Pinaglalaruan CHIARA ELENA Napapailing kong pinagmasdan si Kaiden na nag-iikot sa fast food at naghahanap ng mauupuan. Dahil tanghali na’y puno na ang mga lamesa. Kita ko pa ang pagsimangot niya nang muntikan na naman siyang mabangga ng mga bata na nagtatakbuhan. Hindi ko talaga maintindihan kung anong meron at nandito siya sa fastfood na kinakainan namin. Sinusundan niya ba kami? Naipilig ko ang ulo sa naisip. Bakit niya naman gagawin ‘yon? “Kuya Kaiden!” tawag ni Theo sa kanya na ikinagulat ko. Akala ko’y abala ang kapatid ko sa mga laruan na binili ni Raze para sa kanya. Talagang kinompleto ni Raze ang happy meal na ibinebenta sa fast food anumang pagsaway ko sa kanya. Hindi naman daw para sa akin kung hindi para sa kaibigan niya. Oo, magkaibigan na daw sila ni Theo. “Sir