Pasasalamat
“Sinabi ko na sa ‘yo hindi ba? Huwag kang sasama doon kina Raquel! Anong meron at hindi ka nakikinig?” galit na sigaw sa akin ni Tatay habang minamaneho ang pick up.
Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi ko at hinawi ang mahaba kong buhok.
“T-tay naman! Disi-otso naman na ako bukas! Nasa kolehiyo na nga ho ako. Minsan lang po akong sumama sa mga kaibigan ko, palagi n’yo na lang akong hindi pinapayagan!” sigaw ko umiiyak dahil hanggang ngayon ay ramdam ko ang pagkapahiya sa ginawang pagsundo sa akin ni Tatay kanina sa fiesta na pinuntahan namin nila Raquel.
Buti sana kung sinundo niya lang ako. Sinigaw-sigawan niya pa ako sa harap ng mga kaibigan ko.
“At dahil disi-otso ka na, gagawin mo na ang lahat ng gusto mo ganoon ba?! Tutulad ka sa Kuya mo na nilayasan tayo at hindi na kailanman nagparamdam?!”
“Huwag n’yo nang idamay si Kuya dito! Ni wala nga kayong alam kung nasaan ang Kuya! Ayaw n’yo siyang hanapin!”
“Siya ‘tong lumayas! Magkusa siyang bumalik!” balik-sigaw ng ama ko sa akin. “Simula sa araw na ito, Chiara Elena, bahay at school ka lang! Naiintindihan mo?!”
“T-tatay naman!” pag-iyak ko ramdam na mas maghihigpit lalo sa akin ang ama ko.
“Chiara! Kumapit kang maigi anak!”
“Tay, b-bakit?” kinakabahan kong saad nang malingunan ang ama ko na natataranta.
“Walang preno!” sigaw ng ama ko.
Namilog ang mga mata ko sa naging sigaw ng ama ko.
Pagtingin ko sa unahan namin ay merong malaking truck na huminto at siyang mababangga namin.
“Tatay!” pag-iyak ko nang yakapin niya ako.
Ramdam ko ang matulis na bagay na pumasok sa katawan ko at ang nakakamatay na sakit na gumuhit sa akin. Nalasahan ko ang dugong lumalabas sa bibig ko. Namingi ako at naramdaman ko ang unti-unting pagdilim ng paningin ko.
Tumingala ako at nakita ang mukha ng ama ko na pilit pang ngumiti sa akin. Ang katawan niya’y nakaharang sa akin.
“M-mahal na mahal kita, a-anak…”
“Hey, wake up!”
Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang tingin ni Kaiden. Pagkataranta ang nakita ko sa mga mata niya bago’y walang anu-ano’y bumaba ng sasakyan at binuhat muli ako gaya nang alam kong ginawa niya kanina.
Nawawala-wala man ang kamalayan ko ay alam kong siya ang bumuhat sa akin mula sa kwarto at ngayon ay dinala ako sa hospital.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko, para akong nauupos na kandila magmula nang makaalis sila nanay. Mas grumabe iyon sa paglipas ng mga oras at hindi na umepekto ang ininom kong gamot.
“Kaanu-ano n’yo po ang pasyente?” dinig kong tanong kay Kaiden matapos na maihiga niya ako sa stretcher.
“I…I’m her…”
“Sir?”
“Can you just take care of her first bago kung anu-ano ang tinatanong n’yo sa akin? Mataas ang lagnat niya at kanina pa siya nawawalan-walan ng malay! Nasaan ba ang doktor n’yo?”
“Sir, sumusunod lang po kami sa protocol ng hospital. Eto po iyong form, pakisagutan po muna para matingnan na ang girlfriend n’yo.”
“She’s not my girlfriend!”
Iyon ang huli kong narinig kay Kaiden bago ako muling makatulog sa sobrang sama ng pakiramdam ko.
Nang magmulat ako ay nagisingan ko si nanay na hawak-hawak ang kamay ko.
“Huwag ka nang mag-alala, Regina. Nakausap ko na ang doktor. Wala na daw tayong dapat ipag-alala pa sa kondisyon ni Chiara. Bumaba na rin ang lagnat niya at kahit mamaya ay pwede na natin siyang ilabas.”
“Talaga bang wala na akong dapat ipag-alala, Carlos? Kagagaling lang sa operasyon ni Chiara. Natatakot lang akong baka mangyari na nga iyong sinabi ng doktor na matamaan ng infection si Chiara at–”
“Hindi. Walang ganoon na sinabi ang doktor. Bumaba na din naman nga agad ang gamot niya sa tinurok sa kanya.”
“N-nay,” tawag ko kay nanay na agad inalis ang tingin kay Tito Carlos at nagbaling sa akin.
“Chiara, anak…diyos ko, mabuti naman at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?”
Pilit akong ngumiti at hinaplos ang pisngi niya. “A-ayos na po. Pasensya na kung pinag-aalala ko na naman kayo.”
“Ikaw talagang bata ka! Dapat kanina mo pa sinabing masama ang pakiramdam mo para hindi na kami umalis. Ang hilig-hilig mong hindi magsabi!” panenermon ni nanay sa akin.
Komplikado man ang pinanggalingan ni Nanay bago siya napunta sa amin. Masama mang sabihin, masaya akong naging nanay ko siya. Na pinili niya ang tatay. Sa una’y may takot ako dahil palaging sinasabi nila lola na kapag nag-asawa na si tatay ay mapapabayaan na kami ni Kuya at higit pa roon ay may posibilidad na abusuhin kami at saktan pero hindi iyon nangyari.
Sa pagdating ni nanay Regina sa amin, ay natagpuan ko ang pagmamahal ng isang ina na hindi ko naranasan mula sa tunay kong ina.
“Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?”
“Mabuti-buti na ho, Tito Carlos.”
“Oh ayan Regina, nagsabi na si Chiara. Huwag ka nang mag-alala pa. Aasikasuhin ko lang ang mga babayaran para kapag naubos na ang swero niya’y pwede na tayong makauwi.”
“Salamat p-po,” saad ko inunahan na si nanay sa pagpapasalamat kay Tito Carlos.
“Walang anuman, hija.”
Hinabol ko ng tingin si Tito Carlos. “N-nay…”
“Ano ‘yon? May gusto ka ba?”
“Bakit n’yo iniwan si Tito Carlos at pinili ang tatay. Mukhang mabait naman ho siya.”
Natigilan ang nanay kapagdaka ay tumikhim at tiningala ang swero ko.
“Teka nga, tatawag akong nurse. Parang hindi ata natulo ang swero mo.”
Inilibot ko ang tingin sa emergency room na kinaroroonan ko at naalala si Kaiden. Napatingin ako sa jacket na suot-suot at natantong hindi akin iyon.
Muli kong inilibot ang tingin at napailing natantong walang rason para manatili si Kaiden dito sa hospital.
Inis na inis nga siya kanina nang mapagkamalan na boyfriend ko siya.
Ipinikit ko ang mga mata at sa isip-isip ko’y alam kong anuman ang nangyari sa amin kaninang umaga ay kailangan kong magpasalamat sa kanya para sa ginawa niyang pagtulong sa akin kanina.
***
KAIDEN
“Why are you not answering my calls?”
Hinilot ko ang gilid ng noo ko. “Blythe, hindi kita kausap ngayon kung hindi ko sinagot ang tawag mo.”
“After twenty missed calls?! Thank you at naisipan mo pa akong sagutin!”
“Did you call me for another argument, Blythe?” may pagod sa boses kong tanong sa kanya.
Dinig ko ang pagbuntonghininga niya sa kabilang linya at alam kong kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay nagkakandahaba na ang nguso niya.
“I-I’m sorry okay? Ikaw naman kasi eh! Kanina ka pa parang walang gana na kausap ako. May problema ka ba? T-tayo?”
I guess it’s time…
“Now that you ask me that…I have something to say–”
“I’ll change. I won’t nag you na. Hindi na din kita aawayin. Sige na, I’ll drop this call. I’ll just wait for your call.”
Napabuntonghininga ako nang maibaba ang tawag. She knew it.
Nang maibaba ko ang phone ay iiling-iling na pinalitan ko ang wallpaper ko na picture namin ni Blythe na palaging pinapakialaman pati phone ko.
I don’t want to hurt you Blythe…but I can never reciprocate what you feel for me.
I groaned nang bumukas ang pinto ko. Pinagsisihan kong hindi ko na-i-lock iyon. Kahit hindi ko pa tinitingnan ay alam ko na agad kung sino ang pumasok.
“What now, Angeline?”
Akala ko’y nakaligtas na ako sa kanya dahil ilang oras na simula nang nakauwi siya ay wala pa akong naririnig mula sa kanya ngunit mukhang nagkakamali ako.
Matapos kong masiguradong ayos na si Chiara ay agad akong umalis nang malamang malapit na sila daddy sa hospital. Ayaw kong makompronta ni Angeline na kasama nila o ang marinig ang pasasalamat ng babaeng ‘yon.
“I can’t sleep.”
“Drink some milk,” tugon ko at ibinagsak ang sarili sa kama.
“Wala na akong balak kausapin ka pa kanina Kuya, because I still hate you for what you did kaninang breakfast but I hate you more when I found out na ikaw ang nagdala pa sa babaeng ‘yon sa hospital! So, I’m here and venting out because hindi ako makakatulog hangga’t hindi ko ‘to nasasabi sa ‘yo. I hate you!” parang bata pa rin na saad niya at nakakrus ang braso sa dibdib na tumayo sa harap ko.
Napapikit ako nang batuhin niya pa ako ng unan sa mukha.
“Angeline, isa! Don’t make me mad, kanina pa ako naba-badtrip, I swear!”
Tumigil siya sa ginagawa at frustrated na sumigaw. “Why?! Why did you always help that girl, Kuya?! Why are you taking her side, too?! Nakalimutan mo na ba kung sino siya? She’s our enemy!” matinis ang boses na turan niya.
Another Blythe…
“I will never forget that. But what do you want me to do? Kinatok ako kanina ni nanay Pasing, walang maghahatid sa hospital maliban sa akin. Look, I hate her, okay? But it doesn’t mean I want her to die. Not in our house.”
Umismid siya. Napabuntonghininga ako at bumangon. Kahit naman naiinis ako sa ugali ng kapatid ko madalas ay naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya.
“Kakampi mo pa din ako.”
Ngumuso siya at tiningala ako. “Really?”
“Really,” sagot ko at ginulo ang buhok niya.
“Argh! Ang hilig mong guluhin ang hair ko. So, what about naman kanina sa dining? I’m right naman ah! What if nagsadya siyang magpahulog sa pool para i-save mo siya just like those cheesy films na probably napapanood niya. Did you kiss her?”
Natigilan ako sa naging tanong ni Angeline at naalala ang mamula-mulang labi ni Chiara.
Kiss her? Oh, how I–
F*ck!
“What the hell are you talking about? Walang ganoon na nangyari, Angeline. I did not kiss her. Besides, I was the reason why she fell into that pool. Hinila ko siya.”
Umawang ang labi niya kapagdaka ay tumawa. “OMG! You did that? Kaso sinagip mo din, dapat hindi na eh–joke! Now, I get it. You really don’t like her. Akala ko kasi nagaya ka na doon kay Raze! My gosh! Kung hindi lang siya anak-mayaman gaya natin at nasa circle ng mga friends ko, I’ll never talk to him ever again! Walang taste sa babae!”
“Who’s Raze?”
“Oh, Raze Valderama. Iyong family ng politicians sa Coron. Well, I saw him stalking Chiara's social media. Nakilala niya raw sa isang retreat, tinamaan at binalak manligaw kaso ni-reject. Can you believe that? Iyong poorita na ‘yon ni-reject ang isang Valderama. Sabagay, baka naisip niya na magkalayo ang agwat nila,” natatawang pagkwekwento ni Angeline at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama ko.
“Anyway, next time kapag may gagawin kang prank sa babaeng ‘yon. Isali mo naman ako, Kuya. Good night!” humahagikhik nang pag-iiwan niya sa akin.
Raze Valderama? Did she reject him because of that Jojo?
Oh why the hell I remember that name? Pake ko ba sa mga lalaki niya.
“T-tay! H-huwag n’yo akong iwan!”
Lalong bakit paulit-ulit sa isipan ko ang boses niyang ‘yon na umiiyak kanina sa sasakyan habang pinapanaginipan ang lalaking sumira sa pamilya namin?