Ilang araw muli ang lumipas. Tahimik lang ang buhay ko sa loob ng shop at walang nangungulit. “Miles, may ipadadala ako d’yan na suit for fitting via Mbc courier. D’yan isusukat ni client,” saad ni Mama over the phone. “Ano pong name ng client.” “Henry Gabriel. Request n’ya na dyan isukat at mas malapit daw s’ya d’yan sa branch.” “Oh no, Ma. Why?” “Customer is always right. Yun ang request at sumusunod lang ako.” “Mama naman eh, ang rupok mo.” “Ah basta. Wala ka Nang magagawa.” “Ano pa nga bang magagawa ko?” malamyang sagot ko. Hapon na ng dumating ang suit para kay Henry at pasara na ako ng shop. “Di naman pala pupunta yung lalaking yun ngayon,” saad ko na naiirita dahil sa pag-iintay ko sa kanya. Pero umagang-umaga kinabukasan at pabukas palang ako ng shop ay nakita ko na si