831224 CHIARA ELENA “Handa ka na ba sa pagpasok mo bukas, anak?” Mula sa pag-aayos ng gamit ko ay napatingin ako kay Nanay na pumasok ng silid ko. “Handa na po, nay. Alas-diyes pa ho ang klase ko pero mga alas-nueve ay papasok na po ako dahil hindi ko pa kabisado iyong mga room ko.” Hapon na nang makauwi kami mula sa isla at agad akong nakatulog. Nagising ako pasado alas-nueve at tahimik na ang buong mansyon kaya inakala kong tulog na din si Nanay. “Ba’t hindi pa kayo natutulog, nay? Maaga din ang alis n’yo bukas hindi ho ba?” Pasukan na din bukas ni Theo at maaga ang pasok niya. Alas-sais nang umaga tapos ay alas-onse na ang magiging uwi niya. Gusto ni nanay na siya ang unang maghatid kay Theo sa school nito. “Eh sumilip kasi ako at naisip kong hindi ka pa nakakain kanina. Gisin