Napatalikod ako nang namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Bigla akong naawa sa aking sarili at lalo kong naramdaman na wala akong kwenta. Lumabas ako sa shop ng di niya ako nakikita. I texted and told him that I was so angry but there’s no reply from him at nang tawagan ko ang number niya ay out of reach na ito. Niretain ko lang ang number ko incase na gusto niyang magpaliwanag at sabihin sa akin ang totoo. Gustong -gusto kong marinig pa rin ang side niya at ang explanation niya kung bakit niya ako iniwan at agad ipinagpalit sa iba. Araw-araw akong naghihintay ng paliwanag ngunit hindi ito nangyari. I was scammed by his love and his sweetness. Hindi pala totoo ang lahat at unti-unti ko nang narerealize iyon. “Ginamit lang ba niya ako, pinaglaruan at pagkatapos ay bigla na lang iiw