Boyfriend “Eh bakit hindi mo pa dito papuntahin ang kaibigan mo, hija?” tanong ni Tito Carlos nang marinig niya ang pagpapaalam ko kay Nanay para puntahan si Jojo sa chapel nang mag-text na ang huli na naroroon na siya. “A-ah hindi na po, Tito. Nakakahiya na po sa inyo at isa pa ho’y saglit lang naman po si Jojo. May ibibigay lang daw po siya sa akin at uuwi na din agad.” “Ganoon ba? Sige, kung doon ka komportable pero ‘wag kang mahihiyang mag-imbita ng mga kaibigan mo dito. Malawak naman ang mansyon at hindi sila makakasikip kung sakali,” ani Tito Carlos at sinulyapan si nanay. “Regina, nakapili ka na ba ng isusuot sa party sa La Ciudad? Sa makalawa na iyon.” “Ah hindi pa nga, may mga gamit pa pala ako sa bodega sabi ni nanay Pasing na hindi mo pala ipinatapon, doon na lang ako pipili