Unti-unti na akong nakakalimot at nakaka-move on lalo na nang kuhanin akong assistant ni Mama Ramon. Taga-lagay ng beads ang una kong ginagawa na sobrang nakakapagod at masakit sa mga daliri pero tiniis ko at nagtyaga ako sa bagong career na pinili ko. Mas masaya ako dito kesa sa construction firm. Mas malaya kong naiguguhit ang mga gusto ko at di ang gusto ng iba. “Ang tagal pala maglagay nito. Ilang araw na natin itong ginagawa pero parang di natatapos,” reklamo ko sa mga bago kong kasamahan. “Kokonti pa nga ito. Minsan inaabot kami ng isang buwan sa paglalagay ng beads,” sabi pa ng isang assistant ni Mama. “Grabe. Kaya siguro napakamahal ng mga gown,” bulat na sabi ko sa sinabi niya. Kapag nakakatapos kami ng isang mamahaling gown o kaya ay mabilis kaming natatapos ay may pa dinner