Mali CHIARA ELENA Wala akong ideya sa paghalik, tanging sa mga nobelang mabibilang sa daliri ko lang nabasa o mga palabas ko ito nakikita. Hindi ko rin naman inisip kung kailan ko mararanasan ang paghalik dahil wala pa nga sa isip ko ang pakikipagrelasyon. Kaya nang matikman ko ang unang halik mula kay Kaiden, una’y gulat at sumunod ang inis ko dahil ninakaw niya sa akin ang bagay na ‘yon. Isang bagay na balak kong ibigay sa magiging una kong nobyo. Napunta ang kamay ko sa dibdib niya para itulak siya pero nang kagatin niya ang ibabang labi ko at sipsipin iyon ay nakuyumos ko ang damit niya. Alam kong mali. Alam kong hindi dapat. Hindi ako pwedeng magpaagos sa alon na ‘to. Malulunod ako. Pero natagpuan ko ang sariling naipikit ko ang mga mata at kahit wala akong kaide-ideya sa pag