Hate CHIARA ELENA “May problema ba, Chiara?” tanong sa akin ni Cherry na karga-karga si Theo na tuwang-tuwa na sinama ko sa pag-alis. “Huh? Wala naman. Bakit?” “Eh kanina pa inaabot ‘tong sukli mo parang nasa ibang mundo ka at hindi mo naririnig.” Napakamot ako sa gilid ng noo ko at kinuha ang sukli ko na siya na pa lang kumuha nang hindi ko namamalayan. Maraming mga nagsibabaan na pasahero kaya inuupo niya muna si Theo sa tabi niya at muli akong sinulyapan. “War kayo ni Sir Kaiden?” “A-ah? Hindi ah!” pagtanggi ko pero napangiwi nang makita ang mahina niyang pagtawa. “Hindi raw eh para kayong mga naglalaro ng tagu-taguan sa bahay tapos parehas kayo ang taya kaya nag-iiwasan kayo. Anong meron?” “Wala talaga,” iwas kong sagot sa kanya at sumulyap na lang sa daan para hindi na niy