Unang Halik “Cha, gising na, kakain na tayo.” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni nanay na ginigising ako. “Hindi pa sana kita gigisingin pero mag-aalmusal na. Anong meron at late ka na nagising ngayon?” “P-po?” Napailing siya. “Mukhang inaantok ka pa. Sige na’t mag-ayos ka na’t sumunod ka na sa baba. Bilisan mo na at hindi gusto ni Tito Carlos mo ang hindi nagsasabay-sabay sa pagkain.” Tumango ako at napayuko. “Oho nay.” Habang inaayos ko ang pinaghigaan ko ay makailang beses akong napapatingin sa repleksyon ko sa salamin. Paanong hindi ako late magigising kung halos wala pang dalawang oras ang naging tulog ko nang bumalik ako sa pagtulog dahil sa… Wala sa loob na napahawak ako sa labi ko at mariing napapikit bago tinungo ang banyo. Napatitig ako sa salamin nan