“Hi,” mahinang bati niya na may pag-aalangan. Hindi agad ako sumagot at nagpatuloy sa aking pagguhit sa aking sketch pad. “Kamusta,” muli siyang nagsalita. Parang may humaplos sa pagkatao ko sa pagkakarinig muli ng boses niya. “Sa main branch ka na lang magpunta. Doon ka magpasukat ng suit mo,” masungit na sagot ko sa kanya habang nakayuko pa rin sa aking ginagawa. “Hindi ba pwedeng dito na lang ako magpasukat?” “Walang magsusukat dito. Doon ka dapat pumunta,” pagtataboy ko sa kanya para malaman niya na hindi ko sya gustong makita. “Ikaw?” “Busy ako,” mabilis na pagtanggi ko na tinitigan siya sa kanyang mga mata “Pinursue mo pala ang passion mo. Nice to see you again,” nararamdaman kong gusto niyang kunin ang atensyon ko at pansinin ko sya. “Sige na umalis ka na. Ayokong makita