Sabi kong hwag kang aakyat d’yan di ba?”
Sa gulat ko ay mabuting napakapit ako sa handle ng cabinet.
“Yes, sir. Busy po ang lahat at di ko pa makita.”
“Boys ibaba ang lahat ng files na nasa taas,” utos ni Sir
Inalalayan ako ng isa naming kasamahan pababa at as usual nakatingin lang si Sir Eri.
Nang makita ko na ang pinahahanap ay agad ko itong dinala sa opisina ni Sir. Sumisimangot siya tuwing nakikita ako. Wala naman akong ginawang masama at panay pagtulong ko pa nga sa kanya. Samantalang ang mga tingin niya kay Sandra ay puno ng paghanga at interest dito.
Isang hapon ay naisipan kong kumain sa Secret Garden Cafe kung saan kami nagdate ni Henry. Nagustuhan ko ang pasta at gusto kong mag-isa lang na pumunta. Dala ko ang aking sketchbook para magdesign ng mga damit. Passion ko ito pero mas gusto ng Daddy ko na bahay ang idesign ko.
“May iba ka pa palang talent,” sabi ng lumapit sa akin.
“I have full of talents,” mataray na sagot ko.
“Alone? Bakit wala kang ka date? Ah alam ko na. Mataray ka daw kasi.”
Ngumisi lang ako sa pang aasar ni Sir Henry. Umalis na rin siya at nag-order na ng pagkain niya. Nawalan na ako ng ganang gumuhit kaya isinara ko na ang aking sketchbook at kumain na lamang. Nagulat ako ng muli siyang lumapit at naupo sa aking harapan. Nakatitig sa akin ang malamlam niyang mata at malungkot na mukha.
Patapos na akong kumain ng dumting ang order niya.
“Mauna na po ako sir. Kailangan ko po kasing umuwi ng maaga.”
Tumango lang siya habang nakatingin sa kanyang pagkain. Sumulyap akong muli nang nasa labas na ako ng cafe. Nakunsensya ako na sana ay sinamahan ko pa sya at di iniwang mag-isa.
Napadaan akong muli sa cake shop. Nasa labas lang ako habang nakatingin sa display. Paglingon ko sa kalye ay nakita kong paalis na si sir at sakay na ng kanyang truck.
“Di man lang nag-offer ng hatid. After all that I have done. You ungrateful man,” bulong ko sa aking sarili.
Nag-abang na ako ng masasakyan pauwi nang tumapat sa harapan ko ang isang pick up. Pinasasakay ako ni Sir at ihahatid na daw ako.
“Hwag na Sir, may jeep naman.”
Hindi siya umaalis at bumubusina na ang jeep sa likod niya. Napasakay na tuloy ako at baka magalit pa ang jeepney driver.
“Saan ka Miss?” napangisi ako sa taanong niya.
“Sa may Acacia subdivision lang po sir.”
Wow, sosyal.”
Sa likod po. Yung mga bed spacer.”
“Seryoso?”
“Hindi po. Sa subdivision talaga ako. Pero sa labas nyo na lang ako ibaba.”
“Why? Strict ang parents?
“Yes.”
“Magdinner tayo minsan,” anyaya niya
“Sige po. Sagot nyo ha.”
“Sure,” nakangiting sabi niya.
“Nagda-drive ka na agad, sariwa pa ang sugat at ang tahi mo sa binti.”
“Kailangan. Wala namanang ibang gagawa nito sa akin. Except kung ipagda-drive mo ako.”
Hindi na ako sumagot at ayoko ng dagdag na trabaho kahit naaawa ako sa kanya.
Ipinasok niya ang sasakyan sa loob ng subdivision hanggang sa tapat ng aking bahay.
“Walang tao?”
“Kanina wala, ngayon meron na.”
“Mag-isa ka lang?”
“Yes. Kasi lahat sila nasa abroad.”
“Kawawa ka naman pala. Kaya pala kulang ka sa aruga.”
“Ikaw kaya yon,” naiinis na sabi ko
“Pasok ka na at ingat ka dyan.”
“Ingat ka din,” nakaismid na sabi ko at nakangiti naman siya dahil ininis nya nanaman ako.
Mixed emotions ang nararamdaman ko tuwing bago pumasok sa work. Maiinspire ba sa gwapo naming boss o kakabahan dahil lagi nya akong pinapagalitan?
Dumiretso ako sa pantry para magtimpla muna ng kape nang umagang pumasok ako. Nadatnan kong nasa loob sina Sir Eri at Sandra na magkahawak ang kamay. Nasugatan ang daliri ni Sandra dahil sa nabasag na mug.
Ang clumsy mo girl,” saad ko sabay abot ng kamay ni Sandra at itinapat ito sa tubig sa gripo.
“Aray. Ano ba?”
“Doon ka sa clinic. May nurse doon at wala dito sa pantry,” tinulak ko sya palabas.
Tumingin ako ng masama kay Sir na nakatingin lang din sa akin. Saka ako nag-iwas ng tingin at nagtimpla na ng kape.
“Ang selosa,” saad niya.
“Ang haharot kasi. Ang sagwa,” naiinis na sabi ko.
Kinuha nya ang mug ko na may kape at saka umalis. Napanganga na lang ako at sinundan siya ng tingin habang papalabas ng pantry at papasok muli sa kanyang opisina.
Nasa bukana lang ang table ko malapit sa opisina ni Sir na glass wall kaya siguro ako ang laging nauutusan.
Habang nakaupo ay nag-inat-inat ako dahil sa sakit ng aking balikat. Napalingon ako sa kanan kung nasaan ang opisina ni Sir Eri at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Ayaw kong isipin niya na sumusulyap ako sa kanya kaya nagbelat ako sa kanya sabay irap. Nakita kong napatawa siya at napailing kaya agad akong nagtago sa harang ng aking desk.
“Miles,” agad na tawag ni Sir.
“Sir,” sagot ko.
Bumuntong hininga muna ako bago tumayo at pumasok sa kanyang office. May pinahahanap nanaman siyang documents. Ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay tinawag nanaman ako para may ipahanap. Nakatatlong tawag siya sa akin ng wala pang isang oras. Nawawala ang konsentrasyon ko sa ginagawa kong design sa paulit-ulit na pagtawag niya.
“Sir, may deadline po ako today. Maawa naman po kayo sa akin. Sorry na sa mga nagawa ko at mga nasabi ko. Hindi ko na po uulitin. Patawarin nyo na po ako ,Sir,” nagmamakaawang sabi ko.
Bakas sa mukha niya na natatawa na s’ya sa mga sinasabi ko pero pinipigilan niya.
Paupo pa lang sana ako ulit ng marinig ko nanaman ang pangalan ko.
“Miles.”
“Sir.”
“Isang documents na lang.”
Bumaba ako sa stock room para kumuha ng ilang kahon. Sinulatan ko ito at nilagyan ng mga labels. Lahat ng past projects ay doon ko nilagay at isa-isa kong ipinasok sa room ni Sir.
Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa ginagawa ko. Nag-sign ako ng dalawang thumbs up at nagthumbs up din s’ya saka ako lumabas ng kanyang opisina.
Wala pa ulit isang oras ay tinawag niya nanaman ako. Pumasok ako sa opisina niya na dala na ang isang laptop at ipinatong ito sa kanyang mesa. Naupo ako sa upuan at doon na nagtrabaho sa loob.
Ang dami niyang pinapahanap kaya halos’ di ko na rin magawa ang design ko. Pinatay ko na lang ang laptop dahil hindi ako makapag-concentrate sa aking ginagawa sa kakautos ni Sir.
Nag-stay lang ako sa loob ng opisina ni Sir Eri at iniabot ang lahat ng mga documents na gusto niyang makita.
“Akala ko ba may deadline ka, paano ka matatapos kung nakaupo ka lang dyan?”
“Aba talaga naman. Ako pang paupo-upo lang dito,” bulong ko sa aking sarili
“Minsan gusto ko na lang magtali ng lubid at magduyan,” sabi ko.
Napangisi siyang muli habang mukha na akong maiiyak sa pangungulit niya.
“Maaga akong aalis para sa site visit.”
“Yes!” nasabi ko ng malakas sabay taas pa ng dalawang kamay ko. “Thank you, po. Answered prayer,” saad ko habang nakatalikod kay Sir.
“Samahan mo ako.”
“Sir naman eh,” may pagmamaktol na sabi ko.
“Hintayin kita sa baba. Bilisan mo,” tumayo sya agad at lumabas.
“Sandra, please finish Miles’ project. Paki una. Deadline today,” maangas na utos ni
Sir.
“May deadline din po ako today Sir.” sagot ni Sandra
“Ako nang bahala Sir, pwede pa naman iyon tomorrow morning,” sabi ko.
Patapos ko na ang design kaya bakit ipapasa ko kay Sandra. Siya pa ang makakakuha ng credit kapag siya ang tumapos at nagpasa noon. Dala ko ang laptop habang papunta kami sa site.
Sa loob ng sasakyan
“Bakit d’yan ka nakaupo sa likod?”
“I need to work. Just drive,” maangas na sabi ko at tumingin sya sa akin ng masama. “Joke lang sir. May tatapusin lang po akong design,” nakangiting sabi ko.
Pagdating sa unang site
“Just stay in the truck,” sabi ni Sir.
Nakita ko naman si Lito na naghahalo ng semento.
“Lito ang pansit ko?”
“Ay, napanis na po Ma’am. Ka tagal nyo kasing bumalik.”
“Ay marami kasing ginagawa. Busy ba,” ginaya ko ang punto niyang Caviteno.
“Ay, taga- Cavite ka rin ba Ma’am?”
“Oo, ako’y napatira dyan sa may Tanza, ay ka inam d’yan.”
Nagtawanan lang kami saka bumalik na sa trabaho si Lito.
Bumalik naman agad si Sir at akala ko ay aalis na.
“I told you to stay inside the truck so you could finish your work and not to chat with the workers,” masungit na sabi nanaman ni Sir.
“Sorry sir, ay napahonta la-ang saglit sa aking kababayang si Lito.”
“Why you speak like that, crazy girl,” sabay alis niya at balik sa kausap nyang si Manong Ric.
Halos isang oras na si Sir sa site. Mabuti at may habong na sa isang tabi na ginawa lang ng mga tao. Mabuti rin at natahimik ang buhay ko sa loob ng sasakyan at marami na akong nagawa sa aking laptop.
Pagbalik ni Sir at sumakay na agad ito sa sasakyan.
“I’m hungry. Lets eat.”
“Ok po sir. Gusto nyo bang ako na ang magdrive? Hindi na ba nasakit ang sugat ninyo?.”
“Ayos lang. Kaya ko naman.”
After naming maglate lunch ay dumaan kami sa Taguig na isa pang site. Naiwan lang ulit ako s loob ng sasakyan. Nagtataka naman ako kung bakit pa ako sinama kung ‘di naman din pala ako pabababain. Pero mas mabuti para sa akin iyon at matatapos ko agad ang aking design.
Nagprisinta na akong magdrive dahil naaawa na ako sa binti niya.
Bumaba lang ako sa opisina matapos ang site visit sa Taguig saka siya umalis ulit. Natapos ko naman ang aking design bago mag-uwian.