Indenial CHIARA ELENA “Salamat po,” saad ko sa registrar matapos kong makuha ang form na nalagyan niya na ng stamp na enrolled na ako kasama na rin no’n ang magiging schedule ko sa pasukan. Natigil ako sa paglalagay no’n sa envelope nang makita sa gilid ng mga mata ko ang taong sumulpot sa tabi ko. “Matagal ka pa ba?” may sarkasmo sa boses niyang tanong sa akin. Malalim akong bumuntonghininga at umalis na sa kinatatayuan hindi pa man natatapos sa ginagawa at inismiran siya’t iniwanan. Ewan ko ba. Inis na inis ako sa kanya ngayon. Parang biglang naglaho sa isipan ko ang mga mabubuting nagawa niya para sa akin. Siya naman kasi ang nag-umpisa. Ano man ang kinuwento ni Angeline sa kanya, ginawa niya na ‘yong basehan sa pagmamaldito sa akin mula kanina pa. Ni hindi niya man lang ako b