Simula
SIMULA
“Ahhhhh! More, Kaiden, more!” ungol ni Blythe kaya mas pinag-igi ko ang paglalaro sa hiyas niya.
“Oh my gosh! I-I’m c*****g, Kaiden!” tili niya at hindi nga nagtagal ay nilabasan na siya. Basang-basa ang mukha ko nang makaraos siya. Tuloy ay mas lalong tumigas ang p*********i ko at gustong-gusto nang kumawala kaya agad kong hinubad ang suot kong boxer at handa na siyang angkinin nang maagaw ng atensyon ko ang cellphone kong nag-ingay sa bedside table.
Hindi ko na sana papansinin iyon dahil mas mahalaga sa aking makaraos ako ngunit nang susubukan ko nang halikan si Blythe at pasukin ay na-distract ako sa patuloy na pag-iingay no’n.
“Goddamn it!” sigaw ko.
“Just turn it off!” inis naman na saad ni Blythe nang kunin ko ang cellphone ko.
“Saglit lang,” saad ko nang makitang si Angeline ang tumatawag. Must be an important call dahil nakailang missed call na siya.
Just make sure that this is an important call Angeline! I swear, iba-block na talaga kita kung walang kwenta na naman ang sasabihin mo gaya nang kung anong magandang kulay ng bag na bibilhin mo.
Sa isip-isip ko nang sagutin ko ang tawag niya.
“Anong meron–Angeline–ugh!”
Isinubo ni Blythe ang p*********i ko at agad kong nasabunutan ang buhok niya hindi para itulak siya kung hindi para mas galingan niya pa ang pagsubo sa akin.
“K-Kuya! You won’t believe what I’m going to tell you! That woman is here!” pag-iyak ni Angeline sa kabilang linya.
Sa pagkakataong ito ay hinila ko ang buhok ni Blythe para patigilin siya sa ginagawa dahil sa narinig na sinabi ng kapatid ko.
Tumayo ako at nakita ko ang galit na rumehistro sa kasintahan ko pero binalewala ko iyon at inintindi ang sinasabi ni Angeline sa kabilang linya.
“Sinong woman?” tanong ko kahit may ideya na sa tinutukoy niya.
“That Regina! The b*tch who left us!”
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. “Anong ginagawa niya diyan?”
“I d-don’t know! Pero may mga dala siyang gamit and she’s even with her stepdaughter–that Chiara! Dala-dala niya din ang bastardo niyang anak!”
“Anong ginawa ni daddy? Hindi niya ba pinaalis?”
“A-akala ko nga ayon ang gagawin niya! But no! She even asked our maids to prepare lunch for them! I really can’t believe this is happening! Nasisiraan na ba si daddy? Kailan ka ba uuwi?”
“Today.”
“Really? Please do, Kuya! Mababaliw na ako sa bahay na ‘to!”
Ibinaba ko ang cellphone at kinuha ang tuwalya para dumiretso sa banyo.
“What’s happening?” tanong ni Blythe matapos kong mabilis na maligo. “Aren’t we going to continue what we were doing, Kai?”
“No. Let’s do this kapag bumalik na ako,” sagot ko sa kanya. Kahit hindi nakaraos ay hindi nanakit ang puson ko at nanigas sa nakikita kong hubo’t hubad niya pa ding katawan.
Dahil ang utak ko ay nasa San Nicolas kung saan nagbabalik ang mga kinasusuklaman kong tao sa mundo.
“Kai naman! Saan ka pupunta? Kakatapos lang ng mga exams natin. You promised that we’re going to spend our summer in Cebu! Tapos magbo-bora tayo–”
“Babalik naman ako. Pero kailangan ko munang umuwi sa amin.”
“Sama mo na lang ako.”
Umiling ako. “Hindi na. Sige na, magbihis ka na. Didiretso na ako sa airport, I’ll just book a ride for us.”
Ngumuso siya. “Ba’t ba ayaw mo akong papuntahin sa inyo? Kainis ‘to! Anyway, hatid na lang kita sa airport–”
“Hindi na kailangan, ipapa-drop off na lang kita sa condo mo.”
“Argh! Nakakainis ka!”
Hinila ko siya at hinalikan sa labi. “Sorry, babawi ako.”
“Sabi mo ‘yan ah!” saad niya at muli akong hinalikan.
“I love you!”
Ngumiti lang ako at hindi siya sinagot bagkus ay mabilisan ko na lang muling hinalikan ang labi niya.
“Bilisan mong maligo,” saad ko.
I don’t want to say those three words right now. Wala ako sa mood na magsinungaling sa mga oras na 'to.
I didn't even feel anything after we kissed.
Love? I don’t do that, Blythe.
Wala akong maramdaman para sa kanya. Meron pala. Lust.
Maybe because I’m not really capable of loving someone.
How can I love someone if I didn’t experience getting one?
***
Ten years ago…Year 2***
KAIDEN
“Aba ang ganda ng ngiti natin pre ah!”
Mayabang kong ipinakita ang card ko kay Mark na siyang ibinigay sa amin kanina ng adviser namin.
“Naks pre, ang tataas ng grades natin ah. Tiyak kong ikaw na ang salutatorian niyan.”
“Hay nako, dapat nga si Kaiden na lang ang valedictorian, hindi iyang si Leon. Scholar lang naman ‘yan dito–”
Inalis ko ang braso ng kaklase naming si Jane na palagi na lang ay hilig na hilig lumingkis sa akin. “Jane enough, he’s really smart. He deserved the valedictorian title,” tinutukoy ko ang nangunguna naming kaklase na si Chiara Elena.
Umismid siya. “Matalino nga but he’s not like us. Hindi ba ang tatay niyan ay tauhan n’yo lang sa hacienda? Hindi pa nga siya mapapasok dito kung hindi dahil sa tulong ni Tita Regina. Kung hindi siya ginawang scholar dito sa St. Nicholas eh ‘di sana ikaw ang valedictorian.”
Natatawang nilingon ko siya. “Ba’t ba ikaw pa ‘tong inis na inis na hindi ako ang valedictorian, Jane? Akin nga ayos na ‘to, matutuwa na nito sila mommy kasi alam nila ginawa ko ang best ko.”
Napanguso siya at hindi nakapagsalita.
“Isa pa, hindi dapat nila-lang ang tauhan sa hacienda, Jane, mahirap ang trabaho nila kaya they deserve to be respected.”
“Ayan ayan, napaka-judgemental mo kasi, Jane. Oh eto judge bagay sa ‘yo,” pang-aasar ni Mark na inabutan ng judge na bubblegum si Jane na inis namang ibinato pabalik sa kanya.
“Diyan na nga kayo!”
Labasan na namin at excited akong umuwi para maibalita kina Mommy ang tungkol sa pagiging salutatorian ko. Hindi ako sigurado na matutuwa si Daddy sa pagiging salutatorian ko dahil alam kong ang nais niya talaga ay maging valedictorian ako pero masaya pa din ako dahil tiyak kong matutuwa naman si mommy. Makabawas man lang ang balitang ito sa palagi niyang pag-iyak dahil sa madalas nilang pag-aaway ni daddy.
Mabilis ang hakbang ko at hindi na ako napatigil pa nang masalubong ko ang batang lumiko sa pasilyo. Nagkabungguan kami at tumumba siya.
“Aray ko po!”
“Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?” saad ko sa bata na humagis pa ang salamin na suot sa mata. Dinampot ko iyon at napangiwi nang makitang nag-crack iyon.
“Hala, n-nasira na,” saad niya nang iabot ko sa kanya ang salamin niya.
Napabuntonghininga ako at pinakatitigan siya. Doon ko natantong kilala ko ang batang nasa harapan ko. Ang batang tila manika ang hitsura ay pamilyar na pamilyar sa akin. Tanda ko’y kinaiinisan siya ng kapatid kong si Angeline dahil siya ang naging muse sa classroom nila.
“Hindi ba ikaw iyong kapatid ni Leon at anak ni Mang Gregorio?” tukoy ko sa kaklase ko at ama nilang tauhan sa hacienda.
Sasagot pa lamang sana siya nang makumpirma ko ang sagot sa pagsulpot ng kaklase kong si Leon.
“Chacha, anong nangyari?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kapatid niya.
“Nasira ang salamin ko kuya,” sagot niya sa kausap at sinulyapan ako. “Binangga niya ako.”
“Hindi kita binangga, ikaw ang bumangga sa akin,” depensa ko naman.
“Cha naman kasi, bakit ka ba nandito sa floor namin? Dapat inantay mo na lang ako sa classroom mo.”
“Eh kasi ang tagal mo eh.”
“Wala pa namang limang minuto eh. Ikaw talaga,” pag-iling ni Leon at ginulo ang buhok ng kapatid niya.
“Mauna na kami Kaiden, pasensya ka na sa kapatid ko ah,” baling niya sa akin.
“Bakit ikaw nagpapasensya? Paano na salamin ko–”
“Kaya pa naman ‘yang i-glue. Tara, pasan ka na lang sa likod ko at baka madapa ka pa sa daan,” ani Leon na umuklo sa harap ng kapatid.
Bumungisngis ang bata. “Hindi naman ganoon kalabo ang mga mata ko Kuya! Nakikita pa nga kita eh pero hindi ako tatanggi sa pasan mo. Libre mo akong siomai kina ate marie ah!”
“Papasanin na nga kita, ililibre pa kita.”
“Sige na!”
“Oo na, oo na.”
“Sandali lang!” pigil ko sa pag-alis nilang dalawa.
“Ano ‘yon Kaiden?”
“Hindi ba maglalakad lang kayo? Sumabay na lang kayo sa akin at dumaan tayong bayan, ipapaayos ko ang salamin ng kapatid mo.”
“Huh? Hindi na–”
“Sige na, kasalanan ko namang humagis ang salamin ng kapatid mo kahit siya ang nakabangga sa akin.”
“Pero–”
“Huwag ka nang tumanggi pa. Halika na para hindi tayo gabihin.”
“Ay ang bait niya naman pala, Kuya,” dinig kong bulong ng nakababata niyang kapatid na umabot sa pandinig ko.
Hindi ko namalayang napangiti na ako. Pagbaba namin ay nakasimangot na si Angeline ang naabutan ko sa labas ng van.
“Ba’t ang tagal mo, Kuya?”
Hindi ko siya sinagot at binuksan ang van. “Pasok na kayo.”
“Wait Kuya, sasabay sila sa atin? Why?!” matinis ang boses na tanong ni Angeline.
“Pupunta kaming bayan, nasira ang salamin ng kapatid ni Leon dahil sa akin.”
“No! I don’t want them to go with us. They’re poor and dirty.”
“Uy hindi ako dirty ah! Naliligo ako.”
Pinigilan kong matawa sa sinabi ni Chiara at binalingan ang kapatid ko. “Tigilan mo ang pag-iinarte diyan, Angeline. Sasabay sila sa atin. Tapos. Kung ayaw mo mag-isa kang umuwi–”
“Argh! I hate you, Kuya! Isusumbong kita kay daddy!”
“Nagagalit ang kapatid mo, Kaiden, baka magalit sa amin si Sir Carlos–”
“Hindi ‘yan, sige na, pasok na kayo.”
Bago pa siya makatanggi muli ay pumasok na si Chiara sa loob ng van na ikinangiti ko.
“Huwag kang tumabi sa akin! Ang baho mo!”
“Grabe ka naman, Angeline. Hindi naman ako mabaho, kahit naman mahirap kami, nabibilan naman ako ni Tatay ng baby cologne,” ani Chiara na napababa ng van.
“Baby cologne, your face!”
“Angeline, enough.”
Tinabihan ko si Angeline at itinaas ang upuan para makadaan sila Leon patungo sa likod.
“Sorry about my sister. Ini-i-spoil kasi masyado ni daddy eh,” pagpapaumanhin ko kay Leon.
“Ayos lang, Kaiden. Salamat talaga pero hindi mo naman talaga kailangang gawin ‘to.”
Pagdating sa bayan ay hindi ko na pinababa ng van si Angeline dahil tiyak kong mag-iinarte lang naman siya sa pagawaan ng salamin.
“Hmmmm, sira na ang frame at crack na din ang lens eh. Kailangan na talagang palitan ‘to ng buo,” ani may-ari na nag-inspeksyon ng salamin ni Chiara.
“Magkano po ang aabutin?” tanong ni Leon.
“Na-check ko na mata ng kapatid mo, since hindi naman kataasan ang grado. Meron kami ditong mga nasa isang libo ang presyo.”
“Po? Isang libo?” gulat na saad ni Leon.
Kinuha ko ang wallet ko at inilabas ang isang libo na siyang sobra-sobra pa sa allowance ko ngayong linggo.
“Sige po, kukunin namin.”
“Naku Kaiden, ang mahal–”
“Ayos lang Leon, huwag mo nang isipin ‘to.”
“Pero napakamahal niyan, Kaiden. Alam ko na, e-ekstra ko sa palayan, para mabayaran kita pero baka matagalan pa ah–”
“Hindi na. Kasalanan ko naman kasi binangga kita hindi ba?” pagyuko ko sa kapatid niyang si Chiara na ngumuso at nag-iwas ng tingin sa akin.
Cute…
***
Papadilim na nang makarating kami sa mansyon dahil nag-meryenda na din kami. Hindi ko inakalang magugustuhan ko ang siomai na inilibre sa amin ni Leon. Kahit nga ang kapatid kong maldita ay nagustuhan iyon na una’y tinanggihan pa dahil baka sumakit daw ang tiyan niya pero naubos din naman ang binili sa kanya.
“Kapag nalaman nila daddy na kumain tayo no’n, lagot ka Kuya.”
“Lagot? Bakit? Pinilit ba kita, sarap na sarap ka pa nga diyan. Nag-dalawang gulaman ka pa.”
Umismid siya at natatawang binuksan ko ang pinto ng van at bumaba na.
“K-kahit si Angeline naman ibigay mo sa akin, Carlos! Nakikiusap ako, ‘wag mong ialis ang lahat ng anak ko sa akin!”
“Anong karapatan mong hilingin sa akin ang bagay na ‘yan gayong ikaw itong nagtaksil sa atin?”
Nagtaksil?
“Kuya, they’re fighting again,” naiiyak na saad ni Angeline nang maabutan namin sila mommy at daddy na nasa taas pero dinig na dinig ang awayan dito sa baba.
“Yaya!” sigaw ko sa katulong na nakatanghod sa pag-aaway ng magulang ko.
“Ano ‘yon, Kaiden?”
“Pakidala si Angeline sa kwarto niya, palitan n’yo na at ‘wag na munang palabasin.”
“I don’t want to go in my room!”
“Sige na, Angeline. Go in your room, now.”
Umiiyak na sinunod niya din ako at sumama sa katulong.
Kakapasok niya pa lang sa kwarto niya nang lumabas si Mommy sa kwarto nila ni daddy na umiiyak at may hila-hilang maleta.
“M-mommy…”
“Talagang aalis ka at ipagpapalit mo kami sa hampaslupang Gregorio na ‘yon, Regina!? Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, mamili ka! Kami o ang walangyang lalaki na ‘yon?!” sigaw ng ama ko na nagpatigil kay mommy sa pagbaba ng hagdan.
“H-hindi na kita kaya, Carlos! Hindi ko na kaya ang buhay ko dito! K-kung mananatili ako dito, alam ko ang gagawin mo kay Greg! P-poprotektahan ko siya! Mamamatay muna ako b-bago mo siya mapatay!”
“Daddy!” sigaw ko nang lapitan niya ang mommy at malakas niyang sampalin. Tinakbo ko si mommy na muntikan pang malaglag sa hagdan sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni daddy.
“Pagsisisihan mo ang desisyon mong ‘to, Regina! Hinding-hindi mo na kailanman makikita pa ang mga anak natin! Lumayas kayo dito sa San Nicolas, hindi ko dudungisan ang kamay ko para sa lalaki mo! Magsama kayong mga makasalanan!”
Sinulyapan ako ng ama ko. “Kaiden, go to your room!”
Umiling ako at napatingin sa ina kong umiiyak na napatingin sa akin.
“M-mommy, anong nangyayari? Are you leaving us?”
Humikbi siya. “Gusto mo bang sumama sa akin, K-Kaiden–”
“Nahihibang ka na! Anong buhay ang maibibigay mo sa mga anak ko? Lumayas ka na Regina! Sige at iwan mo kami. Damhin mo ang hirap sa pagkawala sa buhay na kinaaayawan mo! Layas!”
Umiiyak na bumaba ng hagdan si mommy nang halos itulak siya ng ama ko.
Natulos ako sa kinatatayuan ngunit nang mapalingon ako sa ina ko at makita kong malapit na siya sa pinto ay tinakbo ko ang hagdan at hinabol siya.
“Mommy! Don’t leave us!”
“Mommy ko!”
Napatingin ako sa taas nang marinig ang boses ni Angeline na tangkang tatakbo din pababa ngunit agad siyang nakuha ni daddy at mahigpit na kinarga.
“I-I’m sorry, Kaiden. A-alagaan mo ang kapatid mo. Hindi ko gustong gawin ‘to. Hindi ko gustong iwan kayo–”
“H-hindi mo naman pala gusto, then, stay! I’m begging you, mommy! Huwag mo kaming iwan ni Angeline!” umiiyak kong pakiusap sa kanya at niyakap siya mula sa likod nang mahigpit.
“Sana’y mapatawad mo ako, Kaiden. L-lagi mong iisipin na mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo.”
Nanghina ako nang isa-isang alisin ni mommy ang daliri ko sa bewang niya hanggang sa tuluyan ko na siyang mabitiwan.
“Mommy!” sigaw ko nang makalabas na siya ng mansyon. Muli ko pa siyang hinabol ngunit pinigilan na ako ng mga tauhan ni daddy.
Natigilan ako nang makita ang taong nasa labas ng mataas na gate namin. Kahit sa malayo ay kitang-kita ko kung paanong naghawak ang mga kamay ng tauhan ng ama ko na si Mang Gregorio at ang Mommy ko.
“Huwag mo na siyang habulin pa, Kaiden. Ipinagpalit na tayo ng mommy mo.”
Naikuyom ko ang kamao at hindi mapaniwalaan na kayang gawin ‘to sa amin ng ina ko.
Bakit, mommy? Bakit?