Bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Sir Eri.
“Girls, nandyan na pala kayo,” bati ko sa kanila
“Hello sir. Nandito rin po pala kayo,” bati ni Bea
“Nagdinner kami ni Miles kanina tapos sinama n’ya ako dito.”
“Ano pong meron? Kayong dalawa lang?” usisa naman ni Carla
“He, mga intrigera,” saway ko.
“May kasama ka naman pala bakit tinawagan mo pa kami?” ani Bea
“Sabi nya uuwi na sya kanina kaso ayoko pa sana umuwi kaya tinawagan ko kayo tapos gusto rin n’ya palang sumama.”
Nasa likuran lang namin si Sir na parang gwardia.
“Hi sir,” bati ni Carla na sinabayan si Sir sa paglalakad.
“Kumain na ba kayong dalawa?” tanong ni Sir Eri
“Yes sir kumain na po.”
Nakipagkwentuhan pa si Carla kay Sir at mabait naman itong sumasagot. Si Bea ay panay usisa kung bakit kami magkasama ni Sir Eri.
“Niyaya niya akong magdinner at pumayag naman ako. Ganun lang.”
“Di na talaga nagpapakipot ha.”
“Sira, friendly date lang or not even friends nga e. Basta nagkataon lang. Echusera ka.”
“Miles samahan mo akong bumili ng snacks nina Bea at Carla.”
“Ok po.”
“Intayin namin kayo sa upuan,” sabi ni Carla
Pinagbuksan niya ako ng pinto papasok sa isang convenient store. Bumili lang kami ng kape at ilang snacks para sa dalawa.
“Dito lang tayo bibili?” tanong ni Sir
“Ok na po ito. Hwag na dun sa kabila sir, mas mapapamahal pa tayo. Masarap din naman ang kape at mas marami pa tayong snacks na mabibili.”
“Whatever you say boss.”
“Boss ka dyan,” natawang sabi ko na kinilig pa.
Hay ngumiti nanaman siya at muntik na akong matunaw.
“Ano ‘yan?”
Ako na ang magbabayad? Ako naman po ang nag-invite doon sa dalawa.”
“Uuwi na ako kapag ikaw ang nagbayad. Kelan ba kita pinagbayad?”
“Hindi pwede ngayon?”
“Hindi pwede kahit kailan.”
“Grabe ka. Basta next time ako naman.”
“Walang next time, asa ka,” pang -iinis nyang muli.
“Ok lang nandyan naman si Tristan,” sabay labas ko ng store at pagkakuha ng mga snacks.
Dala naman niya ang mga kapeng binili namin. Habang naglalakad ay humirit pa sya.
“Baka sisantihin ko na si Tristan.”
“Sir, hwag ganon. Ang sama mo.”
“Subukan mo ulit makipagdate sa iba.”
“Bakit hindi pwede?”
“Basta hindi pwede. Baka maapektuhan ang trabaho mo.”
Hay, ewan ko sa ‘yo,” saad ko sa aking sarili.
Pagdating sa mesa
“Bagay kayo ni Miles, Sir,” malisyosang biro ni Carla.
“Inumin mo tong kape habang mainit ng mapaso ang matabil mong dila,” naiinis na sabi ko.
Natatawa lang si Sir Eri at nakaramdam naman ako ng hiya.
“She’s not my type.”
“Grabe naman sir,” sabi ni Bea.
“Ang sakit magsalita ha. Feeling mo ba type kita?” naiinis na sabi ko.
“Yeah, I think so.”
“Parang gusto kong manapak kaso may pamilya akong dapat sustentuhan.”
“Sige go ahead. Punch me on my face.”
“Hwag na at baka pulutin ka sa kangkungan.”
“Where?”
“Ahh,” nasabi niya ng pisilin ko ang kanyang pisngi sa inis ko na sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na nakipagholding hands sa akin. Inipit pa ito sa kanyang braso saka hinalikan.
“Waahhh, ano ba yan?” kinikilig ang dalawa sa nakitang ginawa ni Sir.
“Hoy Sir maghunos dili ka nga,” sabay hampas ko sa kanyang braso.
“I wont let go until you stop saying words that I don’t understand.”
“Hindi na magsasalita. Bitiw na.”
Isang halik pa ulit sa kamay ko bago niya ito bitawan. Naghahagikgikan naman ang dalawa dahil sa ginagawa ni Sir Eri.
“Parang sira,” kunwari’y naiinis sa sabi ko.
Ilang minuto pa kaming tumambay sa park saka nagkayayaang umuwi na. Pinagtaxi na ni Sir ang dalawa at ihahatid n’ya na daw ako.
“Hwag na magtataxi na lang din ako. Para ‘di ka na maabala.”
“Are you sure?”
“Yes sir. Thank you at ingat ka.”
Kumaway ako ng taxi na maghahatid sa akin. Pasakay na ako at aabutin ang pinto nang pigilan niya ang kamay ko.
“Sorry, may nakalimutan pa kami,” sabi niya sa taxi driver
“Ha?” nagtatakang sabi ko.
Hinawakan niya ako sa kamay at saka naglakad papunta sa kanyang sasakyan.
“I can’t let you just ride a taxi going home. Ihahatid na kita at hwag ka nang kumontra.”
”Gusto ba ako ng lalaking ito o hindi? Baka naman pa-fall lang talaga sya,” Mga bagay na gumugulo sa aking isipan.
Pagkahatid sa akin sa tapat ng gate ay inintay nya pa akong makapasok sa loob ng bahay bago siya umalis.
Ilang araw na nasa loob lang ng opisina si Sir at puro paper works ang ginagawa. Di kami nagkikita at ‘di nagkakasalubong. Ako lang ang pasulyap-sulyap sa loob ng kanyang opisina. Nakita ko si Sandra na may dalang kape para kay Sir,
“Bakit di ko naisip yon? Ang slow ko.”
Napansin kong matagal nang nasa loob si Sandra at hindi pa lumalabas. Nakangiti si Girl at parang nae-excite. Paglabas nito,
“Hay, ang ganda ko talaga. Ininvite ako ni Sir na maging ka-date niya sa isang party. So exciting.”
Umikot naman ang mga mata ko at umismid lang.
“Ikaw na ang pang-party at ako ang pang-site visit lang,” saad ko sa aking sarili at sa pagkadismaya ko ay tumungo muna ako sa table at pumikit.
“Are you sick, Miles?” taong ni Sir paglabas niya ng office niya.
“Sick and tired of you este konti sakit ng ulo lang po sir.”
“I have to attend a party and I need two more persons to come. Troy and pick a partner. Bea or Carla?”
“Si Miles na lang po sir.”
“No she can’t come.”
“Si Bea po sir.”
“Alright, that’s tomorrow night. Ready your formal wear.”
“Bakit di ako pwedeng isama? Kainis talaga ‘tong Henry na ‘to.”
Uwian na at problema ni Bea ang isusuot sa party kinabukasan.
“Try mo yung sa ate ko kung kasya sa’yo,” alok ko.
Kaming tatlo ay nagdiretso sa aking bahay para isukat ni Bea ang mga dress ng ate ko at napili niya ang isang balck long gown. Pumili rin siya ng sandals na susuotin para bukas.
“Hand bag baka meron din si ate,” saad ni Bea.
“Teka meron din yata dito sa drawer.”
“Lahat na hiram,” sabat ni Carla.
“All in na para ‘di na ako maghahanap sa iba.”
“Make up baka gusto mo rin?” alok ko.
“Hwag na meron na ako n’yan.”
“Mabuti naman,” saad ni Carla.
“Bitter ka ba? Ay, oo crush nga pala nito si Troy.”
Nagtawanan kaming dalawa ni Bea at si Carla naman ay nakasimangot.
“Ikaw na lang kaya ang pumunta?” sabi ni Bea
“Ako ba ang pinili?”
“Sasabihin ko hindi ako pwede.”
“Hwag na lang. Baka isipin n’ya pa gusto ko s’ya.”
“Ang arte! Sige na ikaw na lang,” muling sabi ni Bea.
“There will be a right time for us.”
Muli kaming nagngisian ni Bea dahil sa mga hugot ni Carla.
Bandang hapon kinabukasan ay nagbibihis na sa opisina ang mga-aatend sa isang business party at selos na selos ako kay Sandra dahil sya ang pinili at ang nagwagi.
Lalo na ng makita ko kung gaano kagwapo si Sir Eri sa kanyang black suit habang inaayos ni Sandra ang tie nito. Nang lumabas sila sa office ni Sir ay naghiyawan pa ang mga kasamahan ko.
“Bagay kayong dalawa, Sir,” sabat ng isa,
Nakatutok lang ako sa harap ng aking computer at ‘di sila tinitingnan. ‘Di ko na namamalayan na kung anu-ano nang nagagawa ko sa aking pagdedesign. Tuluyan na silang umalis at pumunta na sa party.
“Miles, uuwi ako ng maaga. Ang sakit ng puson ko?” saad ni Carla
“Puson o puso? Pareho lang tayo hwag kang mag-alala kaya mamaya ka na umuwi.”
“Sira. Puson talaga. ‘Di ko na kaya at gusto ko nang mahiga na lang muna.”
“Di ka naman aagawan ni Bea kaya kalma ka lang.”
“Ewan. Tumawag na ako kay Papa at susunduin na daw ako.”
“Sige, pagaling ka. Hwag mong pagselosan si Bea.”
“Ga**.”
Uwian na at nagkasabay kami ni Tristan palabas ng opisina.
Uwi ka na?” tanong niya
“Oo, ikaw?”
“Sabay ka?”
“Hindi na. Maaabala pa kita.”
“Ok lang. Mabuti na ba ang pakiramdam mo.”
“Oo naman. Ang tagal na nun.”
“Kain tayo?” anyaya niya
“Saan?”
“Streetfoods. Kumakain ka?”
“Sure. Tara.”
May isang street na malapit sa opisina na maraming nagtitinda ng mga streetfoods. Masayang kausap si Tristan at di mapili sa pagkain. Gwapo sya, matangkad at boy next door type. Clean cut at laging naka gel ang buhok. Mukhang mabango at neat sa pananamit.
Alas sais ng matapos kaming kumain nang tumawag si Bea.
“Anong balita dyan?” tanong ko
“Grabe sakit ng paa ko. Di ko na kayang lumakad pa.”
“Anong nangyari?”
“Di naman ako sanay mag-stilleto tapos natapilok pa ako sa huling baitang ng hagdan.”
“Nasaan ka na?
“Pabalik sa office at si Carla ang pinapapunta ni Sir. Nandyan pa ba kayo sa office?”
“Umuwi na kanina pa si Carla. Masakit ang puso at selos na selos sa’yo.”
“Ha? Baliw ka. Ikaw na lang kaya?
“Ayaw nga ni Sir ‘di ba. Bea or Carla lang ang sinabi.”
“Tatawagan ko si Sir at sasabihin na wala si Carla.”
“Bakit?” usisa ni Tristan.
“Natapilok si Bea at nagka-sprain yata. Pabalik pa daw sya sa office.”
Tumawag si Sir Eri sa aking phone.
“Miles, where are you? Get ready and ipapasundo kita ng 7pm.”
“Nasa labas pa po ako Sir with Tristan.”
“Why?” tanong niya
“Kumain lang po.”
“Umuwi ka na agad at magbihis. Ipapasundo kita.”
“Ok po. Nasabi na rin ni Bea.”
“Pinapapunta ka sa party?” tanong ni Tristan
“Oo.”
“Tara na hatid na kita.”
“Uuwi pa ako at magbibihis.”
“Hahatid nga kita sa bahay n’yo.”
Agad kaming sumakay sa kotse ni Tristan at hinatid niya ako sa aking bahay. Mini dress ang isinuot ko at strappy sandals. Nagmake up at inayos ang buhok
“Wow,” tanging nasabi ni Tristan na may malaking ngiti sa kanyang labi.
“Ganda?”
“Pwede na rin. Ayos lang.”
Umirap lang ako sa kanya dahil sa sagot niya.
“Hatid na kita sa party.”
“Sige. Tatawagan ko lang si Sir na hwag na akong sunduin.”
Si Tristan na nga ang naghatid sa akin sa party sa isang kilala at mamahaling hotel.
“Tumingin ka sa kalye at hwag kang sumulyap ng sumulyap sa akin.”
“Hwag ka na kayang tumuloy?”
“Ha, sayang naman ‘tong porma ko.”
“Baka maraming lalaki ang makipagkilala sa ‘yo dun sa party.”
“Sira, mga matatanda na yun at mga professional.”
“Yung mga ganong lalaki nga ang nakakatakot. Alagaan mong sarili mo ha. Di kita mababantayan sa loob.”
“Opo, Itay kaya ko naman,” biro ko. “Subukan lang nila akong bastusin, may kalalagyan sila.”
“Sira ka. Basta mag-ingat ka,” bilin pa niya
Nasa parking na kami ng venue at nag-aalangan pa akong bumaba.
“Para bang aattend ako ng prom sa suot ko? Samahan mo ako sa may pinto.”
“Hindi na. Magmumukha lang akong alalay mo.”
“Naka slacks ka naman at polo. Ok lang yan.”
“Ikaw na lang,” tanggi niya
“Nahihiya akong pumasok. Tara na. Samahan mo na ako,” pamimilit ko
“Ihahatid lang kita at aalis na rin ako.”
Halata kay Tristan ang kaba at pagkadyahe. Mabuti at nakita namin si Troy na nasa labas lang din at nilapitan kami.
“Bro, ang ganda ng kasama mo ha,” biro pa nito.
“Gusto mo ng tadyak?” saad ko
“Kaso bayolente pala. Pasok na nga tayo, kailangan tayo doon ni Sir”
“Pwede kaya si Tristan?”
“Hindi na. Uuwi na ako. Enjoy na lang kayo.”
“Thank you ha.”
“May utang ka.”
“Oo na.”
Nakakapit ako sa braso ni Troy habang naglalakad. Nakita naming kumaway si Sir Eri na nakaupo sa may unahan kaya lumapit kami sa kanya para doon din maupo. Tumabi sa kanya si Troy at ako naman sa kabilang gilid ni Troy. Napansin ko ang ilang sulyap ni Sir Eri sa akin. Nagkukwentuhan naman kami at konting ngisian ni Troy. Si Sir naman ay kinakausap ding maigi ni Sandra na nakaupo sa kabilang gilid niya.
“Ano bang nangyari kay Bea?” usisa ko
“Sobrang taas kasi ng sandals niya tapos ang haba ng damit. Mabuti at ‘di napasubsob. Mabuti kanina at konti pa lang ang tao kaya walang nakakita kundi kami lang.”
“Kawawa naman pala.”
“Oo, sa tataas ng takong nun, malamang bali ang paa.”
“Tinulak mo siguro.”
“Hindi. Ang sama ko naman.”
Marami na ang mga nakapagpresent ng kanilang products at pinutol muna ang presentor para maghapunan na ang lahat. Foods were serve at the table like sa mga fine dinning. 5 course meal ang inihain sa amin na mukhang masasarap. Nang matapos ang dinner ay nag-ikot naman kami ni Troy sa mga booth ng mga suppliers. May mga freebies at sandamakmak na flyers.
May ibang contractors din ang nakipagkilala sa amin ni Troy sa party na iyon. Nangangawit na ang panga ko kakangiti sa kanila at ang braso ko kaka-shake hands na madalas pang ayaw agad bumitiw sa kamay ko.
“Iba ang ganda mo talaga ngayon. Daming aali-aligid.”
“May prom girl daw kasi na naligaw. Marami din lumalapit kay Sandra. Ang ganda sana kaso-.”
“Kaso ano?”
“Kaso pabida palagi.”
“Mas maganda ka dun.”
“Nangbola ka pa. Balik na tayo doon kina Sir at baka masita nanaman ako.”
“Stay here and don’t go anywhere,” sabi ni Sir sa amin ni Troy paglapit namin sa pwesto nila ni Sandra.
May mga kausap ding prospect clients si Sir at pinapakilala kami na kanyang team.
“You have beautiful ladies on your team,” nakangiting sabi ng isang client.
“Yes sir, not just beautiful but they are also good as designers.”
Sumasakit na ang binti ko kakalakad namin habang kausap ang iba’t-ibang kalaseng tao sa party. Napaupo lang ulit kami ng maglabas na ng mga drinks ang mga waiter kasama namin ang ibang kakilala ni Sir na nandoon din sa party.
Habang nag-iinuman ay may mga sumasayaw sa floor.
“Sayaw tayo,” anyaya ni Troy.
Mabuti pa magsayawan tayong lahat sabi ng isang big time client. Napatayo kaming lahat at pumuwesto na rin sa dance floor maliban kay Sir na ayaw magpakantyaw. Magkapartner kami ni Troy at di na kami nahihiya sa isa’t-isa. Niyayayang pilit naman ni Sandra si Sir pero ayaw talaga nito. Kapareha niya tuloy ang isang may edad nang contractor sa pagsasayaw.
Paupo na kami dahil pang sweet dance na ang tugtog nang tumayo si Sir at hinawakan ako sa braso saka dinala ako sa dance floor para magsayaw. Nakahawak ako sa balikat niya at hawak naman niya ang bewang ko.
“Bakit ‘di si Sandra ang isayaw niyo sir?”
“Kasi kasayaw na siya ng iba. Hwag mong isipin na nagagandahan ako sa ‘yo kaya isinasayaw kita.”
“Paupuin mo na ako. Di naman pala ako maganda,” aktong iiwan ko na sya pero lalo siyang kumapit sa bewang ko.
“Dito ka lang. I’m saving you. Gusto mo bang makipagsayaw sa mga kasama natin sa table?”
“Ok lang at least sila nagagandahan sa akin. ‘Di katulad mong antipatiko.”
”Sumosobra ka na sa mga sinasabi mo sa akin ha.”
“Mas sobra ka kaya sir.”
“Sir, ako naman ang isayaw mo,” hinawi ako ni Sandra para maisayaw s’ya ni Sir.
Naupo na ako at nagtanggal ng aking sandals.
“Kaya pa?” tanong ng isang supplier.
“Pagod na sir. Ang sakit na sa paa.”