Jojo II KAIDEN “They’re so nakakainis! I swear! Kung hindi lang nangako si daddy ng birkin sa akin. I’ll do everything I can para mapalayas sila sa bahay. But for now, I’ll behave till I get that bag. I mean, ang tagal-tagal ko nang inuungot iyon kay daddy! Akala ko nga ayon ang magiging gift niya sa akin during my debut–” “He gave you a car, Angeline. A car that is worth millions.” Umismid siya at napailing ako nang maarte niyang nilabas ang salamin mula sa bag niya at naglagay na naman ng kung ano sa mukha niya. A makeup that I don’t really understand why she puts on too much. “Still, birkin pa din ang gusto ko. I don’t even like driving.” Nang minsang iniungot niya sa akin iyon ay tiningnan ko ang presyo no’n pero nang makita ko pa lang ang presyo ay nasabi ko nang napaka-imprakt