“Miles, gusto mo ba ng ka date?” tanong ni Gen.
“Sino naman?”
“Si Tristan. Crush ka daw.”
“May girlfriend na yun di ba?”
“Wala na daw.”
“Kakabreak lang makikipagdate na agad sa iba.”
“Ikaw, kung gusto mo lang naman.”
“Ok, pwede ring itry. Kelan daw?”
“Saturday daw.”
“Sige. Pwede naman.”
Ilang araw na busy si Sir at di ako iniistorbo at binubwisit. Saturday at naka dress ako ng medyo maiksi at spaghetti strap na may nakapatong na shortsleeve cardigan dahil sa date namin ni Tristan.
Pasulyap-sulyap ako sa office ni Sir at hindi mawala ang tingin nito sa kanyang laptop.
“Miles," sa ilang araw ay ngayon ko lang ulit narinid ang pangalan ko.
sumilip ako sa opisina ni sir at kinawayan ako para pumasok sa loob .
Isang buntong hininga pampalakas ng loob.
“Sir," saad ko.
“Site visit today?
“Sir?”
“May reklamo?”
“Wala po,” sagot kong nakasimangot at nakanguso pa.
“Be ready in 10 minutes.”
Isang buntong hininga muli bago lumabas.
"going on a date?" panunukso ni Bea
date ka dyan? punishment ito.
"hurry up," masungit na sabi ni Sir.
agad akong sumunod at sumakay sa pick up.
bago bumaba sa unang site ay hinagis sa akin ni sir ang army green nya na jacket. isinampay ko lang sa aking mga balikat at di isuot ang sleeve. naawa naman ako sa kanya kaya inabot ko ang aking payong.
nakakapaso ang init ng araw lalo na at naka mini skirt pa ako. itinuro niyang pumuwesto ako sa anino niya para maliliman ako.
pawisan na kami at ang suot kong dress para sa date ko mamaya.
"tara na."
magpapalit lang muna ako sir sa loob ng sasakyan.
ok bilisan mo lang.
nagpunas muna ako at nagpaypay ng kaunti. nagpulbos din para mawala ang init ng pakiramdam. pasuot ko pa lang ang aking shirt ng bumukas ang pinto sa driver side at bigla ring sumara.
tapos na ba? ang tagal mo.
paka mainipin talaga. bwisit,' saad ko sa aking sarili.
wait lang po sir, nag suklay pa ako at pinunasan ang mga puti puting pulbos sa mukha at leeg. "ok na po."
pagpasok niya ay naghubad din sya ng kanyang shirt. napatitig ako sa maganda niyang katawan. iniwas ko ang aking tingin pero sumulyap ako ulit.
"Why are you staring?"
"Hindi kaya?" sabay iwas ko ng aking tingin.
narinig kong ngumisi siya at nakita kong umiling iling pa.
"Feelingero," bulong ko.
Hinatid nya na ako sa office bandang hapon.
"Bakit ganyan na ang suot mo?" usisa ni Gen.
"Pinagpawisan na ang dress ko. hay, makikipagdate na lang ako ng ganito."
"Amoy pawis na ba? Isuot mo ulit."
"Di naman. Pwede pa."
Isinuot ko na lang ulit ang dress na napawisan kanina. Wala namang masamang amoy pero papabanguhan ko pa rin.
Sabay kami ni Tristan na lumabas ng office at naisip naming mag-snack sa isang coffee shop na malapit.
pagkaorder ay naupo na kami at nagkwentuhan ng kaunti. nakaupo akong nakatalikod sa pinto ng coffee shop kaya di ko napapansin ang mga pumapasok.
Sir, sabi ni Tristan sabay kaway sa nakitang pumasok.
lumingon ako at nakita si Sir Eri na nakapila at oorder sa cashier.
"Dapat di mo binati," saad ko.
"Nakatingin sa akin tapos napatingin din ako."
"Baka maki join pa," natigil ako sa pagsasalita ng mapansin kong papalapit na si Sir.
"Can I join?" tanong ni Sir
"Sige po sir," saad ni Tristan.
di ako umiimik at di ko sya pinapansin. umalis naman saglit ai Tristan para magbanyo.
"Yan pa rin ang suot mo? Pinawisan na yan ha."
"Ok pa 'to. Mabango kaya ang pawis ko," saad ko.
"Yuck," nandidiring sabi niya.
"Arte," sagot ko.
"I won't date a girl who wear sweaty clothes," pang iinis pa rin niya.
"Then I won't date you," prankang sagot ko na nakataas ang kilay at nakasimangot.
ang mukha niyang mapang inis ay napalitan ng pagkadismaya. nang paparating na ulit si Tristan ay nagpaalam na si Sir dito at di na tumingin sa akin.
nawala ang confidence ko dahil sa suot kong damit na pinagdiskitahan ni Sir Eri. nahiya tuloy ako kay Tristan at nawalan ako ng ganang kumain at makipag usap.
"Masama bang pakiramdam mo? Bakit natahimik ka?"
"Biglang sumakit ang ulo ko dahil siguro sa sobrang init kanina."
"Sayang yayayain pa naman kitang magsine."
"Next time na lang siguro. Pasensya na ha."
"ok lang. May next time pa naman. Hatid na kita."
"Hindi na. Kaya ko naman tsaka baka matraffic ka na pauwi."
"Naka kotse naman ako. Para din makasama pa kita ng matagal."
“Cheesy naman,” napangiti ako sa sinabi niya
Lumabas na kami sa sa coffee shop at papunta na sa kotse ni Tristan ng lumapit muli si Sir Eri.
Miles, we need to go back to the office.
Bakit po?
Yung pinasa mo kahapon, may problema.
Ha? paano nangyari yun?
"May mga maling details. you need to fix it before you go home. Tara na at bumalik tayo sa office."
Kinabahan ako at natakot sa sinabi ni Sir kaya sumama na ako sa kanya.
"Tristan, daan muna ako sa office. Thanks ha at pasensya na ulit"
"next time na lang Miles. Ingat kayo sir."
Nate-tense na ako sa loob ng sasakyan ni Sir Eri at nagoover think kung ano ang mali ko.
"Ano daw problema sir."
Nagkibit balikat lamang sya na parang walang idea kung ano ba talaga ang maling ginawa ko sa design.
lumampas kami sa opisina at diretso lang siyang nagdrive.
"Sir, lumagpas tayo."
"Naayos na pala daw nila. Ngayon ko lang nabasa ang text"
"Ha. Paano? Binuksan ang computer ko?
" Maybe."
Nagdududa na ako kay Sir at mukhang gusto lang isabotahe ang date ko kay Tristan. Pero bakit? Sya naman ang naabala sa ginawa niya.
"Dinner?"
"Hmm?" tanong ko kahit narinig ko ang sinabi niya.
"Lets have dinner. I'm hungry."
napatingin ako sa kanya at di sumagot. parang nafeel ko na ang ganda ko kahit nakasuot ng kaninang pinawisang dress. Napawi ang inis ko sa kanya nang ayain niya akong kumain.
"Pwedeng umuwi muna at magbihis?"
Napangiti siya. matagal ang ngiti niya habang ako naman ay nagtataka at may question mark sa ibabaw ng ulo. Di ko maintindihan ang inaasta ng lalaking ito.
lumapit ang mukha niya sa balikat ko at umiwas naman ako.
"I made a mistake. You still smell good."
"Uuwi muna ako. Matapos mo akong laitin ngayon smells good."
"Hwag ka ng magpalit. Ok na yan."
"Ayoko. Uuwi muna ako. "
"Hwag na nga."
"Hwag na lang tayong magdinner. You already said that I'm sweaty and yuck tapos gusto mo akong sumama ng ganito ang suot ko. You know how i feel after you said that?"
ok im sorry. ihahatid na kita.
wala akong imik hanggang sa makarating kami sa tapat ng aking bahay. di ko alam kung hihintayin nya pa ba ako at magdidinner o ihahatid nya lang talaga ako dito sa bahay. Agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay. bahala na. maliligo ako at magbibihis ng malinis na dress.
red puff sleeve na mini dress. konting make up at suklay tapos ay lumabas na ako. nasa tapat parin siya ng bahay ko after 30 minutes kong mag ayos.
magde-date ba kami? bakit? hay, di ko sya maintindihan. pero na eexcite ako at kinikilig. dahan dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan.
nakasandal siya sa upuan at nakataas ang dalangwang kamay na nakalagay sa likod ng ulo. matalim amg tingin niya sa akin patagilid. nagustuhan nya ba, naasiwa o nainip?
"Where do you want to eat?" tanong niya.
"Kayo pong bahala sir."
"Steak?"
"Mahal."
"Ikaw bang magbabayad?"
"Ok, fine."
Pumasok kami sa isang steak house. napapahawak ako sa aking ulo sa mahal ng mga pagkain.
"Anong order mo?" tanong niya.
"Wala po akong magustuhan sir. Hwag na tayo dito."
"Hindi ka ba dinadala ng boyfriend mo dito?"
"I' d rather buy something else that put that expensive beef in my mouth and flush it in the toilet afterwards."
nangiti nanaman sya.
"ok. where do you want to eat?"
"Pork grill? Like nung birthday ko."
"Sure."
Agad kaming lumabas ng steak house at naghanap ng pork grill restaurant.
"You're lucky cause they already fix your problem to your project."
"Mabuti naman po at naayos din nila," patay malisyang sabi ko pero di ako naniniwala sa alibi niya.
"So, your treat?"
"Ha, inaway mo kaya ako kanina habang magka-date kami ni Tristan tapos nagdahilan ka pa para sa’yo ako sumama."
"I'm not lying to you when I said you've got a problem in the office and why you talk to me like that? I'm still your boss.
"Sorry sir. Akala ko kasi manliligaw kita. That's a joke I’m not a feelingera."
You think nililigawan kita?
sabi ko joke di ba
i think thats half meant.
bahala ka sir, ma issue ka talaga.
"I' m not going to court you and I don’t even like you."
"I know. That's why I said it was just a joke and I know you'll never going to like a girl like me."
Tumahimik kaming dalawa at iniluto na lang ang order naming pork at beef. Nahahalata kong tumitingin siya sa akin pero hindi ako sumusulyap sa kanya.
Na bored ako at nagbrowse lang sa aking phone.
"Are you bored?"
"Ok lang po ako sir. Kayo po?"
"A little bored."
"Ayaw nyo po ba ng food? Hindi nyo po ba nagustuhan?"
"Its fine."
"How about Sandra? Do you like her?"
"Yes."
Nagdate na kayo?
"A couple of times. Why? jealous?
"Asa ka? Never. I think I like Tristan. I don’t like men with beard, long hair and wear rugged clothes"
"Go and date him again. ladies like men with beard but girls doesn’t like it.
Ah ganon, so I'm just a girl?
"Ikaw ang nagsabi nyan hindi ako."
"Why do you hate me so much?"
"I dont know. i dont hate you that much?"
Gaanopo ba?
Just enought to ruin your life.
grabe naman. may atraso ba ako sa yo sa past life?
prinsesa ka siguro noon tapos mahirap lang ako na di mo pinapansin.
di ka lang magaling mag drawing, scriptwriter ka na rin pala.
madalas na nakatingin sya sa aking mga mata na parang hinihipnotize nya ako. maemosyon ito na minsan ay galit at minsan ay nang-aakit.
nakakainis ang usapan naming parang walang pupuntahan. minsan nakakakilig at madalas naman ay nakakainis at nakakapikon.
gusto mo pang umorder?
ayoko na sir, busog na ako. di ko na kayang kumain.
ok, hatid na kita pagkatapos dito.
Uwian na? may iba pa kayong lakad?
wala naman. uuwi na rin. ayaw mo pa bang umuwi?
parang gusto kong maglakad-lakad at magkape mamaya para matunaw ang kinain ko.
I'm already tired. I want to go home.
nagtext ako sa aking mga kaibigan kung sino pa ang pwede ng gabing iyon. ayoko pang umuwi at nais ko pa sana ng kasama. nag oo si Bea at si Carla. pass naman si Gen na ayaw nang lumabas.
hatid na kita?
Magkikita pa kami nina Carla at Bea. Una na po kayo sir. Salamat sa padinner.
di ka pa uuwi? saan kayo pupunta?
kape lang or maglalakad-lakad. sama kayo?
hmm. pwede.
sabi mo pagod ka na.
you invited me. nakakahiyang tumanggi.
uwi na po kayo kung pagod na kayo. you need rest, sir.
kanina lang iniimbita mo ako tapos ngayon pinagtatabuyan mo na ako.
I'm complicated just like you. niyaya mo akong magdinner tapos hate mo pala ako. ang contradicting di ba? Sabi mo pagod ka na, tapos sasama ka pa sa amin.
yes sort of. itong dinner ay para sa atraso ko sayo nung birthday mo at para sa pagsama mo sa akin sa site. nothing else.
ok, so bakit sasama ka pa mamaya kung pagod ka na?
yeah i'm tired pero parang gusto ko pa ng kausap.
fine. tara na sa park. meet natin sila doon.
nauna akong tumayo at palabas na sa resto. naglakad-lakad kami papunta sa park.
Gusto mo pa ba talagang sumama? Baka gusto mo ng magpahinga. Di kita tinataboy, concern lang talaga ako.
just tell me if you don’t want me to.
Lagi ka na lang ganyan? Can you just be honest with me? naiinis na sabi ko
ok what do you want to know.
kung ano nga ang gusto mo?
ikaw
hay, nakakainis na talaga.
That’s the truth. i really like you.
Sabi mo hate mo ‘ko. Pa fall ka ‘no?
ano?
wala. isasama na kita sa park basta hwag ka na lang echusero?
ano?
hay, ang hina mo sa vocabulary, sir.
ano bang mga pinagsasabi mo? anong language ba yan?
basta hwag ka na lang mag joke ng di nakakatawa.
you think its a joke?
hwag na nating pag usapan.
ngayon umiiwas ka.
ang echusero mo kasi.
so you really think its a joke.
yes at di mo ako mapapasakay sa mga ganyan mo.
sabi mo you want me to be honest with you. bakit ngayon di ka naniniwala?
kasi nga contradicting yung mga sinasabi mo sa ginagawa mo at sabi mo si Sandra ang gusto mo.
Ano ba sa palagay mo kung bakit ikaw ang isinasama ko sa site visit?
Para pahirapan ako at bwisitin ako tuwing naka-mini skirt ako at naka-short.”
Para makasama ka at para ako lang ang makakita ng mga legs na lagi na lang nakabalandra sa opisina. Ano pang sasabihin mo at itatanong mo?
Hindi pa rin ako naniniwala. Pinasasakay mo lang ako, Sir.
Anong dapat kong gawin para maniwala ka? Huminto siya sa paglalakad at napahinto din ako
Kiss mo nga ako. Joke! Joke lang yun ha.
Gagawin ko.
Joke nga lang,”
hinawakan niya ang dalawa kong braso at napakapit din ako sa kanya. Palapit sa aking mukha ang kanyang mukha
Sir Joke nga lang yun. Di ka na talaga mabiro.
“Miles,” narinig kong may tumawag sa akin.