First date CHIARA ELENA “Saan ba tayo pupunta?!” sigaw ko kay Kaiden na nagpatuloy sa paghila sa akin. Nagpabigat na nga ako pero tila balewala lang sa kanya ‘yon at nagpatuloy sa ginagawang paghila sa akin. “Kaiden Casimiro!” sigaw ko dahil mukhang hindi niya ako naririnig. “Sssh,” pagharap sa akin ni Kaiden at inilagay pa ang hintuturo niya na tila pinapatahimik ako at inginuso ang dagat. Mula sa pwesto namin ay dinig ko ang pag-iingay nila Cherry at Ate Gina. “Gusto mo bang mahuli nila tayo?” tila pananakot niya sa isang bata at hindi ko alam kung bakit napatahimik niya ako sa pagsabi no’n. Ano naman kung mahuli kami? Sasabihin ko lang na hinila niya ako–hindi pwede siyempre. Napagod na ako kakahila sa kamay ko kaya hinayaan ko na lang din siya kung saan niya ako balak da